《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 7
Advertisement
kami ngayon ni Juanito sa azotea habang pinag mamasdan ang buwan at mga bituin. Katatapos lamang naming maghapunan at ligpitin ang mga kurtinang ginamit nila kanina sa palabas.
"Ahmm...Juanito, salamat nga pala sa palabas kanina" pagbasag ko sa katahimikan.
"Masaya akong naibigan mo iyon, nawa'y tama ang aming pagkakasadula sa kwento ng Enchanted. Nabanggit mo noong iyon ang iyong paboritong palabas sa teatro ngunit wala naman akong ideya sa takbo ng istorya noon dahil sa iyo ko pa lamang naririnig ang palabas na iyon. Kung kaya't ang mga kwinento mo na lamang tungkol sa mga bida ng kwento ang aming pinagbasehan" saad niya sabay kamot sa batok atsaka ngumiti siya ng hindi labas ang ngipin.
Napatawa na lamang ako sa aking isipan dahil hindi ko naman talaga sa teatro napanood ang kwento ng Enchanted.
"Bakit mo nga pala naisipan na gawin 'yun? Hindi mo naman kailangang mag abala pa" napansin ko namang nakatingin lamang siya sakin "Ngunit huwag kang mag alala nagustuhan ko naman iyon, nais ko lamang malaman---"
"Nabanggit mong nais mong manuod ng teatro kaninang umaga. Batid kong binawi mo lamang iyon upang hindi na ako mag abalang gumastos sa boleto(ticket) natin" pag putol niya sa sasabihin ko "Hindi natin naipagdiwang ang iyong kaarawan noong nakaraang araw kung kaya't ito na lamang ang regalong maihahandog namin. Huwag kang mag alala wala man akong sapat na salapi para sa mga bagay na ibig mo ngunit sisikapin ko paring gumawa ng paraan upang maibigay ko ang mga bagay na iyon sa iyo."
"M-maraming salamat din pala sa palamuti sa buhok na iyong ibinigay sa akin"
"Walang anuman iyon bagay na bagay ang palamuting iyon sa iyo kung kaya't hindi na ako nag dalawang isip pa na bilhin ito"
Palihim naman akong kinilig sa kaniyang sinabi. Ang liwanag na lamang ng buwan at mga bituin ang nag sisilbi naming ilaw dito sa azotea kung kaya't hindi niya napansin ang pamumula ng aking mukha.
"Oo nga pala nabanggit ko na sa iyo noon na mayroong kaibigang propesor si Padre Orlando na nais akong kuhaning iskolar upang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral sa medisina" agad naman akong napalingon sa kaniya, nakatanaw siya ngayon sa kalangitan.
"Anong isinagot mo? Tinanggap mo ba ang alok niya?" Tumango lamang siya at ngumiti habang nakatingin parin sa mga bituin
"Ayokong maging pabigat sa iyo habang buhay, nais ko ring maibigay sa iyo lahat ng ibig mo at mapag-aral naman si Angelito sa oras na maging isa na akong ganap na doktor. Ilang taon na lang din naman kung kaya't hindi mo na kailangan pang maghintay ng matagal."
Napansin ko ang pag tama ng kaniyang buhok sa kaniyang kilay. Hahawiin ko sana iyon ngunit agad siyang lumingon sa akin atsaka kinuha ang aking kamay. Hinawakan niya ito ng mahigpit at hinalikan.
"Carmela ilang taon na lamang at magiging ganap na doktor na ako. H-huwag ka munang aalis. Huwag mo muna akong iiwan"
Binitawan niya na ang aking kamay at niyakap ako ng mahigpit na tila ba ayaw niya akong pakawalan.
"N-nais sana kitang ipag damot sa tadhana ngunit batid kong wala naman na akong magagawa sa oras na piliin nitong paghiwalayin tayong dalawa" kumirot ang aking puso nang narinig ko na naman ang kaniyang mahihinang pag hikbi. Umiiyak na naman siya.
