《Poems / Tula》Wika at Pananaliksik

Advertisement

I

Pahalagahan na

Ang wika't ating kultura.

Na bumubuklod sa'ting bansa

Tungo sa pagkakaisa

II

Paunlarin ang Wikang Filipino

Saliksikin natin ang buong mundo

'Huwag hayaang maglaho

Kinagisnang mundo

III

Mga sagot sa malalabong tanong

Saliksik ang susi ng dunong

Mapuyat man kakalikha ng saknong

Matulog man nang nakamaong

IV

Pananaliksik nati'y hindi madali

Laman nito'y hindi basta pinipili

Saliksik ay gawing mainam palagi

Para resulta'y laging wagi

V

Dunong ay hindi nabibili

Pananaliksik ay dapat naibabahagi

Para sa talastasan may baon lagi

Wika'y ating ipagmalaki

VI

H'wag ibahin ang Wikang Filipino

Wikang pansaliksik at behikulo

Tara't ipakilala sa ating mundo

Paunlarin natin ito.

VII

Lumipas man ang haba ng panahon

Yayakapin pa rin ang tradisyon

Ito na, ang pagkakataon

Bigyan natin ng atensyon

VIII

Huwag kalimutan,

Mga wika't panitikan,

Nagpapakulay sa'ting bayan,

Tungo sa kaunlaran.

IX

Buo pa rin ang Wikang Filipino

Pangunahin ang wika sa puso

Ibang lengguwahe man ang inaral nyo

Kumalat man Wikang Banyaga sa Mundo

X

Mga tanong sa lipunan natin

Bigyang kasagutan natin

Filipino ay dapat nating mahalin

Instrumento sa pagkakaisa natin

XI

Ang wika'y palawigin

Ibahagi natin

Wag balewalain

Pamanang wika sa atin

XII

Huwag pababayaan,

Laging sa puso ay ingatan,

Wikang sinimulan,

Patuloy na ipaglalaban.

    people are reading<Poems / Tula>
      Close message
      Advertisement
      To Be Continued...
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click