《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 4
Advertisement
ako mula sa pagkakahiga nang makita ang hawak ni Juanito. Tama kaya ang aking hinala? Ano ang aking isasagot kapag nagalit si Juanito sa akin? Parang hindi ko yata kakayanin kung magkakalayo kaming muli. Mababaliwa na lamang ba ang lahat ng pinag samahan namin?
Tanong ko sa aking sarili habang nakatitig lamang sa inabot niyang talaarawan. Tiningnan ko si Juanito ngunit hindi ko mabasa ang emosyon ng kaniyang mukha maging ang nais sabihin ng kaniyang mga mata.
"Mag panggap kaya akong mawalan ng malay?" ani ng isang bahagi ng aking isipan.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip, napakaluma na iyong dahilan
hindi na siya maniniwala pa sa akin kapag ginawa ko iyon.
Habang kasalukuyan akong nakatitig lamang sa kaniya habang nag iisip ng idadahilan ay napansin kong tila may mga namumuong luha sa kaniyang mga mata. Galit ba siya sa akin?
Puno ng pag aalala ngayon ang aking isipan. Ngunit lahat ng pag aalalang iyon ay napawi nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Pinipigilan ko ang pamumuo ng aking mga luha, habang nakakulong sa kanyang mga bisig. Mga ilang sandali pa ay naramdaman kong mas humigpit pa ang pagkakayakap sa akin ni Juanito.
"Natakot akong lilisanin mo na ako at hindi na kita makikita pang muli kailanman. Ang pag aakala ko ay tuluyan mo na akong iiwang mag isa sa panahong ito.....Binibining Carmela Isabella"
Nagulat ako sa kaniyang mga isinaad animo'y naging isa akong istatwa. Walang lumalabas na kahit na anong salita mula sa aking mga bibig sapagkat hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kaniya. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na likido sa aking balikat.
Sandali, umiiyak ba siya?
Narinig kong bigla ang kaniyang mahinang paghikbi, tama nga ako lumuluha nga si Juanito.
Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking dibdib hindi ako sanay na nakikitang umiyak siya sa aking harapan. Marahil ay nasanay na akong makitang palagi siyang nakangiti at pinapagaan ang aking loob.
Advertisement
Ibinaon ni Juanito ang kaniyang mukha sa aking leeg habang patuloy parin siya sa pag luha.
Hindi ko na rin napigilan pa ang mga luhang itinatago ko magmula pa kanina, tila nag uunahan ang mga itong bumagsak dahil sa wakas ay makalalabas na sila mula sa aking mga mata.
Hindi ko akalaing maabutan ko pa ang mga oras na ito. Ang pag aakala ko'y huling pagtatagpo na namin noong nakaraang araw sa ilalim ng Arch of the Centuries.
Paano na lamang kung kailangan ko nang lumisan?Kayanin ko pa kayang mahiwalay sa kaniya?
Lalo pang lumakas ang aking pag luha, wala na akong pakealam kung magising ko man ang ibang tao sa aming tahanan.
Nang naramdaman ni Juanito na umiiyak ako ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sakin.
Hinintay niya munang humina ang aking pagluha bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya lamang ang aking mukha.
"Magagalit ba siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang katotohanan?" tanong ko sa aking sarili.
Ngunit tila tumigil ang pag tibok ng aking puso nang sa halip na kagalitan niya ako ay nasilayan ko ang kaniyang matatamis na mga ngiti. Walang halong kahit na anumang galit sa kaniyang mga mata.
Agad sinapo ng kaniyang mga kamay ang aking maliit na mukha at pinunasan ang aking mga luha.
"Hindi ako kailanman magagalit sa iyo mahal ko" wika niya habang hinahaplos pa rin ang aking mga pisngi, tila ba narinig niya ang mga katanungan sa aking isipan. "Ngumiti ka na aking sinta. Totoo ang aking mga tinuturan" saad niya pa habang medyo naka nguso ang kaniyang labi. Para siyang batang nagtatampo dahil hindi napag bigyan ang gusto.
Agad naman akong natawa ng dahil doon. Ang cute niyang tingnan kung kaya't hindi ko na napigilan pang pisilin ang kaniyang mga pisngi. Agad naman siyang napa 'aray' at napahaplos sa kaniyang magkabilang pinsgi na ngayon ay sobrang namumula na.
Advertisement
Pagkatapos niya doon ay tinuyo ko ang natitirang bakas ng luha sa kaniyang mga mata at pisngi atsaka siya nginitian.
Magsasalita pa dapat ako ngunit agad akong nabigla nang nakawan ako ng halik ni Juanito sa labi. Hindi ko na napigilan ang pamumula ng aking mga pisngi. Nakakahiya hindi pa ako nakaka pag sipilyo!
"J-Juanito!" suway ko sa kaniya. Smack lang naman yun. Bakit ba ako nauutal?!
Tumawa siya ng malakas at dahil doon ay napangiti rin ako. Nakakadala naman kasi talaga ang kaniyang mga ngiti. "Maraming salamat sa lahat" nakatingin siya ngayon sa aking mga mata.
"N-nais mo bang ipaliwanag ko sa iyo ang lahat ng mga nangyari?" nag aalinlangan kong tanong.
Umiling lamang siya at ngumiti "Gabi na binibini. Bukas na natin pag usapan ang lahat. Kailangan mo munang magpahinga lalo pa ngayong may sakit ka."
Tumango naman ako habang malawak ang aking mga ngiti. Wala akong pakealam kung magmukha man akong bata sa harapan niya.