Niyakap ko siya pabalik at bahagyang tinapik-tapik ang kaniyang likuran upang tumahan na siya. Hindi ko magagawang ipangako sa kaniya na mahihintay ko pa ang mga oras na maging isang ganap na siyang doktor kung kaya't hindi ko alam ang aking isasagot sa pakiusap niya.
"Juanito huwag kang mabahala. H-habang nandito pa ako at mag kasama tayo ngayon sisikapin kong maging masaya ang lahat ng ala-alang ating babaunin habang tayo ay nabubuhay" tuluyan na namang bumuhos ang aking mga luhang ayaw kong ipakita sa kaniya sapagkat hindi ko nais malaman niya na maging ako ay nawawalan na ng pag asa sa kahihinatnan ng kwento naming dalawa.
Advertisement
"Ipangako mo sa akin na kahit wala na ako sa iyong tabi ay ipagpapatuloy mo parin ang iyong pangarap" patuloy ko pa sabay kalas sa kaniyang mga yakap.
Pinunasan muna ni Juanito ang kaniyang mga luha at sabay napatingin sa kamay ko ngayon na naka pinky swear.
"Ang ibig sabihin nito ay pangako" sabay abot sa kaniyang kamay at ipinag dikit ko ang pareho naming hinliliit.
"P-pangako" sabay ngumiti siya habang nakatingin sa aming mga daliri. Kinalas ko na iyon at ngumiti sa kaniya.Hinawakan niya naman ang aking mukha at sabay pinunasan ang bakas ng luha sa aking mga mata.
"Haysstt...Nalulungkot na ako, palagi na lamang kitang pinapaiyak" saad ko sabay tawa ng marahan. Napansin ko rin namang natawa rin siya sa aking sinabi.
"Malalim na ang gabi. Nais mo na bang mag pahinga?" tumango na lamang ako bilang sagot at sabay na kaming pumasok sa loob ng tahanan patungo sa ikalawang palapag.
Hinatid na ako ni Juanito sa aking silid. Hindi niya na ako kailangan pang bantayan dahil maayos na naman ang aking pakiramdam.
"Labis akong nasiyahan ngayong araw kasama ka. Nawa'y makatulog ka ng mahimbing ngayong gabi, binibining Carmela" ngumiti siya at binuksan na ang pintuan ng aking kwarto upang makapasok na ako sa loob.
"S-sandali" agad naman siyang napalingon sa akin.
Alam kong hindi kaaya-ayang kilos ng isang binibini ang aking gagawin ngunit ito na lamang ang maisusukli ko sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin sa araw na ito.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Tila ang bigat ng aking mga paa dahil hindi parin ako nakasisigurado sa aking gagawin.
Napabuntong hininga muna ako bago ko tuluyan na ngang ginawa ang bagay na iyon.
Gulat naman siyang napatulala at napatingin sa akin habang tila mapunit ang kaniyang labi sa labis na pag ngiti dahil sa ginawa ko. Napansin kong namula ang kaniyang mukha at napahawak siya sa kaniyang kaliwang pisngi na...
Hinalikan ko.
malapit na pong maihanda ang ating agahan sa hapag kainan. Magbihis na po kayo." Narinig kong gising sa akin ni Teresita habang marahan niya akong tinatapik tapik sa aking balikat. Nang mapansin niya namang kanina pa ako gising ay agad na siyang nagpaalam at lumabas na sa aking silid.
Agad ko namang tinakpan ang aking mukha gamit ang unan atsaka nag simulang mag sisigaw na tila ba nasisiraan na ako ng bait. Agad namang muling pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi.
"S-sandali." Agad namang napalingon sa akin si Juanito habang hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.
Alam kong hindi kaaya-ayang kilos ng isang binibini ang aking gagawin, ngunit ito na lamang ang maisusukli ko sa lahat ng kabutihang ginawa para sa akin sa araw na ito.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya, parang tila ang bigat ng aking mga paa dahil hindi parin ako nakasisigurado sa aking gagawin.
Napabuntong hininga muna ako bago ko tuluyan na ngang ginawa ang bagay na iyon.
