《Her Last Smile》Chapter Nine

Advertisement

Eight POV

Nagising ako nang may narinig akong mga boses kaya naman tiningnan ko kung sino, sina Ylena lang pala kausap si Nana Mely, w-wait nandito si Nana Mely? Wag mong sabihing pinatawag sya dito? pag nagkataon ay lagot ako nito kina kuya

Masakit pa rin ang anit ko hanggang ngayon pero mas masakit talaga ang mag kabilang pisnge ko, iginalaw ko ang aking labi para sana mag salita pero itinigil ko din agad dahil sumakit nang sobra ang mga pisnge ko, gusto ko mang mag salita ay hindi ko magawa dahil nga sa sakit nang pisnge ko

Napansin nina Nana Mely na gising na ako kaya tumingin sila sa akin, kitang kita mo ang pag aalala sa kanilang mga mata

"Ayos ka lang ba Otso?" Sa tono pa lang ni Ylena ay halatang nag aalala talaga sya sakin, tinanguan ko na lang sya bilang sagot dahil nga hindi ako makapag salita

"Masakit ba Otso?" Tanong ni Hara kaya binatukan sya ni Ylena

"Ayy hindi yan masakit Hara, nakikita mo ngang pagang paga ang mag kabilang pisnge nya at dahil sensitive din ang balat nya ay pumasa nang sobra grabe halos mangitim na nga oh, tapos tatanungin mo kung masakit, try natin sayo gusto mo?" Mahabang sa bi ni Ylena akaya naman napa pout si Hara, kahit kailan pato talaga

"Tinatanong lang naman eh" Naka pout na sabi ni Hara 'pato'

"Bakit ba naman kase hindi ka lumaban Otso" Sabi ni Ylena at umupo sa tabi ko, nasa clinic kami, base sa itsura nito ay clinic ito, maaga pa rin naman mga alas tres pa lang nang hapon

"Oo nga kung ako sayo ay nilabanan ko ang dalawang clown na iyon! nako nakakagigil sila tapos ang sinabi pa nila kay dean na tayo daw ang nag simula! napaka sinungaling na mga clown! tapos yung dean naman ay yung mga clown ang pinaniwalaan! palibhasa kaibigan pala nya ang magulang ni Maggie!" Halatang gigil na gigil si Hara, yung mga kamay nya ay nakakuyom, pero ano daw, kami ang nag simula?

Advertisement

"Iha ayos ka na ba talaga?" Napatingin kaming tatlo nina Hara kay Nana Mely nang bigla na lang itong nag salita, tinangun ko na lang din sya

"Sana ay hindi ito makaabot sa mga kuya mo kung hindi- alam mo na ang mangyayari sa iyo at isa pa nariyan na rin ang mommy mo. Wala akong magagawa pag nag kataon dahil baka mas lalo kang mapahamak kapag nakialam ako" Sabi ni Nana, halata sa boses nya ang lungkot

"Mommy? akala ko po ikaw ang mommy ni Otso" Halata sa boses ni Hara ang gulat, gulat saan?

"Yaya lamang ako nina Eight" Sabi ni Nana Mely, gusto ko sanang pigilan sya na sabihin kung ano at sino ako dahil baka malaman nina kuya na may pinag sabihan akong iba

"Kung ganon nasaan po ang mga magulang ni Eight? atsaka may mga kuya po pala sya?" Sabi ni Ylena, halatang naguguluhan sya.

Ang akala ko ay sasagutin ni Nana ang tanong ni Ylena pero ngumiti lang sya nang malungkot, buti na lang at hindi nya sinabi dahil alam kong magagalit lamang ang dalawa kong kaibigan sa mga kuya ko at kina mommy.

Hara POV

Ang akala ko ay sasagutin ni Tita Mely ang tanong ni Ylena ngunit hindi pala, halatang ayaw nyang sabihin ang mga bagay na tungkol sa pag katao ni Otso, halata ring hindi komportable si Otso nang mabanggit ni Tita Mely ang tungkol sa kanyang pamilya

Maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko, katulad nang

Sino ang may gawa nung pasa sa magkabilang pisnge ni Hara na halatang sinampal sya dahil bakat talaga ang mga kamay?

Sino ang totoong mga magulang ni Otso?

Sino ang mga kuya nya? Bakit hindi nya sinabi samin na na may mga kuya sya?

Bakit parang ang lungkot nang buhay nya?

Napansin ko kasi sa tuwing ngingiti sya ay hindi umaabot sa kanyang mga mata, sanay akong mangbasa nang emosyon nang isang tao kaya alam ko na peke ang mga ngiti nya, hindi ko pa nakikita ang mga totoo nyang ngite, ang totoo nyang tawa yung tipong hindi pilit.

Advertisement

Parang ang dami nyang pinagdaanan na hindi nya masabi, para bang palagi syang mag isa, alam ko na masakit ang pinagdaanan nya kaya hindi sya maka ngite nang totoo. Kung hindi ka marunong bumasa nang nararamdaman nang tao ay masasabi mong maganda at masaya ang buhay ni Otso pero para sa akin ay parang bangungot ata ang pinagdaanan nya kaya sya nag kaganyan.

Masaya ako na nilalabanan nya at hinaharap nya ang mga pag subok sa kanyang buhay.

Ang akala ko talaga nung una ay si Tita Mely ang totoo nyang Nanay dahil sa pag aalala at sya rin ang pumunta nang pinatawag ni dean ang mga guardian naming tatlo, nang malaman kong yaya lamang si Tita Mely ni Otso ay alam ko nang hindi mababang uri o mahirap si Otso dahil ngayon ko lang naalala na bumaba si Tita Mely sa isang BMW na kotse.

Atsaka naaalala ko na malapit lang daw ang bahay ni Otso dito sa SU eh lahat nang bahay dito ay magaganda dahil malapit din dito ang bahay nang tita ko. Pero bakit ganoon? Mayaman sila pero nag lalakad si Otso?

Ngayon ko lang din naisip na may kamukha si Otso pero hindi ko lang maalala kung sino, basta ang alam ko ay kaibigan ni Daddy ang kamukha nya.

Mayaman nga pala kami, ang gusto pa nga ni Mom ay sa Franklin University ako mag aral dahil dun nag aaral ang anak nang mga kaibigan nya, pero ayaw ko dun kasi parang ang papangit nang ugali nang mga tao dun.

Si Ylena ay alam kong mayaman din dahil ang bag nya ay gucci, hindi ko lang alam kung ano ang rason ni Ylena at dito sya nag aral.

***********************************************

Yan may POV na si HARA THE PATO hihihihihi

P.S: Yung mga typos lang po ang inedit ko

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click