《Winning Her Back in My Arms》Chapter 6

Advertisement

"Kasal mo." Parang nahinto ang mundo ko, paanong???? Paanong napanaginipan niyang ikakasal na ako?

"At hindi ako ang groom, hindi ako ang naghihintay sayo sa may altar." Naluluha ni na namang saad.

"At ang mas masakit? Nakita ko ang tuwa sa mga mata mo, ang saya sa mga labi mo at sa mga mata ng mga taong nakapaligid sayo. I saw love when you look at your groom. At bam! Nagising ako na hindi man lang nakikita ang mukha ng lalaking naroroon. Ng lalaking papakasalan mo." Matapos niyang sabihin iyon ay bumitiw siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko, hinaplos niya ang mga pisngi ko. Duon ko nakita ang matinding lungkot sa mga mata niya, pinahid niya ang mga luha niya ngunit hindi iyon natigil sa pagbuhos.

"Hindi naman yun totoo Jelene di ba?" Para naman akong naestatwa sa tanong niyang iyon. Oo at hindi lang naman ang sagot pero bakit parang napakahirap bigkasin ng mga salitang iyon.

Ayokong masaktan siya, ayokong maging kagaya niya! Ayokong isipin niyang nagmahal ako ng iba para masaktan lamang siya, kagaya ng ginawa niya sa akin nuon. Ayokong isipin niyang pinaasa ko lang siya nung sabihin kong dapat bawiin niya ako.

Ayoko pero dapat kong sabihin sa kaniya, dapat kong ipaalam. Ayokong umasa siya. Sinabi ko yun nuon dahil gusto kong mabuhay siya. Gusto kong makita pa siya ng anak namin. Hindi ko na ipagdadamot pa si Race sa kaniya, he is still my son's father kahit pagbali baliktarin ang mundo.

"Jelene, why can't you answer me? Is it true?"Hindi ko man lang namalayang nakatulala na lang pala ako sa luhaan niyang mukha.

"Ah A-ace y-you need to rest kakagising mo pa lang, k-kailangan mo munang m-magpahinga." Nauutal na lihis ko sa tanong niya, ayokong sagutin yun. Hindi ngayong hindi pa ako handa, kakagising niya pa lang baka mapano pa siya. Ayokong may mangyari na namang masama sa kaniya nang dahil na naman sa akin.

Advertisement

Mukhang naintindihan niya naman na ayaw ko'ng pagusapan ang bagay na iyon dahil binitiwan niya ang mukha ko at hinalikan muna ang nuo ko bago nahiga.

"Maybe you are right, maybe I need some rest." Patango tango niyang saad.

"I love you Jelene." Ang sabi niya bago ipinikit ang mga mata.

Pinagmasdan ko ang hitsura ni Ace, medyo malayo ito sa hitsura niya nuon. Hanggang balikat na ang buhok niya, masyado siyang namuti kaya mukha siyang maputla. Medyo namayat siya, gayun pa man ay hindi pa rin maipagkakaila ang gwapo niyang hitsura.

Medyo nagbalik na ang kulay sa mga labi niya, dati kasi ay para na siyang patay sa putla niyon. Ngayon ay medyo mamula mula na ito.

Ngayong nagising na siya, ang masasabi ko na lang ay marami pa siyang panahon para ayusin ng hitsura niya. Hindi naman iyon magtatagal panigurado.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunig iyon. Isang text message galing kay Ryker ang bumungad sa akin.

One new message

From: Mr. Sungit

Im on my way

Driving at 90

In an old country lane

Singing to tiny dancers

I miss the rain you make me feel

I'ts real

we watch the sunset over the castle on the hill.

Peace baby, I'm on my way to the hospital. I love you.

Message recieved

9:30 A.M

Compose message

I am waiting hon,

Just take your time

The clock is ticking

So stay

All I have to do is wait.....

Massage sent

9:31 A.M

Reply ko na ginaya ang kanta ni Alessia Cara na Stay medyo iniba ko lang yung lyric, imbis na you ay ginawa kong I....... Maka Ed Sheeran naman kasi yung isang yun.

Matapos kong magreply ay nakangiti akong umupo sa isang mahabang sofa sa loob ng kwarto ni Ace.

=========================================

    people are reading<Winning Her Back in My Arms>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click