《Her Last Smile》Chapter Thirteen

Advertisement

Klein POV (Si Klein po ay yung someone sa chapter twelve)

Limang linggo na ang nakalipas simula nang makita namin si Ela sa hideout nang OTX, tinawag namin syang Ela gawa nang badge na kulang kulang sa letter -,-

Halatang mas bata sa amin si Ela, base na rin sa kanyang I.D na hati na tanging ang birthday nya lamang ang kita at kung anong grade na sya or year. Seventeen pa lamang sya pero isa na syang first year college, nakakahanga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising, hilom na ang kanyang mga sugat pero naroon ang peklat na dulot ata nang latigo, hindi ko alam kung bakit sya ginanun nang OTX, pinaimbestigahan ko na sya pero wala akong nakuhang impormasyon dahil na rin sa hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan.

Sa limang linggong lumipas ay napamahal na kami sa kanya ni Kleo, I mean minahal na namin sya bilang nakababatang kapatid dahil wala rin kaming kapatid na babae at wala na rin naman kaming magulang dahil namatay ang mga ito sa sakit.

Halinhinan kami ni Kleo sa pag babantay sa kanya, at ngayon ay si Kleo ang nag babantay sa kanya dahil nandito ako sa mansion namin dahil kausap ko ang isa kong tauhan na pagawan nang bercitificate si Ela, at kung ano ano pa.

Hindi pa nga pala ako nag papakilala, ako nga pala si Klein Carson at ang kapatid ko naman ay si Kleo Carson, kami ay kambal pero hindi kami ganong mag kamukha at kami rin ay 19 years old na.

Napatigil ako sa pag sasalita nang mag ring ang cellphone ko kaya naman sinenyasan ko ang aking tauhan na umalis na total ay inuulit ko na lang naman ang sinabi ko kanina.

"Kuya, pumunta ka agad dito sa hospital gising na si Ela!" Sabi ni Kleo kaya naman pinatay ko agad ang cellphone at tumakbo ako papuntang garahe para kunin ang aking sasakyan.

Advertisement

Mabilis akong nakadating sa Hospital, dumiretso agad ako sa kwarto ni Ela, ang naabutan ko dun ay si Klein na masayang masaya atsaka si Ela na nakaupo at parang nakatingin sa kawalan habang chinecheck nang doctor

"Doc bakit po ganyan si Ela hidi nag sasalita?" Tanong ni Kleo, kaya naman napatingin ako kay Dr. Martinez

"She was traumatized and based on my observation she has amnesia." Sabi ni Dr. Martinez habang nakatingin kay Ela

"Amnesia? Why?" Takang tanong ni Kleo

"She chooses to block her memory so she can protect herself plus the fact her head was injured too" Paliwanag ni Doc kaya naman napatango kami.

"If you want her to recover fast, she needs to undergo treatment for her trauma" Napatango tango kami sa sinabi ni Dr. Martinez, nag paalam na rin sya sa amin dahil marami pa daw syang pasyente. Pag kalabas ni Doc ay lumapit ako kay Ela na nakatingin lang sa akin at hinaplos ang kanyang buhok na malambot, umupo rin si Kleo sa tabi ni Ela.

Ylena POV.

Ilang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Otso, nag aalala na kami ni Hara. Sinubukan naming hanapin ang bahay nila pero hindi namin mahanap dahil ang mga napag tanungan namin ay wala raw kilalang Eight Aliera.

I don't know why but I feel something bad happen to her, even Hara. Masasaya ang mga clown ngayon dahil wala si Otso, sabi nga nang prof namin ay baka i draft na nya si Otso. Kung sakaling mangyari yun ay sobra kaming malulungkot. Baka next year ay sa F.U na kami mag aaral ni Hara.

Sina Clown naman ay ang mga queen kemerut nang mga tao dito sa SU pero marami pa ring may ayaw sa kanila kasi nga mga attitude na clown ei.

Advertisement

Marami ding nag tataka kung bakit biglaang nawala si Otso, lalo na ang mga guro na gustong gusto si Otso, dahil nga sa matalino ito.

Minsan ay umiiyak si Hara dahil miss na miss nya na daw ang Otso namin, kaya kino comfort ko na lang kahit pati ako ay naiiyak na rin.

We miss her/ I miss her so much, please Otso bumalik ka na, pumasok ka na.

***********FLASHBACK*********** (Nung time na tumatawag si Otso)

Adler POV.

Narito ako sa aking Office dito sa company namin, CEO ako dito kaya masyado akong busy, ang dami ko kasing mga inaasikaso na papeles, nakakapagod.

Napalingon ako sa pinto nang aking Office nang bumukas ito at pumasok ang aking secretary na lalake

"Sir your meeting with Mr. Takashima will starts in 5 minutes" Sabi nya, tinanguan ko na lang sya at tumayo para pumunta nang Meeting Room, pag dating ko naman duon ay nanduon na si Mr. Takashima, intime lang ako

"Good Evening Mr. Takashima" Bati ko

"Good Evening Mr. Franklin" Bati nya rin pabalik

Nag umpisa na kaming mag usap, halos dalawang oras kaming nag usap dahil pinaliwanag nya pa kung bakit o anong magandang dahilan para mag invest ako sa company nila.

Dumiretso agad ako sa aking Office pag katapos nang meeting namin, naiwan ko pala ang Cellphone ko dito, nagtaka naman ako kasi pag bukas ko nang cellphone ko ay may misscall ako galing sa aking kapatid na babae. Ito ang unang beses nyang tumawag sa akin dahil nga sa takot sya sakin.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi ko man sya tinuturing na kapatid ay nag aalala pa rin talaga ako sa kanya, hindi ko itatanggi iyon. Ewan ko pero gusto ko talagang umuwi nang bahay kaya naman nag mamadali akong umalis nang company at umuwi nang bahay.

Pagdating ko sa bahay namin, ang naabutan ko lang ay si Helena na naka upo sa sala.

"Helena, dumating na ba dito si Eight?" Seryoso kong tanong

"Hindi pa ho sir" Sagot nya, napatingin naman ako sa aking relo, alas dyis na pero wala pa rin sya, saan na naman kaya pumunta ang babaeng yun? lumande? gumala? nag lakwatya?

Tinawagan ko na lang ang iba ko pang mga kapatid at pinauwi ko dito sa bahay, para narin maibalita kong tinanggap ko ang pag iinvest kay Mr. Takashima. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na silang lahat.

******************************

Hanggang dyan na muna dahil nag gagawa pa ako nang module at pasahan na sa byernes HAHAHHAHAH, don't worry mag a update ako bukas HAHHAHAH

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click