《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 6

Advertisement

ng sumampa si Juanito sa bangka. Inilahad niya pa ang kaniyang palad sa akin atsaka inalalayan ako pasakay sa bangka. Mag a-alas sais palang ngayon ng umaga kung kaya't hindi pa ganoon karami ang nasakay at nagtutungo sa bayan.

Siguradong ma mimiss ko ang sumakay muli dito. Tahimik na ang lawa sa makabagong panahon at wala na ring masyadong tao sa parteng ito. Kung mayroon man ay mga tao na lamang na walang mapagtayuan ng kanilang sariling bahay. Marumi na rin ang lawa sapagkat patuloy ang pagtatapon ng basura ng mga tao rito.

Nabigla ako ng hawakan ni Juanito ang aking mga kamay. Dahil sa pagkabigla ay agad akong napatingin sa kaniya nakangiti lamang siya habang nakamasid sa tubig, iniiwasan niyang tumingin sa akin. Maya maya pa'y naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisngi. Namumula ako nakakahiya!

Parehas kaming walang imik habang nakasakay sa bangka at magkahawak ang aming mga kamay.

Mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bayan. Agad akong inalalayan ni Juanito pababa at sabay kaming nag lakad lakad. Nakatutuwang pagmasdan ang mga tao rito ang sisigla nila habang nag papalitan ng ngiti at pag bati sa isa't isa.

"Nais mo bang mag tungo roon?" Sabay turo niya sa tindahan ng mga pampaganda noon nila Aling Trinidad na ngayon ay iba na ang nag namamahala. Ganoon pa rin naman ang kanilang mga tinitinda.

Tumango ako habang nakangiti bilang sagot kay Juanito kaya't naglakad na kami patungo sa tindahan.

Agad naman siyang binati ng batang babaeng tagapagbantay ng tindahan. Siya pala ang anak ng may ari ng ng mga palamuti at pampaganda.

"Kuya Juanito!" Bati ng bata sa kaniya na sa tingin ko ay nasa 10 taong gulang pa lamang. Napatingin ito sa akin at dali daling bumulong kay Juanito na narinig ko parin naman. "Siya po ba ang binibining ikinukwento niyo sa akin noon na nais niyong bigyan ng-----"

"Shhhh" agad na suway sa kaniya ni Juanito habang naka lapat ang kaniyang hintuturo sa kaniyang mga labi na naka 'shhhhh' o tahimik sign

"A-ano bang pinag uusapan niyo?" pagtataka kong tanong

"Huh?!ano--kasi po--ano wala lamang po iyon binibini" natatarantang sagot agad sa akin ng bata. May pagka weird din pala ang mga bata sa panahong ito. "Ano po bang nais niyong bilhin sa mga pampagandang ito"

"Ahhh w-wala naman nais ko lamang tumingin tingin dito" sagot ko na lamang habang nakatingin sa mga pampaganda at mga ipit. Ayoko namang mag abala pa si Juanito sa pag bili ng mga gamit para sa akin. Atsaka marami rin namang ganito sa kwarto ni Carmelita.

Napatingala ako nang biglang isuot ni Juanito sa akin ang isang gold laurel wreath hair clip. Sobrang ganda niyon.

Advertisement

"Bagay na bagay po sa binibini iyan, ginoo"

"Talaga? Kung ganon ay bibilhin ko ito para sa kaniya"

Nagulat ako sa sinabi ni Juanito. Nakasisigurado akong sobrang mahal ng halaga ng hair clip na ito.

"W-wag na. A-ang ibig kong sabihin ayos lamang sakin kahit hindi mo na ako bilhan ng mga bagay na iyan. Mayroon pa naman akong mga palamuti sa bahay"

Ngunit walang sinabi si Juanito bilang sagot sa akin ngumiti lamang siya atsaka ipinabalot sa batang babae ang hair clip.

Hindi ko alam pero sobrang nakokonsensya ako. Ayokong masayang lamang ang lahat ng perang pinag hirapan ni Juanito ng dahil sa akin. Inabot na sa kaniya ng bata ang ibinalot nito atsaka tumingin sa akin.

