《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 11
Advertisement
nang mas napapalapit ang araw ng kasal"
Ngumiti lamang ako bilang tugon sa kaniya sa kadahilanang hindi ko rin alam ang nararapat kong sabihin.
"Narito na po ang inyong meryenda" wika ni Teresita mula sa aming likuran. Dala niya ngayon ang isang tray na naglalaman ng dalawang platong pansit, tinapay, dalawang orange juice at mansanas.
"Maraming salamat, Teresita" nakangiting saad ni Marco.
Kilala siyang magiliw at palakaibigan na binata sa mahihirap man o elitista. Bukod pa roon ay hindi rin naman maitatangging napakakisig ng binatang heneral at napakaganda ng kaniyang tindig.
"Walang anuman po. Mauna na po ako, maghahanda pa kami ng mga lulutuin para sa hapunan" paalam niya atsaka umalis nang muli.
"Dito ka na mag hapunan" ani ko.
Tinapunan niya lamang ako ng tingin atsaka kunwaring nag iisip ng malalim kung tatanggapin niya ba ang aking alok.
"Hmm?" huni niya habang nakapatong ang kaniyang hintuturo sa ulo at kunwaring nag iisip nang mabuti. "May kailangan pa akong gawin--"
"Ahh ganoon ba? Sige, ayos lamang--"
"Ngunit dahil ikaw ang nag alok ay ayos lamang sa akin na ipagpaliban ko ang lahat ng aking mga gawain" nakangiti niyang saad sabay taas nang dalawang beses ng kaniyang kilay dahilan upang matawa na lamang ako.
"Sigurado ka ba? Baka may mahalaga ka pang pagpupulong na pupuntahan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Mas mahalaga ka naman kumpara sa pagpupulong na iyon" mahina niyang saad dahilan upang hindi ko iyon maintindihan.
"Ha?" tanong ko sa kaniya
"Ang ibig kong sabihin ay kumparang mas mahalaga naman ang pagkain. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya" natatawa niyang tugon.
"Ang takaw mo!" biro ko. Sanay na kaming mag asaran ng tulad nito kung kaya't alam kong hindi naman siya mao-offend.
"Sobra ka naman! Hindi ba pwedeng hindi ko lamang ibig mag aksaya ng grasya?" sagot niya habang bahagyang nakanguso ang kaniyang mga labi.
Inirapan ko na lamang siya atsaka iniabot sa kaniya ang baso ng orange juice, isang platong pansit at tinapay. "O, ito grasya. Ubusin mo iyan! Huwag kang magsasayang" biro ko sa kaniyang muli.
"Si, Commander (Yes, Commander)" aniya sabay saludo sa akin.
Minsan napapaisip na lang talaga ako kung iisa lang ba talaga sila ng binatang heneral na kilala sa husay sa pakikipaglaban at sa pagiging strikto sa mga sundalo at guardia civil na kaniyang pinamumunuan.
Kapag wala siya sa kaniyang trabaho ay daig niya pa ang bata kung kumilos.
"Kamusta ang iyong pamumuno dito sa San Alfonso?" tanong ko sa kaniya
"Ayos lamang" saad niya habang bahagyang nakaumbok ang kaniyang mga pisngi dahil sa dami ng pagkaing kaniyang isinubo.
"Magigiliw ang mga tao dito sa inyong bayan kung kaya't hindi naman kayo ganoon kahirap pakisamahan" ngumiti pa siya dahilan upang maningkit at mawala ang mga mata niya.
"Intsik ka ba?!" biro ko atsabay tawa nang malakas.
"Intsik?" naguguluhan niyang tanong.
"Ahh- ang ibig kong sabihin kung ang lahi niyo ay nagmula sa Tsiana?"
"Hindi naman?Bakit?" aniya
"Naniningkit kasi ang iyong mga mata sa tuwing ngumingiti ka" paliwanag ko "Napapaisip tuloy ako kung kastila ka bang talaga o asyano?" Saad ko atsabay tawa naming dalawa.
"Aminin mo na lamang na nahahalina ka sa aking mga mapupungay na mata" biro niya
"Ang kapal!" sagot ko dahilan upang tawanan niya akong muli.
"Manood tayo ng teatro" alok ni Marco
"Ikaw mag babayad ng boleto(ticket)?" biro ko
"Sugapa! Abusado!" biro niya pabalik dahilan upang matawa ako nang malakas.
