《Winning Her Back in My Arms》Chapter 9

Advertisement

"Hindi ko rin naman intensiyong saktan ka ha? Hindi ko intensiyong magmahal ng iba para masaktan ka. Matagal ko na siyang mahal bago ka pa man dumating at bago pa man kita nakilala." Napatingin ako nang deretso kay Ace, nasaktan ako sa sinabi niya. At hindi ko yun itatanggi, inaamin niyang mahal niya ako pero sa tuwing nasasali sa usapan si France ay parang nagdadalawang isip ako sa pinagsasasabi niya.

Mahirap kalaban ang taong matagal nang wala.

"Let's get enough with that past Ace, I am done. I've moved on." Pagsuko ko, ayoko na ng gulo pa maayos na ang buhay ko.

"Kaya nga Jelene eh! Let's get enough pero sa tuwing naiisip kong bawiin ka binabalik niyo ang nakaraan."

"I am already happy now Ace, hayaan mo naman akong maging masaya." Napayukong saad ko.

"Pero nung hiningi ko yan sayo nuon ibinigay mo ba?" Sumbat niya na nagpanganga sa akin, hindi ako makapaniwala.

"Sumbatan ba to Ace ha?!" Hindi ko mapigilang mapataas ang boses ko, naiinis na ako. At dahan dahang nabuhay ang galit na matagal ko nang binaon sa limot.

"Umalis ka na di ba? Binigyan ka na ng tadhana ng tiyansang makatakas sa responsibilidad mo sakin, hindi kita hinabol, hindi ko na plinano pang ipakilala sayo ang anak ko dahil hindi mo naman siya kailan man tinuring na anak! Pero nagbalik ka at pinagduldulan ang sarili mo sakin! At bakit? Dahil PATAY na yung babaeng sinamahan mo. Hindi ka na sana nagbalik pa di ba? E di sana masaya na ako walang ikaw na nanggugulo!" Nangangalaiting sigaw ko sa kaniya, galit ako, galit na galit. Ngayon lang namin napag usapan ang bagay na ito mula nang maghiwalay kami pitong taon na ang nakaraan.

"Sana nga pinakawalan na kita nuon pa Ace at nang hindi mo nakilala pa ang anak ko dahil pinagsisisihan ko pa ang araw na pinakilala ko siya sayo at ang paghabol ko sayo nuon!" Madiing saad ko, nakita ko ang hindi pamilyar na emosyon sa mga mata niya ngunit isinawalang bahala ko iyon dahil galit ako at lehitimo iyon.

Advertisement

"J-jelene I didn't mean to-----------" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko hudyat na ayoko ng marinig pa ang ano mang sasabihin niya, at mukhang nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig. Napayuko na lamang siya.

Pumasok si Ryker kasama ang doktor ni Ace, nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.

"Hi Ace!" Bati ng doktor sakin.

"Hello doc." Balik na bati ko sa kaniya.

"How are you?" Tanong nito sa akin.

"I am feeling fine."Deretsahan ko namang sagot.

"May nararamdaman ka bang masakit sa katawan mo?" Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko.

"Wala naman." Sagot ko.

"Uhm medyo masakit pala ang likod ko." Agad kong bawi sa nauna kong sagot nang maramdaman ko ang sakit sa aking likod matapos kong iunat ang katawan ko, habang naka upo pa rin sa ibabaw ng hospital bed.

"Ahh resulta iyan ng matagal mong pagkahiga sa kama Ace." Sagot nito, napaisip ako.

"Mukha nga, pakiramdam ko kasi mababaw lang ang pinanggalingan ng sakit." Sagot ko at tumango naman ang doktor, napadako ang paningin niya sa may dibdib ko.

"Wala na bang masakit diyan sa dibdib mo?"

"Wala naman." Sagot ko nang wala naman talaga akong maramdamang masakit. "Ilang araw na nga pala akong tulog?" Tanong ko sa doktor, nagulat ako ng bumuntong hininga ito at tumitig ng deretso sa akin. Napatingin ako kay Jelene na nuon ay nakayuko at kay Ryker na nasa braso ko ang paningin. Napatingin rin ako sa anak ko na nuon ay tumakbo at sumampa sa kama.

"Daddy aren't you aware of it? You already slept for two years now."

###############################################

Hi Bwiitifuls!!!!😊😊😊😊 I hope you are now safe at your homes. Wag muna lumabas ng bahay if hindi naman talaga kailangan ha?! At kung bored na bored ka na talaga sa buhay mo sa loob ng bahay I suggest na magbasa ka na lang ng mga storya sa wattpad o di kaya'y mag exercise marami ang pwedeng gawin sa totoo lang.

Stay home and keep safe!!!

From your beloved author....

MsBwiitifulKim

    people are reading<Winning Her Back in My Arms>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click