《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 12
Advertisement
"At ikaw naman Maria, tinatanggap mo ba bilang iyong asawa at kabiyak ang ginoong ito? At nangangakong makakasama sa hirap man o sa ginhawa?" Tanong ng punong padre atsaka tinapunan ng tingin si Maria.
Bumaba pa ang paningin nito sa tiyan ng dalaga. Napailing na lamang ang matanda at inisip na isa itong marumi at makasalanang babae. Sa panahong tulad nito ay hindi katanggap-tanggap ang pakikipagtalik nang hindi pa naikakasal.
Samantala, wala naman sa sariling napadako ang mga mata ng dalaga sa kasintahang si Eduardo.
Ang lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kaniya at nag aabang sa kaniyang kasagutan ngunit tanging ang lalaking ito lamang ang kasalukuyang may halaga at tumatakbo sa kaniyang isipan.
Kasalukuyang nagtatalo ang kaniyang damdamin. Kung kaniya itong sasagutin ay tuluyan nang mapuputol ang ugnayan nilang dalawa at kung siya naman ay tataliwas sa kasunduang ito ay tiyak na mailalagay sa malaking kahihiyan at tuluyan na nga silang masasadlak sa kahirapan. Sa kaniya nakasalalay ang ngalan ng pamilya Montecarlos.
Tila nadurog ang kaniyang puso nang isang tango at mapait na ngiti lamang ang isinagot sa kaniya ni Eduardo.
Hindi tulad niya, tanggap na nito ang kanilang kapalaran.
Nag simula na itong maglakad papalayo upang hindi na mahirapan pang mag desisyon si Maria. Batid niya ring hindi kakayanin ng kaniyang puso na marinig ang mga susunod na katagang bibigkasin nito, na siyang magiging pasya at hudyat ng kanilang katapusan.
Ang bawat hakbang ng binata papalayo sa kaniya ay dahilan upang lalong mag sikip ang kaniyang dibdib.
Ibig niya itong pigilan at habulin ngunit sa sitwasyong ito ang tanging pag pipilian na lamang ay ang manatili.
Muling idinako ni Maria ang paningin kay Padre Osmeña. Ngumiti siya nang pilit upang ipakitang masaya siya sa kaniyang magiging desisyon.
Pagkatapos ng araw na ito ay mag babago na ang kaniyang buhay kinakailangan na niyang kalimutan ang ilan sa mga naging parte ng dating buhay.
Nang ibuka niya na ang kaniyang mga labi upang sumagot ay tila isang nakabibinging hiyawan ang nangibabaw sa loob ng simbahan ng San Alfonso, kasabay nito ang pag kalembang ng kampana ng simbahan.
Magkakahalong emosyon ang naramdaman ng mga tao sa loob ng simbahan nang tumumba ang walang buhay na katawan ni Padre Osmeña.
Ang mga dugo nito ay tila naging isang palamuti sa puting traje de boda ni Maria at abrigo ni Marco.
"Sunog!" hiyaw ng isang bisita na nakasuot ng mamahaling damit mula pa sa Europa. Itinuro nito ang ikalawang palapag ng simbahan kung saan ay kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang silid.
Nag-simula nang mataranta ang mga tao sa loob at nag-uunahang makatungo sa tarangkahan. Nagkakagulo na rin ang ilan nang matuklasang hindi nila mabuksan ang mga pintuan palabas kasabay pa nito ang palitan ng mga putok ng baril sa labas.
"Heneral, may mga armadong kalalakihan ang nasa labas. Hinaharang nila ang mga pintuan upang hindi makalabas ang mga tao sa loob ng simbahan." saad ng isang guardia civil kay Marco.
"Paputukan ninyo sila mula sa itaas ng palapag" mariing tugon nito
"Ngunit heneral mabilis na kumakalat ang apoy sa ikalawang palapag."
Hindi na napigilan pa ni Marco ang mapa mura sa inis.