Gulat naman siyang napatulala at napatingin sa akin habang nakangiti dahil sa ginawa ko. Napansin kong bahagyang namula ang kaniyang mukha at napahawak siya sa kaniyang kaliwang pisngi na hinalikan ko.
Magsasalita pa sana siya ngunit hindi ko na alam ang aking gagawin kung kaya't dali dali kong padabog na isinirado ang aking pintuan at mabilis na nagtatakbo sa aking higaan. Kumatok pa siya ng tatlong beses ngunit hindi na lamang ako sumagot at nag panggap na natutulog na.
Napa padyak na lamang ako sa aking higaan habang sinisisi pa rin ang aking sarili sa aking nagawa. Pinilit kong buhatin ang aking sariling katawan patungo sa palikuran ng aking kwarto upang maligo at makapag palit na.
Mag a alas-siyete na nang matapos akong maligo. Napabuntong hininga na lamang ako sa harap ng salamin habang sinusuklay ang aking buhok na ang haba ay malapit na sa aking beywang, nag lagay rin ako ng kaunting pampa pula sa aking labi atsaka pinagmasdan ang aking sariling repleksiyon bago ako bumaba.
Advertisement
"Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong sa akin ni ate Maria nang makababa na ako sa hagdanan. Agad naman akong napasimangot nang mapansing sila lamang tatlo nila Teresita at Angelito ang nakaupo sa mga silya sa hapag kainan. "Ipinatawag ng maaga si ama sa tanggapan ng heneral. Si Eduardo at Ginoong Juanito naman ay saglit lamang kumain upang maaga silang maka tungo sa kabilang bayan, makikisaka raw sila doon." patuloy niya ng mapansing tila may hinahanap ako. Napatango tango na lamang ako at umupo na sa katabing silya ni Teresita.
"Ate Carmelita, bakit tila namumula ang iyong labi?" Agad naman akong napatingin kay Angelito na nakangiti ngayon ng nakakaloko sa akin.
"N-nakagat ko lamang ito." Palusot ko pa kahit alam ko namang hindi sila maniniwala sa akin.
"Sayang! sabi ko naman kay Kuya Juanito na hintayin ka na munang makababa kahit sandali lamang nang sa gayon ay hindi masayang iyang iyong pag aayos para sa kaniya." panunukso ni Angelito.
Nag kunwari namang nasasamid sila Teresita at Ate Maria upang hindi ko mapansing pinagtatawanan nila ako.
"B-bakit?M-masama bang mag ayos? Maganda ang gising ko ngayon kung kaya't walang masama kung gusto kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha." pautal utal kong saad.
"Mamaya mo na lamang dapat iyan nilagay mabubura din naman iyan habang tayo ay kumakain." Patukso namang sabi ni ate Maria. Pinagtutulungan ba nila ako?!
"M-mukhang h-hindi ka n-naman nakatulog ng m-maayos k-kagabi a-ate C-Carmela." Pang aasar pang muli ni Angelito habang ginagaya ang pautal-utal kong pagbigkas kanina. Sabay sabay naman silang nagtawanan habang nakasimangot lamang ako sa kanila at nag simula na lamang kumain.
labas ako ngayon ng hacienda ng pamilya Flores. Nais ko sanang maka usap si Leandro, huli ko siyang nakausap noon sa Fort San Felipe Neri kung saan binigyan niya ako ng isang puting rosas na nangangahulugang pag-papasalamat at pagpapalaya.
"Señorita Carmelita." Agad na bati sa akin ng kanilang mayordoma nang buksan nito ang pintuan. "Ano pong sadya niyo rito señorita?"
"Nandiyan po ba si Lean-- Heneral Leandro?" Hindi tamang tawagin ko lamang siya sa kaniyang pangalan sa harap ng ibang tao baka isipin pa ng mga ito na hindi ako marunong gumalang at hindi naturuan ng magandang asal.
"Sandali lamang po señorita, ipag papaalam ko po muna sa aming señor na nandito kayo." sabi pa nito nang makapasok na ako sa salas. Tumango na lamang ako at ngumiti bilang sagot.
