《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 5

Advertisement

" Nakita mo ba kung gaano kalayo yun?!" Tuwang tuwa kong wika habang nakaturo at pinag mamayayabang kay Angelito kung gaano kalayo ang narating ng batong hinagis ko sa lawa ng luha.

"Wag kang makampante Ate Carmelita mas malayo pa diyan ang mararating ng akin" pagmamayabang na wika ni Angelito habang pumupulot siya ng bato na magiging pamato niya.

Ibinato niya ang kaniyang hawak sa lawa at mas malayo nga ang narating nito kaysa sa bato na hinagis ko.

"Sabi ko na sa iyo ate Carmelita mas malayo ang mararating ng akin" wika ni Angelito habang kunwaring pinagyayabang ang muscles niya.

Inirapan ko na lamang siya atsaka inihagis sa lawa ang maliit na batong hawak ko. Ibinuhos ko doon ang lahat ng galit ko at pag aalala.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang aking napanaginipan kagabi. Batid kong hindi ko na dapat pa iyong pag buhusan ng panahon dahil isa lamang iyong panaginip ngunit hindi ko talaga mapigilang mag alala.

Akmang pupulutin ko na sanang muli ang batong nasa aking paanan nang may magsalita mula likuran namin ni Angelito.

"Napaka aga niyo namang magkita at maglaro rito sa labas" nakangiting wika ni Maria habang nasa tabi naman niya si Juanito. "Baka mag selos na si Ginoong Juanito kay Angelito niyan" pang aasar pa nito, pinandilatan ko siya dahil sa sinabi.

"Alam ko namang tapat ang binibini sa akin kung kaya't wala akong dapat ipagalala" aniya "Masaya rin akong makitang magkasundo silang dalawa"

Mas lalo akong pinukol ng mapang aasar na titig at ngiti ng aking kapatid dahil sa sinabi ni Juanito. Ano bang pinagsasabi niya hindi naman ako isang pedopilya!

"Nagugutom ka na siguro Angelito?" wika ni Maria "Halika muna sa loob upang kumain" napatingin naman sa kaniya si Angelito na patuloy pa rin sa paghagis ng bato sa lawa kanina.

Advertisement

"Kakatapos lamang naming kumain ni Binibining Carmelita" diretsong saad nito atsaka pumulot muli ng bato.

"Si Theresita ang nag luto ng mga pagkain. Sige ka baka mag tampo siya sa iyo" wika ni Maria habang nilalakihan niya ng mata si Angelito at sinenyasan na iwan muna kaming dalawa ni Juanito. Agad naman iyong naunawaan ni Angelito.

"Ahhh...O-oo nga , nagugutom pa po pala ako ate Carmelita" saad ni Angelito habang nakahawak pa sa kaniyang tiyan kahit batid ko namang umaarte lamang siya. "Mauna na muna kami kuya Juanito" paalam pa niya at nag lakad na sila palayo ni Maria.

Kami nalang ni Juanito ang nandito ngayon habang nakatingin sa papalayong sina Maria at Angelito.

"Nais mo bang mamasyal ngayon sa bayan?" basag ni Juanito sa katahimikan.

Naibalik na rin naman kahit papaano ang katahimikan dito sa San Alfonso simula ng nagkaroon ng pagsiklab sa pagitan ng mga rebelde at guardia civil kung kaya't ligtas na ang lumabas ngayon.

"S-sige, nais ko rin namang lumabas. Ang boring--- ang ibig kong sabihin nakakabagot ngang magkulong dito sa hacienda"

Napangiti naman siya sa sinabi ko "Kung ganoon ay saan mo naman nais magtungo ngayon?"

Teka?! Saan ko ba gustong magpunta?

