《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 88
Advertisement
Abala ang lahat ng mga katulong sa loob ng bahay ng mga Fontabella.Mayroong mga nagluluto ng iba't ibang mga putahe.Mayroong naghahanda ng mga kubyertos at mga platong ilalabas para sa handaan.Mayroon din namang nililinis ang mahabang lamesa na ilalabas mamaya sa hardin.
Doon kasi gaganapin ang venue.Malawak nmn kasi ang hardin sa likod ng kanilang bahay.
May mga hardenero din na inaayos ang mga halaman.Kinukortehan ito.Dinidiligan rin nila ang mga ito.
May cater rin na nag gagawa ng scaffolding para sa event.Purple and white ang napili na theme ni Zyrah.Iyon kasi ang paborito niya.
Bukod doon ay naisip rin niyang mas maganda kung may mga standees din ng mge myembro ng kpop group na BTS.
Alas otso palang ng umaga at mamayang alas siyete pa ng gabi ang simula ng party.
Marami na ring mga bisita kahit umaga palang.Ngunit ang mga ito nmn ay mga kamag-anak na ng mga Fontabella at Juancho.
Kung hindi ko pa nabanggit sa inyo, Juancho ang apelyido ng ina ni Zyrah na si Michelle.
"Zyrah, tara swimming tayo sa pool niyo! " aya nung pinsang babae ni Zyrah na itago na lamang natin sa pangalang Rhain.
"Sige ba.Nasan na ba sina Tiara at Ferly? " tanong ni Zyrah dito.
Pinsan rin niya ang dalawang babaeng hinahanap niya.Kagabi lamang dumating ang iba nilang kamag anak.Kaya siguro medyo palagay na rin ang loob niya sa mga ito.
Narito na rin ang lolo at lola niya sa magkabilang side.
"Ewan-ay ayun pala oh! Ferly! Tiara! " tawag ni Rhain sa dalawa nilang pinsan.Agad nmn itong lumapit sa kanila.
"O baket? " tanong ng tomboying si Ferly
"Swimming tayo dali! " excited na sambit ni Rhain
"Sige ba.Woooo! " sambit nmn ni Tiara at nauna nang tumalon sa pool.Natawa nalang ang tatlo saka sumunod na rin at tumalon sa pool.
SAMANTALA, nasa loob ng silid niya si Trevix habang tinitingnan ang susuotin niyang amerikana sa party.Napangiti siya sa isiping siguradong masusurpresa ang girlfriend niya sa pagkikita nila.Ngayon palang ay gustong gusto na niya itong hagkan at yakapin.
Mas lalo siyang napangiti nang makita ang maliit na kahon na hawak niya.Binulsan niya iyon at naroon sa loob ang singsing.Kulay silver ito at may maliit na puting diyamante.
"Damn!I can't wait to marry my wife" sambit niya at tila kinikilig na nakangiti.
"Ayan, ang ganda ganda mo girl! Sigurado akong matutulala ang mga bisita sayo.Tarush! " aniya ng bakla na nag aayos kay Zyrah.
"Hehe hindi nmn po masyado" naiilang na sambit nmn ni Zyrah.Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan upang mas makita ang kabuuan niya sa harapan ng salamin.
Nakasuot siya ng purple long gown na off-shoulder ang style.May mga glitters rin ito pababa sa laylayan ng gown niya.Sinuotan rin siya ng Tiara kaya ngayon ay mukha na siyang prinsesa.Suot rin niya ang three inches na silver stiletto.
Naka messy braid ang kaniyang buhok na may highlights na neon purple.
"I can't believe this.I'm now 18 years old at ang dating pinapangarap ko na magarbong party ay matutupad na ngayon.Ang saya saya ko" halos maiyak na siya sa tuwa dahil sa mga nangyayari
"Oy girlalush,wag kang umiyak.Baka masira ang make up mo." sambit ng bakla kaya natawa siya ng mahina.
Maya-maya lamang ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.Binuksan nmn iyon ng bakla at bumungad ang naka purple dress na si Airish.
Nakapusod ang mahabang buhok nito na tulad niya ay may highlights din na neon purple.Bale lahat ng babaeng dadalo sa party ay pinasadyaan na lagyan ng highlights na neon purple sa buhok nila.Lahat rin ng mga bisitang dadalo ay nakasuot ng purple or white outfit.