"Ikaw namang nag-alok--"
"Nandito ka po pala Heneral Marco" sabay kaming napalingon sa aming likuran atsaka nakitang naroon pala si Ate Maria.
"Magandang hapon" bati ni Marco sa kaniya "Ibig mo bang makisalo sa amin?" alok niya rito ngunit umiling lang si Ate Maria bilang tugon.
Advertisement
"Kakakain ko lamang. Napadaan lamang ako rito" matamlay niyang saad at nagpaalam nang muli. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan siyang makalayo.
"Anong nais mong panoorin mamaya?"
"A-ahh salamat nalang, m-marami pa pala akong gagawin mamaya"
"Tulad ng?" naka kunot- noo niyang tanong
"Tutulong ako sa paghahanda ng hapunan"
"May mga tagapagsilbi kayo" paalala niya sakin
"Mamimili pa kami ng mga sangkap"
"Nakapamili na kayo ng sangkap kanina, hindi ba?" seryoso niyang saad
"Ahh oo nga pala" nahihiya kong tugon "D-darating pala muli ang mananahi ng traje de boda mamaya" pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba?" saad niya habang bahagyang tumatango ang kaniyang ulo "Kung ganoon ay sige, sa susunod na lamang tayo manood" aniya sabay ngumiti siya nang matipid
Sinimulan ko na lamang kumain upang hindi niya na ako kuliting muli.
na ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok, kung kaya't napagdesisyonan ko na lamang pagmamasdan ang kalawakan.
"Carmela,ilang taon na lamang at magiging ganap na doktor na ako...H-huwag ka munang aalis. Huwag mo muna akong iiwan"
Hindi ko na namalayan pa ang pagpatak ng aking mga luha habang inaalala ang paguusap namin ni Juanito rito sa azotea.
"N-nais sana kitang ipag damot sa tadhana ngunit alam kong wala naman akong magagawa sa oras na piliin nitong paghiwalayin tayo"
"N-ngunit ikaw ang lumisan" mapait kong tugon atsaka tumingala sa kalangitan, itinaas ko ang aking mga kamay na tila ba inaabot ko ang mga bituin
"Nakikita mo ba ang bituin na iyon?" tanong ni Juanito sa akin habang nakayakap mula sa aking likuran.
"Alin diyan? Ang dami kaya!" biro ko sa kaniya
"Iyong pinakamaningning" aniya habang nakangiting itinuturo ang kalangitan "Sa tuwing makikita mo ang bituin na iyan palagi mo na akong maaalala, isa iyang sumpa" biro niya. Nag panggap naman akong kunwari'y tinatablahan ng sumpa niya, dahilan upang matawa na lamang kaming dalawa sa isa't-isa.
Itinaas ko ang aking kamay na tila ba pilit na inaabot ang paborito naming bituin ni Juanito. "Tama ka, isa nga iyong sumpa" bulong ko sa aking sarili atsaka ngumiti nang mapait.
Napapikit na lamang ako nang maalala kung gaano naging mas magulo ang aking buhay magmula nang umalis siya.
Nang makalabas ng pagamutan noon si ama ay hindi ko na muling natagpuan pa si Juanito, maging si Angelito ay nawala na lamang rin bigla. Hindi sila nag paalam at tanging liham lamang ni Juanito ang kaniyang iniwan para sa akin.
Naiugnay rin si ama sa kaso ni Gobernador Flores, mabuti na lamang at na-manipula nila ang kaso kung kaya't hindi sila napatawan ng mabigat na kaparusahan.
Ayun nga lamang ay maraming bahagi ng aming mga negosyo ang kinuhaan ng parte ng pamahalaan bilang kabayaran sa mga anumalya at salaping nawala sa bayan ng San Alfonso kung kaya't unti unting nalulugi ang aming mga negosyo. Tanging kasunduan lamang sa kasal ang nakitang sagot ni ama upang mabawi namin ang lahat ng nawala sa aming pamilya.
Kung hindi iyon gagawin ni ama ay tiyak na mawawala ang lahat sa pamilya Montecarlos.
"Sa tingin mo ba ay sadyang napakalupit ng tadhana?"
Agad akong napalingon upang makita kung sino ang nag salita.
"Teresita, bakit gising ka pa?" ani ko atsaka pasimpleng pinunasan ang aking mga luha.
