《Her Last Smile》Chapter Twenty Eight

Advertisement

Samira POV

Nandito ako sa aking kwarto nag papahinga, galing kasi kami sa Paris, nag bakasyon. Kararating lang namin, kaya eto ako pagod at ngalay, hindi kami nakapasok ni Kuya kahapon dahil na late kami ng uwi pero okay lang introduction at kung ano ano lang naman ang ginagawa pag first day hehe.

Hayst kailangan ko pa palang ayusin ang aking mga gamit na gagamitin ko para sa school bukas, di ko pa pala yun naayos. Bumangon ako mula sa pag kakahiga ko sa aking kama, buti na lang at nakabili ako ng mga gagamitin ko sa school sa paris kung hindi, baka mas mahirapan pa ako.

Inayos ko na lang, natawa pa ako sa mga binili kong gamit dahil halos lahat ay kulay dilaw 'paborito ko kasing kulay ay dilaw'

Si mommy nga ay nag rereklamo dati, kasi tuwing papasok sya ng room ko ay bubungad sa kanya ang kwarto kong puro kulay dilaw pero ng tumagal ay nasanay na rin sya HAHA.

Wala akong mga kaibigan dahil ayaw ko, alam ko kasing hindi sila totoo, madalas pera, kasikatan at ang kuya ko lang ang habol nila, plus the fact na natatakot kay kuya ang ibang mga estudyante sa FU.

Inaantok na ako kaya naman naisipan ko na lang matulog at yun nga ang ginawa ko.

Adler POV

"Hindi nyo pa rin ba nahahanap si Eight hanggang ngayon?" Tanong ko sa mga tauhan namin na inutusan naming hanapin si Eight

"Wala pa po boss" Napailing na lang ako sa sagot nito

"Okay umalis ka na, ipapatawag na lang ulit kita" Sabi ko, umalis naman sya gad

Nandito kami sa sala, kompleto kami, pati sina mommy ay nandito 'Kakauwi lang nila'.

"Kailan kaya natin makikita si Eight?" Napatingin ako kay mommy ng bigla itong nag salita, napabuntong hininga na lang ako sa tanong nya dahil hindi ko din alam kung kailan namin makikita si Eight

Advertisement

"N-nag sisisi na ako sa mga ginawa ko, gagawin ko ang lahat makita lang ulit sya" Napaiwas ako ng tingin kay mommy ng makita kong may tumulong luha sa kanyang mata

"Mom, we'll find her no matter what happens" Napatango ako sa sinabi ni Asler

"Hindi tayo titigil sa pag hahanap sa kanya Arie kaya wag kang mag alala" Sabi ni Dad at niyakap si mom

"Gagawin natin ang lahat mahanap lang si Eight" Sabi ni Aider

Kleire POV

Kanina pa ako hindi makatulog hindi ko alam kung bakit. Nag basa na ako ng mga libro, nag pa ikot ikot sa aking kwarto para lamang antukin na ako pero wala pa rin.

Naisipan kong bumaba para mag timpla ng gatas, baka sakaling antukin pa ako. Napahinto ako sa pag baba ng hagdan ng marinig ko ang boses nina Kuya Kleo at Kuya Klein, hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi kaya bumaba na ako, kita ko ang gulat nila ng tumingin sa akin. eh?

"K-kleire? kanina ka pa dyan?" Dama ko ang kaba ni kuya Kleo ng tanungin nya ako, pero san sya kinakabahan?

"Hindi po, kadadating ko lang" Sinagot ko ang tanong nya kahit na naguguluhan ako

"Bakit nyo po natanong?" Tanong ko sa kanila

"Wala lang hehe" Sabi ni kuya Kleo

"Gabi na Kleire ah? bakit gising ka pa?" Napatingin ako kay kuya Klein ng tanungin nya ako

"Hindi po kasi ako makatulog kaya naman po naisipan kong mag timpla ng gatas" Sagot ko

"Sige, basta pag katapos mong uminom ng gatas ay pumunta ka ng kwarto mo at pilitin mong matulog dahil masama sayo ang mag puyat lalo na't may pasok pa tayo bukas" Sabi ni Kuya Klein kaya naman tumango tango ako sa kanya

"Sige po, punta na po akong kusina mga kuya" Paalam ko, tumango naman sila kay dumiretso na ako ng kusina

Advertisement

Nag timpla na ako ng gatas, umupo muna ako sa upuan, ipinatong ko ang gatas sa lamesa at kinuha ko ang aking cellphone, gusto kong mag online.

Pumunta na ako ng aking kwarto pag kaubos ko ng gatas, gaya ng sabi ni kuya Klein.

Humiga na ako sa aking kama, tumitig ako sa aking kisame hanggang sa hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.

Kleo POV

Kinabahan ako kanina, alam kong ganun din si kuya Klein, akala ko ay narinig nya ang pinag uusapan namin, buti na lang hindi. Ang kondisyon ni Kleire ang aming pinag uusapan ni Kuya Klein kaya naman kabado talaga kami.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman na ni Kleire na hindi natin sya totoong kapatid" Napatingin ako kay kuya Klein na bigla na lang nag salita

"Ako din, baka magalit sya, Aghh! andaming what if's ang nasa utak ko" Sabi ko, napabuntong hininga na lang sya

Alam kong maraming bagay ang tumatakbo sa utak ni Kuya Klein, alam kong maraming iniisip si kuya Klein na pwedeng mangyari katulad ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang aggawin ko pag nag kataong nalaman ni Kleire na hindi nya kami totoong kapatid, hayst.

"Kuya yung pinag usapan natin kanina?" Patanong na sabi ko sa kanya

"Kung ano yung sinabi ni Yuen, yun yung gagawin natin Kleo. Itatago natin si Kleire sa abot ng ating makakaya, hindi sya pwedeng patayin ng OTX" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni kuya Klein, isa pa ito sa problema namin, ang kagustuhan ng OTX na mapatay si Kleire sa hindi malamang dahilan. Nag pa imbestiga na akmi pero wala, wala kaming nalaman.

"Kailangan na nating matulog Kleo, may pasok pa tayo bukas" Sabi ni Kuya Klein

"Tara na, inaantok na rin ako" Sabi ko at sumabay sa kanya papuntang second floor

"Agahan mo ang gising Kleo" Sabi ni kuya Klein kaya napangiwi ako, agahan daw ang gising eh alas dos na nga ng madaling araw.

Nag linis lang ako ng aking katawan bago humiga sa aking kama at hayaang lamunin ng antok

*******************************************

My right-hand hurts HAHAHA

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click