Advertisement
"Zy,waaahh! You look like a goddess princess! As in wow!"manghang saad ni Airish nang tuluyang makapasok sa loob ng kwarto niya
" Haha ikaw rin nmn eh."sambit nmn ni Rish
"O sya.Mag ready ka na at lalabas ka na raw.Grabe! Ang daming bisita. "natutuwa nitong sambit at bahagya siya hinila palabas ng kwarto.Sumunod nmn ang bakla na nagpaalam na ring mauna.
" Ghad, Princess is that you?! "manghang tanong ng mommy ni Zyrah nang makababa na sila ng hagdan.
" Opo, mommy"nakangiting aniya ni Zyrah
"O sya, tara na at magseseven na." sabi nmn ng mommy niya at lumakad na sila papunta sa likod hardin.
Nakasunod nmn sa kanila si Airish.
Pagkarating nila sa hardin ay may maliit doong entablado.Naroon nakatayo ang naka purple dress na babae.May hawak itong mic at nang makita nito si Zyrah ay nag umpisa na itong magsalita.
"Good evening ladies and gentlemen.Narito na ang ating debutant.The very young and pretty, ms.Shienne Zyrah Fontabella!" sambit ng babae na emcee pala ngayon sa event.
"Go ahead, princess." malambing na sambit ng ina ni Zy.
"Kinakabahan po ako mommy" kinakabahan niya saad at napahawak pa sa bandang dibdib.
"Don't be, princess.Look,naghihintay na sila." sabi pa ng mommy niya
Ngumiti nlng siya saka huminga ng malalim bago dahan dahang humakbang paakyat sa entablado. Kinakabahan siya dahil napakaraming mayayamang tao ang nakapanood sa kaniya.At ang hindi niya alam ay may malaki palang screen sa gilid ng entablado dahilan para makita siya doon kahit sa malayo.
"Woah, our debutant is such a goddess." puri ng emcee at biglang nagpalakpakan ang mga bisita.
"Okay, so sabay sabay po natin siyang batiin.1, 2,3! "
"HAPPY 18th BIRTHDAY ZYRAH! " sabay sabay na sigaw nila
"T-Thank you so much.Maraming salamat po talaga sa pagdalo niyo ngayong birthday ko.Lalong lalo na po sa parents ko, thank you mom, dad, kuya.For me, ito na ang pinakamasayang birthday na naranasan ko.Yun lang po ang gusto kong sabihin.Enjoy po kayo sa party! "nakangiti niyang saad at binigay sa emcee ang mic.Inanyayahan nmn siya ng emcee na maupo dun sa malaking parang trono sa gitna ng entablado.
Naupo siya roon at maya maya lang ay umakyat ang daddy niya sa entablado.Binigyan muna siya nito ng matamis na ngiti bago kinuha sa emcee ang mic.
" First of all, I just wanna say to our loving daughter, our princess,Happy birthday and welcome back.Matagal na mula nung mangulila kami sayo at ngayon ay narito ka na.Hindi mo alam kung gano kami kasaya ng mommy at kuya mo.Ngayong 18 ka na, I hope na enjoyin mo pa ang lifestyle mo at sana maging masaya ka.Mahal na mahal ka namin, Princess."sambit nito at muling nagpalakpakan ang mga bisita.
Lumapit nmn sa kaniya ang daddy niya saka siya niyakap.
"I love you too, daddy.Mahal ko rin po kayo ni mommy at kuya." sabi ni Zyrah bago sila kumalas sa yakap.
"I have a surprise for you, princess.Yun ang regalo naming tatlo ng mommy at kuya mo sayo. Are you ready? " tanong ng daddy nito.Mabilis nmn itong tumango.
"Yes, daddy" sabi pa nito at maya-maya lang ay nagsalita na muli ito sa mic.
"Attention to all ladies and gentlemen.Gusto ko munang masaksihan ninyo ang pinakamagandang regalo namin sa anak ko.Princess,now,meet your fiance.Your man,your love, your boyfriend, and your soon to be husband, Sthone Trevix Montello! "sabi ng daddy niya dahilan para mapatayo siya sa gulat at labis na pagtataka.
