《Her Last Smile》Chapter Twenty Nine

Advertisement

Kleire POV

Nagising ako ng maaga kaya naman naisipan kong mag luto, hmmm ano kaya ang lulutuin ko?

Naisipan kong karne na lang ang aking lulutuin 'adobong manok', inihanda ko na ang aking mga gagamitin tapos nilagay ko na sa kawale ang bawang at sibuyas, ayun ang sabi ni google, hindi kasi ako marunong mag luto kaya naman nag search ako kung papaano.

Nilagay ko na ang karne tapos konting tubig, tapos may mga abubot pang pinalagay si google. Aghh wala akong makitang pepper! umalis ako sa kusina at pumunta sa second floor, tatanungin ko na lang sina Ate Keah!

Pumunta ako sa kwarto ni ate Keah at naabutan ko syang naka bihis na ng uniform at parang lalabas na rin sya ng kanyang kwarto.

"Ohh bakit ka nandito Kleire?" Tanong sa akin ni Ate Keah

"Ate Keah nasaan po yung Pepper?" Siniglahan ko ang boses ko dahil ayun yung nararamdaman ko sa loob ng utak at puso ko pero ang lumabas sa aking bibig ay walang buhay at halatang pekeng sigla (Medyo di ko na gets hihi)

"Nasa-- teka anong amoy yun? amoy sunog" Sabi nya at tinakpan ang kanyang ilong, napatakip din ako ng ilong dahil ambaho

Mabilis kaming lumabas ni ate Keah sa kanyang kwarto at nag mamadaling bumaba ng hagdan papuntang kusina. Nakita namin sina kuya Klein na nasa kusina at may kung anong ginagawa sa kalan, pag tingin namin ay sunog yung niluluto kong what so called adobo, kita ko ang pag ngiwi ni ate Keah, ganun din si Ate Fiena.

"Sino ba kasing nag luto?" halata sa boses ni Kuya Kleo na inis sya

"Ang pabayang mag luto! paano kung nasunog ang bahay? paano kung hindi agad namin napatay ang apoy?" Inis na sabi ni kuya Kleo, i don't know why but may naramdaman akong kirot sa puso ko, parang gusto ding tumulo ng luha ko is this what they called emotion? Am i sad?

Advertisement

"Kleo kumalma ka nga" Rinig kong sabi ni Kuya Klein

"Ikaw ba Keah ang nag luto? alam mo namang pwedeng masunog yun pag iniwan mo pero bakit mo hinayaan? ang tanga tanga kasi" That's it! may pumatak na tubig sa pisnge ko na mula sa aking mga mata

"K-kuya Kleo hindi ako ang nag luluto kundi si Kleire" Sabi ni Ate Keah bago tumingin sa akin, kita ko sa mata nya ang gulat, siguro dahil nakakaramdam na ako ng emosyon. Kung dati ay gusto kong makaramdam nito ngayon hindi na!

"I-i'll just go to m-my room" Paalam ko at mabilis na umalis sa harapan nila

Kung dati ay wala akong nararamdaman, ngayon meron na. Hindi ko alam kung paano maging masaya at malungkot simula ng magising ako sa hospital, tanging ngayon lang kaya naman naninibago ako.

Nandito ako sa aking kwarto, ayaw kong lumabas dahil natatakot ako kay kuya Kleo, hindi na lang ako papasok sa school total sa isang linggo pa naman ang simula ng totoong klase.

Keah POV

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako dahil nakita kong umiiyak si Kleire.

Masamang tingin ang ipinukol ko kay kuya Kleo, oo nga at iniwan ni Kleire ang kanyang niluluto pero hindi nya naman alam na masusunog yun, knowing her, ngayon lang nakapag luto si Kleire kaya naman ganun sya, kaya hindi nya alam kung saan nakalagay ang mga bagay bagay dahil wala naman syang paki alam sa mga ito 'ngayon lang'

"D*mn you Kleo!" Iritang sabi ni kuya Klein kay kuya Kleo na tulala

"Why did you do that?! Nag tanong ka sana muna kuya Kleo kung ano yung nangyari, kung bakit iniwan ni kleire yan, hindi yung dada ka ng dada" Inis kong sabi sa kanya

"H-hindi ko naman alam na si Kleire pala ang nag luluto" Sabi ni Kuya Kleo

Advertisement

"Sana kasi nag tanong ka muna!" Iritang sabi ni Fiena

Aghh hindi ko alam kung mag papasalamat ako kay kuya Kleo kasi dahil sa kanya ay bumalik na ang emosyon ni Kleire o kaya naman magagalit sa kanya kasi pinaiyak nya si Kleire. Inaya ko si Fiena na pumunta kami sa kwarto ni Kleire, gusto nga din pumunta ni kuya Kleo pero ang sabi ni kuya Klein ay mag uusap daw muna sila, masa harap kami ng pintuan ng kwarto ni Kleire, kumatok na si Fiena pero hindi sya binuksan.

D*mn hindi na kami nakapasok sa school, alas nwebe na pala pero okay lang mas importante ang nararamdaman ni Kleire/si Kleire. Binuksan na lang ni Fiena ng dahan dahan ang pintuan ng kwarto ni Kleire, buti na lang at hindi naka lock.

Nakita namin syang patalikod na nakahiga, nakatalukbong din sya sa kanyang kumot na kulay purple na may maliliit na bulaklak na kulay pink. Lumapit kami sa kanya

"Kleire, sorry sa mga nasabi ni Kuya Kleo" Pag papasensya ko, alam kong hindi ako ang nag paiyak sa kanya

"Kleire wag ka ng magalit" Sabi ni Fiena

"Kleire bibilhan kita ng kahit na anong gusto mo" Sabi ko, ang akala ko ay sasagot na sya pero hindi pa rin pala

"Kleire, bibilhan kita ng madaming madaming ice cream" Sabi ni Fiena pero si Kleire hindi pa rin nag sasalita

"Kleire so-- *snores*

Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko yun

"The f*ck? kaya pala hindi sya nalingon at nag sasalita dahil tulog sya?" Sabi ni Fiena

"F*ck sayang ang laway ko HAHA" Sabi ko kaya natawa si Fiena

"Galit ba sakin si Kleire?" Tanong ni Kuya Kleo na nasa likod na pala namin

"Hindi namin naka usap tulog ei, salita kami ng salita kanina tulog pala" Sabi ko, kita ko kung paano mag pigil ng tawa si kuya Kleo

"Tawa now, kabado later" Sabi ko kaya napa tigil sya at masama akong tiningnan

"Oh? ikaw ang nag sabi ng kung ano ano kay Kleire kaya ikaw ang bahala mag paliwanag HAHA" Sabi ko bago namin sya iniwan ni Fiena sa kwarto ni Kleire, nakita naman namin si Kuya Klein sa pintuan ni Kleire, tumango lang sya

*******************************************

Sorry kung gabi na ako nakapag ud, tinamad kasi akong mag type kanina huehue

-

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click