《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 13

Advertisement

"Ano iyan?" tanong ni Marco. Agad namang napabalik sa ulirat si Carmela at agad itinago ang sulat sa bulsa ng kaniyang saya.

"Wala lang. Bakit hindi ka pa kumain? 'Wag mong sabihing ibig mo pang magpasubo." pang aasar nito saka ibinigay na sa kaniya ang kubyertos. Sinalinan din siya nito ng tubig sa baso.

Napansin ni Marco ang panginginig ng kamay ni Carmela na siyang kaniyang ikinabahala, "Mayroon bang masamang balita?" tanong nito ngunit ngumiti lamang naman ito sa kaniya tsaka umiling.

"Wala naman."

"Bakit--"

"Kumain na tayo, baka lumamig na 'tong adobo. Mas masarap kumain kapag mainit ang pagkain." Patuloy pa ni Carmela.

Napatingin na lamang naman si Marco kay Carmela na ngayon ay nakaupo sa katabing silya habang naghahanda ng sarili nitong makakain.

Hindi man magtapat sa kaniya si Carmela nababatid niyang may nais itong itago sa kaniya.

"Hindi mo ba ako susubuan?" biro niya dito. Napatingin naman ito sa kaniya bahagya pang napataas ang isa nitong kilay.

"Bakit naman? Hindi ka naman naparalisado o nagtamo ng pilay."

"Kung gayon maaari bang pilayin ko na lamang ang aking sarili?" Tawa pa nito na tila ba sayang-saya sa pang aasar. Hindi na napigilan ni Carmela ang sarili at agad na tumayo. Batid niyang gusto lamang siya nitong asarin.

"Hoy! tama ka na ha, pag ako hindi na nakapagtimpi baka hindi lang pilay gawin ko sa'yo." pagbabanta niya rito na mas lalo pa nitong ikinatuwa.

"Kung gayon, ano pa ang maaaring gawin ni Binibining Carmelita?" ngisi na saad nito. Sa sinabing iyon ni Marco ay may nagkukubling iba pang ibig sabihin na siyang pareho nilang naintindihan.

Agad na nailang si Carmela kung kaya't kinuha niya ang rebolber sa mesa na pagmamay-ari ni Marco.

"Ang patayin ka!" sagot niya rito sabay tutok ng baril na tila handa na siyang patamaan ito sa dibdib.

"S-sandali lamang Binibining Carmelita! Mayroon 'yang laman"

kinskabahang saad nito habang winawasiwas ang kamay sa ere. ang ibig sabihin nito ay ang bala, hinanda niya ito kung sakali man na may mang loob sa kaniya.

Agad namang nabitawan ni Carmela ang hawak niyang rebolber at ibinalik ito sa dating lalagyan. Wala naman talaga siyang balak na barilin ito, ang gusto niya lamang ay makaganti sa pang aasar.

"Wala naman talaga akong balak na barilin ka. Hindi ko gustong makulong at makasuhan ng murder noh" Bigla namang sumagi sa kaniyang isip si Juanito, hindi pa sila nito muling nagkikita. Nais niya pang masaksihan itong maging isang ganap na doktor at ang matupad ang pangarap na maikasal dito.

Hindi na natapos ni Marco ang kaniyang sasabihin nang makita niyang nakangiti si Carmela sa kawalan. Hindi niya batid kung ano o sino ba ang nagpapangiti sa kaniya sa oras na iyon. Ngunit palihim niyang hinihiling na sana siya ang dahilan nito kahit ngayon lamang.

Nang makatapos na sila ay agad nang nilinis ni Carmela ang mga kalat ng kanilang pinagkainan ngunit agad din siyang napatigil nang magsalita si Marco.

"Kung maaari ay ipamahagi mo na lang sa mga kalyeng pusa ang mga pagkaing hindi naubos. Kayrami ng mga pusang pagala-gala dito sa labas ng pagamutan."

