《Her Last Smile》Chapter Three

Advertisement

Eight POV

Nandito ako sa aking kwarto as usual haha, maaga akong nagising kanina kasi nga sanay na ako diba?

Nag aaral lang ulit ako dito sa aking kwarto 'psh', ang boring ng buhay ko, naisip ko lang kelan kaya mag babago ang buhay ko I mean kailan kaya sasaya at mag kakakulay, hindi naman sa hindi ako masaya sa buhay na meron ako pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Sadyang magaling lang talaga ako magtago ng aking nararamdaman, oo nga at mahilig ako ngumite pero sa loob ng ngiting yun ay naroon ang tunay kong nararamdaman.

Ang hirap pala kapag wala kang mapagsabihan ng problema mo no?

Kung may pag kakataon lang na balikan ang nakaraan ay ginawa ko na, gusto ko kasing pigilan ang sarili ko na malaman na anak ako ng isang rapist kasi masakit pala, hindi ko matanggap. Haha.

Tama na nga sa pag eemote haha, so ano na naman kaya ang gagawin kong pangpalipas oras ngayon, tapos na kasi akong mag aral. Magdrawing kaya ulit ako? Magbasa ng wattpad? Mag online?

Wahh! sa isang araw na pala ang pasukan ay putek wala pa pala akong gamit, ay oo nga pala meron nga palang mga notebook sina kuya Seven na meron pang walang sulat tatahiin ko na lang bali pagsasamasamahin ko ang mga walang sulat and tada! may notebook na ako haha

Nakita ko kasi si Nana nung isang linggo na itatapon yung mga notebook nina kuya alam ko naman na hindi lahat yun ay may sulat kaya hiningi ko na, buti na nga lang at wala nun sina kuya kung hindi...

At kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako binibilhan nina mommy ng gamit well binibigyan nya naman ako ng 5,000 peso pambili ng gamit ko kaya lang sayang naman dagdag ipon ko na yun para sa birthday ng mga kuya ko haha.

Advertisement

Kinuha ko na lahat ng notebook na nahingi ko kay nana and tinanggal ko ang Yarn tapos pinili ko lahat ng walang sulat tapos inipon ko sa isang gilid at yung may mga sulat naman ay inilagay ko sa kahon para maitatabi ko grabe ang gaganda nila mag sulat parang hindi mga lalake.

Natapos na ako sa pag tatahi ng mga notebook at meron akong nagawa na 11 notebooks hmm andami pala nun haha, may mga ballpen naman ako dito kasi nung last na pasukan ay bumili ako ng isang kahon ng ballpen at isang set ng lapis bago mga pangkulay at pang paint kasi mahilig nga ako mag drawing at mag paint.

Kinuha ko ang aking lalagyan ng ipon, yun ay isang malaking box, bibilangin ko kasi kung mag kano na. Inilagay ko sa aking kama ang box at binuksan doon tumambad sa akin ang sampong hindi kalakihan na box na may ibat ibang kulay base sa paboritong kulay nina kuya at bawat isa ay may pangalan yung kay kuya Adler ay kulay dark blue, ang kay kuya Asler ay kulay Green, kay Kuya Aider naman ay kulay Red, ang kay kuya Fourth ay kulay gray, ang kay kuya Zoren ay kulay light blue, kay kuya Yuen ay kulay White at ang kay kuya Seven ay kulay Black.

Ang dalawang box ay kay mommy at daddy tapos ang natitira ay para kay Nana, iisa ang kulay ng mga yon at yun ay kulay Yellow.

Pag pinagsama sama ang ipon ko ay umabot ng halos apat na daang libo, hindi ko akalain na kaya kong makapagipon ng ganon kalaking pera, siguro dahil yung dapat pambili ng gamit at mga damit ko ay inipon ko rin di bale sulit naman haha.

Inayos ko na ng mga gamit ko, nilagay ko na sa aking bag para sa isang araw ay dadalhin ko na lang..

Advertisement

Mabilis na lumipas ang oras at mag gagabi na agad, nakatingin lamang ako sa kisame ng aking kwarto at tinitingnan ang mga picture nila nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto nilingon ko naman ito at si nana pala kaya umupo ako sa aking kama

"Bakit po kayo nandito nana?" nagtatakang tanong ko

"Anak pinapatawag ka ng Kuya Adler mo" Sa sinabi ni Nana ay kinabahan ako

"B-bakit daw po?" Kinakabahan kong tanong, jusko.

"Hindi ko alam, pumunta ka na agad at baka mapagalitan ka pa" Sabi ni nana kaya tumayo na ako at tumango, kinakabahan talaga ako.

Nakarating ako sa living room namin at duon ko nakita ang lahat ng kuya ko akala ko ba si kuya Adler lang? putek mas lalo akong kinabahan kaya napalunok ako.

"B-bakit nyo po a-ako pinapatawag?" kinakabahan kong tanong kay kuya Adler, na kaupo sila sa sofa at nasa gitna ako, kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang patay na ako.

"Pag pumasok ka ay wag na wag mong babanggitin na kahit na sino na dito ka nakatira sa amin, maliwanag ba?"sereyosong sabi ni kuya Adler kay napatango tango ako

"Bawal kang mag pagabi ng uwe"malamig na sabi ni kuya Fourth kaya tumango ako

"Wag kang makipag away sa school mo, kung hindi lagot ka sakin"sabi ni kuya Seven kaya naman tumango ako sa kanya

"Kailangan ay kasali ka sa Deans List"sabi ni kuya Yuen kaya naman tumango ako

"tsk"narinig kong sabi ni kuya Aider

"Wag kang makipaglandian sa school nyo"sabi naman ni kuya Zoren kaya tumango ako bago yumuko

"Bumalik ka na sa kwarto mo, alalahanin mo ang sinabi namin"sabi ni kuya Asler kaya tumango ako bago tumalikod sa kanila

Akala ko pa naman pag sasabihan nila ako o sasaktan buti na lang hindi. Napangiti ako kasi feeling ko nag aalala sila sakin kaya nila ako pinapaalalahanan nung gabing iyon ay nakatulog ako ng nakangiti

*******************************

:)

P.S: Wala akong binago sa plot, inaayos ko lang yung mga misspelling, mga maling words na nagamit at wrong grammars.

    people are reading<Her Last Smile>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click