《Her Last Smile》Chapter Twenty One

Advertisement

Aider POV

Isang taon na ang lumipas simula nang mawala si Eight at hanggang ngayon ay walang balita sa kanya, gustong gusto ko na syang makita, mayakap dahil kahit kailan ay hindi ko pa sya nayayakap, alam kong ganun din ang aking mga kapatid.

Ginawa na namin lahat mahanap lang sya pero wala pa rin, si mommy ay sobrang nag sisisi ganun din si dad, sabi ni dad kahit naman hindi nya anak si Eight ay minahal nya rin ito, nangibabaw lamang ang galit nya sa ama ni Eight kaya nasasaktan nya din minsan si Eight.

Si kuya Adler ay iginugol na lamang ang kanyang oras sa pag hahanap kay Eight at pag tatrabaho, ganun din ang ginawa naming tatlo nina Fourth at Kuya Asler.

Ang triplets naman ay puro aral na alng ang inaatupag, kung dati ay maraming oras si Seven sa mga babae ngayon wala na, kung dati ay puro laro ng video games si Zoren ngayon hindi na at kung dati ay puro basketball si Yuen ngayon hindi na.

Madaming nag bago sa loob ng isang taon, si manang ay nag tatrabaho pa rin sa amin. Ang mga kaibigan ni Eight ay hindi na namin nakita.

Nag padagdag sina mom ng isang floor dahil gusto nila na pag nahanap namin si Eight ay may kwarto na sya na mas malaki sa amin, dalawang kwarto ang nasa 5th floor yung isa ay kwarto nga ni Eight at yung isa ay dun pinalagay nina mommy ang mga painting at drawing ni Eight.

Kami lang ang nakakapunta sa 5th floor wala nang iba, ang kwarto ni Eight ay kulay Pink at purple dahil sabi ni Manang ay iyon daw ang paborito nyang kulay, pinuno din naming mag kakapatid ng malalaking stuff toys ang kanyang kama, puno din ng mga mamahaling damit ang kanyang closet.

Advertisement

Fiena POV

Galing na si Kleire pero tuwing nakakakita sya ng mga bagay na kamukha ng whip ay nag wawala sya, nakakapag salita na rin sya pero ang dating ugali nya na masayahin ay nag bago sa hindi malamang dahilan, wala pa rin syang maalala kahit isa.

Kung mag salita si Kleire ay napaka tipid, hindi rin sya marunong ngumiti at tumawa, madalas syang walang emosyon.

Pinag paplanohan na din namin ang pag balik sa pilipinas dahil hindi naman pwedeng itago na lang namin si Kleire sa mga Franklin at isa pa alam na rin ni Yuen na nandito si Kleire dahil pumunta sya rito para sana humingi ng tulong kina Klein na hanapin ang kapatid nya at nang makita nya si Kleire ay nagalit sya nang una sa kambal pero ng ipaliwanag namin kung ano ang nangyari ay kumalma sya at naiyak ng malamang traumatized at may amnesia si Kleire.

Pumupunta sya rito buwan buwan par makita si Kleire, abumabawi na sya sa kanyang mga kasalan kay Kleire, hindi nya rin sinabi sa mga kapatid nya na nakita nya na si Eight dahil alam nyang magiging magulo ang sitwasyon.

"Babe, kakain na tayo" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Klein, well he's my boyfriend now, five months na kami and still counting.

"Babe, kakain na tayo, good morning by the way" Sabi nya at hinalikan ako sa labi bago inakbayan

"Tara na nga" Sabi ko at kumapit sa bewang nya

Pag dating namin sa dining naabutan namin ang tatlo na kumakain na, napatingin naman sila sa amin pero bumalik din agad sa pag kain si Kleire.

"Wag nga kayong ganyan, ansakit nyo sa mata" Maarteng sabi ni Keah

"Oo nga" Sang ayon naman ni Kleo, tumawa na lang kami ni Klein at umupo na para makapag simula na kaming kumain

Advertisement

Hara POV

"Isang taon na pala ang lumipas, simula ng mawala si Otso, ang bilis no?" Napatingin ako kay Ylena ng bigla syang nag salita

"Hayst, miss na miss ko na si Otso Ylena" Sabi ko kay Ylena, hindi ko na rin napigilang ang aking luha, pumatak na sila. Agad naman akong niyakap ni Ylena

"Shhh tahan na, mahahanap naman natin sya wag kang mag alala mayayakap at makakasama natin sya ulit" Sabi nya at hinagod ang likod ko

Simula ng makita namin ang mga kapatid ni Otso ay lumipat agad kami ng school, hindi sa FU kundi sa NU o North University na pag mamay ari ng tita ni Ylena. Balak din naming mag transfer sa FU isang linggo na lang pasukan na at sa FU na rin kami papasok next week.

"Kapag ba sa FU na tayo mag aaral at nakita natin ang mga kua ni Otso anong gagawin natin?" Tanong ko kay Ylena

"Wala, wala tayong gagawin" Sabi nya kaya tumango ako at ngumiti sa kanya ganun din naman ang ginawa nya

"Punta kaya tayong park? Mag bonding tayo? Gusto mo?" Tanong nya sa akin kaya naman nag ning ning ang aking mga mata sa narinig ko, excited akong tumingin sa kanya

"Talaga? Sige tara na!" Excited na sabi ko at hinila sya palabas ng kwarto ko.

Sya na ang nag drive papuntang park dahil baka daw ibangga ko lang ang kanyang bagong kotse, sana ol diba? Mabilis din naman kaming nakarating sa park, nilibot namin ang buong park, bumili kami ng ice cream, tumambay, tapos bumili din kami ng mga street foods.

"Ylena, may gamit ka na ba para sa pasukan?" Tanong ko kay Ylena

"Wala pa HAHAH" Sabi nya

"Bili tayo mamaya, wala pa din kasi akong gamit HAHA" Sabi ko

"Sige pag katapos nating ubusin itong fishball" Sabi nya kaya binilisan ko ang pag kain ng fishball, natawa naman sya sa inasal ko

Gaya ng plano, bumili kami ng mga gagamitin namin sa pasukan para hindi na kami maistress sa mga susunod na araw dahil paniguradong maraming tao ang pupunta sa mall..

******************************

Bitin na naman ba? wala akong pake may module pa ko ei HHAHA, baka sa December twelve o sa pagtatapos ng quarter one namin makapag ud ako ng tatlo tatlo o naka nga tapos na ito char HEHHEHEH

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click