《Arkiyo Liondel is my ENEMY》CHAPTER 7

Advertisement

Kinabukasan, hindi ko na namalayang nasa kama na pala ako. Akmang tatayo nako nang may kamay na pumigil sakin... Laking gulat ko nang makita ko ang babaeng nasa tabi ko, "Ate Armia?" Ngiting sabi ko saka sya niyakap. Pag tapos ng yakapang naming iyon ay muling sumilay ang lungkot saking mata. Bigla kong naalala ang mga naganap kagabi, miss ko na si Arkiyo.

"Bat ka andito?" Takang tanong ko sakanya. Nakadestino na kasi sya sa Australia kasama ang napangasawa nyang mayaman.

Ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko. "Mom told me what happened yesterday," Napayuko ako. Ngayon paniguradong kalat na sa laaht ang nangyari saming dalawa ni Arkiyo... Alam kong ngayon ay nag dudusa nadin sya dahil nalaman na ng parents nya ang lahat.

"kamusta ka? Kamusta ang baby mo?"

"Hindi ko alam ate," Sabi ko nalang at hinimas ang aking tyan. Kagabi pa ito sumasakit kaya naman kinakabahan ako baka kung ano nangmangyari sa baby ko.

"Hmm, i see" Muli syang ngumiti. Akmang aalis na sya nang pigilan ko.

"Ate..." Hinawakan ko ang mga kamay nyang malambot at muling lumuha ang mga mata ko kaya agad nya iyong pinunasan. "Ate.. T-tulungan moko, ate mahal ko si Arkiyo" Hindi ako sigurado kung tutulungan nya ba ako pero alam kong mahal ako ng ate ko.

"Khalia," Naupo sya sa tabi ko. "ayon nga ang dahilan kung bakit ako nag madaling umuwe..." Paliwanag nya sakin ng pabulong, tila ba ayaw nyang may makarinig ng sinasabi nya kundi ako lang... "ayokong magaya ka sakin."

***

"Ma, Pa! Nasa tamang edad nako kaya bakit nyo pako dinidiktahan?!" Sigaw ko kila mama na patungo sa kanilang kwarto na para bang wala ako sakanilang likod. Tila ba wala silang naririnig at patuloy lang silang nag lakad hanggang sa makapasok sakanilang kwarto... Wala nakong nagawa kundi ang maluha nalang, ever since naman para na silang bula. Lagi nga namin silang kasama pero kahit kailan di namin maramdamang may magulang kami.

Advertisement

Mas importante sakanila ang negosyo kesa sa kapakanan ng mga anak nila.

Tumakbo ako patungo sa art area kung saan walang tao kundi ako lang. Ibinalibag ko lahat ng makita kong gamit, lahat ng pwedeng basagin ay binasag ko na. Lahat din ng mamahaling display ay sinira ko na. Balewala samin ang pera dahil milyon-milyong ang laman ng bawat bangko namin. Halos sirain ko na ang lahat nang nakikita ko buti nalang ay nagawa akong pigilan ng kuya ko.

Pinakalma nya ako at tumayo sa harapan ko na para akong bata sa paningin nya... Napangisi sya na aking ikinainis. "Kahit kailan ang bata talaga ng utak mo," Tawa nya pa.

"kuya please naman," Sinundan ko sya patungo sa terrace. "tulungan moko makatakas dito, kaylangan ko makita ang mag-ina ko"

Sandali nyang pinicturan ang magandang tanawin gamit ang camera nyang mamahalin bago ako lingunin... Ngumiti sya ng maliit, ngayon ko lang nakita yon kay kuya Dj.

"i know that feeling, Arkiyo"

Kumunot ang noo ko kaya muli syang napangisi saka ibinaling ang paningin sa tanawin. Kinalikot nya ang camera nya bago muling mag salita...

"Alam mo bang ex-girlfriend ko ang ate ni Khalia," Natatawang sabi nya kaya naman agad akong napanganga. Hindi ko inaasahang nag karon din pala sila ng relasyon ng isang Vallderama.... "Armia and i have a same relationships like you and Khalia. Patago kaming nag kikita at patago kaming nag mahalan hanggang sa malaman iyon ng lahat." Sandali syang napalunok. Kitang-kita ko ang malungkot na dumaan sakanyang mata bago muling mag salita...

"ang bata pa namin non kaya hindi namin kayang ipag laban yung pagmamahal na sinasabi namin.. Nilayo sya ng mga Vallderama at pinakasal sa mayamang taga Australia" Habang nag kukwento sya ay muling sumagi sa isip ko si Khalia. Ayokong dumating sa punto na ilayo nila ang mag-ina ko.

Muli akong hinarap ni kuya Dj at tinapik sa kanang balikat... "ayokong maranasan mo ang sakit na napagdaanan ko, Arkiyo"

"Wag kang mag-alala... Akong bahala"

    people are reading<Arkiyo Liondel is my ENEMY>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click