"Binibining Carmelita ako nga po pala si Gracia. Masaya po akong makilala ka" atsaka inilahad sa aking harapan ang kaniyang mga palad "Masaya rin akong makilala ka" atsaka tinanggap ang kaniyang mga kamay na nasa harapan ko.

nangyari ngayong araw bukod sa pamimili ng palamuti sa tindahan nila Gracia.

Masaya kaming nakaupo ngayon dito sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nag simula ang lahat. Mag iika-lima na ng hapon at inaabangan namin ang pag lubog ng araw.

Kami lamang dalawa ang tao dito. Napakalungkot at tamlay na ng hacienda ng mga Alfonso. Wala na ring mga guardia civil na nag babantay dito kung kaya't mas madali na kaming nakapasok ni Juanito rito. Hindi na pagmamay-ari nila Juanito ang hacienda sapagkat inangkin na ito ng gobyerno.

Habang tahimik akong nakatanaw sa kalangitan na nag aagaw dilim na ay naramdaman ko ang biglang pag pulupot ng mga kamay ni Juanito sa aking bewang.

Naguunahan na naman sa pagtibok ng aking puso. Ipinagdarasal ko na lamang na sana ay hindi niya marinig iyon.

"Maraming salamat sa lahat mahal ko" bulong niya sa aking kanang tainga habang nakayakap parin sa akin. "Batid kong napakaraming bagay ang iyong isinakripsyo upang manatili lamang akong buhay" patuloy pa niya "Kaya naman ipinapangako kong mabubuhay ako ng matagal katulad ng iyong kahilingan noong una tayong magkita" naramdaman kong may mga luhang pumatak sa aking balikat.

"At sa mga oras na lisanin mo na ako mahal ko. Hindi man kita makita at mahawakang muli, palagi mong aalalahanin na ikaw pa rin ang nag mamayari ng aking puso."

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha.

"Tuluyan mo man akong iwan at bumalik na sa panahon kung saan ka talagang tunay na nabibilang ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa iyo sapagkat naiintindihan kong kailanman ay hindi tayo maaaring mag kasama. Sapat na sa akin na makilala ka at umibig sa iyo kahit pa napaka imposibleng magkasama tayong tumanda."

Advertisement

Bumitaw siya sa pag kakayakap sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Tinanggal niya ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha.

"Binibini, nawa ay hayaan mo akong pagmasdan ang iyong maamong mukha nang sa gayon wala ka man na sa aking mga tabi, masaya ko namang aalalahin ang iyong marikit at nakahahalinang ganda"

Mapait siyang tumingin sa aking mga mata at hinaplos ang aking mga labi gamit ang kaniyang hinlalaki

"Maging ang mga ngiti, tawa at matatamis mong labi na nag papabaliw sa aking mga puso. Ipinagdarasal ko mahal ko na sana'y mamasdan ko pa iyon bago pa man mahimlay ang aking katawan"

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Mahigit isang daang taon ang pagitan namin. Nakalulungkot mang isipin ngunit alam ko namang kailan pa ma'y hindi mangyayari ang kaniyang sinasabi.

Imposible man ngunit pareho pa rin kaming umaasa.

"H-huwag ka ring mabahala ginoo, ipinapangako ko ring ikaw lamang ang iibigin ko kailanpaman." wika ko habang patuloy pa rin ang pag patak ng aking mga luha.

Corny na kung corny pero ganoon siguro talaga kapag umiibig? Hindi mo inaakalang masasabi mo ang mga bagay na hindi mo kayang sabihin noon.

"Ikaw ang una't huling pag ibig ko. Hindi ko alam kung iibig pa akong muli sa mga oras na mawalay na ako ng tuluyan sa iyo"

Sa pagkakataong ito magmukha man akong makasarili para sa aking pamilya ngunit may bahagi sa akin na sana ay manatili na lamang ako sa lugar na ito.

Maya maya pa ay inilapat ni Juanito ang kaniyang mga labi sa akin. Tulad ng dati ay nag simula na namang mag unahan ang pag tibok ng aking puso. Para akong paralitiko na hindi na makagalaw sa aking puwesto.