Agad namang napangiti si Carmela sa sinabi ni Marco. "Mahilig pala sa pusa ang Heneral"

"Hindi. hindi lamang ako makatulog dahil sa ingay na dinudulot nila." pagtanggi pa nito.

"Ngunit noon ay may alaga akong pusa. Iyon nga lamang ay namatay ito dahil sa sakit."

"Hindi ka na nag alaga pa?" usisa pa ni Carmela. Umiling lamang naman ito bilang sagot.

"Ano ang ngalan ng iyong alagang pusa noon?"

"Carolina"

"Itim ang kulay ng aking pusa kung kaya't ayaw siyang tanggapin"

Advertisement

"Siya ay tinuturing nilang malas" patuloy pa nito. Bakas sa mukha ni Marco ang lungkot habang sinasariwa sa kaniyang isip kung paano siya hamakin ng mga tao dahil sa pagaalaga ng itim na pusa.

"Ngunit minahal mo parin siya kahit malas ang tingin sa kaniya ng lahat" nakangiting saad ni Carmela.

"Malas man ang tingin sa kaniya ng lahat ngunit nakikita ko siya bilang isang anghel"

"Akin naaalala ang aking nakababatang kapatid na babae sa kaniya." patuloy pa nito.

"May kapatid kang babae?" tanong ni Carmela tsaka naupo sa dulo ng kama.

"Oo. At sa katunayan, wala naman talaga akong hilig sa mga hayop, ngunit kapag ito'y galing sa aking nakakabatang kapatid, hindi ko magawang tumanggi. "

"Nasaan na siya ngayon?" Napahinga naman nang malalim si Marco bago sumagot sa tanong ni Carmela.

"Masaya na siyang namamahinga sa paraiso... Sa kaniyang totoong tahanan." bakas sa mukha nito ang lungkot at pangungulila sa kapatid niyang babae nang sambitin niya iyon.

"Kung gayon ikaw na lamang ang natitira?"

Naputol ang kanilang pag uusap nang may tatlong guardia civil ang pumasok sa silid. Agad ang mga itong nagbigay galang sa kanilang dalawa.

"Nos envía aquí el coronel benedicto." (We are sent here by Colonel Bendicto) saad ng pinakamatangkad sa tatlo. Makikita sa tindig nito na mataas din ang kaniyang posisyon.

"Queremos asegurarnos de que estés a salvo." (We want to make sure that you're safe)

"Y tenemos algo que decirte" (And we have something to tell you) patuloy pa nito. Bakas sa mukha ng tatlo ang pagkasabik na masabi sa kanilang Heneral ang dala nilang balita.

"Avanzar." (Go ahead) kalmadong tugon ni Marco habang pinapaikot sa kaniyang kamay ang isang pluma.

Pasimpleng napatingin kay Carmela ang isa sa guardia, naintindihan agad naman ni Marco kung anong ibig sabihin nito.

"Binibining Carmelita, kung iyong mararapatin maaari bang maiwan mo muna kami?" nakangiti si Marco nang itanong niya ito upang hindi masamain ng dalaga ang kaniyang sinabi.

"Mag pahinga ka narin. Hindi ko ibig na mapagod ka nang dahil sa akin. Hindi mo narin ako kailangang samahan pa, kaya ko na ang aking sarili."

"Okay--sige." tanging saad ni Carmela tsaka ngumiti. Naglalakad na siya patungo sa pintuan nang muling nag salita si Marco, "Ipahahatid na kita. Hindi ligtas---" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil muling nagsalita si Carmela.

"Hindi yan, kayang kaya ko ang aking sarili. Tsaka ito pa oh" tsaka pinakita ang bayong na may tirang pagkain.

Nang makaalis na si Carmela ay agad sinenyasan ni Marco ang guardia na sabihin na ang dala nilang balita.

Agad namang lumapit kay Marco ang isang guardia civil at ibinulong ang pagkakakilanlan ng taong tinutukoy nila.