"Sumunod po kayo sa amin. May sikretong daan palabas ang simbahan" saad ng isa pang guardia civil sa kanilang dalawa.
"Nasaan si ama?" Nangiginig na tanong ni Maria.
"Nauna na po namin silang nailikas, señorita."
"Ngunit paano na ang iba? Maaari naman natin silang isama sa sikretong daan na iyon." Napadako ang kaniyang paningin sa mga taong nagkakagulo. Ang ilan ay nakatirapa na sa sahig at inaapak apakan ng iba para lamang mauna silang makalabas sa oras na mag magbukas ang pintuan.
Advertisement
"Hindi po maaari. Maliit lamang ang lagusan na iyon at tiyak na mas lalo itong magdudulot ng kaguluhan at pagkataranta sa ilan."
"Huwag po kayong mabahala ang ibang mga guardia civil po ay nakahanda na sa labas upang mapaalis ang mga kalalakihan at mabuksan na ang bukana ng simbahan kung kaya't mas mabuti pong sumunod na kayo sa amin, para rin ito sa ikabubuti ng anak ninyo, señorita." Paliwanag nito.
Tumango na lamang siya bilang sagot atsaka hinayaang alalayan siya ng mga ito.
"Heneral!" saad ng naunang guardia civil "Kailangan na nating makalabas dito"
"Mauna na kayo." Walang emosyon nitong saad "Siguraduhin ninyong makalalabas ang mga taong ito"
Labag man sa kalooban ngunit batid niyang ito ang nais ng heneral at hindi niya ito maaring pilitin pa. "Masusunod po" atsaka sumaludo ito bago umalis.
Natatanaw ni Marco mula sa hindi kalayuan si Carmelita. Pinili nitong hindi dumaan sa sikretong lagusan upang tulungan ang ibang buksan ang mga pintuan.
Nagsisimula nang kumalat ang apoy sa ikalawang palapag. Nababalot na rin ng usok, hiyawan, takot at pag-tangis ang loob.
Dali-dali siyang tumakbo at lumapit sa dalaga.
"Carmelita, halika--"
"Hindi maaari" giit nito
"Kumakalat na ang apoy sa ikalawang palapag. Kailangan na nating umalis dito"
"Heneral, hindi natin sila maaring iwan" bakas sa mata nito ang awa sa mga maiiwan sa loob.
"Ako na ang bahala rito" aniya habang nakangiti atsaka tinapik ang ulo ng dalaga.
"Martinez!" Tawag niya sa isa sa mga guardia civil na tumutulong buksan ang pintuan ng simbahan "Samahan mo patungo sa labas si binibining Carmelita."
"Sì, señor! (yes, señor)" ani nito atsaka sumaludo sa kaniya.
"Kaya ko ang aking sarili" saad ni Marco bago pa magsimulang magsalita ang dalaga.
Tumango na lamang ito atsaka sumama na sa guardia civil patungo sa labas.
Kinuha ni Marco ang rebolber ng isang guardia atsaka ikinasa ito at pinaputukan ang pintuang kahoy upang patamaan ang mga taong nasa kabila nito.
"Tumabi kayo!" Sigaw ni pedro na isa ring guardia civil.
Kinakailangang nilang siguraduhing walang sibilyan ang matatamaan kung sakaling gumanti ng putok ang mga nasa labas.
"Binibini!" sigaw ni Teresita habang nakasakay sa loob ng kalesa nang makitang makalabas si Carmelita sa loob ng kumbento.
"Kailangan na po nating umalis dito. Nauna na pong nailikas ng mga guardia ang iyong ama at si binibining Maria"
Agad nila itong inalalayan upang makasakay sa loob.
Nag simula na ang kutsero na paandarin ang kalesang kanilang sinasakyan. May mga guardia civil silang kasama upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Tinanaw ni Carmela ang simbahan.
Maging sa labas ay naririnig nila ang kahindik-hindik na sigawan ng mga taong hindi makalabas.
