《Winning Her Back in My Arms》Chapter 20...( The final chapter)

Advertisement

Hindi ko sinisisi ang diyos sa kung anoman ang pait at sakit na napagdaanan ko. Dahil kung hindi dahil sa lahat ng iyon ay wala ako dito sa kung ano man ang kinatatayuan, at meron ako ngayon...

Nakita ko ang galak sa mga mata at labi ng lahat ng naroroon.....

Masaya sila para sa amin.. Ngunit mas masaya ako, para sa sarili ko...

Tiningnan ko ang taong mahal ko... Ang lalaking naghihintay sa akin sa may alatar.

Nakangiti siya, ngunit bakas ang mga luha sa kaniyang mga mata. Gusto kong matawa dahil sa unang beses ay nakita ko siyang umiyak. Ngunit gustuhin ko man iyon ay hindi ko rin naman iyon magagawa dahil,maski ako sa sarili ko ay walang pigil din ang pagbuhos ng luha...

Luha ng kaligayahan.

yun ang nabasa ko..

Dahan dahang nagsituluan ang aking mga luha, ngunit hindi ko inalis ang ngiti sa aking mga labi...

Hanggang sa narating ni Jelene at tapat ko... Bumitiw siya sa hawak ng kaniyang mga magulang at niyakap ako, duon ako napahagulgol... Niyakap ko siya pabalik, hiling ko na sana hanggang dito na lang. Na sana hindi na matapos ang oras habang yakap ko siya, pero hindi pwede. Dahil hindi pwedeng hanggang dun lang kami,,,

"Ace, thank you. Thank you for making me happy, thank you for understanding. I didn't mean to be mean, I know you are hurting and I want you to know that I didn't mean to hurt you. I just follow what my heart says, I know its bad to be selfish but I just want to be happy at least for the rest of my life. I now understand what you did before, ganun pala talaga kapag nagmamahal patawarin mo ako at hindi ko agad naintindihan yun. And thank you for understanding, at sa pagtulong sa akin na mahuli ko pa ang kuya mo bago pa siya makaalis. Thank you for your sacrifice. At habang buhay ko yung tatanawin bilang utang na loob ko sayo..," Napapikit ako sa sakit, kasi alam kong hanggang dito na lang talaga kami. Na isa kami sa mga tao sa mundo na ipinagtagpo pero hindi naman itinadhana...

Advertisement

Oo hindi ako ang groom niya. Kundi si Ryker, ang kapatid ko.

Nagbalik sa ala ala ko ang gabing nagpropose ako sa kaniya...

Falshback

Nang gabing iyon ay dinala ko siya sa airport, masaya siya at naabutan pa namin si Ryker. Sinabi niya kay Ryker ang nararamdaman niya at hindi naman nagdalawang isip si Ryker. Itinuloy nila ang napagplanuhan na nilang kasal, dito sa napakagandang islang ito.

Bumitiw siya sa yakap ko, pilit ko siyang nginitian at pinahid ko ang luha sa aking mga mata.

"I have to go to my groom Ace, please take good care of your self."

Ang pinakamasakit na palam ay yung alam mong hindi mo pa nga siya nahahawakan, kailangan mo na namang bitiwan dahil iyon ang makabubuti para sa lahat. At iyon ang nakatadhana.

Sa araw na ito, naramdaman ko ang sakit ng maiwan ng taong minamahal. Nakita ko ang pagtalikod sa akin ng pinakamamahal kong babae. Nakita ko ang saya sa mukha niya habang kasama ang lalaking ngayon ay mahal niya.

Masakit oo, pero masaya rin naman ako. Dahil sa wakas nakita ko siyang sobrang saya, at ang pagpaparaya ko ay naging parte rin ng sayang nararamdaman niya sa ngayon...

Hindi dito nagtatapos ang papel ko sa buhay niya, dahil habang humihinga pa ako. Susuportahan, at susuportahan ko siya....

#############

Aminin niyo nagulat kayo hahahahahahahhaa

    people are reading<Winning Her Back in My Arms>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click