Hindi ko rin alam ang aking sasabihin sa oras na mag kita kaming muli ni Leandro. Ngunit batid ko namang sa pag kakataong ito ay hindi ko na kailangan pang mangamba sa takot na guluhin niya kaming muli dahil alam kong natanggap niya nang hindi ako ang Carmelita na nakilala at inibig niya't umibig sa kanya noon.
"Kamusta." Narinig kong sabi niya habang pababa na ng hagdan.
Suot niya ngayon ang kaniyang asul na unipormeng pang heneral habang basa pa ng kaunti ang kaniyang buhok na tumatama sa kaniyang makakapal at magandang kilay. "Ano ang iyong sadya?Nag bago na ba ang iyong isipan?Nais mo na bang bumalik sa akin?" Biro pa niya at sabay tawa ng malakas habang naglalakad papalapit sa akin. Hindi ko naman sineryoso ang kaniyang sinabi alam kong isang biro na lamang para sa kaniya ang bagay na iyon.
"Maaari ba tayong mag usap?" Tumango na lamang siya sa akin ng tatlong beses at sinenyasang sa labas na lamang kami mag usap upang hindi na kami marinig ng kanilang mga tagapag silbi.
akong makitang maayos na ang iyong kalagayan." Pagsisimula ko sa aming usapan. Nandito kami ngayon sa paboritong panciteria nina Leandro at Carmelita noon. Iunahan ko na siya kaninang banggitin ang aking order sa takot na baka bigyan niya na naman ako ng pinakbet na hindi ko naman kinakain, biniro niya pa ako na masyado akong nasabik na makasalo siyang muli sa hapag kainan.
"Gayon rin naman ako sa iyo." ngumiti siya sa akin ng hindi lumalabas ang ngipin "Masaya akong makita kang ngumiting muli kahit na hindi na ako ang dahilan."
Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Wala naman akong magagawa kung hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin dahil hindi naman talaga ako si Carmelita na naging kasintahan niya noon.
"Patawad." hindi ko alam ngunit iyon na lamang ang lumabas mula sa aking mga labi. Napatawa naman siya ng kaunti sa aking sinabi.
"Tama nga sila, ang lahat ng bagay ay nag babago." Napailing iling pa siya "Tulad na lamang ngayon, hindi ka naman humihingi ng paumanhin sa akin noon kung kaya't ako lagi ang nauunang sumuyo sa iyo sa tuwing ika'y nag tatampo. Tila hindi na nga ikaw ang Carmelita na nakilala ko. Ngunit huwag kang mag alala mas paborito ko ang bagong bersyon mo ng Carmelita ngayon. Marunong ka nang mag pakumbaba." Tukso niya pa habang siya ay tumatawa hindi ko rin napigilang mapa ngiti dahil ibang iba na rin ang Leandro na nasa aking harapan ngayon, kaya niya nang tanggapin ang katotohanan kahit pa siya mismo ang masaktan.
"A-aking hinihiling na sana ay mahanap mo na ang binibining kayang suklian ang iyong pag mamahal." agad naman siyang napatingin sa akin ngayon dahil sa aking sinabi "Humahanga ako sa iyong katapatan sa pag iibigan nating dalawa noon, ngunit maraming bagay na ang nag bago. H-hindi na ako si Carmelita na minsan mo nang naging kasintahan noon. Hindi ko na rin kayang suklian pa ang pag ibig mo para sa akin at tuparin ang pangako natin para sa isa't isa."
"Alam ko." Ngumiti muna siya sa akin bago inumin ang baso ng tubig na nasa harapan niya upang pigilan ang pag patak ng kaniyang mga luha "Naiintindihan kita. Hindi kita masisisi, umalis ako upang tuparin ang aking pangarap habang naiwan kita dito mag isa, masaya na ako at sapat na narinig ko mula sa iyong pinatawad mo na ako----"
"Hindi mo na kailangan pang humingi muli ng tawad. Nais lamang kitang pasalamatan dahil hindi mo na ako nais na pilitin pang magpakasal sa iyo." Ngumiti lamang siya sa aking sinabi.
