《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》KABANATA 1

Advertisement

akong napabangon sa aking higaan nang bahagyang kumirot ang aking ulo na tila ba binibiyak ito, dahil dito ay hindi ko na napigilan pa ang uminda sapagkat hindi ko na makayanan ang sakit na dulot nito.

Dali-dali ko namang sinariwa sa aking isipan ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng ulirat noong nakaraang araw nang magkaroon ng pagsiklab sa pagitan ng mga rebelde at guardia civil.

Tila ba tinusok ng ilang libong karayom ang aking puso at hindi ko na rin napigilan pa ang pagbagsak ng aking mga luha nang bumalik sa aking isipan ang huling pagtatagpo namin ni Juanito sa simbahan ng Plaza Santo Tomas. Perpekto ko pa ring naaalala ang kaniyang wangis, boses, tindig at mga ngiti sa aking isipan. Ang lahat ay tila sariwa pa lamang sa aking mga ala-ala at sa palagay ko ay hindi pa handa ang aking isipan na kalimutan ang lahat.

Pinunasan ko na ang aking mga luha at nilibot na lamang ang aking mga mata sa loob ng kwarto kung nasaan ako kasalukuyang nagpapahinga ngayon, agad naman akong napabalikwas dahilan upang mahulog ako sa aking kama nang mapagtantong nasa silid ako ni Carmelita, ang pagkakaayos nito ay katulad pa rin nang bago namin lisanin ang tahanang ito noong magkaroon ng kaguluhan dito sa San Alfonso.

Nang dahil dito ay tila nabuhayn ako ng pag asang nasa taon pa rin ako kung saan nabibilang si Juanito, ang taong 1892. Napailing iling na lamang ako sa aking sarili batid kong hindi maaring mangyari ang bagay na iyon sa kadahilanang tapos na ang aking misyon.

Nagsimula na namang mamumuo ang mga luha sa aking mga mata dahil sa mga naisip. "Maaring nasa bahay lang ako ni Lola Carmen, ganito rin ang ayos ng kwartong ito noong bumisita kami rito nila Dad, Jennie at Emily upang mag bakasyon" pangungumbinsi ko sa sarili upang hindi na ako umasa pa.

Advertisement

Naka handusay parin ako sa sahig nang bumukas ang pinto ng kwartong aking tinutuluyan. Napangiti ako kahit papaano dahil handa na akong salubungin ng mahigpit na yakap ang aking pamilya, sa wakas ay muli ko na silang makikita. Agad akong lumingon ng may ngiti sa labi upang masaksihan kung sino ang nasa pintuan.

Hindi ko inaasahan ang aking nakikita, tila tumigil ang pag takbo ng oras nang magtama ang aming mga mata, halos mabaliw na rin ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito na tila ba nais nitong kumawala mula sa aking dibdib.

Hindi ako nagkakamali.

Malinaw ang aking mga paningin at alam kong nasa tama parin ang aking pag iisip.

Ang taong iyon na nakatayo sa tapat ng aking pintuan ay ang nag iisang lalaking bumihag ng aking puso at nagpapabilis ng tibok nito....Si Juanito

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click