《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 78

Advertisement

Kakauwi ko lamang galing sa school kaya heto ako ngayon at nag eempake ng mga gamit ko. Remember, tinanggap ko na ang offer ni tita Vanessa na sa bahay na nila ako titira.

Narito rin sila ngayon at tinutulungan akong mag empake habang si Zyrel nmn ay panay ang kwento kay tita Vanessa about dun sa nung magkasama pa kaming nakatira rito.Napapailing na lamang nga ako at tila yata mas dumaldal ngayon tong si Zyrel.

"Tapos alam mo po ba, mommy, kapag minsan po sa labas kami ni ate kumakain kasi para po habang kumakain kami ay nalalanghap namin ang masarap na simoy ng hangin. " pagkukuwento pa nito at si tita nmn ay manghang mangha na nakikinig lamang sa anak habang tinutulungan akong maglagay ng damit ko sa maleta.

"Naku, eh mabuti sana kung sariwang hangin ang nalalanghap natin." sambit ko nmn kasabay ng pagsasara ko sa zipper ng maleta dahil sa wakas ay natapos na rin naming ilagay rito ang mga damit ko.

"Oh, tara na iha.Zyrel anak, halika na at aalis na tayo. " sambit ni tita Vanessa at kukunin sana ang maleta sakin para siya ang magbitbit pero mabilis ko lamang inilayo ito sa kaniya.

"Ako na ho, tita.Kaya ko nmn na po to" Sambit ko

"Sigurado ka ba? " paniniguro ni tita Vanessa kaya nakangiti lamang akong tumango.

Kakaunti lamang naman kasi tong laman ng maleta ko at puro damit ko lamang.Wala nmn kasi akong ganoon karaming gamit.Tanging mga damit at mga damit ko lamang sa school ang gamit ko.

"Oh, sya tara na at idadaan ka na lamang pala namin Zyrah sa pinagtatrabahuhan mo nang hindi ka malate. Basta mamaya pag out mo na ay tawagan mo ako para magpasundo kita. " sabi pa niya kaya tumango na lamang ako at lumabas na kami ng apartment.

Nang makalabas kami ng apartment ay nabungaran pa namin si tiya Merci at ang ilang chismosa niyang barkads na manghang nakatingin kay Zyrel at kay tita Vanessa.

"Biruin mo yan, dati lamang ay di hamak na dugyot pa iyang si Zyrel eh ngayon ay napagara na ng suot" ika ni aling Yoly

"Naku ay napakayaman nmn pala ng magulang niyang si Zyrel eh" sambit nmn ni aling Luisita

"At tignan mo nga nmn, isasama na nila si Zyrah" ika nmn ni Ka Maring

"Naku eh dapat lamang na isama na niya iyan at nang wala nang pabigat dine. Ewan ko nga ba at bumalik pa yang si Zyrah dine eh. Wala namang magandang naitutulong" sabi nmn ni Tiya Merci.

Advertisement

Napailing na lamang si tita Vanessa sa mga narinig at nauna nang pumasok sa Van kasama si Zyrel.Nagtataka nmn akong tinignan ni tita Vanessa nang hindi pa ako sumasakay.

"Oh, iha. Halika na" sambit pa nito

"Sandali lamang po tita Vanessa" sabi ko at lumapit sa kinaroroonan ni Tiya Merci saka dinukot ang limang daan isang libo at limang daan ko sa bulsa.Pagkatapos ay nakangiti ko itong iniabot sa kaniya.

"Ito ho Tiya Merci.Yung isang libo po ay bayad ko sa pagtira sa apartment at ang limang daan nmn po ay bayad ko sa hindi ko pagtulong karinderya.Alis na ho kami.Ingat po kayo dito" sabi ko at tuluyan nang pumasok sa van.Yung driver na ang nagpasok ng maleta ko sa compartment.

Nang maihatid ako sa cafe ay umalis na rin sila agad.May pupuntahan pa raw kasi si Tita Vanessa. Ibinilin niya na lamang ulit sakin na tawagan ko siya para maipasundo niya ako sa driver nila pag out ko na.Hindi nmn ako pupwedeng tumanggi dahil hindi ko alam kung saan ang bahay nila.

"Oy, Zyrah.Sino yung naghatid sayo? Ikaw ha, sosyal ka na.May pa van ka na ha.Pasakay nmn ako" bungad sakin ni Erra nang makarating ako sa counter.

"Sira.Kina tita Vanessa yun.Yung mama ni Zyrel, tanda mo? " sambit ko at akto nmn siyang parang nag iisip.

"Ah oo. Naaalala ko si Zyrel, sya yung kapatid-este kapatid-kapatidan mo diba? " tanong niya kaya tumango lamang ako at saka kinuha ang apron ko.

Isinuot ko na iyon at pagkatapos ay yung maliit kong notebook at ballpen ko nmn ang kinuha ko.

"Oh, trabaho na ko ha?" sabi ko at umalis na doon.Pinuntahan ko na ang mga bagong dating na costumer at kinuha ang order nila. Matapos ay bumalik nmn ulit ako sa counter para ibigay ang listahan kay Erra para maprepare ang orders.Then pagka prepare ay Dinistribute K na yun sa mga costumers.

Nakalipas ang ilang oras at paulit-ulit lamang ang trabaho ko hanggang sa oras na para umuwi ako.Nag ayos muna ako ng sarili bago tinawagan si tita Vanessa at nagsabing magpapasundo na ako.

