《Arkiyo Liondel is my ENEMY》CHAPTER 9

Advertisement

Kinabukasan, sabay-sabay kaming nag salo-salo nina Belle sa maliit na mesa upang kumain. Ayos na samin ang itlog at hotdog na uulamin sa araw na ito maitawid lang ang gutom. Buti na nga lang at may lumang gusali sina Dilan na aming ginamit para saaming titirhan pansamantala. Pinipilit ko kasi si Arkiyo na ituloy ang kanyang pag-aaral para ng saganon ay magkaron kami ng magandang buhay at mapatunayan namin sa lahat na kaya naming dalawa.

Tamad kasi tong si Arkiyo na mag-aral, pangarap nya maging piloto ng eroplano kaya nga PPL o Private Pilot License ang kinuha nya sa collage. He's dreaming to be pilot ever since mag kakilala kami.

Nabaling naman ang aking atensyon kila Dilan at Al na nag talo pa sa ketchup kaya agad kong kinuha ang bote ng UFC para lang matigil sila.

"para kayomg bata," Suway ko saka maayos silang binigyan ng ketchup.

Sandali naman akong napasulyap kay Belle na nakangiti pala sakin. Ngayon ko lang naririalize na umaasta na pala akong nanay. Wala pa ang baby namin pero grabi na ang mga napag dadaanan naming dalawa ni Arkiyo.

***

Pagtapos naming kumain ay ako na ang nag hugas, siila naman ay nag ligo na at nag ayos ng mukha dahil aalis kami ngayon. Akma namang kukunin ko na ang sabong pang laba nang may kamay na pumigil saakin...

"Hindi dapat napapagod ang maganda kong asawa," Sabi ni Arkiyo saka kinuha ang hawak kong plato.

"Love, ako na—"

"Shh," Nilagay nya pa ang hintuturo nya saaking bibig. "Masyado kang maganda para mag hugas ng pinggan. Kaya shu shu kana, ako na dito love"

Napangiti nalang ako saka umalis sa pwesto. Kinuha nya ang sabon at nag hugas na ng plato. Kahit pa hindi kami sanay sa ganitong buhay ay pilit naming kinakaya. Laking tuwa ko at may iilang tao pa ang nakakaintindi ng mga nangyayari samin ni Arkiyo ngayon. Hindi ko na talaga hahayaang magkahiwalay kaming dalawa.

Advertisement

Nag tungo na ako sa kwarto namin ni Arkiyo para mag-ayos. Nag suot nalang ako ng bistidang puti saka nag jacket para naman maging komportable ako. Sa tingin ko ay two weeks palang ang tyan ko, pero wala eh yung mindset ko para ng nanay.

***

Isang oras lang naman ang naging byahe namin bago kami makarating sa bywalk. Dito na muna kami tatambay sa lugar kung saan walang nakakakilala samin. Payapa kaming naupo sa gilid ng dagat at tinanaw ang araw na malapit nang lumubog. Kasalukuyan kasing nasa school sina Belle, Al and Dilan.

Hawak kamay kami ni Arkiyo habang pinapanood ang mga batang nag tatakbuhan dito sa Sea Side ng Moa.

Naiimagine ko na ang mga magiging eksena kapag lumabas na ang baby saaking tyan. Hindi nako makapag hintay na makita ang baby naming dalawa ni Arkiyo.

"sure ako love na lalaki yan" Bigla naman nyang sabi kung kaya't napatingin ako sakanya. "Love pag lalaki anong name gusto mo?"

Sandali akong nag-isip, "hmm. Ewan, basta gusto girl"

Napanguso naman sya at umastang bata. "ehh. I want boy"

Napatawa nalang ako ng kaunti. Ito naman wala pa nga atang isang buwan ang tyan ko boy girl na agad iniisip ni Arkiyo... Hindi naman kasi kami makapag pacheeck up dahil wala kaming perang hawak pareho. Nahihiya naman ako kina Belle mangutang dahil malaki at marami na silang tulong na nabigay samin. Lalo na si ate at ang kuya ni Arkiyo, sila ang dahilan para muli kaming mag kita.

Gabi na ng napagdesisyunan naming lumisan na doon. Nag tungo kami sa Angel's burger dito sa may Sta. Ana para kumain saglit.

"May 100 pesos pako dito," sabi nya habang binibilang ang perang hawak nya. "sakto nato pang kain tapos jeep na tayo pauwe"

Kaunti lang ang tao dito sa Angel's burger. Sabay naming kinain ang burger na sobrang sarap tapos nag hati nalang kami sa isang bote ng tubig. Tapos naming kumain ay nag jeep na kami patungo sa apartment kung saan naabutan namin sina Belle na nag hahanda na ng hapunan.

Advertisement

"Maayos ba date nyo?" Tanong nya habang nag lalagay ng mamahaling stake sa mesa. "mag-ingat kayo ha, balita sa school marami na daw nag hahanap sainyo" Paalala nya pa.

Tulad kanina ay sabay-sabay kaming kumain. Ang saya ng araw nato para sakin, kahit simple lang ay talagang nakakataba ng puso. Biruin nyo yon, ang dalawang mayamang tao ay namuhay sa mahirap na paraan para lang magsama ay maging masaya. Talagang magaling ang tadhanang ito.

    people are reading<Arkiyo Liondel is my ENEMY>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click