《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 9

Advertisement

ako sa pagkatok na nag mumula sa pintuan sa ibaba ng bahay.

Agad naman akong napalingon sa aking tabi. Ako na lamang mag isa ang nakahiga ngayon sa kama habang nakatapis sa aking hubad na katawan ang makapal na kulay puting kumot.

Napansin ko pa ang isang sulat na nasa tabi ng gasera. Agad ko iyong kinuha at binasa. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa nakasaad sa papel.

"Mahal kong Carmela,

Patawad kung hindi na kita ginising upang makapag paalam pa sa iyo. Batid kong pagod ka na at masakit ang iyong katawan.

Sisikapin kong makauwi mamaya mula sa trabaho ng maaga upang maipagluto kita ng paborito mong inihaw.

Huwag kang mabahala, hindi kita minamadali sa iyong kasagutan para sa alok kong kasal. Hihintayin ko ang panahon na maging handa ka nang muli.

Nagmamahal,

-J "

Itinago ko ang papel sa ilalim ng aking unan atsaka bumangon na sa aking higaan. Inihanda ko na rin ang aking susuoting baro't saya mamaya. Napansin ko pa ang pulang mantsa sa kama senyales na nakuha na ni Juanito ang aking pinakaiingatan.

Napangiti na lamang ako nang maalalang muli ang aming naging tagpo kagabi.

"Carmela,pakasalan mo ako" ani ni Juanito

Hindi ako nakasagot agad sa kaniyang sinabi dahil sa labis na pagkabigla.

"Hindi mo pa kailangan sagutin ang alok kong ito. Hihintayin ko ang iyong kasagutan kung kailan ka magiging handa" ngumiti pa siya dahilan upang lumabas ang biloy(dimple) sa kaniyang pisngi.

"P-paano kung hindi ko tanggapin ang iyong alok?" Nauutal kong tanong

"Hindi pwede ano! Hindi ako papayag" biro niya atsabay ngumuso pa. Mabilis ko nalang siyang hinalikan sa labi upang hindi na siya mag tampo pa sa akin.

"Maghihintay ako" sabi niya ulit.

Naputol ako sa aking pag iisip nang marinig ko ang malakas na pag tangis ni Maria mula sa ibaba. Dali dali akong nag bihis nang aking baro at saya matapos kong maligo upang mag tungo sa unang palapag ng tahanan.

"Anong nangyari?" nag aalala kong tanong sa kanila. Hindi na matigil sa pag tangis si Maria.

"S-si Don Alejandro po binibini--" ani ni Teresita.

Agad namang nag unahan sa pagkabog ang aking dibdib. Halos wala nang lumabas na boses sa aking mga labi.

"Tinambangan po ang iyong ama ng mga hindi nakikilalang tao nang patungo siya sa tanggapan ng heneral kagabi" ani ng lalaking nasa pintuan. Siya marahil ang kanina pang kumakatok sa aming pintuan.

Advertisement

Tila nabuhusan ako ng napaka lamig na tubig. Tuluyan na lamang nanghina ang ang aking katawan at bumagsak sa malamig na sahig. Nanlabo ang aking paningin at ang huli ko na lamang nasaksihan ay ang unti unting pagkakagulo nila Teresita, Angelito at Maria upang alalayan ako.

na ang kaniyang pakiramdam?"

"Masyado lamang siyang nabigla sa kaniyang nabalitaan"

"Mabuti naman kung ganoon. Mag pahinga ka na rin, ginoo. Sasabihin ko na lamang kay Teresita na siya na ang mag alaga kay Carmelita"

"Hindi na kailangan. Mas mapapanatag ako kung ako ang mag babantay sa kaniya" ani ni Juanito

"Sige, mauuna na ako" saad ni Maria at saka nag paalam na.

Unti unti ko nang imunulat ang aking mga mata. Nakita ko mula sa pintuan si Juanito upang ihatid sa labas ng aking silid si Maria.

Isang gasera lamang ang nag bibigay liwanag sa buong silid. Malalim na ang gabi at tanging mga ingay na lamang ng mga kuliglig ang aking naririnig.

"Gising ka na pala" aniya atsabay umupo sa aking kama.

"K-kamusta na si ama?" nag aalala kong tanong. Nag babadya na namang muli ang pag bagsak ng aking mga luha.

"Nasa pagamutan na si Don Alejandro. Maayos na ang kaniyang pakiramdam sapagkat sa binti lamang siya tinamaan ng bala. Patungo na doon si Maria at Eduardo upang bantayan siya" gumaan ang aking pakiramdam sa aking narinig at sa mga ngiti na ibinigay sa akin ni Juanito.

"Sa palagay mo ba ay kasalanan ko ang lahat ng mga nangyayari?" Tanong ko sa kaniya "Mag mula nang magtungo ako rito ay tila nag kagulo na ang lahat--"

"Wala kang kasalanan" pag putol niya sa aking sasabihin. Hinalikan niya rin ang aking noo. "Hindi mo kasalanan ang mga nangyayari"

"Pero--"

Agad niya akong niyakap dahilan upang mapatigil ako sa aking pagsasalita. Isiniksik niya pa ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Huwag ka nang mangulit pa" tumawa pa siya ng marahan dahilan upang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. "Ang tagal mong nakatulog. Masyado ata kitang napagod kagabi" biro niya dahilan upang mahampas ko ang kaniyang braso.

"Tumigil ka nga" natatawa kong suway sabay kurot sa kaniyang tagiliran dahilan upang mapaurong siya.

"A-aray!" reklamo niya

"Masakit pa ba ang iyong?---" tanong niya dahilan upang mamula ang aking mga pisngi.

"Ano na naman bang--"

"Binibini ang ibig kong sabihin ay ang iyong ulo" natatawa niyang saad "Hindi ka na ba nahihilo?"

