《Her Last Smile》Chapter Seven

Advertisement

Eight POV

Nagising ako nang marinig ko ang boses nina Hara, naramdaman ko ding may tumutusok sa aking pisnge kaya naman napangiwi ako

"Bakit?" Medyo paos na sabi ko dahil kagigising ko nga lang

"Malapit nang mag klase" Sabi ni Hara at pinisil ang pisnge ko kaya halos maiyak na ako sa sakit

"A-aray ko" Mangiyak ngiyak na daing ko

"Hala sorry! Ngayon ko lang napansin na may pasa ka pala sa pisnge mo pero saan nang galing yan?" Tanong nya kaya nagulat ako, p-paanong nalaman nyang may pasa ako? Mabilis kong kinuha ang salamin ko sa bag para tingnan kung natanggal ba ang concealer at natanggal nga sya dahil kumapit sa aking kamay na pinatungan nang pisnge ko kanina, ano ba yan ang pangit na concealer naman nito!

"Napaano yan Eight?" Halata sa tono ni Ylena na nag aalala sya

"W-wala nabagsakan lang yan nang cellphone ko kahapon, nakahiga kasi ako habang nag cecellphone tapos nabitawan ko" Pag sisinungaling ko, alam ko kasi na kahit kakakilala pa lang namin ay nag aalala na talaga sila sa akin at ayaw ko naman na kaawaan nila ako

"Hindi yan galing sa cellphone Eight, bakat ang kamay" Sabi ni Ylena kaya napalunok ako, akala ko pa naman ay paniniwalaan nila ang sinabi ko

"Hayaan mo muna Ylena, baka ayaw nya pang mag kwento ano ka ba" Sabat ni Hara kaya nag pasalamat naman ako sa aking isip na sumabat sya kung hindi baka ginisa na ako ni Ylena

"Hayst bahala ka nga! Pero tandaan mo Otso palagi kaming nandito"Sabi ni Ylena na ikinangiti ko pero ano daw otso?

"O-otso?" Takang tanong ko sa kanila

"Pfft HAHAH, kanina kasi nag kasabay kami sa labas nang gate papasok nitong si Hara tapos sabi nya otso na lang daw ang itatawag nya sayo, tapos naisip ko parang ang kyut nga pag tinawag ka naming ganon kaya mula ngayon otso na ang tawag namin sayo okay? Ooops bawal umangal HAHAH" Paliwanag ni Ylena, hindi na rin ako umangal kasi wala din naman akong magagawa atsaka ang kyut nga nang otso minsan lang napangit pakinggan HAHAHA

Advertisement

Napanatag ang loob ko ngayon na hindi ako ginisa ni Ylena (Literal charot) gusto kong sabihin sa knila ang totoo pero hindi ko kaya dahil magiging emosyonal lang ako, nag kwentuhan na lang kami hanggang sa dumating ang prof.

****************FAST FORWARD************

Nandito kami sa garden, dito namin napiling kumain para rin hindi daw maingay

"Dyiba may mga transhferee dyaw nya dyadyating bwukash? (Diba may tranferee daw na darating bukas?)" Tanong ni Hara habang ngumunguya

"Ang burara mo Hara! Wag ka ngang mag salita nang punong puno ang bibig, hindi ka namin maintindihan atsaka tumatalsik iww" Maarteng sabi ni Ylena, natawa naman ako sa itsura ni Hara na nakanguso 'isip bata talaga'

"Sabi ko, Diba may mga transferee daw na darating bukas?" Ulit ni Hara sa sinabi nya kanina

"Oo, baka sinabi ni ma'am diba?" Pilosopang sagot ko (Kung di mo gets kung alin dyan yung pilosopang sinabi nya, slowpoke ka Hihihi)

"Mababait kaya?" Tanong ni Ylena

"Bakit saamin mo tinatanong?" Si Hara yun, hindi na ako

"Nyenyenye, ang pangit mo Hara mukha kang carbonara" Maarteng sabi ni Ylena at umirap pa, taray!

