《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 2

Advertisement

"A-ayos ka lamang ba?" may halong pagaalala sa kaniyang mga mata.

Napatulala na lamang ito sa kaniya. Kahit pa may mga galos ang mukha ng binata ay hindi pa rin maitatanggi na kitang-kita pa rin ang kakisigan nito.

Hindi nakasagot si Carmela sa tanong niya. Kung kaya't lumapit nalang si Juanito at binuhat ang dalaga pabalik sa kamang hinihigaan nito kanina.

"Agad akong naalarma nang marinig ko ang malakas na pagkalabog na nagmula dito. Akala ko'y kung ano na ang masamang nangyari sa iyo." ngumiti ito atska kinuha ang upuan sa gilid ng kama.

"Binibini, ayos ka lamang ba? Nabalian ka ba? Ano bang nangyari? Masakit pa ba ang iyong ulo?" Sunod sunod na tanong ni Juanito habang bakas ang pag aalala sa mga mata nito.

Nagulat siya nang makitang may tumulong mga luha sa mga mata ni Carmela. Agad niyang sinapo ang mukha nito at hinalikan ito sa noo. Niyakap niya pa ito ng mahigpit at di niya na rin napigilan pa ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Labis ang saya ni Carmela sa mga oras na yaon batid niyang hindi siya nagkakamali, si Juanito ang lalaking kayakap niya ngayon. Hindi lamang ito isang panaginip.

Kumalas siya sa pag kakayakap kay Juanito at tinitigan ang mukha ng binata. Ngumiti siya rito ngunit agad iyong nawala at napalitan ng pangamba 'Paano kung hindi parin tapos si Carmelita? Paano kung nais parin niyang saktan si Juanito?' paulit ulit niyang tanong sa sarili. Iyon kaya ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa panahon na ito?

"Ayos ka lamang ba?"

"O-oo" pag sisinungaling niya.

Maya maya pa'y sabay silang napalingon sa pintuan nang pumasok si Maria roon na hindi na nag abalang kumatok pa sapagkat iniwan ni Juanitong naka bukas ang pintuan kanina.

"Maayos na ba ang iyong kalagayan, Carmelita?" tanong nito "Nawalan ka ng malay kahapon sa ilalim ng malakas na ulan, mabuti na lamang at kasama mo si Juanito kung hindi ay maaaring mas malala pa ang maaring nangyari sa iyo." Saad ng kapatid atsaka iniabot ang hawak nitong tray na may lamang sopas at tubig.

Advertisement

"Heto kumain ka upang manumbalik na ang iyong lakas" Tumingin ito sa gawi ni Juanito. "Ginoo, maraming salamat sa pag tulong at pag aalaga sa aking kapatid. Batid kong hindi ka pa rin nakatutulog mag mula pa kahapon dahil sa pag babantay sa kaniya. Ako na muna ang bahala kay Carmelita batid kong pagod ka na rin at napakarami mo nang naitulong para sa kaligtasan ng aming pamilya maari ka na munang magpahinga."

Napatingin si Carmela sa bintana. Malapit nang magtakip-silim, isang araw rin pala siyang nawalan ng malay mag mula nang magkaroon ng kaguluhan sa bayan ng San Alfonso. Ibinaling niya nang muli ang tingin niya kay Juanito na naka ngiti sa kaniya.

"Ayos lamang sa akin na ako muli ang mag alaga kay Binibining Carmelita" nakangiting saad nito "Ayon lamang ang nakapag papagaan ng aking loob at nagbibigay ng lakas sa akin kahit pa hindi ako matulog at isa pa nag dadalang tao ka kung kaya't hindi ka maaring mapagod at mapuyat."

Lihim na napangiti si Carmela. Nais niya rin naman itong makasama kung kaya't labis ang kaniyang galak nang sabihin ng binatang ito muli ang magbabantay sa kaniya ngayong gabi.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click