Advertisement

"H-hindi na" nahihiya kong sagot "Ang akala ko ba ay lulutuan mo ako?" pag iiba ko ng usapan. Niyakap niya akong muli.

"Sa susunod na lamang kita ipagluluto ng inihaw. Masyado nang malalim ang gabi. Iba na lamang ang kainin natin" aniya sabay ngiti ng tila nakakaloko kung kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

"A-ang ibig kong sabihin ay may sopas na iniluto para sa iyo si Maria kanina. Ayun na lamang ang ating kainin" pagpapalusot niya pa. Tumawa na lamang ako upang hindi ako mapahiya dahil tila iniisip niyang napakarumi ng isipan ko.

"D-dalian mo! Nagugutom na ako" pagtataray ko

Tumayo na siya mula sa higaan atsaka sumaludo sa akin bago siya magtungo sa kusina.

maaga akong nagising upang mag tungo sa simbahan. Kasama ko ngayon si Juanito dahil nag pumilit siyang samahan ako dahil baka raw ako mapahamak sa daan.

"Kapag tinanggap mo na ang alok ko sa iyo. Nais mo bang dito sa simbahang ito tayo mag pakasal?" bulong niya sa akin habang nakikinig kami ng misa. Agad naman akong napalingon sa kaniya, nakangiti siya sa akin at nakatitig sa aking mga mata.

"P-puwede naman. Ngunit maraming pasakit na ang naranasan mo mula sa bayang ito. Ayos lamang ba sa iyong dito tayo mag pakasal?" ani ko

"Wala na sa akin ang mga pasakit at masasamang ala alang iyon. Kung saan mo man naisin maikasal ay malugod ko iyong tatanggapin"

Napangiti na lamang ako sa kaniyang sinabi. Kahit kailan talaga ay palaging pinaiiral ni Juanito ang kaniyang pagiging maunawain.

"S-sandali ang ibig sabihin ba nito ay tinatanggap mo na ang aking alok?" gulat na tanong ni Juanito

Narinig namin ang pag alingawngaw ng kampana hudyat na tapos na ang misa. Agad rin akong tumayo dahil hindi ko alam ang aking sasabihin sa kaniya.

"T-tara na"

araw kaming nag libot at namasyal ni Juanito sa bayan. Dumaan rin kami kay ama kanina upang kamustahin ang kaniyang kalagayan at dalhan siya ng mga sariwang prutas. Kanina pa rin ako kinukulit ni Juanito tungkol sa alok niya sa akin ngunit hindi ko pa alam ang aking sasabihin kung kaya't pilit kong iniiba ang usapan sa tuwing kaniya iyong nababanggit.

Maya maya pa'y napadaan kami sa panciteria na madalas naming kainan noon. "Nais mo bang kumain muna? Balita ko ay mayroon silang iba't ibang putahe ng paborito mong inihaw" tanong ni Juanito sa akin. Agad naman akong tumango dahil nagugutom na rin naman ako.

Dali-dali kaming sinalubong ng mga nagtatrabaho sa panciteria upang kunin ang aming order atsaka bumalik sa kusina upang ihanda iyon.

"Bukas ay patungo na ang ating magiging bagong gobernadorcillo at ang bagong heneral ng hukbong sandatahan ng San Alfonso" wika ni Juanito. Nakita ko pa ang kaunting lungkot sa kaniyang mukha. Kung hindi nagkagulo ang lahat ay sila pa rin dapat ang namumuno ngayon sa bayan na ito.

"Bukas ay ipagluluto kita ng paborito mong kaldereta" pag iiba ko ng usapan upang hindi na siya malungkot sa pagdating ng kinabukasan.

"Kung ganoon ay hindi na ako makapag hintay na sumapit ang bukas" nakangiti niyang saad.

Mayamaya pa'y dumating na muli ang tagapagsilbi ng panciteria dala ang lahat ng pagkaing binili namin ni Juanito. Sabay naming pinagsaluhan ang lahat ng iyon habang pilit kong pinapagaan pa rin ang kaniyang loob at pilit pinapaganda ang aming usapan.

ika-anim na ng gabi nang makauwi kami sa tahanan. Nasa pagamutan pa rin si Eduardo at si Angelito upang bantayan si Don Alejandro habang si Teresita naman ay abala sa pag babantay kay Maria dahil sa pag bubuntis nito.

"Masaya akong makasama ka sa araw na ito" ani ni Juanito

"A-ako rin. Maraming salamat" binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Mag tungo ka na sa iyong silid" sabi niya "Isirado mo rin ng mabuti ang iyong pinto" paalala niya pa. Agad naman akong tumango at nag paalam na sa kaniya. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay muli akong napatigil sa pag lalakad

"O-oo nga pala. Kanina ko pa nais sabihin ito sa 'yo" sabi ko habang nauutal

"Ano naman iyon binibi--" naputol ang kaniyang sasabihin sa aking sinabi

"Pumapayag na ako. Pumapayag na akong mag pakasal sa iyo" mabilis kong saad. Hinalikan ko pa ang kaniyang pisngi atsaka dire diretsong tumakbo paakyat sa hagdanan patungo sa aking silid. Naiwang nakatulala si Juanito roon na tila ba hindi pa rin nag po proseso sa kaniyang utak ang mga narinig.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

Publish na ang "Novaturient: The Untold Stories of the Katagalugan Deities (series#1)" namin dito sa wattpad. Visit niyo na lang po sa profile namin

BTW. STR3AM DYNAMITE- BTS, ICE CREAM- BLACKPINK X SELENA AND MORE & MORE- TWICE

Ice cream chillin'chillin' Ice cream chillin' 🍦

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click