Agad naman niyang nabitawan ang hawak niyang pluma na kanina ay pinaglalaruan niya lamang kasabay nito ang bahagyang pagputla ng kaniyang mukha habang hindi parin makapaniwala sa narinig.

"No le cuentes a nadie esta información" (Don't tell anyone about this information)

"Mierda" (shit) inis na bulong ni Marco tsaka napabuntong hininga.

lamang ang paligid dahil oras na ng siesta. Napagpasiyahan ni Carmela na manatili muna sa lawa ng luha upang mapagpahinga ang kaniyang isip.

Agad namang sumilay ang kaniyang ngiti habang hawak ang sobre na naglalaman ng sulat. Paulit-ulit niyang binabasa ang nakasulat na pangalan dito.

"Juanito Alfonso"

"Kay tagal ko naring hindi nasisilayan ang iyong maamong mukha. Namimiss na kita, baka naman ginugutom mo ang sarili mo riyan sa Espanya." saad niya sa kaniyang sarili habang hinihiling na sana'y naririnig ni Juanito ang laman ng kaniyang isip.

Agad naman siyang napasigaw nang maalala ang isa sa huling tagpo nilang dalawa. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang pangalan lamang ni Juanito ang kaya niyang basahin sa takot na baka isinama ng binata ang tagpung iyon sa sulat.

Advertisement

"Ikaw naman kasi Juanito masiyado kang mapusok" inis na saad ni Carmela habang pinapakalma ang kaniyang sarili.

Muli naman siyang sumilay sa hawak niyang sobre. Batid niyang hindi mapapalagay ang kaniyang loob hangga't hindi niya nalalaman ang nakasulat rito kung kaya't napagpasiyahan niya na basahin na ito. Handa siyang harapin kung ano man ang nilalaman ng liham.

Ngunit bubuksan niya palang ang sobre ay agad siyang napatigil nang marinig si Teresita na ngayon ay tumatakbo palapit sa kaniya kasama nito ang isa pa nilang kasambahay na si Bella.

"Binibining Carmelita!" bakas sa mukha nito ang takot dahilan upang balutin siya ng kaba.

"Mayroon bang problema?" agad na tanong ni Carmela sa hapong-hapo na dalagita.

"Manganganak na po ata si Ate Maria!"

"Mabuti na lamang po ay agad siyang naidala ni Kuya Eduardo sa pagamutan" patuloy naman ni Bella.

"Alam na ba ni Ama?" agad namang nagkatinginan si Teresita at Bella sa tanong ni Carmela at napayuko.

"Sa katunayan po binibini, hindi po namin batid kung saan nag tungo si Don Alejandro. Maging si Ate Maria po ay labis na nababahala sapagkat wala po siyang inihabilin sa amin bago siya lumisan."

Napakagat na lamang si Carmela sa kaniyang ibabang labi "Hindi dapat tayo nababahala kay Ama, marahil ay nakalimutan lamang nitong mag paalam bago lumisan." pagpapakalma niya na siya namang sinang ayunan nila Teresita.

"Ang dapat nating isipin ngayon ay si Ate Maria. Kailangan na nating magtungo sa pagamutan."

Saad ni Carmela tsaka naglakad patungo sa kalesa.

nilang nakaupo sa isang silya si Eduardo habang pilit na pinapakalma ang sarili. Bakas din sa mukha nito ang pag aalala para sa kaniyang mag-ina.

"Kamusta na si Ate Maria?" tanong dito ni Carmela agad namang natauhan si Eduardo at nag bigay galang sa dalaga.

"Hindi ko pa nababatid sapagkat hindi ako pinayagang makapasok sa loob." matamlay na sagot nito.

Agad namang napatingin si Carmela sa nakasaradong pinto ng silid. Ibig man niyang pumasok doon upang malaman ang nangyayari sa loob ngunit baka makasagabal lamang siya.

