《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 10
Advertisement
ng umaga, araw ng Linggo. Abala ang buong San Alfonso sa darating na pag diriwang sa bayan.
Mag tatatlong buwan na ang nakalipas mag mula nang magkaroon ng kaguluhan sa bayang ito. Tatlong buwan na rin nang tanggapin ko ang inaalok na kasal ni Juanito at tatlong buwan na rin nang huli ko siyang makita.
"Binibining Carmelita, nasa ibaba na po ang mananahi at susukat ng inyong damit na susuotin." saad ni Teresita habang tulala akong nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili.
"Susunod ako" tipid kong sagot dito. Tumango na lamang siya at muling lumabas sa aking silid
Nang ibaba ko ang hawak kong suklay ay nahagip ng aking mga mata ang sulat na ibinagay sa akin ni Juanito nang huli kaming magkita. Awtomitako na lamang akong napangiti ng mapait sa aking sarili habang binabasang muli ang sulat sa ikailang libong beses. Ipinabot niya ang liham na ito noon kay Angelito nang tumakbo ako patungo sa aking silid matapos kong tanggapin ang alok niyang kasal.
"Mahal ko,
Maraming salamat sa pagpapaunlak mo na lumabas tayo ngayong araw. Labis akong nagagalak na makasama kitang muli. Batid kong hindi na kita nabigyan pa ng maraming oras nitong nagdaan magmula nang maging abala ako sa aking trabaho. Ikaw ang aking naging pahinga at ang nag bigay ng lakas sa akin upang magpatuloy sa bawat araw.
Labis rin akong nagagalak na maluwag sa puso mong tinanggap ang alok kong pagpapakasal. Kahit pa tinakbuhan at iniwan mo akong mag isa."
Napatigil ako sa aking binabasa nang maalala ko ang ginawa ko sa kaniya ng araw na iyon. Batid kong hindi niya inaasahan na tatakbuhan ko siya matapos kong umamin at halikan ang kaniyang pisngi.
"Nasasabik na akong makasama ka sa iisang tahanan kasama ang ating pitong mga supling. Nananabik na rin akong ikaw ang datnan ng aking mga mata sa aking bawat pag gising at pag uwi mula sa trabaho. Maging sa mga oras na ipikit ko ang aking mga mata bago ang aking mahimbing na pagtulog."
Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti sa nabasa.
"Ngunit kailangan kitang iwan. Kailangan kong magpakalayo at lumisan para sa iyo. Patawad kung hindi ko kaagad ipinaalam. Masyadong marami kang problemang kailangang alalahanin nitong mga nakaraan kung kaya't hindi ko nagawang sabihin sa iyo kaagad. Huwag sanang sumama ang iyong loob sa akin--"
Napatigil ako sa aking pagbabasa nang may kumatok muli sa aking silid. "Binibini, kanina pa po kayo hinihintay ng mananahi ng inyong kasuotan" saad ni Teresita habang nakasilip muli sa pintuan. Tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo at ibinalik ang sulat sa loob ng isang sisidlan ng mga importanteng papeles sa aking silid.
Advertisement
"Bibisitahin ka nga po pala ni Heneral Marco mamaya" ang tinutukoy niya ay ang bagong heneral ng San Alfonso. Ngumiti lamang ako sa kaniyang sinabi.
Nang makababa kami sa hagdan ay nakita kong naghahanda na ng gagamitin sa pagsusukat ng aking magiging damit ang mananahi at ang taga tulong nito. Nasa upuan naman si Maria habang nakikipag usap sa kanila. Malaki na ang kaniyang tiyan at kapansin pansin na din ito buhat ng kaniyang pagdadalang tao.
Bumati ako sa kanila at gayon din naman sila sa akin. "Napakarikit na dilag" puri ng matanda sa akin na sa tingin ko ay nasa edad pitumpu't-lima na. Kulubot na ang balat nito at may kabagalan na rin sa pag sasalita.
"S-salamat po" nahihiya kong saad
"Tiyak na babagay sa iyo ang disenyo na aming ginawa" bakas ang pagkasabik sa tono nito. Ngumiti na lamang ako bilang sagot.
Nagsimula na silang kunin ang sukat ng aking balikat, dibdib, baywang, balakang at iba pa. Ilang sandali pa ay natapos na sila at nag paalam na upang umalis dahil sisimulan na nilang gawin agad ang aking damit.
kami ngayong nasa pamilihan ni Teresita upang bumili ng sangkap ng mga pagkain na kakailanganin namin para sa hapunan mamaya. Abala ang lahat ng kawaksi ng tahanan kung kaya't nag presinta na lamang kami na bumili ng mga sangkap. Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sa tindahan ng mga sariwang prutas at gulay.
"Kamusta na po ang inyong kalagayan?" basag ni Teresita sa katahimikan.