Hindi agad matupok ng mga tao sa labas ang sunog sa kadahilanang may mga armadong lalaki ang nakabantay sa bawat pintuan at walang takot na nakikipag palitan ng putok ng baril sa hukbong sandatahan.
Hindi naman mapalagay sa kalayuan ang bagong Colonel na si Colonel Benedicto Palacio sapagkat nasa loob ang mga mahahalagang opisyal at kabilang sa alta sociedad.
"Nasaan ang heneral?!" tanong nito sa guardia civil na kaniyang inutusan.
"Nagpaiwan po ang heneral sa loob" takot nitong saad
"Istupido!" atsaka isinampal ang rebolber na hawak dito dahilan upang mag dugo ang labi ng guardia civil.
"Colonel ano na po ang ating gagawin? Napaliligiran nila ang lahat ng bukana ng simbahan. Natuklasan na rin nila ang sikretong daan palabas kung kaya't hindi na natin mababalikan pa si Heneral Concepcion" humahangos na saad ni Paco na isa rin nilang tauhan.
"Ilabas ang canyon" maawtoridad na saad ni Colonel Palacio "Pasabugan ninyo ang lahat ng pinto palabas ng simbahan."
Advertisement
"Ngunit heneral, tuluyang mapipinsala ang simbahan. Tiyak na malalagay ka sa isang kontrobersiya at tutuligsain ng mga prayle. Maraming tao rin ang masasaktan sa loob." tutol nito
Napahawak na lamang ang colonel sa kaniyang kuwelyo. Mahigpit na kalaban ang simbahan dahil kumpara sa gobyerno ay kinikilalang mas mataas ang mga ito at mas maimpluwensiya. Maraming sangay ng gobyerno ang iniiwasang kalabanin ang simbahan dahil dito.
Maari rin siyang itakwil sa kaniyang pananampalataya at mailalagay sa malaking kahihiyan ang pamilya.
"Hindi ka ba nag-iisip? Iilan lamang ang mga buhay na iyon kumpara sa lahat ng buhay na mawawala kung hahayaan na lamang nating masunog ang kanilang mga katawan sa loob."
Napapikit na lamang siya dahil sa kaniyang naging desisyon. Wala na siyang ibang maaaring gawin. Nasa loob ang ilan sa mga mahahalagang tao. Tiyak na tutulungan siya ng mga ito sa kaniyang kakaharaping akusasyon kung sakaling tuligsain siya ng simbahan.
"Masusunod po." sagot ng tauhan atsaka ipinagbigay alam ang utos nito sa iba pang mga guardia civil.
Nang makaalis si Paco ay agad na niyang ikinasa ang paboritong rebolber at pumwesto upang makipag palitan ng putok ng baril.
Inilibot niya ang kaniyang mga mata at siniyasat kung sino sa mga kalaban ang madali lamang niyang mapatatamaan.
Sa di kalayuan ay napansin niya ang isa sa mga ito na tiyak na madali niya lamang mapapatamaan dahil sa pwesto nito.
Handa niyang paputukin ang kaniyang baril nang mapansing bahagyang natanggal ang salakot nito sa ulo dahilan upang makita ang mestizo nitong balat at kulay tsokolateng buhok.
Agad nitong iniayos ang salakot upang hindi makita ang kaniyang mukha.
Pagkakataon na itong patamaan ni Colonel Palacio ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay tila nanlambot ang kaniyang mga kamay at nag simulang mag unahan ang tibok ng kaniyang puso na tila ba nais na nitong kumawala dahil sa kaba.
Hindi niya magawang patamaan ang lalaki.
"Umaatras na sila" sigaw ni Paco.
Nagsimula nang mag alisan ang mga hindi nakikilalang taong nakasuot ng itim na salakot.
"Colonel kunin na po natin itong pagkakataon upang patamaan sila habang tumatakas." suhestiyon nito ngunit napatigil na lamang siya nang itaas ng pinuno ang kamay, senyales na hayaan na lamang ang mga itong makaalis.
