《Arkiyo Liondel is my ENEMY》CHAPTER 10
Advertisement
Tatlong araw ang lumipas na pananatili namin sa maliit na kwartong ito. Sa loob ng mga linggong iyon ay puno ng saya ang aking puso. Nag hanap nadin kasi ng trabaho si Arkiyo kaya naman nakakatawid na kami sa pang araw-araw namin. Paminsan-minsan naman ay dinadalaw kami ni Ate Armia okaya ni kuya Dj pero kahit kaylan di sila nag sabay ng dalaw. Ewan ko ba kung bakit.
Araw ngayon ng linggo kaya naman may sweldo si Arkiyo. Ang kalahati ay nilagay ko sa alkansya para kay baby then ung kalahati naman ay itinabi ko para sa pang gastos bukas at sa mga darating na araw, then yung sobra ililibre namin kina Belle kaya naman bihis kaming lahat ngayon.
Bumaba kami ng sasakyan, kasabay non ang mangha ni Belle. Ngayon lang kasi sya nakapunta dito sa Intramuros.
Pumasok lang kami don at nag meryenda. Tapos non ay namasyal kami at nag picture-picture lang. Alam ko namang hindi iyon iuuplode nina Belle kaya kampante ako.
Ilang sandali lang ay napagdesisyunan naming maupo saglit. Sumakit kasi ang likod ko kakalakad pati narin ang ulo ko. Ewan ko ba, these days lagi akong nauubo na may kasama pang maliit na dugo... Siguro ay normal lang iyon sa buntis.
"anong gusto nyo?" Tanong ni Dilan saka tumayo kasabay ni Al and Arkiyo. "Water? Chips?"
"bili mo nalang ako ng takoyaki" Sabi ni Belle.
"Ah ako na," pag mamadaling prisinta naman ni Al.
Napangiti nalang kaming tatlo. Halata namang may gusto sila sa isat isa pero hindi namin maintindihan kung bakit ba ayaw pa nilang umamin. "para kayong sira bibili lang takoyaki" Irita na sabi ni Al matapos mapansing nginingitian namin sila.
Bago pa man mamula si Al ay dali-dali na syang lumakad paalis kaya sinundan na sya ni Dilan para asarin.
"Dyan lang kayo love ha," Sabi ni Arkiyo saka binigyan ako ng halik sa noo. "wait mo si daddy, baby" hinimas nya muna ang tyan ko bago tumakbo paalis.
Advertisement
Nang mawala na sila sa paningin namin ay agad na kaming nag kwentuhan ni Bell. "bakit ba ayaw mo pa umamin?" Natatawang sabi ko.
Umiwas naman sya ng tingin sakin na kala mo ay hindi nya alam ang tinutukoy ko. "aysus," kinaliti ko pa ang beywang nya kaya naman lalo syang namula.
***
Wala pang sampung segundo kaming nag tatawanan nang bigla nalang may isang pamilyar na boses akong marinig sa likod. "I knew it!" Sigaw ni Nathalia na kanina pa ata nanonood saamin.
Sa sobrang gulat namin ni Belle ay napatayo kami. Inusisa namin ang paligid kung may kasama ba syang iba pero wala kaming nakita kaya nakahinga ako ng maluwag.
"what?" Nabaling sakanya ang paningin namin. "akala mo may kasama ako noh? What if isumbong ko kayo kay Mr. Vallderama?"
"shut your mouth or else—"
"or else what?" she cut my words.
"you will kill me?" bahagya syang natawa. "as if may laban pa ang nakakadiring babaeng katulad mo—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya. Pinatimik ko sya ng malakas na sampal.
Hindi ako katulad nyang madumi na kung kani-kanino nag papakantot.
"You bitch!" Sigaw nya saka ako sinabunutan.
Hindi naman ako nag patalo. Winagwag ko din sya at iwinasiwas ngunit masyado syang malakas. Si Belle naman ay nakikisali nadin kaya alam kong tutumba ang ipis nato.
Saaming pag sasabunutan ay bahagya nya akong naitulak. Hindi ko inaasahang may malaking bakal pala ang nasa harapan ko kaya naman dali-daling sumalpok doon ang aking tyan dahilan upang sumakit ng sobra ito....
Natigil ang mundo ko....
Nag blur ang paningin ko at tila ba tumigil ang mundo matapos kong makita na may dugo na ang aking hita at ang puti kong dress.
Narinig ko ang sigaw ni Belle...
"Khalia!"
Matapos nyang sumigaw ay may isa pang pamikyar na boses akong narinig... "KHALIA!" sigaw ni Arkiyo na tumatakbo papalapit saakin.
Advertisement
Wala pa sya sa kalahating hakbang nang tuluyan nakong pumikit.