Advertisement
'Anong... 'naguguluhan niyang sambit sa isip at kasabay noon ay umakyat ang napakagwapong binata na nakasuot ng black amerikana na tinernohan ng purple neck tie.
Gulung gulo si Zyrah sa nangyayari.Paanong narito ang lalaking hanggang ngayon ay minamahal niya?Ang boyfriend niyang pinalaya na niya ngunit di pa rin malimut limutan.And what's worst?Fiance niya raw tulad ng sinabi ng daddy niya?Naguguluhan siya masyado at hindi makapaniwala.Ilang linggo na ang lumipas mula nung mawalan siya ng balita sa kasintahan.Ni hindi niya nga nabalitaan na nagising na pala ito.
Pero ngayon, narito sa harapan niya at abot kamay na.Buhay na buhay ito suot ang masayang ngiti.Pakiramdam niya ay isa itong panaginip na ayaw niya nang magising.Ang lalaking mahal na mahal niya, ngayon ay narito at dumulog sa kaarawan niya. Napakagandang regalo.
"B-bato? " hindi makapaniwalang sambit niya.
"Yeah, it's me wife.Miss me? " tanong pa nito na tila nasisiyang nakikita siyang nasurpresa
Umingay na rin ang paligid at talagang natutuwa sa nangyari.
SAMANTALA, hanggang ngayon ang kanina pang nanonood sa programa na mag asawang Montello ay gulat pa rin.Hindi sila makapaniwalang si Zyrah, ang kasintahan ng anak nila na pilit inilalayo rito ay walang iba kundi ang anak pala ng mga Fontabella.Ang dati'y nawawalang anak ng mga ito.Kahit sino nmn ay masusurpresa sa nasaksihan.Na ang dating dalagitang namumuhay sa kahirapan at nagtataguyod ng sarili ngayon ay napakarangya na.
'This is the reason why?'tanong ni Trisha Montello sa sarili.
Sa isip niya ay ito siguro ang dahilan kung bakit pumayag ang anak nila na makasal sa iba which is ang hindi nila alam ay ang mismong kasintahan din nito. Kaya rin siguro simula nang kausapin ng mag asawang Fontabella ito doon sa ospital ay parang naging weird na ito.
Natatandaan niya pa ang binitawang salita ng anak matapos nilang mag usap noon.
"
It's.... You don't have to know dad.For now,gusto ko lang sabihin sayo to..... I LOVE MY GIRLFRIEND AND I WILL MARRY HER NO MATTER WHAT HAPPENED"
Ngayon ay alam na niya ang ibig sabihin ng kanilang anak.At bilang isang magulang,masaya siya para rito.
"I really can't believe that this is happening.But,at the same time, I'm happy." sambit ng asawa nitong si Sunny.Tumango nmn siya bilang pag sang-ayon habang pinanonood nila ang dalawang magkasintahan habang masayang magkayakap.
At ngayon,labis nilang pinagsisisihan ang mga nagawa.Ngayon ay naunawaan nilang mag asawa na hindi pera ang sulosyon sa lahat ng bagay.Hindi yaman o ano man.Mas makabubuti pa rin sa kanilang anak na masaya ito kahit sa kagipitan dahil ang buhay, hindi lamang puro karangyaan ang kailangan.Minsan, dapat matutunan rin nating unawain kung saan sila sasaya.Respeto kungbaga.Pare pareho namn tayong mga tao at pare pareho tayo ng mga karapatan. At isa na roon ang mabuhay ng masaya wala man kayong kayamanan.
NANG matapos ang pag aanounce sa naturang engagement party ng anak ng mga Montello at Fontabella ay nagsimula na ang kainan.Sinumulan na rin ang 18 roses para sa dalaga.
"I'm sorry, wife" sambit ni Sthone habang nagsasayaw sila ni Zyrah sa entablado kasabay ang tugtog na Everytime by A1.
Ito na ang huling makakasayaw ng dalaga, ang kaniyang boyfriend-no scratch that.Ang kaniyang Fiance na hanggang ngayon ay hindi niya parin lubos na mapaniwalaan.