Nag-tatakang napatingin sa kaniya ang tauhan ngunit natakot itong tuligsain siya.
"Buksan na ninyo ang mga pintuan" agad namang sumunod ang mga tauhan.
- sais na nang umaga ngunit hindi pa rin natutulog si Carmela.
Kasalukuyan siyang nasa pagamutan upang bantayan si Marco. Ang mga kaanak nito ay nasa Espanya kung kaya't walang magbabantay sa batang heneral.
Hindi rin maaaring magbantay si Teresita sapagkat ito ang naatasang samahan ang nag dadalang taong si Maria.
Tumayo si Carmela upang ayusin ang mga prutas para kay Marco.
"Hindi ka pa natutulog?" agad naman siyang napalingon dito na kagigising pa lamang.
"Natulog ako"
"Sinungaling" atsaka tiningnan siya nito na para bang binabasa ang kaniyang ekspresyon dahilan upang matawa siya.
"Oo na, sabi ko nga hindi pa." atsaka umirap siya rito dahilan upang matawa ito "Hindi ako inaantok."
"Kumain ka na?"
"Gutom ka na ba? Sandali at bibili na lamang ako sa isang malapit na panciteria--"
"Ikaw ang aking tinatanong"
"Bakit ako? Hindi naman ako ang may sakit."
"Wala akong karamdaman. Nawalan lamang ako ng malay." natatawa nitong saad
"Pareho lamang iyon. Nasa pagamutan ka pa rin."
"Magkaiba iyon" taliwas ni Marco
"Sige na, magkaiba na po heneral" Aniya "Hintayin mo ako rito kukuha lamang ako ng makakain. Ano ba ang ibig mo?"
"Ikaw." sagot nito atsaka ngumisi na tila ba nang-aasar
"I-ikaw ang aking tinatanong. Bakit mo ibinabalik sa akin?" agad namang napasimangot ito na parang bata sa kaniyang isinagot.
"Ikaw na ang pumili. Sabayan mo akong kumain"
"Hindi ako nagugutom" tanggi niya
"Wala akong pakealam. Sabayan mo pa rin akong kumain" reklamo nito "Hindi ako kakain kung hindi mo ako sasabayan" maktol pa ng binata.
Natawa na lamang siya sa inasta nito. "O siya, sige. Sasabay na po heneral"
Batid ni Carmela na magsisimula na naman itong makipagtalo at makipag asaran sa kaniya kung kaya't mas pinili na lamang niyang pumayag sa ibig nitong mangyari.
"Kukuha lamang ako ng makakain. Hintayin mo ako rito." paalala niya
"Mag-hihintay ako." sagot nito habang nakatingin lamang nang diretso sa kaniya. Wala na rin ang mapang asar na ngiti nito.
"S-sige. Dito ka lamang" paalam niya
wala sa sariling katinuan si Carmela habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na panciteria upang bumili ng makakain.
Marami ang gumugulo ngayon sa kaniyang isipan. Isa na rito ang sinabi sa kaniya ni Marco. Napabuntong hininga na lamang siya.
Batid niya na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin sa kaniya ang binata. Nakalulungkot lamang isipin sapagkat hindi sila kapwa pareho ng nararamdaman. At kung natuturuan man ang puso ay hindi niya pa rin ito pipiliing ibigin, sapagkat isang lalaki lamang ang nais niyang mahalin at iyon ay si Juanito.
"Señorita Carmelita!" agad naman siyang napalingon nang marinig na may tumatawag sa kaniyang pangalan.
Kumaway sa kaniya si Bella na isa sa bago nilang kasama sa bahay, lulan ito ng kalesa.
"May dala po akong pagkain para sa inyo ng heneral" atsaka iniabot sa kaniya ang mga pinaglalagyan ng pagkain.
"Maraming salamat. Patungo pa lamang sana ako ng panciteria upang bumili ng makakain." saad niya "Napakarami naman nito. Sino ang nagluto nitong lahat?"