"Nais kong manood ng teatro ngayon" 'yun na lamang ang sinabi ko. Napansin ko namang tila nalungkot ang ekspreyon ng mukha ni Juanito at napahawak siya ng mapait at mahigpit sa kaniyang bulsa. Oo nga pala walang sapat na pera si Juanito ngayon upang makapanood kami ng isang palabas. Kung mayroon man ay siguradong sakto lamang iyon at walang matitira sa kaniya, hindi tulad noon na kahit anong bagay at maging ang mismong teatro ay kaya niyang bilhin kung kaniyang nanaisin.

"Sige binibini" pinilit niyang ngumiti sa akin."Ano bang nais mong panoorin?"

"A-ano...ayoko na pala manuod ngayon, siguradong aantukin lang ako doon at masasayang lang ang oras natin" pagdadahilan ko "Nais ko lamang na mamasyal sa bayan at kamustahin ang ibang mga tao roon. Nais kong magkaroon ng bagong kakilala sa ngayon"

Advertisement

"Sigurado ka ba, Carmela?" tanong niya

Di ko parin mapigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa tuwing tinatawag ako ni Juanito sa tunay kong pangalan.

"O-oo siguradong sigurado ako" nauutal kong sabi "Atsaka sobrang dami ko nang movies na napanood kaya naman medyo nagsasawa na ako"

Napakunot naman ang noo ni Juanito at mukang nagtataka na ngayon. "M-mubis?" tanong niya. Natauhan naman ako at napagtanto ang aking sinabi, bakit ba di ko parin mapreno ang aking bibig?

"Huh?Ahh-ang ibig kong sabihin p-pelikula. Ahh--oo tama pelikula nga iyon" mas lalo naman siyang nagtaka "Ano ba ang pelikula?"

Oo nga pala sa ikalawang digmaang pandaigdig noong 1919 pa magkakaroon ng unang pelikulang pilipino. Wala pang sapat na teknolohiya ngayon sa taong ito.

"Ahmmm...ano isa itong palabas na pinanunuod gamit ang teknolohiya"

Alam kong naguguluhan parin siya sa sinabi ko, pero ano bang magagawa ko? sobrang hirap ipaliwanag ng ibang mga bagay na nagmula sa aking panahon. Sigurado akong hindi niya maiintindihan ang mga sasabihin ko kahit ano pang paliwanag ang aking ibigay.

"T-tara na" pag iiba ko ng usapan upang hindi na siya muli magtanong.

kami ni Eduardo gamit ang kalesa patungo sa paradahan ng mga bangka patungo sa bayan. Pumayag si ama na sa amin rin muna sila pansamantalang manirahan ng kaniyang kapatid na si Theresita.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa bintana ng kalesa, malinis ang paligid at napakaraming puno ang aming nadaraanan. Siguradong malulungkot at madidismaya ang mga taong nakatira sa panahong ito kung sakaling masasaksihan nila ang sitwasyon ng makabagong panahon. Nakakalungkot lamang isipin na sa pag lipas ng panahon ay unti unting nawawala ang disiplina ng mga tao.

"Maraming salamat Eduardo" saad namin ni Juanito nang makababa na kami sa kalesa.

"Walang anuman iyon. Mag iingat kayo sa inyong pamamasyal" tugon ni Eduardo "Juanito, agad kayong umuwi ni Binibining Carmelita bago ang takipsilim. Baka kung ano pang mangyari sa inyo kapag naabutan kayo ng dilim."

"Huwag kang mag alala. Uuwi kami bago ang pagkagat ng dilim" sagot ni Juanito.

"Mabuti" ngumiti si Eduardo atsaka sumampa nang muli sa kalesa "Mauna na ako, mag iingat kayo"

Ngumiti kami sa kanya atsaka nagsimula na siyang paandarin ang kalesa. Tumingin pa siyang muli sa direksyon namin atsaka kumaway kung kaya't kinawayan din namin siya ni Juanito pabalik.

"Halika na" wika ni Juanito atsaka inalok ang kaniyang braso sa akin, hinawakan ko naman iyon.

"Tara" sagot ko pabalik sa kanya at ngumiti.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click