"Ayos lamang ako. Wala naman akong karamdaman" sagot ko. Napansin ko naman ang lungkot at awa sa kaniyang mga mata. "Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Ang ibig ko pong sabihin ay-- magmula nang umalis si kuya Juanito ay bihira ko na lamang kayong makitang ngumiti at makipagusap sa iba" agad namang tila may kung anong kumirot sa aking puso sa narinig.
"Ayos lamang ako. H-huwag mo nga akong linlangin alam kong ikaw ang nalulumbay magmula nang umalis si Angelito" biro ko upang malihis ang usapan. Agad namang niyang dinepensahan ang sarili dahilan upang matawa na lamang ako.
Kusa namang napatigil ang aking mga paa nang mapadaan kami sa tapat ng tindahan ng mga mansanas. "Bakit po--" tanong ni Teresita nang mapansing tumigil ako sa paglalakad. "Binbini, nais niyo bang bumili tayo ng mga iyan?" tanong niya atsabay sumulyap sa mga mapupulang mansanas na nasa aming harapan.
"Señorita, bili na po kayo. Sariwang-sariwa po ang mga ito" alok ng matanda.
"Nais niyo po bang bumili?" tanong ulit ni Teresita. Sunod sunod naman akong napatango sa kaniyang sinabi.
Advertisement
Agad na bumili si Teresita ng limang piraso noon para sa akin atsaka inabot ang bayad sa matanda. "Salamat po" sabay na saad namin ni Teresita nang maiabot na sa amin ang aming pinamili.
Habang naglalakad kami ay dali dali kong kinuha ang isang mansanas at kinagatan ito. "Hindi pa po iyan nahuhugasan" gulat na sabi ni Teresita sa akin. "Ayos lang. Hindi naman agad ako mamamatay sa bacteria" biro ko sabay taas ng aking mga kilay ng dalawang beses.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. "A-ahh wala huwag mo nalang intindihin. Ngayon lang naman ako kakain ng hindi nahugasan na mansanas" ani ko sabay kagat sa hawak ko atsaka nguya ng malakas sa mansanas dahilan upang lumikha ito ng malakas na tunog.
"Binbini, paumanhin po ngunit hindi kaaya-ayang kainin ninyo iyan sa harap ng publiko" bulong niya pa.
Dali-dali ko namang naihagis ang hawak kong mansanas pabalik sa bag na pinaglalagyan ng mga binili namin kanina nang mapagtanto kong nakitingin na pala sa akin ang lahat ng mga mamamili at tindera. Nasamid pa ako sa aking kinakain dahilan upang maubo ako at magsitalsikan ang aking nginunguya.
"P-paumanhin po. G-gutom lang ako" sabi ko sabay tawa ng tila nahihiya. "M-mauna na po kami. Magandang hapon" awkward kong saad. Agad kaming umalis ni Teresita habang nakayuko ang aming mga ulo dahil sa kahihiyan.
nang makalayo kami sa lugar na iyon ay hindi na ako tinigilan ni Teresita sa panunukso at pangaasar sa nangyari kanina.
"Nais niyo pa po bang ubusin ang mansanas ninyo?" tukso niya atsaka ipinakita ang mansanas na kinain at inihagis ko kanina. Namula ang aking magkabilang pisngi nang maalala ang tagpo sa pamilihan. "Ayoko na kainin ang mga iyan" sagot ko sa kaniya na patuloy lamang sa pagtawa. Hindi na ako natatakam sa mga iyon tulad kanina.
Patuloy pa rin si Teresita sa kaniyang ginagawang pang-aasar. Hindi niya ako tinigilan hanggang makabalik kami sa hacienda. Kung kaya't napagdesisyunan ko na lamang na magkulong sa aking silid.
Maya maya pa ay may narinig akong katok sa pintuan "AYOKONG KUMAIN NG MANSANAS!" sigaw ko. Narinig kong muli ang pagkatok matapos ang ilang segundo.
Agad naman akong tumayo at nagtungo sa pinto upang turuan ng leksyon si Teresita sa plano na naman niyang pangangantiyaw sa akin.
"SABI KONG AYOKO NGA NG--" agad akong napatigil nang mabuksan ko ang pintuan at makita kung sino ang nasa likod noon.
"Paumanhin, binibini. Wala akong dalang mansanas" wika niya
Agad namang humagikhik si Teresita na nasa tabi niya.
"A-ang ibig kong sabihin-- Akala ko kasi--"
"Akala niya po kasi--" singit ni Teresita. Batid ko na kung ano ang nais niyang sabihin kung kaya't dali dali ko siyang inunahan magsalita.
"O-oo nga pala! M-magandang hapon po Heneral, ano po ang inyong s-sadya?" pag iiba ko ng usapan. Natawa naman siya sa aking pagsasalita dahilan upang makita ko ang kaniyang magagandang ngipin tila mawala rin ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang pagtawa.
"Hindi ba't sinabi ko nang dadalaw ako rito ngayong araw?" aniya. Agad naman akong napatango nang maalala kong binanggit iyon ni Teresita sa akin kanina.
"Sa azotea na lamang tayo mag usap" suwestiyon ko. Agad naman siyang sumang-ayon sa akin.