***
Puro puti ang nakikita ko tapos maraming boses akong narinig, lahat ng tinig na iyon ay pamilyar sakin..
"Khalia, love hold on please"
"Khalia... Khalia dito lang kami"
"O M G, i'm sorry i don't know—" Huling tinig ni Nathalia ang aking narinig bago ako muling makatulog.
May nararamdaman akong tao na hinuhubaran ako at tila ba inuusisa ang mga mata at tyan ko. Sa mga sandaling ito ay grabe ang sakit ng aking tyan at ulo na para bang sasabog ito... Nanunuyo nadin ang lalamunan at labi ko kaya naman pinilit kong mag salita, "t-tubig"
Pinipilit kong mag salita kahit pa hangin lang ang lumalabas saaking bibig. "bigyan nyong... Tubig si baby ko, p-please"
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng matulis na bagay na pumasok saaking balat dahilan para antukin ako. "DOC! DOC!" Huling tinig na narinig ko bago ako tuluyang makatulog.
***
Halos mapunit ang puso ko habang dinadala ko si Khalia dito sa Manila Hospital. Pagbalik namin kanina sa pwesto namin ay nakalumpasay na sya sa gilid ng bakal at duguan na ang binti kaya naman binuhat ko sya at dinala sa pinakamalapit na hospital dito.... Hindi maipinta ang mukha nina Belle na nakaupo saaking gilid. Hinihintay namin ang doctor na tumingin kay Khalia.
"I'm sorry, hindi ko alam" Paulit-ulit na sabi ni Nathalia habang nag lalakad-lakad. Muntik ko ng mapatay ang babaeng ito kanina buti nalang at napigilan ako nila Dilan.
Hindi ko sya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.
Ilang oras pa ang nag tagal nang makarating din sina Kuya Dj kasama sina Mama at Papa... Agad kong sinalubong ng yakap si Papa at humagulgol sa balikat nya. Hinayaan nya lang at habang si mama ay hinihimas ang aking likod.
Hinihintay ko nalang ang pag dating ng mga Vallderama.
Hindi naman pwedeng hindi nila malaman ang nangyari sa anak nila. Alam kong galit ang mananaig pero wala nakong pake.
"P-pa yung mag-ina ko..." Iyak ko kay Papa.
"Shh. Arkiyo, everything has a reason"
Tulala kaming lahat habang inaantay ang paglabas ng Doctor. Kanina pa walang imik sina Belle at kuya Dj, para kaming kawawang sisiw na nag hihintay sa nanay namin para lang makakain... Parang binibiyak ang puso ko sa dalawa, ayokong nahihirapan si Khalia at ayokong mawala sila ng baby ko. Buong buhay ko ay si Khalia lang ang nakaintindi saakin, sya lang ang naging pamilya ko sa mapait na mundo kaya hindi ko kakayanin kung may masamang mangyayari sakanya... Sakanila ng baby ko.
Advertisement
- In Serial34 Chapters
A lazy king
Thomas lived a good life, a wonderful life that was about to get even more....well wonderful. But then he died.Rather than an ending though it becomes the beginning of a new chapter in his life. However, this one happens to be on a different world.
8 87 - In Serial70 Chapters
Traditional Position | JJK +18
Both you and Jungkook can't disagree to the arranged marriage, how will the two of you turn out?🔞 SMUT STORY.
8 293 - In Serial12 Chapters
Invincible wizard at Fairy Tail
Allen, a reincarnated person from the modern era to another wizarding world to the world of fairy tail. OP abilties. Just like the other stories that I write. It have abilties very similar but better version than other animes.
8 147 - In Serial41 Chapters
Meggy X Reader: Endgame
A decade after the events of Meggy X Reader, Xeggy and Wario-man return, but they're not alone. They've hired every single villain the heroes have tussled with in the past. The heroes must reunite and fight for the future of the Multiverse. Along with the old villains, new powerful villains have rose from the dust, such as the mighty Shadow Jackals.Will the Multiverse be saved by the Multiversal Heroes? Or will they finally meet their ends and fail?The third war begins now. The Multiverse's fate lies in the heroes' hands.(Image on cover belongs to kuby64 on Deviantart.)
8 195 - In Serial63 Chapters
Billionaire's World
Collection of Billionaire's stories
8 169 - In Serial13 Chapters
Mori X Reader
Your parents move you from Japan's country side to Tokyo, the busiest city in Japan because they want her to train with a world famous Karate and Kendo trainer. This means new school, living alone, and new friends. Her new school happens to be Ouran Academy, where she meets one of her friends from the dojo. (This story is based off my other book of preferences and imagines so if it seems familiar that's why)
8 183