《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 77

Advertisement

"Hayst, namimiss ko na si Pres. Hindi pa ba sya papasok? "

"G*ga, hindi mo pa ba nababalitaan? "

"Ang alin? "

"Naospital si Pres"

"Ha? Hala! Bakit nmn? "

"Nabaril kasi siya at saka nabalitaan kong dati pala syang lider ng pinakamalakas na gang dati.Yung Bloody Gang? "

"Talaga?! Ibig sabihin ba ay siya ang Mysterious King? "

"Oo.At ayon sa nakalap kong chismis, si Zyrah ang dahilan kung bakit bumalik ulit sa gang si Pres at kung bakit siya nabaril. "

"Ows, talaga? "

"Oo eh. "

"Hayst, sinasabi ko na nga ba eh. Wala talaga siyang magandang maidudulot kay Pres. Pahamak lang siya"

"Sus sinabi mo pa. Kaya nga mas gusto kong si Airish Logan at si Pres ay makasal na. "

"Yeah, same bruha"

"Ang lakas nmn ng loob pa niyan na magpakita pa rito"

"Naku, sinabi mo pa sis"

Ilan lamang yan sa mga naririnig kong usap-usapan nang makapasok ako sa classroom.Wala talaga silang magawa sa buhay kundi chumika at makialam sa buhay ng iba.

"Hayst, hayaan mo na nga lang sila, Zy. Mga wala lang silang magawa sa buhay. " bulong ko na lamang sa sarili ko saka naupo sa upuan ko.

Saglit kong sinulyapan ang katabi kong upuan at malungkot iyong tinignan.

'Miss na kita, bato.Kamusta ka na? Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin maalis sa isip ko kahit pilitin kong kalimutan ka na.Kung pwede ko lang sana ibalik ang mga oras, siguro ay hindi mangyayari sayo to.'sambit ko sa aking isipan at napailing saka muling bumulong sa sarili.

"Kailangan mo na siyang kalimutan, Zy.Isa pa, ikakasal na siya at malapit na yun.Kaya dapat, kalimutan mo na siya at tanggaping hindi kayo ang para sa isa't isa. " Bulong ko at napatingin sa labas ng bintana. Wala pa kaming prof ngayon kasi may 20 mins pa bago mag time.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko.Naaalala ko na nmn kasi ang mga masasayang alaala namin at hindi ko mapigilang mapaiyak ng dahil dun.Gustuhin ko mang mangyari at maulit ulit ang mga alaalang yun ay hindi na maaari pa.

Advertisement

"Gosh! Si Pres ba yun?! "

"Omg! He's back! "

"Waahhh! Teka, bat naka hospital gown siya?"

"Omy! Hindi kaya tumakas siya?! "

Rinig kong sigawan ng mga kaklase ko pero hindi ko yun pinansin.Imposible namang narito si bato eh sigurado akong wala pang malay yun at nakaratay pa sa hospital bed yun.

"Omy! He's still handsome kahit mukha siyang may sakit! "

"Gosh! Ang gwapo talaga ni Pres! "

Sigaw pa nila pero hindi ko pa rin pinansin hanggang sa may naramdaman akong naupo sa tabi ko.Muli ay isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil baka si Rish lang yun.Diba nga ay siya ang tumatabi sakin pag wala si bato?

"Wife, I missed you"

Para akong nanigas mula sa kinauupuan ko nang may bigla nalang yumakap sakin.Amoy palang niya ay kilala ko na siya.Pero hindi, imposible na narito siya.

"Hey, are you just going to ignore me? Didnt you miss me? Wife? " sabi pa nito kaya nilingon ko na siya at bigla nalang nagbagsakan ang mga luha ko nang makita ko siya.

Totoo ba to?

Narito ba talaga siya at niyayakap ako?

"B-bato? " naiiyak kong saad

"Yes, wife.It's me.Magkasama na ulit tayo." he said kaya bigla ko siyang niyakap.

Napakasaya ko at nagising na muli siya.Napakasaya ko at nayayakap ko na ulit siya.

"Bato? "saad ko nang sa isang iglap ay nawala siya sa mga yakap ko.Parang isang bula na nawala siya bigla.

" Bato?! "naiiyak na sigaw ko

" I love you, wife. "rinig kong sabi niya pero hindi ko siya makita.

Muli na nmn nagbagsakan ang mga luha ko at hindi na napigilan pang mapahagulgol.

" B-Bato, nasaan ka? "tanong ko pa habang humihikbi.Ang mga kaklase ko ay parang walang pakealam sakin.Nakatuon lamang ang atensyon nila sa unahan.

Nang muli kong inilibot ang paningin ko ay nakita kong nakatayo si bato may pintuan ng classroom at walang emosyong nakatingin sakin.Tatakbo na sana ako palapit sa kaniya nang bigla na lamang siyang mawala ulit.