"Huwag niyo na pong itago. Batid kong lumuluha ka kanina" saad niya atsaka ngumiti nang matipid.
Lumapit pa siya sa akin atsaka nag simulang tumingala sa kalangitan, itinaas niya rin ang kaniyang kamay upang abutin ang mga bituin katulad ng aking ginawa kanina.
"Ang akala ko po noon ay sa aming mga mahihirap lamang malupit ang mundo. Hindi ko inakalang pare parehas lamang po pala ang lahat ng tao." aniya
Advertisement
"Lahat tayo ay nadaan sa mga pagsubok, walang makakaligtas pagdating sa bagay na iyon" sabi ko
"Ngunit bakit tila naman po isang kalabisan na ang nangyayari sa amin at inyong pamilya?"
Napatigil na lamang ako dahil hindi ko rin alam ang kasagutan sa kaniyang tanong.
"Nalalapit na ang araw ng kasal" pag iiba niya ng usapan "Nakapag usap na po ba kayo nang maayos? Naipaliwanag niyo na po ba sa kaniya ang inyong dahilan?" Umiling na lamang ako bilang sagot sa kaniyang katanungan.
"Hindi ko rin alam?" mahina kong sabi "Sa aking palagay ay hindi niya iyon mauunawaan."
Batid kong iyon rin ang iniisip ni Teresita kung kaya't parehas lamang kaming natahimik sa aking sinabi.
"Huwag ka pong mabahala binibini, magiging maayos rin ang lahat" atsabay tapik niya sa aking balikat "Maaaring hindi pa sa ngayon ang araw na iyon ngunit huwag ka pong mapapagod mag hintay"
simulang umalingawngaw ang malumanay na tugtog ng mga instrumento sa loob ng simbahan ng San Alfonso. Ilang buwan na rin ang lumipas mag mula nang matapos ang lahat ng paghahanda para sa gaganapin na pag iisang dibdib ngayon sa simbahang ito.
Hindi na magkamayaw ang mga bisita sa loob ng simbahan dahil nasasabik na silang masaksihan ang magaganap na seremonya.
Ang mga normal at pobreng mamamayan naman ay nasa labas lamang ng simbahan upang makilahok sa pag diriwang sapagkat tanging mga kabilang lamang sa alta sociedad at hukbong sandatahan ang mayroong imbitasyon upang makapasok sa loob ng simbahan.
Sabay-sabay namang napalingon ang lahat nang magbukas ang malaking pintuan ng simbahan at isa isang pumasok ang mga batang babae at lalake, maging mga dalaga at binata. Sinasaboy ng mga ito ang bulaklak na nakalagay sa mga hawak nilang mga basket.
Nag simula nang magalak ang lahat nang dumating na sa tarangkahan at dulo ng pintuan ang babaeng nakasuot ng isang napaka eleganteng traje de boda, napapalamutian ito ng mga disenyong puting paru-paro at daisy.
May hawak itong kumpol ng mga mirasol na kaniyang pinaka paboritong bulaklak sa lahat, sa kaniyang tabi naman ay naroon ang amang si Don Alejandro na maghahatid sa kaniya sa dulo ng altar.
Hindi maitanggi ang pag hanga ng mga bisita sa angking kariktan ng babaeng ikakasal. Tunay ngang siya ang pinaka-katangi tangi ang ganda sa magkakapatid na Montecarlos.
Nagpalakpakan ang iba nang magsimula nang maglakad ang dalaga kasabay ng kaniyang ama. Sa dulo noon ay naroon ang bagong binatang heneral ng San Alfonso na si Marco.
Nakasuot ito ng puting unipormeng pang heneral, iyon ang isinusuot ng mga heneral na tulad niya sa tuwing sila ay ikakasal.
Sa pinaka unang hanay ng mga upuan ay naroon si Carmela habang nakatanaw sa kaniyang kapatid na si Maria na naglalakad ngayon patungo sa altar.
Sa kaniyang tabi ay naroong nakaupo si rin sina Teresita at si Eduardo na malungkot na nakatanaw sa babaeng kaniyang iniibig. Suot nito ang traje de bodang pangarap niyang makitang suot ni Maria sa araw ng kasal nilang dalawa.