"Si Señorita Maria po ang nagluto ng mga iyan habang katulong sila Alondra" banggit nito sa iba pang mga bago nilang tagapag-silbi. "Inutusan niya lamang po akong ihatid muna sandali sa inyo ang mga pagkain."
Nasa labing walong taong gulang pa lamang si Bella ngunit kapansin-pansin ang katangkaran nito. Matangos rin ang ilong ng dalaga, kayumanggi ang balat at hindi maikakailang maganda ito kung kaya't maraming kalalakihan sa bayan ng San Alfonso ang humahanga sa kaniya.
Ayun nga lamang ay hindi ito pinalad na magkaroon ng marangya na buhay.
Iniisip ni Carmela na kung nasa taong 2016 lamang ito ay tiyak na kwalipikado ito na maging isang beauty queen o di kaya ay isang super model at hindi na kailangan pang mamasukan bilang kasama sa bahay.
"Tumabi kayo!"
Naantala naman ang kanilang pag-uusap nang marinig nilang sumisigaw ang isang kutsero ng kalesa. Mabilis ang pagpapatakbo ng kutsero nito.
Agad na tumabi ang mga tao sa gilid ng daan atsaka tinanaw ang papalayo na ngayon na kalesa.
"Maraming salamat muli. Mauuna na ako." paalam niya dito.
Hindi niya maipaliwanag ang biglaang kaba na kaniyang nadama sa mga oras na iyon.
Napailing na lamang siya. Sa kaniyang palagay ay resulta lamang iyon ng nga trauma na kaniyang natamo sa mga pangyayaring hindi inaasahang naganap sa kaniyang buhay, maging ang mga kamatayang kaniyang nasaksihan.
mo ang pagkakakilanlan ng lalaking iyon." ani ni Marco
"Masusunod, ipag-uutos ko na lamang iyon sa aking mga tauhan." sagot naman ni Colonel Benedicto
"Huwag mo munang ipaalam sa iba ang imbestigasyon na ito. Hindi ito maaring malaman ng iba. Sa aking palagay ay hindi lamang normal na rebelde ang lalaking iyon." tutol niya
"Tiyak na may mga nagsisilbing tenga at mata sila sa labas ng kanilang kampo kung kaya't ang pagpapaalam nito sa iba ay siyang pagbibigay rin ng tiyansa sa kanilang makatakas sa atin."
Napatango na lamang ang kaniyang kausap sapagkat may punto nga naman siya. Maaring may espiya sa loob ng kanilang hukbo kung kaya't tiyak na maaantala ang kanilang pagtuligsa sa mga rebelde sa oras na may makaalam ng kanilang plano.
"Gaano kalaking pinsala ang natamo ng simbahan?"
"Matibay ang pagkakagawa sa kongkreto ng simbahan kung kaya't sa kabutihang palad ay hindi ito gumuho at naapula agad ang apoy nang makaalis ang mga tao sa loob." paliwanag ng kausap.
"May mabuti rin naman palang naidudulot ang pagiging huli mong pagdating sa mga okasyon." asar ni Marco rito "Kung dumating ka sa oras ay tiyak na pareho tayong naiwan sa loob." Kapwa sila natawa dahil tunay nga namang palaging huli sa mga pagdaraos at okasyon ang Colonel. Mahalaga man ito o simpleng handaan.
Batid niya ito sapagkat isa ito sa mga matalik niyang kaibigan noon pa mang mag-bibinata pa lamang sila at hindi pa tumutungong Europa si Marco upang mag-aral sa sikat na kolehiyo doon.
Bagama't siyam na taon ang tanda sa kaniya ni Benedicto ay naging malapit pa rin sila sa isa't isa.
"Siya nga pala. Sa aking palagay ay binibigyan ka ng pabor ng tadhana." saad ng kaibigan habang nakangiting pang nakapang-tutukso.
