《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 3

Advertisement

lamang si Maria kay Juanito. Laking pasasalamat niya sa kabutihan ng binata. Nagagalak siyang nakilala nito ang kapatid niyang si Carmelita sapagkat batid niyang tapat ito sa kapatid at handa itong gawin ang kahit na ano pa para rito.

"Maraming salamat sa pag aalala Ginoong Juanito" pasasalamat niya . "Kung nais niyo nang mag pahinga, maaari niyo akong tawagin at ako na ang mag aalaga sa kaniya" aniya atsaka tumingin sa kaniyang kapatid, nginitian niya ito ng tila nanunukso.

Walang mga katulong sa kanilang tahanan ngayon, matapos ang napakaraming kaguluhan na nangyari. Si Theresita naman ay kinakailangan ring magpahinga sapagkat nagkasakit ito matapos silang tumakas sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan noong nakaraang araw.

"Ayos lamang ako, maraming salamat sa pag aalala" tumingin si Juanito kay Carmela "Ako na ang bahala sa kaniya, nais ko ring makasama ang binibini, matagal na rin nang huli kaming magkasama ng maayos." wika nito sabay ngiti sa dalaga.

Tama ang binata, ilang araw na rin ang nakalipas nang nagkasama sila ng kasintahan at nagkausap ng maayos kung kaya't labis ang saya niya nang hindi niya akalaing magkikita pa pala sila matapos ng lahat ng nangyari.

"Salamat muli ginoo mauuna na ako" paalam ni Maria at isinirado na ang pintuan ng silid ng kapatid.

Mag iika-anim na ng gabi, tanging ang ilaw na lamang na nagmumula sa gasera ang nag bibigay liwanag sa apat na sulok ng kwarto.

Bumaba muna si Juanito upang kumuha ng maiinom ni Carmela.

Habang hinihintay ang binata ay madaming tanong ang bumalot sa isipan ng dalaga. Mag mula sa hindi niya pag alis sa panahong ito noong araw na nasa ilalim sila ng Arch of Centuries hanggang sa pag payag ng ama niya na manatili sila Juanito at Angelito sa kanilang tahanan.

Napag alaman rin ng dalaga na noong araw na mawalan siya ng malay sa kalagitnaan ng kaguluhan ay dinala siya ng mga ito sa pagamutan, pampubliko lamang iyon kung kaya't kulang ito sa mga kagamitan at mga doktor.

Advertisement

Laking pasasalamat nila ng bago mag takip silim ay naging maayos na ang kalagayan ni Carmela. Ayon sa doktor niya ay maari na rin siyang maiuwi sa kanilang tahanan at doon ay mabantayan ni Ginoong Juanito na malapit na rin namang maging isang ganap na doktor.

Pumayag rin sila na iuwi na siya sapagkat kulang nga ang mga doktor sa pagamutang iyon, hindi matutukan ng mga ito si Carmela sapagkat marami ring sugatan at nag aagaw buhay na mga rebelde at guardia civil ang nangangailangan ng atensyon.

Pansamantalang pinatuloy ni Don Alejandro sina Juanito at Angelito sa kanila upang mabantayan pa siya.

Nanggaling na din sa kwarto niya ang kaniyang ama kanina. Pinaki tunguhan nito si Juanito katulad noong mga panahong masaya at maayos pa ang samahan ng pamilya Montecarlos at Alfonso at ang panahon kung saan wala pang nasasawing mga buhay.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagninilay-nilay ay bigla na lamang pumasok sa kaniyang isipan ang huling mga sinabi ni Juanito bago siya mawalan ng malay noong nakaraang araw.

"Carmela"

"I-Ikaw...si...Carmela"

"Ma-Mahal Kita...Carmela"

Nasapo niya ang kaniyang bibig at halos mabaliw ang puso niyang nag uunahan na sa pag tibok ngayon, nahihirapan siyang makahinga ng dahil dito.

Imposible.

Tinawag ba siya ni Juanito ng Carmela sa kadahilanang ang pagkakaalam nito ay may dalawa siyang pagkatao? Si Carmelita sa harap ng kaniyang pamilya at si Carmela naman kapag kasama niya ang binata.

"Maaring iyon lamang ang kaniyang ibig na sabihin sa akin"

Paulit ulit niyang pagpipilit sa kaniyang sarili.

"Tama Carmela, yun nga iyon wala ng ibang ibig sabihin, final na" patuloy niya pang pangungumbinsi sa isip niya.

Ngunit bakit parang may ibang sinasabi ang kaniyang puso? May parte sa kaniya na sana ay batid nito ang katotohanan.

"Baka malusaw at bumagsak sa 'yo ang kisame sa katititig mo riyan" panunudyo ng binata nang makapasok ito sa loob ng silid.

Advertisement

Napatingin siya rito. Pinipilit nitong pigilan ang pagtawanan siya. Hindi niya naman ito magawang sungitan dahil na miss niya ng sobra ang mga ngiti nito.

Isinarado na ni Juanito ang pintuan ng kaniyang silid, may hawak itong isang baso ng tubig at isa pang bagay na hindi niya maaninag dahil madilim ang loob ng silid.

"Inumin mo iyan batid kong nauuhaw ka na" ngumiti ito "Malamig iyan kanina kung kaya't hinintay ko muna itong maging normal ang temperatura. Hindi ka pa maaaring uminom ng malamig hangga't hindi pa bumababa ang iyong lagnat."

Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang mga labi. Kaya pala ang tagal nito dahil inasikaso nito ang kaniyang inumin.

"S-Salamat" nahihiya niyang saad.

Nang inumin niya na ang kalahating tubig sa baso ay inilapag niya na ito sa mesa sa gilid ng kaniyang higaan.

Umupo si Juanito sa kaniyang kama dahilan upang bumilis na naman ang pag tibok ng kaniyang puso. Na miss niya ang amoy ng pabango nito na ngayon ay maayos niyang naaamoy dahil nasa tabi niya lamang ang binata.

Inabot nito sa kanya ang hawak nito kanina.

Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang bagay na nasa harapan niya ngayon....

Ang talaarawan ni Carmelita

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click