Knina lamang ay kasayaw niya sina Coal, Gio,Trick,Rhode,Zymon,ang kaniyang daddy, at ang iba niyang pinsan.At ngayon ay si Sthone.
"Sorry? Para saan? " nagtatakang tanong ni Zyrah
"Kasi nung mga panahong nag talo kayo ni mom, nung mga panahonh kailangan mo ko, wala ako at natutulog lamang sa hospital bed" sambit nmn ni Sthone
"Sus,ako nga dapat ang magsorry eh." sambit ni Zyrah at ngayon ay si Sthone nmn ang nagtaka
"Why? " tanong pa nito
"Kasi sinukuan agad kita.Nung mga panahong wala kang malay,imbes na ako ang nagbabantay sayo, ayun nagliliwaliw lang ako at pilit na kinalilimutan ka at ang mga nangyari satin" sambit nmn ni Zyrah.Napatitig siya sa mga mata ng binata nang humighpit ang mga kamay nitong nakahawak sa bewang niya.
"You don't need to be sorry.And let me ask you something.Are you by any chance,forgot about me? About our relationship? " seryosong tanong ni Sthone at matamang tinitigan si Zyrah.
"No.Sinubukan ko, pero makulit talaga yung puso ko eh.Kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan" sambit ng dalaga
Napaiwas nmn ng tingin ng binata.Kinikilig siya dahil sa sinambit ni Zyrah ngunit ang akalang maitatago ito ay nagkamali siya.
"Kinikilig ka ba? " tanong ni Zyrah saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata at iniharap sa kaniya. At doon niya nakita ang namumulang mukha nito.
"I-I am not" depensa nito
Defensive pa eh.
"Talaga?Eh bat namumula ka? " tanong nmn ni Zyrah habang pinipigilang matawa
"w-what? N-no.It's just..... It's hot here" sambit ng binata at lalo itong namula nang mabilis siyang halikan ng dalaga sa labi.
"Namiss kita, by." nakangiting sambit pa nito
"I missed you too" sambit nmn ni Sthone at nanlaki ang mata ng dalaga nang siilin siya ng halik nito at sa harap pa talaga ng maraming tao.
Natigil sila sa paghahalikan nang biglang may umalingawngaw na boses.
"HOY, MONTELLO! ANO YAN HA?! AT TALAGANG SA HARAP PA NAMIN?! TUMAKBO KA NA AT LAGOT KA SAKIN! WALA AKONG PAKI KUNG LIDER KA NAMIN DATI PERO KAPATID KO YAN! KAPAL NG APOG MONG LANDIIN ANG KAPATID KO SA HARAPAN NAMIN!" sigaw ni Zymon.
Oo si Zymon nga.Pagdating talaga kay Zyrah ay napaka strikto nito.
"Yah! Brother-in-law, why so high blood? She's my fiance/girlfriend so it's normal" sambit ni Sthone na tila kinakabahan na.Nanlilisik na kasi ang mga mata ni Zymon dito.
"Anong brother-in-law?!Humanda ka sakin!Tumakbo ka na! " pananakot pa nito at sa isang iglap lamang ay kumaripas na ng takbo si Sthone pababa ng entablado.Ikaw ba nmn makakita ng nanggagalaiti at may hawak na tambo ay ewan ko lang kung di ka tumakbo.
Nagtawanan nmn ang mga bisita dahil bumaba na rin sa entablado si Zymon habang hinahabol si Sthone. Nagpaikot ikot ang mga ito sa hardin hanggang sa tuluyan nang makaabot sa loob ng mansyon.Parang mga bata lang eh.
"Ate, Zy! " agad na hinanap ni Zyrah ang pamilyar na boses
Alam niya kung kanino iyon dahil bigla siyang kinabahan.
"H-Hello Tristine? " sambit niya nang makita ang pitong taong bata na nakasuot na purple dress na kakaakyat lamang ng entablado.
"Let's talk, in PRIVATE" seryosong sambit nito saka bumaba ulit ng entablado.
'Naku paktay.Galit ang madam niyo'sambit ni Zyrah sa isip bago sinundan si Tristine na papasok sa loob ng kanilang bahay.
___________________
Oh? Kamusta nmn ang chapter na to? Hahaha parang sabaw para sakin.So anyway,road to epilogue na tayo waaahhhh!