Batid niyang wala na siyang magagawa kundi ang pumayag na lamang sa kasunduang ito, hindi siya nag mula sa mayamang pamilya upang maisalba ang pamilya ng babaeng kaniyang minamahal kung kaya't ipinagpalagay niya na lamang niyang isiping siya ang lalaking nakatayo ngayon sa dulo ng altar.
Ang lahat ng pangarap na binuo nilang dalawa ay tila naglaho na lamang na parang isang bula.
Naiintindihan niya na, na ang kwento nilang dalawa ay hanggang umpisa lamang. Wala nang susunod na mga pahina para sa kanilang dalawa, sapagkat ang mundo nila ay magkaiba.
Napansin ni Eduardo ang mga luhang unti unting namuo sa mata ng kaniyang kasintahan nang magtama ang kanilang mga mata.
Ngumiti na lamang siya rito upang iparating na naiintindihan niya ang lahat at hindi nito kailangang humingi ng tawad sa kaniya.
Sadyang napakalupit lamang talaga ng tadhana para sa kanilang dalawa. Batid niyang kahit ano pang mangyari ay ang mahirap na tulad niya ay hindi nababagay sa mga elitistang katulad ni Maria.
Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang na nakatayo si Marco sa harap ng altar. Pilit siyang nagpapanggap at ipinapakita sa lahat na masaya siya para sa kasal na ito. Batid niya sa kaniyang sarili na hindi ito ang kaniyang ibig na mangyari.
Maya-maya pa'y unti unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata habang tinatanaw ang babaeng tunay niyang iniibig at nais pakasalan. Nakasuot ito ng puting bestida na ipinatahi nito noon sa inerekomenda niyang mananahi. Nakatanaw ang dalagang ito sa kapatid na si Maria.
Ngumiti na lamang si Marco at ipinagpalagay sa kaniyang isipan na ang babaeng naglalakad patungo sa kaniya ngayon sa dulo ng altar ay ang kaniyang babaeng tunay na minamahal, si Carmelita, ang bunsong anak ng pamilya Montecarlos.
Batid niyang napakalupit ng tadhana para sa kanilang dalawa sapagkat alam niyang may iniibig na itong iba.
Napangiti na lamang ang binata nang maalala niya ang araw kung kailan sila unang nagkita ng dalaga sa hardin ng mga rosas. Agad siyang napaibig rito dahil sa angkin nitong ganda at magiliw na pag uugali.
Sinubukan niyang ipagtanong sa kaniyang mga guardia civil kung kaninong pamilya nabibilang ang binibining kaniyang nakilala.
Agad niya namang napag-alaman na Carmelita ang ngalan nito at kabilang ito sa pamilya Montecarlos na sa mga oras na iyon ay unti unti nang bumabagsak ang kabuhayan at negosyo.
Dali-dali niyang kinuha ang pagkakataong iyon upang hingin ang kamay ni Carmelita sa ama nitong si Don Alejandro upang pakasalan. Batid niyang hindi na tatanggi pa ang Don sapagkat kailangan nitong isalba ang pangalan ng pamilya.
Ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan ng dalaga ang kaniyang alok na kasal sa kadahilanang mayroon na itong iniibig na iba.
Sinubukan na rin niyang pakiusapan ang ama nito ngunit pumabor pa rin ang Don sa anak. Sa halip ay inalok nitong ikasal siya sa kapatid na babae ni Carmelita na si Maria.
Maganda si Maria, matalino at may mabuting puso, ngunit hindi niya makita rito ang sayang nararamdaman ng puso niya sa tuwing nasisilayan niya si Carmelita kung kaya't tinanggihan niya ang kasunduang iyon, hindi dahil sa nag dadalang tao ang dalaga kundi dahil sa hindi niya naman talaga ito tunay na minamahal.
Sinabi niya rin kay Don Alejandro na kung hindi si Carmelita ang ipagkakasundo sa kaniya ay hindi na lamang niya tatanggapin ang pagiging isa ng kanilang pamilya.
Malugod na lamang tinanggap ni Marco na maaari ngang hindi pa ngayon handa ang dalagang iniibig kung kaya't hihintayin na lamang niya ang oras na maging bukas ang isipan nito at tanggapin ang pagmamahal niya sa tamang oras.