"Nakakatiyak akong magiging ayos din ang kalagayan ni Ate Maria." agad naman itong napangiti at napatango ng ilang beses.

Bahagya namang nagawi ang tingin ni Carmela kay Theresita at Bella na ngayon ay taimtim na nag dadasal habang may hawak na rosaryo.

Maging si Carmela ay tahimik na napaupo na lamang sa isang silya tsaka taimtim na nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang kapatid at magiging pamangkin.

Maya-maya pa ay lumabas na sa silid ang doktor na siyang nanguna sa pagpapaanak kay Maria.

"Maayos na ang kalagayan ng Ina, maging ang bata." lahat sila ay nakahinga nang maluwag na tila binunutan sila ng tinik sa dibdib.

Agad namang silang pumasok sa silid pagkatapos magpasalamat sa nagpaanak at sinabi ang ilang habilin nito para sa mag-ina.

Lahat sila ay napangiti nang makita si Maria habang katabi nito ang sanggol.

"Isang babae ang ating anak" maluha-luhang saad ni Maria kay Eduardo. Kahit pagod ay pinilit parin nitong manatiling gising upang masilayan ang kanilang anak.

"Naparikit mo aking anak, manang-mana ka sa iyong Ina."

nakangiting saad ni Eduardo.

Hindi rin naman maitatanggi ang kagandahang tinataglay nito kahit na ito'y sanggol pa lamang.

"Alam na ba ni Ama?" tanong ni Maria, agad namang nagkatingan sila Carmela at Teresita.

"Ah, hindi pa namin nasasabi sapagkat hanggang ngayon ay wala parin siya."

"Ngunit huwag kang mabahala binibini, marahil ay nakauwi na siya ngayon. Ipapaalam na lamang namin kay Don Alejandro sapagkat uuwi din po kami upang kumuha ng inyong gamit." patuloy naman ni Thresita sa sinabi ni Carmela.

"Kung gayon ay pakisabi na lamang na hihintayin namin siya." malumanay na saad nito tsaka binalik ang baling sa kaniyang anak.

Lumipas ang ilang oras, si Carmela na lang ang natira sa silid upang mag bantay kay Maria. Madilim narin ang kalangitan at ang buwan at bituin na lamang ang nagbibigay liwanag sa labas.

Muling sinindihan ni Carmela ang kandila na ngayon ay paupos na. Saglit na umuwi sila Eduardo sa Hacienda Montecarlos upang samahan si Theresita na kumuha ng kagamitan.

Mahimbing na ring natutulog si Maria at ang anak nito kung kaya't tahimik ang paligid at tanging kuliglig na lamang sa labas ang naririnig na ingay.

Mapait na napangiti si Carmela habang nakatapat sa bintana. Iniisip niya kung ano kaya ang kalagayan nila ngayon kung nakinig lamang siya kay madam Olivia sa umpisa pa lamang.

Sa nakalipas na mga buwan ay napakadami ng nangyari at nag bago. Marami rin ang buhay na nawala nang dahil sa kaniya. Tuluyan na ngang nagbago ang kwento at ngayon ay wala na siyang magawa upang mabago ito at maibalik pa sa dati.

Hindi niya masisisi si Carmelita kung malaki ang galit nito sa kaniya. Marami itong mahal sa buhay na nawala. Ang kaniyang Ina, si Josefina, ang kaibigan nitong si Sonya at ang ilan pang mahahalaga sa buhay nito...

At ang buhay ng pamilya Alfonso.

Hindi na napigilan ni Carmela ang pagpatak ng kaniyang sunod-sunod na luha maging ang pagsikip ng kaniyang dibdib.

Pakiramdam niya ay napaka-laki ng kaniyang kasalanan, hindi lamang kay Juanito at Carmelita kundi pati narin sa lahat ng mga buhay na nadamay.