"Mag kaibigan na lamang tayo mula ngayon." wika niya habang nakangiti sa akin ng hindi lumalabas ang ngipin.
"Nais ko nga palang ipaalam sa iyo na babalik na akong muli sa Europa sa isang linggo." Gulat naman akong muling napatingin sa kaniya "Matatanggal na sa pwesto ang aking ama. Malapit na rin siyang litisin at kwestiyunin sa kaniyang naging pamumuno dito kung kaya't mas mabuti na lamang kung lalayo kami upang mas lalong hindi madiin sa kaso si Don Alejandro. Binabalak rin ng hari ng Espanya na mag palit muna ng pinuno ng hukbong pangkapayapaan ang San Alfonso kung kaya't sa Biyernes ay mag kakaroon na kayo ng bagong heneral." Napapansin ko sa kaniyang mga mata na nalulungkot siyang lisaning muli ang bayan ng San Alfonso.
"Kung ganoon sana ay patuloy ka paring mag padala ng liham sa akin." Wika ko upang pagaanin ang kaniyang loob. "Huwag kang mag alala tutugon na ako sa mga sulat mo!" Dugtong ko pa habang iwanawagayway ang aking mga kamay upang sabihin sa kaniya na nag kakamali siya ng iniisip at siguradong sasagot na ako sa sulat niya.
"Umaasa ako sa iyong sinasabi." Sagot niya, nakangiti na siyang muli.
"Maari kang mag kwento sa akin kung anong mga bagay ang nangyari sa 'yo sa buong araw, linggo, buwan o taon--- ahh mali! mali!" Agad naman akong napailing iling "Huwag mong hahayaang paabutin ng ilang taon bago ka mag padala ng liham sa akin!" Bahagya naman siyang natawa sa itsura ko. "Mag kaibigan na tayo ngayon! Kung kaya't wala na tayong dapat ilihim sa isa't isa! Kapag may naibigan ka doong binibini nararapat lamang na sabihin mo iyon sa akin, tutulungan kita sa panliligaw. Kapag malungkot ka naman at may problema, gagawin ko ang lahat upang tulungan ka at pagaanin ang iyong loob. Naiintindihan mo ba? Okay?!" Sabi ko pa habang nakataas ang aking hintuturo ginaya niya naman ako pati ang pag tango tango ko.
"O-okey?" Nagtataka niya namang tanong.
"Ang ibig kong sabihin kung naiintindihan mo ba ang aking mga sinabi?" Tumango tango naman siya habang malawak ang ngiti.
"Okey. Naiintindihan ko." Itinapat niya naman sa akin ang kaniyang palad at nakipag kamay na tila ba nakikipag negosasyon ako sa kaniya at sabay kaming tumawa.
na ng hapon nang makauwi ako. Matagal tagal din kaming nag usap at namasyal ni Leandro. Gusto kong maging masaya ang ala ala niya sa akin bago siya bumalik sa Europa at bago ko sila iwan.
"Bakit ngayon ka lang?" Nagulat ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Juanito, nginitian ko siya ngunit mukhang wala ata siya sa mood nakatingin lamang siya ng seryoso sa akin. Ano bang nangyari sa lalaking ito? May mens siguro siya ngayon?
Natawa naman ako sa aking naisip dahilan upang mas lalong mainis sa akin si Juanito.
"Carmelita nandito ka na pala? Halika na sa hapag kainan nakahanda na ang hapunan." Bati sa akin ni ate Maria sumunod na lamang ako sa kaniya at tumungo na sa dining area.
"Tutungo ako sa tanggapan ng gobernador heneral mamayang alas sais kung kaya't mabuti nang mas maaga tayong mag hapunan." Paalam ni ama. Ipinatatawag siya sa tanggapan para sa paglilitis ng kaso nila ni Gobernador Flores at ng iba pang opisyal "O, Carmelita bakit hindi ka kumakain?" Napansin ni ama na hindi ko ginagalaw ang aking pagkain at pinaglalaruan lamang iyon.
