《I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)》Panimula

Advertisement

narinig niyang saad ni Juanito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang nasa tapat ng dibdib ni Juanito ang rebolber na hawak niya. Tila nanlumo si Carmela, hindi niya akalaing aabot rito ang pag kontrol ni Carmelita sa katawan niya at ngayon ay muntikan niya ng mapatay si Juanito gamit ang sariling mga kamay.

Nakatayo si Juanito sa harapan ni Carmela habang nakatingin sa mga mata nito, kitang kita ang pamumuo ng mga luha ng binata. Puno pa rin ng sugat at galos ang katawan ni Juanito at may puting benda parin itong nakalagay sa braso niya.

Agad nabitawan ni Carmela ang rebolber na hawak. Nasa Plaza Santo Tomas sila, nag kakagulo ang mga tao at umaalingawngaw ang sunod sunod na pag putok ng mga baril. Nakita niya ring umaatake ang mga rebelde sa di kalayuan at hinaharang ito ng mga guardia civil.

"Carmela" ulit ni Juanito, dahilan upang mapatingin muli sa kanya ang dalaga. Sinubukan niyang humakbang papalapit dito ngunit bigla itong napaatras. Natatakot siya na sa oras na lumapit si Juanito ay subukan itong saktang muli ni Carmelita.

Napatingala siya sa taas at tila gumuho ang kaniyang mundo nang masaksihang nasa ilalim sila ng Arch of the Centuries.

Nagsimulang bumuhos ang malalaking patak ng ulan na animo'y naglalakihang luha mula sa langit. Unti unti nitong hinugasan ang dugo sa katawan ni Juanito.

Napatingin siya sa dibdib nito at naka hinga siya ng maluwag nang makitang walang tama ng bala iyon.

"M-Maligayang Kaarawan....Carmela" aniya

Tuluyan nang bumuhos ang luha ng dalaga na humalo sa pagbuhos ng mga patak ng ulan sa kaniyang mukha.

Si Juanito lamang ang tanging nakaalala ng kaarawan niya.

Patuloy parin ang sagupaan ng mga rebelde at guardia civil. Nabalot ng takot ang buong katawan niya nang marinig ang pag-alingawngaw ng tunog ng kampana ng simbahan ng San Agustin sa di kalayuan, malapit lamang ito sa Intamuros.

Advertisement

Napatingala siya sa kalangitan at nakitang pilit na sumisilip sa madilim na kalangitan ang araw, ibig nitong sabihin ay malapit ng mag alas dose ng tanghali.

Muli siyang tumingin kay Juanito na humihikbi na ngayon.

Hindi na rin niya mapigilan ang kaniyang mga luha. Kasabay ng mga luha nila ang pag agos ng patak ng ulan sa kanilang mga mukha.

Nagulat siya nang titigan siyang muli nito sa mga mata, pinilit rin nitong ngumiti para sa kaniya. "I-Ikaw...si...Carmela" kasabay nito ang malakas na pag ihip ng hangin.

Tinitigan niya ito sa huling pagkakataon.

Batid ni Carmela na tapos na ang kaniyang misyon sa panahong iyon, ito na ang tamang oras upang lisanin niya ang lugar ng San Alfonso, maging ang lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso, si Juanito.

Habang inihahanda niya na ang kaniyang puso para sa kaniyang paglisan ay ipinagkakasya niya na lamang sa kaniyang sarili na pag masdan ang mukha ng binatang kaniyang minamahal, nang sa gayon ay baunin niya ang pigura at maging ang wangis nito sa kaniyang ala-ala.

Lumapit sa kaniya si Juanito at niyakap siya ng sobrang higpit, hindi matigil ang paghikbi nito, tila winawasak ang kaniyang puso sa nasaksihang pagluha ng binata.

"M-Mahal kita...Carmela"

Tuluyan na siyang nanghina at natumba silang dalawa. Unti-unti ding nagdilim ang buong paligid habang patuloy na naririnig ang alingawngaw ng palitan ng putok ng mga baril sa kanilang paligid. At sa huli tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.

*****

Sa original story ay hindi siya nawalan ng malay, natumba lang si Carmela at nakitang mag isa na lamang siya sa ilalim ng Arch of the Centuries, kung saan napagtanto niyang nakabalik na pala siya sa panahong 2016.

Feel free to message us or mag comment kayo para sa suggestions niyo.

Play niyo na din itong 'Huling Sandali' ng December Avenue.

Lagi kong naaalala sila Juanito at Carmela dito

    people are reading<I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click