Nais kong iwasan na makausap niya si Teresita dahil baka kung ano pa ang maikuwento nito sa kaniya. "Teresita, ipaalam mo sa mga kawaksi na dalhan kami ng meryenda sa azotea" utos ko.
"Masusunod po" yumuko siya bilang pag galang kay Heneral Marco. "Binibini, nais niyo rin po bang dalhan ko kayo ng mansanas?" dagdag pa nito. Agad ko naman siyang pinandilatan ng mata ngunit tinawanan niya lamang ako atsaka umalis.
"Ano bang mayroon sa mansanas?" naguguluhang tanong ni Marco habang natatawa.
"W-wala. Halika na"
Abala kaming dalawa ni Marco sa pagtanaw sa mga halaman sa hardin mula sa azotea.
"Nakapag pasukat na ako ng aking kasuotan kanina, ikaw ba?" panimula niya sabay tingin sa akin.
Mas matanda lamang sa akin ng apat na taon si Marco. Isa siyang kastila na nanirahan dito sa bansa noon bago niya ipagpatuloy ang pag aaral ng pagiging sundalo sa Europa at mapromote bilang heneral sa murang edad. Maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, mapula ang labi at kulay tsokolate ang kaniyang mga mata. Siya ang bagong taga pamuno ng hukbong sandatahan ng San Alfonso.
"Oo" tipid na sagot ko.
"Mabuti naman kung ganoon" saad niya atsabay ngiti "Sa susunod na Linggo ay tiyak tapos na ang mga iyon. Balita ko ay mabilis at maaasahan pag dating sa paglikha ng kasuotan ang mga Lopez" banggit niya sa mga mananahi ng aming damit na kumuha ng sukat ko kanina.
Ngumiti at tumango lamang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam ang aking dapat isagot.
"Unti unti nang mas napapalapit ang araw ng kasal"
****
ILYS1892: 19TH CENTURY
♡
Advertisement
Death's Heir
"The body is but a vessel for the soul, a puppet which bends to the soul's tyranny." Death is not the end but merely the beginning....... -:- -:- -:- -:- -:- -:- Azreal is brought to a new world upon his death, a world of gods but he later finds out that this was the home he left seventeen years ago Unknown to him, when he met his grandfather he was set on the path to becoming one of the strongest gods. -:- -:- -:- -:- M.W.F.S.S
8 243The Far Away Dream
The possessor priesthood drew the perfect bodies. They pulled them from pictures and brought them to life. One of them drew his vision of the perfect world. A world where only beauty bodies and good feelings are allowed to exist. However, his plans to take the souls needed to fuel this insanity failed and the priesthood's existence became a myth. Now the world and cultures of Neolys must face their ancient past. A story of suffering, the intimacy it creates, and the will to fight against those who try to redraw the place you call home. The many characters in Neolys must unite and struggle against The Far Away Dream. Is a world of suffering worth fighting for? Is it insanity to fight for what hurts you? (I am in the process of rewriting/refurbishing this long story from one I wrote long ago and saved on my computer, into first person. I abandoned it many years ago. It will take time to figure everything out again and make the right changes. The Prologue/first chapter is supposed to be in third person)
8 83Rise Of The Swarm
This story is about man who gets reincarnated into a Zerg and now has learn a bit about himself and the people around him, if he wishes to survive. ******This is my first novel, sorry if it's a little bad (that's also why my description is horrible) but I promise it gonna get better I don't own the cover page( If I get one) Scribblehub : StarsignRoyal Road : Starsign**** Disclaimer: this book may have descriptions of sexual conduct and violence. Viewers discretion is advised Disclaimer:I don't own any character or anything form Starcraft
8 70DOPEMAN
In 2082, the world ended. The world was engulfed by the flames of nuclear war. That doesn't mean anything to the almighty Dopeman! He survived then, he'll survive now! The Dopeman is a legendary courier, they say. He will deliver any package, anywhere across the destroyed landscapes of America! However, it seems this famous figure has a strange past, Especially when he's tasked to supply a war he doesn't care about...
8 129Bloodlust {A GhostMyers Fanfiction}
Hello! Welcome to the description box!I'm basing this book off of some DBD parodies I've watched in the past and others "Michael x Ghostface" books.I'm rewriting this book, so Ghostface will be able to speak both Japanese and English. And also, for the sake of the readers, here is how I'm going to do the Japanese speaking now (since I don't want to translate).Underlined Italic: JapaneseNormal: EnglishHope this helps!Book cover says "Yeah we gay, keep moving"None of the art belongs to me! They belong to their respectful owners!
8 170fuck you
It's really a "enemy's" to lovers type of thing. I will most likely make it a slow burn because getting into things really fast just annoys me so much. This is a fanfic about ashtray from euphoria. He's not gonna be a 12 year old in this. You and him are 16. And i will try to put out as much chapters as i can at once.(now looking back at it they're not really enemy's but it's ok)
8 144