"Ahh ano po--" sasagot na sana ako ngunit pinutol ni Juanito ang aking sasabihin.
"Maaring nabusog na po si Binibinig Carmelita, nakakain na sila ni Heneral Leandro kanina sa panciteria sa bayan."
Napatingin ako kay Juanito nakatingin siya sa akin ngayon habang umiigting ang kaniyang panga agad din naman siyang umiwas ng tingin nang lumingon ako sa gawi niya. Sandali? Paano niya nalaman?
Napatawa naman ako sa aking sarili sa sunod na pumasok sa aking isipan.
NAG SESELOS BA SI JUANITO?
-----
ILYS1892: 19TH CENTURY
♡
Advertisement
Fluff
Every year, on the same day, people across the world awaken new powers. They take the first step on the path to becoming Super Heroes... or Villains. Emily Wright wants nothing to do with any of that. All she wants is to get her degree and maybe learn to deal with her anxiety so that she can have an entire conversation with a stranger without panicking. She did not plan to awaken with the power to summon little sisters, or to learn that she’s been marked as a Villain. Will she be able to turn things around, or will she drown in a sea of super villainy and cuddles?
8 641Reincarnated as a pokemon!
After a difficult life Felix Danim finally gives up and moves on to his next big journey. He wakes up to find himself having been reincarnated into a pokemon! How will Felix live, or, more importantly, survive his new circumstances? The world of pokemon is not as kind or forgiving as he remembered. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- This story is set in an alternate universe where pokemon exclusively in the protagonists region live together in diverse communities, based on the pokemon mystery dungeon games. The story is set right before the theorized 'great war' occurs. Expect elements from both the mainstream games as well as elements from other pokemon franchises. Even elements from fan-made games may appear. Warning: This story uses a mix of xianxia elements and litrpg elements to flesh out the standard pokemon levelling system. Disclaimer: I do not own pokemon, or anything from the franchise, only my OC characters.
8 114Party Politics
Hans and his sister had logged into the first time-dilated game, Finkar, over two weeks ago, and the first thing they did was rush to the nearest dungeon. Now, upon finding the first player party since they had gotten trapped in there, they have their darkest fears confirmed: All of Finkar is imprisoned inside the game.Pao has seen horrors since the game started, and knows exactly who is to blame: Gabrial and his party. She now walks an uneasy path between helping the players of Finkar recover and avenging them. Which is more important, the past or the future?Hans and Pao must now adjust to their new lives within the game, and maybe change the course of the game’s future.
8 70The Wanderer
The world is soon to face a crisis like no other. A human from another world is reincarnated as a Demon Princess. The person she thought of as a friend is the child of an entity hated by many people human or not, they have a title that proves that they are powerful they are The Wanderer. A/N I am a beginner writer so I can't promise a good story but I will write still. I am also looking for a cover image still Even though there is one. The current cover image is from google I don't own it.
8 128Decoder;Deconstructor
Arvis, A 23-year old programmer that had been hand chosen as a special operating crew for an incredibly successful game for the past 2 years has been convicted for a crime he did not comit. As for how this fraud was able to destroy his whole life in one go was something he constantly thought about, yet upon noticing a person flying around in his cell he gets thrown into another dimesion without question. Note: The story is filled with a shit-load of profanity and mild-dark/dirty humor, although it is tragedy- Which In one case it IS tragedy, I will add in lots of things will make this unlike any other type of tragic-comedic storeh.. so... Like tragedy, with a twist of Comedy, and a touch of Badassery Apart from that, The story starts off terribly, but I promise it will get better... (since I started getting better at writing)
8 83Agents of MAGE
Everyone knows what MAGE is. When something very bad happens, when people are suffering and dying, when even the police are helpless, the agents of MAGE, will show up and save the day. They can do anything, they are above prime ministers and presidents and kings. Their job description is to do whatever it takes to make sure tomorrow will be better. Cornelius Blake, ex-cop and highly trained sorcerer is one of those agents. He travels the world and solves problems. He saves lives. But when his orders became more and more complicated, he has to face the question: what is he loyal to? The Agency or the idea behind it?
8 173