Mga ilang sandali pa ay kumawala na siya sa aking mga labi atsaka kinurot ang aking ilong atsaka hinawakan ang aking mga kamay. Sabay na naming pinanuod ang pag lubog ng araw habang kwinekwentuhan ko siya ng mga paborito kong pelikula.

na kami ngayon sa kalesa pabalik sa Hacienda Montecarlos. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Pinili ko na lamang munang pumikit at ihilig ang aking ulo sa bintana.

Maya maya pa ay naramdaman kong may kamay na bumuhat sa aking ulo atsaka ipinatong iyon sa kaniyang balikat. Hindi na ako nag abalang dumilat pa sapagkat kilala ko naman kung sino iyon.

"Binibini gumising ka na riyan. Narito na tayo sa iyong tahanan" narinig kong malumanay na saad ni Juanito. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Inalalayan ako ni Juanito nang makababa na siya sa kalesa. Nang makababa kami ay agad naming binuksan ang malaking pintuan ng bahay ngunit laking pagtataka ko nang makitang sobrang dilim at tahimik sa loob ng tahanan.

Nasaan na silang lahat? Hindi kaya may mga rebelde o kaaway na kumuha sa aking pamilya.

Napansin ni Juanito ang aking kabalisahan kung kaya't hinawakan niya ang aking mga kamay at pinakalma ako.

Agad niya akong nginitian, kasabay ng kaniyang matatamis na ngiti ay ang unti unting pag liwanag ng aming tahanan. Napansin kong may mga kurtinang nakasampay sa loob katulad ng mga nakikita ko sa teatro. Maya maya pa ay lumabas mula doon si Eduardo.

"Noong araw, ay mayroong prinsesang naninirahan sa mahiwagang kaharian ng Andalasia na nangangarap na matagpuan ang prinsipeng bibihag sa kaniyang puso."

Lumabas si Theresita sa likod ng makakapal na kurtina. Naka ayos siya habang suot niya ang aking kulay pulang baro't saya, halatang maluwag iyon sa kaniya ngunit gayunpaman ay napakaganda niya pa ring tingnan.

"Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga. Hindi ang prinsipeng nagmula sa kaniyang mundo ang nakatakda para sa kaniya."

Lumabas na ngayon si Angelito habang naka suot ng barong tagalog na sa tingin ko ay mula kay Juanito sapagkat malaki rin iyon sa kaniya.

Nakagugulat. Hindi ko inaasahang may naghihintay palang palabas dito sa loob ng aming tahanan.

Patuloy sa pag bigkas ng kwento si Eduardo. Bagay na bagay sa kaniya ang maging narrator. Hindi ko inaasahang marunong at magaling pala siya sa pagbasa. Sa panahong ito karamihan lamang sa nakapag babasa ay ang mga taong may pinag aralan at nabibilang sa alta sociedad.

Nakisama rin sa pag arte sina ate Maria at ang hindi ko inaaasahan ay maging ang aking amang si Don Alejandro. Nakatutunaw ang sobrang nagliliyab na kaligayahan sa aking puso sa mga oras na ito, nawa ay hindi na ito muling masira pa tulad noon.

"sa huli, ang kanilang pag iibigan ang nag patutunay na magkaiba man ang dalawang tao ng mundong pinagmulan handa ang pusong magmahal at sumugal anuman ang kapalit nito." pagtatapos ni Eduardo atsaka isa isa silang nagpunta sa harapan at yumuko bilang pasasalamat. Hindi naman ako ngayon matigil sa pag ngiti at pagpalakpak.

Nagpasalamat ako sa kanila dahil sa napakagandang palabas at agad namang iginayak ni Eduardo ang tingin sa akin. "Mas nararapat mong pasalamatan si Juanito, siya ang nakaisip ng sorpresang ito para sa iyo."

Awtomatiko naman akong napatingin sa binatang nasa tabi ko ngayon.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

Nasa cover ng chapter na ito yung itsura ng gold laurel wreath na binigay ni Juanito kay Carmela (picture sa taas)

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click