Napakunot na lamang ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Hindi ba't wala ka naman talagang pagtingin sa panganay na anak ni Don Alejandro? Isipin mo na lamang mabuti, maaaring dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Pagkakataon mo na ito upang mapaibig si Binibining Carmelita."
Hindi na lamang napigilan pa ng Heneral na matawa dahil sa sinabi ng kaibigan. Batid nito na may pagtingin siya sa bunsong anak ng pamilya Montecarlos.
"Tumigil ka nga riyan. Masama na nga ang nangyari ay kung ano-ano pang kalokohan ang iyong isinasambit." saway niya rito ngunit hindi niya maitago ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Sinasabi ko lang naman na baka kayo talaga ang para sa isa't isa. Masama man ang nangyari ngunit isipin mo na lamang ang naidulot nito sa iyo." saad ng kaibigan atsaka itinaas baba ang kilay.
Pabiro niya itong sinuntok nang mahina sa braso. "Tumigil ka na nakalanghap ka ata ng maraming usok noong inapula niyo ang apoy kung kaya't nasisiraan ka na ng bait. Umakyat na ang mga ito sa iyong utak." tumawa lamang ito sa kaniya.
"Bahala ka riyan. Ikaw rin, baka maunahan ka ng iba o di kaya maunahan ka ng dati niyang kasintahan." panunukso nito habang nakahawak sa kaniyang brasong sinuntok ng kaibigan.
Napatigil siya sa sinabi nito.
"Ano nga ang pangalan noon?" pinapalagitik niya pa ang kaniyang mga daliri habang nag-iisip. "Juan Alonso?"
"Juanito Alfonso" pagtatama ni Marco.
"Ayun nga ang aking sinabi-- Sandali! Hindi ba't ang pamilya nila ang namumuno noon sa San Alfonso at ipinagkasundong ikasal kay Binibining Carmelita?" tumango siya bilang sagot.
"Bakit ka ba nagpapakatorpe? Makisig ka naman, matipuno, mayaman at may mataas na posisyon sa panunungkulan. Maraming mga babae ang nahuhumaling sa iyo. Tiyak na puwedeng-puwede kang ipangtapat sa lalaking iyon. Kung ako ang nasa katayuan mo ay hindi ko na hahayaan pang makawala si---"
Napatigil sila nang bumukas ang pintuan at tumambad si Carmelita bitbit ang mga tampiping naglalaman ng kanilang mga pagkain.
"H-hindi ko na hahayaang makawala ang mga ungas na mga rebeldeng iyon." kinakabahang saad nito. Bakas din sa itsura ni Marco ang kaba, natatakot na baka narinig ni Carmelita ang kanilang usapan.
Ngumiti ito atsaka nag bigay galang kay Colonel Bendicto.
"M-magandang araw rin binibining Carmelita. S-siya nga pala mauuna na ako, marami pa akong trabahong dapat tapusin." nagmamadaling paalam nito.
Pinandilatan lamang ito ng mata ni Marco dahil ibig siya nitong iwan sa ere matapos nitong pairalin na naman ang katabilan ng bibig. "S-sandali---" hindi na niya natapos ang sasabihin nang walang lingon-lingong lumabas ang kaibigan.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Nagtataka namang nakatingin sa kanila si Carmela dahil hindi nito maintindihan kung bakit ganoon ang ikinikilos ng dalawa.
"Anong balita? Nahuli na ba ang mga lalaking iyon?" tanong nito upang magsimula ng usapan.
"Hindi pa rin namin sila nakikilala." Sinubukan niyang hindi mahalata ang kaba sa kaniyang boses.
Tumango ito sa sinabi, bakas sa mukhang wala itong ideya sa kanilang pinag-uusapan bago ito dumating.