Makaraan ang ilang minutong paghihintay ay dumating na ang sasakyan na maghahatid sa akin sa bahay nila Tita Vanessa kaya nagpaalam na ako kay Erra na uuwi na.

"Oy, Erra. Una na ko ha? Bukas nalang ulit." Pagpapaalam ko.

Advertisement

"Sige, Zyrah. Ano kasi eh, ahm susundui-" hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Erra nang bigla na lamang may sumingit dahilan para ngitian ko si Erra ng nakakaloko.

"Tara na,love" sambit ji Gio at tila hindi niya ako napansin dahil dirediretso lamang ito sa paglapit kay Erra saka ito niyakap.

"Sus, ang daming langgam! " pagpaparinig ko at doon lamang ako napansin ni Gio.Samantalang si Erra nmn ay namumula na ang mukha.

"Z-Zy" nanlalaking mata na sambit nito

"Mabuti nmn at napansin mo ako.Love pala ha-teka nga, kayo na ba? " tanong ko

"HINDI PA! " malakas na boses na saad ni Erra kaya nabaling parehas ang tingin namin ni Gio sa kaniya na ngayon ay mas pumula pa yata ang mukha.

"Diffensive ha.Eh kung di pa kayo, bat may endearment na agad kayo? " tanong ko

"Bakit bawal bang magpraktis? " tanong ni Gio

"Oo nga. Saka kayo rin nmn nung Sthone mo ah, may endearment na pero di pa nmn official" sambit ni Erra na nakapagpatigil sakin.

Parang nalungkot na nmn ako lalo't nabanggit na nmn ang pangalan niya.

"Ahm, una na ko" pag iiba ko ng usapan at tahimik na lumabas na ng cafe.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila kinibo at nagpatuloy na lamang hanggang sa makasakay na ako sa kotse na sumundo sakin. Si manong driver nmn ay nagmaneho na rin.Nilingon ko nmn ang labas ng cafe at nakita roon sina Gio at Erra na malungkot lamang na nakamasid sa sinasakyan kong papalayo na sa pwesto nila.

Hindi nmn ako galit sa kanila, sadyang nalulungkot lang talaga ako pag nababanggit ang pangalan ni bato.Bumabalik kasi ang maganda at masamang alaala na pinagsaluhan namin sa isip ko.At feeling ko nanghihina ako ng dahil dun.

"Ma'am nandito na po tayo" dinig kong sabi ni manong driver kaya nilibot ko ang paningin sa labas ng sasakyan.Ni hindi ko manlang namalayan na narito na pala kami.

Bumaba na ako sa sasakyan at namamanghang tinignan ang paligid.Nakatayo ako harap ng napakaganda at malaking bahay.Sa parehong gilid ko nmn ay alam kong may mga halaman dahil naaamoy ko ang nga bulaklak mula rito.

"Ma'am? Kayo ho ba si Ma'am Zyrah? " may lumapit sa aking babae na tantsa kong mga nasa edad trenta na.

"Ah opo. Saka Zyrah na lamang po.Masyado nmn pong pormal kapag may ma'am pa. " naiilang na saad ko pero nginitian lamang ako nito.

"Tara na po sa loob at nang maihatid ko na po kayo sa kwarto niyo.Sya nga pala, nag hapunan na po ba kayo? " tanong pa nito

"Ahm, hindi pa po eh" nahihiyang sambit ko.

"Kung ganun po ay maghapunan ka muna.Binilin ni Madam V na ipagtira kita ng makakain.Nabanggit kasi niyang galing ka daw sa trabaho" sambit pa nito at ngumiti na laman ako habang naglalakad na kami papasok.

Nang ilibot ko ang paningin sa loob ng bahay hindi ko talaga maiwasang mamangha.Kung maganda na sa labas ay mas lalong maganda rito sa loob.Napaka moderno ng disenyo nito.

"Maupo po kayo at ihahain ko na ang pagkain mo.Tulog na ho kasi ang ibang maid at sina Madam V" sambit pa nito at inaya akong maupo sa isang upuan.Narito na pala kami sa kitchen.

Nang ipinaghanda niya na ako ng pagkain ay kumain nmn agad ako. Napag alaman kong siya pala si Yaya Delia.

Pagkatapos kong kumain ay hinatid niya nmn ako sa kwarto na tutulugan ko. Muli ay namangha na nmn ako.Pangbabae na pangbabae ang disenyo nito.Pink na pader at kulay puting mga kagamitan. Nabanggit ni Yaya Delia na narito at nakaayos na raw ang mga gamit ko.

Lumapit ako sa puting cabinet kumuha ako ng pantulog doon.Mag aalas onse na at kailangan ko na ring matulog pero bago yun ay maglilinis muna ako.

Pumasok na ako sa banyo nitong kwarto at napangiti ako dahil sa ganda nito.Ang dingding ay my tiles na kulay pink at sa sahig nmn ay white. Kaya lang parang mas maganda kung purple hihihi.Purple kasi ang favorite kong kulay pero ayos na rin to.Alangan namang magreklamo pa ako eh nakikitira lamang nmn ako rito no?

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nahiga agad ako sa kama.Tulad nung kama dun sa kwartong tinutulugan ko kina Gio, malambot din to kaso mas malambot ngalang kesa dun.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na rin ako ng antok at tuluyan nang nakatulog.

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click