Advertisement
- In Serial459 Chapters
Reincarnated As a Fox With System
Reincarnated as a fox by mistake, Tang Li Xue got a system that can help her evolve and reach Deity hood as her compensation. In the vast immortal world full of powerful cultivators, demonic beasts, and mysterious spirits, how could Tang Li Xue survive as a fox?There’s no other way, Tang Li Xue must continue to level up, to evolve, to regain her human form, and to become an overpowered fox deity that stands above all!Let’s join Tang Li Xue on her journey to break pass all dangers and become stronger step by step!
8 3407 - In Serial11 Chapters
Hero:Generation
UPDATES WEEKLY The world of Hero: Generation diverges from our own in the 1970s on a night known as “The Aurora Event”. Beautiful and luminescent weather phenomena covered the planet, for ten short minutes every corner of the Earth was underneath a cascade of lights in the sky. It was days later before reports began to filter in, more than could be suppressed by Governments and Nations. The Alphas had arrived. A small percent of the global population began to exhibit otherworldly and super natural abilities, changing the course of humanity. The Vietnam Occupation ended over night, as each ruling nation took action to respond. In the coming years Alphas would begin to change the globe. Russia eventually became an Alpha nation ruled by a mysterious figure only known as Father Winter. America, Europe, and Australia become even larger superpowers as their Alpha populations exploded, in time a United Nations force known as The Guardians was established to police and document the Alpha emergence. The worlds foremost expert in Alpha studies, Dr. Pavel Laghari invented a system known as the Laghari Scale, that scored Alphas on a scale of 1 to 10 across a wide array of parameters ranging from relative physical abilities to other parameters. Now, in most civilized countries Alphas are required to be assessed the moment their powers manifest, or be in strict violation of local and international laws. In this Age of Heroes , The Guardians have designed a new Initiative to recruit younger Alphas and set them on a path to greatness. Every year teenage Alpha’s from all over the globe flock to secure locations to take part in the Guardians crucible. Many will enter, but few will earn the right to call themselves a Guardian.
8 208 - In Serial33 Chapters
The Heart Of Dominance
Power is born through only two things. Blood and the suffering of others. Drakai must bleed and go through unimaginable pain to protect the ones closest to his heart. In his past life, he knew well the feeling of pain. And he also knew that somebody was benefiting from it. The same evil that was In the man that enslaved him also exists within Drakai's heart, will he beat the evil or succumb to the dark feeling that grows stronger every time he falls into his inborn madness?
8 152 - In Serial64 Chapters
Hello, Inside Monster
„I don't remember when or why, but they say I killed someone. I was judged for this, but I'm still free as they didn't find any evidence to send me to jail and to close me inside of a cold cell, for eternity. However, they are still after me! Especially my victim's brother who swore to kill me or to kneel me down. And now, when we are working together, I'm forced to see him every day and to see that big hatred he has for me reflected in his eyes. And... it's a reciprocal feeling: hating! But even so, something attracts me at him. Is it because I'm a crazy woman that loves the one who hurts her and hates her? Maybe! I don't have an answer to this question! But still, while his eyes are piercing me and leaving me blooding inside, I understand that I know nothing about this world. My name is Ian SolHi. I'm 30 and I'm a detective in the Homicide Department, Seoul PD. I've been accused once of being a murderer, but I've been also declared innocent, for lack of evidence. That's why I entered the police: to find out the truth and, since then, 7 years have already passed without finding out what happened then. But I feel that everything has changed now: the monster inside me has awakened and he feels the smell of blood."
8 210 - In Serial53 Chapters
Dramione Repertoire & Critique
So many Dramiones out there... find them all in one place! [Bonus: my review of each.] These fanfics are taken from different websites. My reviews are not meant to hurt anybody's feelings, though if I dislike a fanfiction I don't put it in my repertoire. Suggestions are always accepted, but not always read.#1 story in Repertoire (04/03/2019)
8 139 - In Serial13 Chapters
The 8th Deadly Sin (MeliodasxOCxKing)
What will happen when the lesser known sin, the Cat Sin of Curiosity, gets caught in a love triangle between two of the other sins? (THANK YOU ALL FOR 41K VIEWS!!!)
8 93