Ngunit isang araw habang nagpapahinga sila sa kanilang kampo sa Fort Santiago ay napag alaman niyang nagtungo sa kaniyang opisina si Carmelita. Ang akala niya noon ay makikiusap itong ituloy ang pag iisang dibdib nilang dalawa dahil batid niyang nasa panganib na ang negosyo ng pamilya nito ngunit sa halip ay nakiusap itong ituloy ang kasal niya at ng nakatatandang kapatid na babae, si Maria.
Pilit niya itong tinanggihan dahil ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya naman minamahal. Kaya nga lamang ay wala na siyang nagawa nang magsimula nang lumuha at makiusap si Carmelita.
Ayon dito ay malapit nang mawala sa kanila ang lahat. Nais niya pa sana itong tanggihan ngunit tila nadurog ang kaniyang puso nang makitang lumuhod ito sa harapan habang lumuluha at nakikiusap.
Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang upang makitang nasa maayos na kalagayan ang pamilya ng dalaga.
"Tulad ng mga bituin, handa akong ibigin ka kahit na hindi kita kayang abutin." ani ni Marco sa kaniyang isipan.
Nagtama ang kanilang mga mata ni Carmelita, tinapunan niya lamang ang dalagang minamahal ng isang matamis na ngiti at pag tango.
"Napakalupit ng tadhana para sa ating dalawa" saad niyang muli sa isipan.
Nag hiwalay lamang ang kanilang mga mata nang huminto na sa kaniyang harapan ang binibining kaniyang papakasalan, si Maria.
Nagsimula na ring mag palakpakan ang mga panauhin dahil magsisimula na ang seremonya ng kasalan.
******
ILYS1892: AMW19TH CENTURY
-mayroon kaming inedit at idinagdag na scenes sa ibang chapters kaya sorry sa mga naunang nagbasa nitong story hehe
under editing pa rin itong story:)
Advertisement
Reincarnation: First Monster
Names. To most humans and other savory and less savory creatures, they are important–-an integral part of whom they are. To me, however, it is quite trivial, especially so when you have a strange ability to reincarnate. But that's the least of my problems, considering the life-threatening training and tribulations I have to go through as a baby. Did I also mention that my current mother is a dragon?Warning: Can get quite bloody later on and an indifference to killing and sexual content in the future
8 87A Prison of Worlds (The Chained Worlds Chronicles Book 1)
His friends are dead and now Derek is trapped as a human and branded by magic. Not that he has anything against humans, after all, some of his best friends were human, however, it's just not for him. Now thrown out of his own reality he has to find a way to break his bindings and find a way home. Although he is an accomplished psychic Derek realizes that perhaps this may be the wrong skill set to bring to bear on ancient magics and devilish dragons. Now he has to explore the very building blocks of magic to take control of his destiny. Unexpectedly, while he's taking control, events occur that may lead to the end of the world as we know it. Mad mages, hordes of demons and unfortunate explosions follow him as he attempts to save the world. Which begs the question, what does happen after the apocalypse?
8 206Rise of the Fallen
Once, they were at the top of the world strong enough to take the heaven. Then calamity struck and they fell, cursed by the heaven. Today they're unknown to the world, their grace forgotten by everyone but themselves, their clan n ruins. All they have now is hope, a hope that they can rise to greatness once again and regain their former glory.Thus, began the story of our hero Nik, a genius who was never meant to break through the shackles of the curse of the heaven. What happens when one cursed by the heaven finds the treasure bestowed by the heaven? Will he fall like his ancestors or will he rise to bring his clan to its former glory and create a new era?
8 196The 13th Hour
Lexi can't stop killing people. Since turning 16, she's manifested uncontrollable magic that keeps taking lives, stumbled into the nightmarish 13th Hour dimension, and bumped heads with its guardians. With aid from the Department of Metaphysical Security, Lexi and the guardians try to figure out the connection between her volatile magic and the 13th Hour. However, it quickly becomes a race against the clock to stop the 13th Hour from crumbling and unleashing its horrifying "entities" into the world. For Lexi, there’s nothing sweet about 16.
8 94Her and I (Kyouka Jirou x Fem Reader)
Kyouka Jirou x reader (complete and under editing)This story takes place in 1A's (now 2A)'s second year at UA when (y/n) transfers into their class after being saved from a traumatic past, and she meets someone who changes everythingDisclaimer: I do not own My Hero Academia or any of their characters. I also do not own the art on the cover or at the beginning of chapters.
8 168TwinsTale
follow and help the twins throughout their adventure.
8 156