Advertisement

"Bato?! "sigaw ko

"Miss Zapanta! "

"MISS ZAPANTA! "

Nramdaman ko na lamang na may yumuyugyog sa balikat ko at sa di malamang dahilan ay natagpuan ko ang sarili kong nakasubsob sa armchair ko.

"Miss Zapanta! Matutulog ka na lamang ba sa klase ko?! " rinig kong galit na sigaw ni Miss Macatangay.

At teka.

Natutulog?

Tumunghay ako mula sa pagkakasubsob at tinignan ang paligid.

'Panaginip lang ba yun? '

"Miss Zapanta! "

napatayo ako sa takot nang muling sumigaw si Miss Macatangay at nang tignan ko siya ay masama siyang nakatingin sakin.

"Pasensya na po ma'am" Pagpa paumanhin ko

"Lumabas ka na ngayon din sa klase ko.Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayaw ko ng tutulog-tulog pag oras ng klase?! " singhala pa nito kaya sumunod na lamang ako.

Pagkalabas ko ng classroom ay kaagad akong dinala ng mga paa ko papuntang garden.Naupo ako sa bench at muli ay nag bagsakan na nmn ang mga luha ko..

Akala ko totoo na.

Akala ko narito na siya.

"Ate Zyzy!"

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na yun na kilalang kilala ko.At mula sa malayo, nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Zyrel.

"Zyrel" sambit ko at nang nasa harapan ko na siya ay kaagad ko siyang niyakap.

"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? " tanong ko

"Kasama ko po si Mommy, ate Zyzy" sambit niya at naupo sa tabi ko.

"Ha? " tanong ko

"Iha" napalingon nmn ako sa pinanggalingan ng boses na yun at sa isang iglap ay nasa kabilang tabi ko na si tita Vanessa.

Teka. Anong ginagawa nila rito?

"Tita.Kayo ho pala" Sambit ko

"Iha, mabuti at nakita ka rin namin.Ilang araw na ang lumipas simula nung umalis ka sa ospital. Nag alala kami sayo lalo na iyang si Zyrel. Mabuti na lamang at mukhang maayos ka lang. " sambit nito at bigla na lamang akong niyakap.

"Tita, pasensya na ho kung na pag-alala ko po kayong dalawa ni Zyrel. hingi ng paumanhin ko saka kumalas sa yakapan namin.

" That's nothing, iha lalo na kay Zyrel.Siya ang labis na nag aalala sayo. Nakikita kong mahal na mahal ka niya. "sambit niya kaya nakangiti kong nilingon si Zyrel.

" Syanga ba, Zyrel? "tanong ko rito

" Opo ate.Sobrang nag alala po talaga ako sayo.Miss na miss na din po kita ate Zyzy kaya please, sama ka nalang po samin ni mommy"sambit nito at niyakap ako

Nilingon ko nmn si tita Vanessa na nakangiting pinanonood kami.

"Sya nga nmn, iha.Mas maganda kung titira ka na lamang din kasama namin.Ewan ko pero I have this guts na gustung gusto kitang tulungan at nasisiguro ko na hindi lang dahil may utang na loob ako sayo ang dahilan nun.Kaya please, iha. Pumayag ka na sa alok ko.Isipin mo na lamang na para ito kay Zyrel dahil gustong gusto ka talaga niya makasama. "sambit ni tita Vanessa kaya saglit nmn akong napaisip.

Nakakahiya pero kailangan ko rin ng tirahan lalo na at posibleng mapalayas na ako ni tita Merci sa apartment lalo't ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan. Pero wala nmn sigurong masama kung papayag ako diba?Sabi nga nila, bawal tanggihan ang grasya.

" Sige ho, tita.Payag na ho ako"nakangiti kong sambit na ikinangiti rin niya.

Tita Vanessa is a beautiful girl and a kind hearted kaya hindi na ako magtataka kung saan namana ni Zyrel ang hitsura niya at ugali niya.

"Mabuti nmn at pumayag ka na iha.Siguradong tuwang tuwa iyang si Zyrel. Diba nga anak? " sambit ni tita at binalingan si Zyrel na masayang nakayakap sakin.

"Opo nmn mommy!Sobrang saya ko po at magkakasama na po ulit kami ni ate Zyzy! " masayang sambit pa nito kaya sabay na lamang kaming Napa hagikgik ni tita Vanessa.

Masaya ako at meron pang katulad nila bukod kay Gio at Rish na handang tumulong sakin.Mabuti at may natitira pang tulad nilang mabubuting tao sa mundo na pwede mong takbuhan pag may problema ka. Sana hindi sila magbago.

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click