Muling bumalik sa kaniyang isip kung saan una niyang nakasama ang pamilya Montecarlos at ang pamilya Alfonso sa isang piging. Magiliw ang pakikitungo sa kaniya ng lahat. Masaya at maayos ang lahat na tila ba walang malaking trahedya at pagbabago ang magaganap.

Ngayon rin niya muling napagtanto ang ilan sa kaniyang makasariling desisyon. Katulad nalamang nang pilitin niya si Maria na maikasal kay Marco, kahit batid niya na gaya niya ay may iba rin itong iniibig. At si Marco na sinakrpisyo ang sariling kalagayan para lamang sa kaniya.

Minsan ay pumapasok sa kaniyang isipan na sana ay noon pa siya nakabalik sa panahong kaniyang kinabibilangan. Nababalot siya ng takot na mas lalo niya pang masira ang buhay ng mga nakapaligid sa kaniya.

Ngunit batid niya rin sa sarili na hindi niya magagawang lisanin ang panahong ito kung hindi siya makakatiyak na maayos na ang lahat, lalo na si Juanito.

Kung maaari nga lamang ay kaniyang hilingin na muli maibalik sa dati ang lahat. Kung saan hindi pa sila nagkaka-kilala ni Juanito at baguhin ang malaking pagkakamali na nagawa niya noon.

Kung maaari nga lamang na maibalik ang mga buhay na nawala at ang mga relasyon na nasira.

Kung maaari nga lamang.

Muli siyang napatingin sa kalangitan, ang buwan ay unti-unti nang nababalot ng mga ulap, gaya ng puso niyang unti-unti nang nababalot ng kalungkutan.

Pilit na tinakpan niya ang kaniyang bibig upang hindi maka likha ng ingay ngunit huli na siya sapagkat nagising na si Maria.

"Hindi ko batid kung ano ang nagpapaluha sa'yo ngayon, ngunit ibig kong malaman mo na wala na akong tampo na nararamdaman sa'yo." malumanay na saad ni Maria.

"Aking aaminin na labis akong nasaktan sa desisyong iyong ginawa. Na tila ba ang bilis mo lamang akong itinapon sa naglalagablab na apoy."

"Ngunit akin ding napagtanto na walang saysay kung magagalit ako sa'yo. Ano man ang mangyari, ang dugo at puso natin ay iisa. Noon pa man ay ipinangako ko na sa aking sarili na hangad ko palagi ang iyong kasiyahan, kahit kapalit pa nito ay ang kasiyahan ko."

Agad namang napalingon si Carmela habang patuloy ang paninikip ng kaniyang dibdib. Hindi na niya magawang makita nang malinaw si Maria dahil napupuno na ng luha ang kaniyang mga mata.

"Iyo bang naaalala? Noong tayo'y mga bata pa, palagi ka naming pinagtatanggol ni Josefina. Ikaw din ang pinaka paboritong anak nila Ama. Ikaw ang dahilan kung bakit naging masaya ang pamilya Montecarlos."

"Hindi mo man sabihin ngunit aking nababatid na hanggang ngayon ay patuloy mo paring sinisisi ang iyong sarili sa mga nangyari noon"

"Wala man si Ina at Josefina ngayon, ngunit batid ko na gaya namin ni Ama, hindi nila nais na ikulong mo ang iyong sarili sa nakaraan."

"Napatawad ka na namin, matuto karin sanang patawarin ang iyong sarili. Sapagkat hindi ka makakausad kung patuloy kang lilingon sa nakaraan." saad ni Maria tsaka binigyan siya ng ngiti na nakakapag pagaan sa kaniyang damdamin.

Agad namang niyakap ni Carmela si Maria. Hindi narin niya napigilan ang mapahagulhol sa balikat nito.

"Tama na ang iyong pag iyak, ikaw ang magpapatulog sa aking anak kapag siya'y nagising."