Advertisement
- In Serial44 Chapters
Of Men and Dragons, Book 2
Jack, S'haar, and all their family are back. After crashing his ship on an underdeveloped world, Jack found friends and family among the terrifying cat-lizard natives of the world, but now mere survival is no longer enough. They must carve out a new home for themselves in the landscape of the now rapidly changing world. Raiders, politics, and even nature threaten their happiness and their lives while they struggle to deal with the nightmares and traumas of yesterday. They'll need to depend on each other more than ever if they hope for their new home to have any kind of future. In case you missed it, here's book one. ATTENTION: This is soft sci-fi rather than hard sci-fi, hence why I chose that tag. For those of you unfamiliar with the distinction, here's what Wikipedia had to say. 1. It explores the "soft" sciences, and especially the social sciences (for example, anthropology, sociology, or psychology), rather than engineering or the "hard" sciences (for example, physics, astronomy, or chemistry). 2. It is not scientifically accurate or plausible; the opposite of hard science fiction. Soft science fiction of either type is often more concerned with character and speculative societies, rather than speculative science or engineering. The term first appeared in the late 1970s and is attributed to Australian literary scholar Peter Nicholls.
8 226 - In Serial13 Chapters
Aevitas — I am not an NPC [R]
This story follows a 19-year-old male by the name of Tobias (Tobi) Donlan. Having found himself trapped in a Virtual Reality Game through no fault of his own, Tobi can only accept his circumstances and wait for the day he is released. As time passes in the Virtual world however, Tobi begins to take on a new look at life and begins to question his own sense of reality. As time continues to pass, Tobi finds that he cares less for reality and the more for Aevitas. When the day comes that he can return to the real world, will he even want to? Will he even have a choice? Follow Tobi as he experiences his second life inside Aevitas; a virtual reality game that claims anything is possible. Note: This story is, in part, based on another story by the same name and author. It is not, however, the same story and the original was discontinued due to various 'complications'. While marked with warning for profanity and sexual content, it is extremely mild, uncommon to the point of near-non-existence and lacks any detailed descriptions. In some cases it is litte more than inuendo's or vague references. Updates will be weekly: Saturday.
8 159 - In Serial52 Chapters
Lesser Throne of Seventh Heaven
What would you do, if your family, your people, were attacked? Would you take shelter, away from danger, hoping for the best? Or would you go out, and face the aggressors in full force? Krone Kozak was fifteen when the leading superpower, The Union of Lords, attacked his homeland Kharlussia. In addition, news of mysterious beasts appearing and wreaking havoc all around, reached him. Desiring to help, he entered the draft. Willingly. After nineteen years, he was standing beside Kharlussian’s Great General. Facing a Grand Rift in the sky, the very gateway for Grand Beasts entering their land. When their march seemed unstoppable, that thing came out. With one incantation, a shockwave filled the surrounding, wiping them all out. ===================== Author's Note: This fiction was written in simple style best viewed on smartphones and alike. ==On Hiatus== ====== Artwork ====== Much thanks to NGT for the artwork request done! I like how it turned out to be, simply amazing. Artwork: The Twin Lightning Blondes Check out NGT's work! If you find this fiction any good, drop a review or share. That will help me a long way.
8 206 - In Serial24 Chapters
phoebe | jjk
in which he remembers.
8 176 - In Serial20 Chapters
Reylo One Shots
A collection of Reylo one shots (also featuring Adam Driver one shots)Credit to lillithsuar.tumblr.com for the beautiful pictures that I used for the cover!!
8 187 - In Serial49 Chapters
What A Clown...
I am Victory C, Im a Drug GodFather. Ive done deals with Gotham before. With Bruce Wayne, Black Mask, Penguin and many more. I am wanted in over 3 countries as 'a dangerous MAN in his 40's' Im Not that. Im 27 and A Very Very Dangerous Woman...well nobody knows that...they think Im The one that inspired the devil, a madman that should be tamed someone everyone should fear...Mr. V.And Thats Just The Way I like it.----My First joker fanfic...Please enjoy and please comment...Warning-This story MAY contain graphic violence.READ AT YOUR OWN RISK!!!
8 128