"Pangit ka din!" Ganti ni Hara, buti na lang kaibigan ko ang dalawang ito, napapasaya nila ako kahit papaano

"Tama na nga yang bangayan nyo, baka ma late pa tayo sa next class natin" Sabi ko at tumayo na mula sa pag kakaupo sa damuha, ganun din ang ginawa nang dalawa

***********Fast Forward************ (Lutang ako today guys)

Nandito na ako sa bahay namin, as usual nasa kwarto. Wala sina mommy dahil pumunta silang restaurant para mag family dinner :)

Nung pag dating ko sa bahay kanina kinakabahan pa ako kasi baka pagalitan nila ako dahil 6:30 na ako nakauwi gawa nang prof namin sa english na nag overtime na naman, pero pag dating ko dito sa bahay ay si Nana Mely lang ang nandito, syempre nagtaka ako kaya naman tinanong ko tapos yun nalaman ko na mag pa family dinner pala sila sa isang restaurant, kailan ko kaya mararanasan yun? yung tipong buo kayong pamilya na masayang kumakain sa isang mahabang hapag. Palagi na lang kasi akong mag isang kumakain maliban na lang nung nandito si Fiena at pag kasama ko sina Hara.

Advertisement

Naalala ko dati gusto kong sumabay nang pag kain sa kanila, thirteen ata ako nun, tapos ang sabi ni Mommy sakin "Sa mga maid ka sasabay kumain" Haha like anak nya ako pero tinuturing nila akong iba though iniintindi ko naman kasi wala din naman akong magagawa kundi ang intindihin sila. Dati na kakalabas pa ako nang kwarto ko pero hindi labas nang bahay ha?

Tuwing recognition ko ang pumupunta si Nana Mely, nung graduation ko nang grade six at yung nag moving up ako si Nana Mely ang pumunta, ang alam lahat nang tao sa school namin ay si Nana Mely ang mommy ko. Ginawa ko naman ang best ko para lang pag tuunan nila ako nang pansin kahit saglit lang pero hindi pa rin sapat, nag aral ako nang mabuti na halos lunukin ko na ang libro, sinunod ko lahat nang utos at gusto nila para naman matuwa sila pero hindi pa rin talaga sapat, ang gusto ko lang naman ay marinig ko na sabihin nilang

"I am so proud of you!"

"You did your best!"

"We love you!"

"We're here for you"

"We'll gonna be your crying shoulder"

"You are our princess"

Yan yung mga salitang gusto kong marinig mula sa kanila. Gumawa pa nga ako nang dream list ko na sana matupad HAHA

*Magkaroon nang family picture na kasama ako

*Mainig yung mga salitang sinabi ko kanina

*Matanggap nila ako

*Ipagtanggol nila

*Maranasan ang pagmamahal nila

*Makakain kasama sila sa isang hapag

*Makapag bonding at marami pang iba

May naalala na naman akong bago, yun ay yung gusto kong makipag laro kina kuya...

********FLASHBACK*********

Nakita ko sina kuya na nag lalaro nang tagu taguan, Wahh gusto ko din sumali kaya naman lumapit ako sa kanila kasi nakita na silang lahat ni kuya Adler sya kasi ang taya, napahinto naman sila sa pag pili kung sino ang magiging taya noong lumapit ako sa kanila

"Mga kuya sali po ako" Nakangiti kong sabi

"Tsk hindi pwede" Sabi ni Kuya Aider

"Iyakin ka at lampa so hindi pwede" Mapanglait na sabi ni kuya Zoren

"Ayaw ka naming kalaro" Masungit na sabi ni Kuya Yuen

Naiiyak naman akong tumingin sa kanila pero sila parang wala lang, parang wala talaga silang pake sakin at wala nga HAHAH

**********END OF FLASHBACK*********

*****************************************************

Jan muna, pagod na ang kamay ko sa kakapintdot HAHAHAHAH

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click