"Ayos lamang basta para sayo" natatawang saad ni Carmela.

sindi lamang ng gasera ang nagbibigay liwanag sa buong silid ni Carmela. Si Eduardo at Don Alejandro muna ang nag alaga kay Maria sa pagamutan. Habang si Thresita at Bella naman ang kasama niya ngayon sa hacienda Montecarlos.

Kahapon pa nakauwi si Don Alejandro, napagalaman nilang nagtungo ito sa Maynila kasama ang iba pang opisyales na sangkot din sa kasong kinakaharap nito noon. Sinabi din nito na nakalimutan niya lamang magpaalam sapagkat wala na siyang sapat na oras.

Napatingin si Carmela sa sulat ni Juanito na nakapatong sa kaniyang mesa. Ilang beses na niya itong nabasa ngunit hindi parin siya nag sasawang ulit-uliting basahin ito.

Malaki ang ngiti ni Carmela habang unti-unti niyang binubuksan ang sulat gaya noong una niya itong nabasa.

Mahal kong Carmela,

Ibig kong humingi ng tawad sa iyo dahil sa aking biglaang paglisan at ang hindi manlang pagpapaalam. Nababatid kong nasaktan kita sa aking naging biglaang desisyon kung kaya't sana ay hayaan mo akong makabawi sa oras na ako'y makabalik na sa San Alfonso.

Aking hinihiling na sana'y iyong maunawaan kung bakit mas pinili ng aking sarili na lumayo. Hindi man madali sa akin ngunit ang ginawa kong paglisan ay para rin sa ating dalawa at sa ating pamilya.

Ibig ko ring ipag bigay alam sa'yo na maayos ang kalagayan namin dito ni Angelito. Napagpasiyahan din naming mag trabaho upang makadagdag sa aming ipon. Si Angelito ay namamasukan bilang tagahatid ng mga dyaryo at ako naman ay namamasukan sa isang sikat na kainan dito. Minsan naman ay tumutulong din ako sa ibang kalalakihan na magsibak ng mga kahoy. At tuwing sumasapit ang linggo ay hindi namin nakakalimutan ang mag simba.

Nawa'y hintayin mo ako sapagkat kaunting tiis na lamang ay magiging isa na akong ganap na doktor. At sa oras na mangyari iyon, mabibigyan na kita ng maayos na buhay. Makakapunta narin tayo sa totoong teatro.

Ibig ko ring malaman mo na sa tuwing nakakakita ako ng bituin na siyang pinakamaningning sa lahat, ang iyong matatamis na ngiti ang siyang aking naalala.

Sa tuwing ikaw ay nangungulila sa aking presensya, tumingin ka lamang sa pinaka malinawag na bituin at iyong asahan na ako'y nakatingin din sa kalangitan mula sa kabilang dako ng mundo.

Aking pinapangako na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magbunga at hindi masayang ang lahat ng ating pagtitiis. At sa oras na maging maayos na ang lahat, maaari na tayong mag isang dibdib at magkaroon ng pitong anak.

Nawa'y ingatan mo ang iyong sarili at piliin mo palagi ang maging masaya. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Magkalayo man tayo ngunit ang pag ibig ko sayo ay hindi kailanman mag babago. Mahal Kita, Carmela.

Nagmamahal,

-Juanito

Muli namang napatakip sa kaniyang mukha si Carmela pagkatapos mabasa ang liham ni Juanito.

Agad siyang kumuha ng papel at pluma. Ibig niyang padalhan din ng liham si Juanito para manlang mas lalo itong ganahan sa pag aaral.

Napangiti na lamang siya nang matapos na siya sa pagsusulat. Nilagyan niya rin ng iba't ibang kalseng disenyo ang kaniyang liham. Mayroon ding maliliit na drawing sa bawat sentence bilang paglalarawan. Agad na niya itong isinilid sa isang sobre. Bukas niya na lamang ito ipapadala kapag nagtungo sila sa bayan.

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      To Be Continued...
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click