Natawa naman ako nang pinagpagan niya ang balikat ng suot kong baro dahil nabasa niya raw ito ng kaniyang mga luha kanina.
Humiga na akong muli sa aking kama. Kinumutan ako ni Juanito pagkatapos ay hinalikan niya ang aking noo.
Sinabi ko sa kaniyang pwede na siyang matulog sa guest room na inuukupa niya sa tahanan namin ngunit ayaw niya akong iwanan mag isa sa aking silid kung kaya't doon na lamang siya natulog sa malaking sofa sa aking silid, para itong kama na pang isahang tao lamang.
Nais ko sana siyang alukin na matulog sa aking tabi dahil kasya naman kaming dalawa ngunit alam kong may pagka konserbatibo ang mga tao sa panahong ito. At isa pa baka makita kami ni ama bukas kapag naisipan nitong mag tungo sa aking kwarto upang kamustahin ang aking kalagayan.
"Matulog ka na ng mahimbing mahal ko" wika ni Juanito habang inaayos ang hihigaan niya.
"Ikaw rin ginoo" sagot ko naman habang unti unti ng bumibigat ang tulikap ng aking mga mata.
"Carmela!" sigaw ni Juanito mula sa di kalayuan. "Nasaan ka?"
Nasa kalagitnaan kami ngayon ng masukal na bahagi ng kagubatan.
Kasalukuyan akong hinahabol ng hindi nakikilalang mga kalalakihan. Nakasuot ang mga ito ng itim na salakot may mga hawak rin silang mga baril at patalim na kanilang gagamitin sa pag paslang sa akin.
Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Hindi ko na rin alintana ang mga tinik na naaapakan ng aking mga paa sa kadahilanang wala akong suot na panyapak.
"Carmela!" saad ng lalaking nasa di kalayuan. Agad akong nagkaroon ng pag asa nang makita ko siya.
Mas lalo ko pang binilisan ang aking pag takbo patungo sa kaniya.
Ngunit kasabay ng pag alingawngaw ng putok ng baril ay ang pag bagsak ng aking katawan sa lupa at maging ang katawan ng lalaking aking nasa harapan.
*****
ILYS1892: 19TH CENTURY
♡
-May nag bago sa chapter na ito hehe sorry sa mga naunang nag basa
Advertisement
- In Serial19 Chapters
The Ultimata: Village and Pillage - An Unofficial Minecraft Story
This story is NOT an official Minecraft product. It has in no way been approved by Mojang, nor is it associated with them. It is purely a work of fan fiction. While spending years of her life in a village where she was the only one of her kind, a stranger’s sudden appearance changes her life. As he tries to explain his situation, his memory quickly hazes and leaves him with no recollection of his life before their meeting. As they travel to Alex’s home, they find everything destroyed and the flag of the Pillagers that took everything from her. Working alongside Steve, she trains to get her revenge on the Pillagers while uncovering the mysteries behind the man from the woods.
8 162 - In Serial30 Chapters
The Marked Heroes
Zachary Bennet was the Leader of Unit Twelve, one of the thirteen elusive crime fighting teams across the country for those with 'special' gifts. When the country's most feared criminal enters the city, Zach becomes faced with a terrible secret that will shake the very core of his identity. And with it, he must make a choice. Next Update: March 31st! (There's been a delay due to an earthquake in Utah) COME WATCH ME WRITE ON YOUTUBE (Shenanigans ensue) Cross Posted On: Anthezar Website And a bunch others... xD
8 83 - In Serial258 Chapters
Mc's not part of the story
WARNING: Early chapters are shitty. Mikael was a graduating student when a global summoning transported him inside a forest full of monsters. Inside this place, he met people that would help him reach his goal: to return back on Earth and meet his family. (note: this is my first novel. If you see any errors just tell me and I'll edit it. English is my second language so expect some mistakes. Please support me if you like the story) (Rate one-star only, since this story deserves it.)
8 122 - In Serial51 Chapters
The Manifest
Years after a mysterious plane crash, a woman feared dead is spotted at an anti-war rally. A private investigator named Edgar Willis is hired onto the case, however, he must abandon his virtues after learning of the real destiny of the airplane.
8 263 - In Serial12 Chapters
The Late Bird's Tale: A Tale of the Floating World
To the Muse Bureau, Judy Windermere is not a person: she's the entrance exam that prospective muses must pass to attend its academy. And to working muse officers, she's not just a glorified dreamer: she's a natural disaster disguised as a sleeping girl. For when she sleeps, she's full of dreams and nightmares, unrequited feelings and envious thoughts, which spill into the waking world. But when she goes missing and reappears hours later during a week of exams, three dysfunctional muse officers must find out where she goes. And where Judy goes, like a natural disaster, havoc follows.
8 143 - In Serial38 Chapters
The Mythfits - Books 1 & 2
The key was never supposed to be seen again. It was destroyed after a group of mythical warriors locked away the embodiment of darkness. So, when the key reemerges in present-day New Orleans to an easy-going college student named Aidan, a group of what goes "bump in the night" comes seeking it intent on condemning the city to a “Purge” style curse. As if supernatural slammers, malevolent monsters, and hellish hexes weren't enough, Aidan discovers he and his friends are reincarnated from the original group of mythical warriors. Is history repeating itself or are ancient and deadly secrets from the past ready to reveal themselves? A pinch of primordial evil mixed with a fist full of Fat Tuesday and it's a recipe for one hell of a party.
8 187