《Arkiyo Liondel is my ENEMY》CHAPTER 12

Advertisement

Pagtapos ng gabing iyon ay agad din akong inuwe nina mama sa bahay. Kinulong nila ako sa kwarto ng ilang araw. Wala akong imik, bantay sarado ang buong paligid kaya hindi ko na inaasahang makita pa si Arkiyo o sila Belle. Mag mula nang mawal ang baby ko ay lagi nakong tulala, hindi ako kumakain o umiinom ng tubig. Lagi nalang akong umuubo na may kasamang dugo. Hindi ko na iniinda ang sakit ng ulo ko dahil sanay nako don.

Kasalukuyan akong nasa loob ng cr. Pinagmamasdan ko lang ang buong katawan ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko.... Kaunting oras nalang at ikakasal nako kay Izmael.

Si Izmael Garnilio lang naman ang may-ari ng ibat ibang mamahaling pabango sa buong Asia kaya hindi malabong sya ang mapili ni daddy na ipakasal sakin. Napakasama nila.

Sinusuklay ko ang buhok ko kahit pa ang dami nang nalalagas dito. Napapanot na ang kalahati ng aking ulo pero wala akong pakielam dito. Hindi ko kaylangang mag paganda para sa lalaking hindi ko naman kilala.

***

Sabay kami bumaba ni Daddy at mama sa kotseng puti. Lahat sila ay masaya habang kinukunan kami ng litrato papasok sa simbahang mukhang palasyo. Ibat ibat mayayamang tao ang nandito.

Habang nag lalakad ay wala akong imik. Wala nakong pake sa mga mangyayari saakin lalo na't wala na ang pinakamahahalagang tao saaking buhay.

Lahat sila kinamumuhian ko lalo ka ang sarili kong ama na walang ginawa kundi pahirapan ang mga anak nya.

Wala pa kami sa gitna nang maramdaman kong sumasakit ang aking dibdib at ulo. Ang sakit nito, maya-maya lang ay nanlabo nadin ang paningin ko.... Isang hakbang pa at paniguradong tataob na ang katawan ko.

"D-dad.." huling lumabas sa dila ko bago ako mahimatay.

***

Magmula nang ilayo sakin ni Mr. Antonio si Khalia ay wala nakong nagawa. Kinulong ko ang sarili ko sa madilim kong kwarto at nilamon nako ng alak. Wala kang makikitang magandang gamit diti sa loob ng kwartong ito, lahat ay sira at wasak-wasak na.

Advertisement

Nang ibalita saamin ng mga Vallderama ang pagkawala ng anak ko ay para nakong nabaliw. Para akong bata na nawalan ng daan-daang laruan. Hindi ko magawang ngumiti o mag salita.

Akmang lalagok pako ng alak nang mag ring ang celkphone ko... Si Mr. Antonio.

Agad ko iyong sinagot, hindi naman siguro sya tatawag para lang sa wala.

"Please come to the Asian Hospital now."

Hindi ko alam pero sinunod ko sya. Kasama ko sina Belle, Al and Dilan papunta sa lugar na sinasabi ni Mr. Antonio. Bigla nalang din kasi ako nakaramdam ng kaba, hindi ko maisip kung anong dahilan pero sinunod ko sya. Bahala na.

***

Pinapasok kami nt dalawang body guard sa malaking kuwarto. Bumungad saamin sina Mrs. Amalia at Mr. Antonio kasama ang panganay nilang si Ate Armia na mukhang kakatapos lang umiyak.

Walang lumabas na kahit anong boses sakanila... Dahan-dahan silang nag hiwa-hiwalay at tumambad saakin ang nanghihinang katawan ni Khalia sa kama.

Agad syang tinakbo ni Belle at niyakap.

Naistatuwa naman ako sa eksenang ito. Mukha syang may malubhang sakit na para bang bibigay na. Panot na ang kalahati nyang ulo at para bang hindi pa kumakain ng isang linggo, tuyo nadin ang labi nito at malaki na ang eyebags.

Dahan-dahan ko syang nilapitan.

"A-anong meron?" utal na tanong ko. Tila ba ayaw mag proseso nito.

"She have a Cancer." Diretsong sabi ni Mr. Antonio. "Stage 4"

Nanlumo ako saaking mga narinig. Para akong nabingi sa mga oras nato. Ayaw tanggapin ng mga tenga ko ang bawat salitang sinasabi ni Mr. Antonio.

"Malubha na ang sakit nya at mayroon nalang syang dalawa hanggang tatlong linggo para..." Sandali syang lumagok ng laway bago muling mag salita.

"Para mabuhay."

Matapos kong marinig yon ay bumagsak muli ang luga saaking mga mata. Wala nakong marinig, gusto ko nalang maging bulag at bingi dahil sa mga nangyayating ito.

Pinagmasdan ko si Khalia na kakamulat lang. Patuloy na umaagos ang luha sakanyang mga mata kaya agad ko iyong pinunasan...

Hindu ito ang mundong pinangarap ko para saming dalawa.

    people are reading<Arkiyo Liondel is my ENEMY>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click