《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 75

Advertisement

"Gio,salamat talaga ha.Malaking utang na loob ko na sayo na patirahin mo ako sa bahay niyo.Pasensya na rin kung nakaabala pa ako sayo"sabi ko nang maihatid ako ni Gio dito sa tapat ng maliit na apartment na tinirahan namin ni Zyrel dati.

"Sigurado ka bang ayos ka lang rito?Pwede nmn kasing sa bahay ka nalang eh."sabi nmn niya pero mabilis lamang akong umiling

"Ayos lang ako rito,Gio"sabi ko namn

Oo,bumalik na ako rito.Ayaw sanang pumayag ni Gio at dun na lamang daw muna ako sa bahay nila since wala pa nmn daw ang parents niya.Pero syempre,may natitira pa namang hiya sa katawan ko no.Masyado na rin ako abala sa kaniya kaya mas mabuti na to.

Isa pa,gusto ko nang magsimula ng bagong buhay.Panahon narin nmn kasi para gawin ko yun para malimutan ko na nung tuluyan ang masasamang alala ko.Nanggaling rin ako sa condo unit ni bato kahapon para kuhain ang mga gamit ko.

And speaking of,ilang araw na rin pala ang lumipas simula nung huli ko siyang dalawin.At maskit parin para sakin na palayain siya at tanggaping hindi siguro talaga kami ang para sa isa't isa.Siguro nga masyado lang kaming naging padalos-dalos na pasukin ang relasyon na to.Masyado pa siguro kaming bata para rito.

"Hey,Zy.Nakikinig ka ba?"nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang mahinang mga tapik sa pisngi ko.

"H-ha?"nagtatakang tanong ko kay Gio.

"Hayst,ang layo na nmn ng naabot ng isip mo.Ano ba yan ha?Share mo nmn sakin."sabi pa niya pero umiling lamang ako

"Ano ba yung sinasabi mo kanina?"sa halip ay tanong ko na lamang.

"Sabi ko,mag iingat ka rito.Wala ako para mabantayan ka."sabi niya

"Kaw nmn.Para namang hindi ako tumira rito dati.Ayos lamang ako,Gio.Salamat sa concern mo."nakangiti kong saad at bigla na lamang niya akong niyakap.

"Kung ako ang masusunod,mas gusto kong dun ka na lamang bahay.At least dun,nababantayan pa kita."sabi pa niya at naramdaman kong hinalikan pa niya ang ulo ko.

Advertisement

Napangiti na lamang ako sa mga kinikilos at sinasabi niya.Napakasweet niya talaga.Pasok na siguro siya sa mga ideal man ng ibang babae.

'Hayst,napakaswerte mo pag nagkataong naging kayo ni Gio,Erra'nasambit ko na lamang sa isipan ko saka kumalas sa yakapan namin.

"Ayos na ko rito,Gio.Sige na at umuwi ka na.Mag gagabi na rin kasi oh"sabi ko pa

"Hayst,okay.Aalis na ko.Yung bilin ko sayo ha."sabi niya at hinalikan ako sa noo na ikinangiti ko nmn.

"Sige.Mag ingat ka."sabi ko at ngumiti lamang siya saka tuluyan nang umalis.

"Oh,mabuti at narito ka na.Hala at magmadali ka't tutulung ka pa sa karinderya ngayong Gabi."muntik na akong mapasigaw sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si Tiya Mersi.

Nakipag usap ako sa kaniya na tumira ulit dito sa apartment. Ayaw pa niyang pumayag nung una kaya ay nakipagkasundo pa ako sa kaniya para lamang pumayag siya.

At napagkasunduan naming magiging kapalit ng pagtira ko roon ay tutulungan ko siya sa karinderya ng WALANG bayad.Syempre bukod roon ay babayaran ko pa rin ang upa ko sa bahay.Ang bait ng tiya ko,diba?

"Ahm,tiya.Pwede ho bang sa ibang araw na lamang ako tumulong?Kasi ha may trabaho pa ako eh."nag aalangang saad ko.Nakagat ko nmn agad ang pang ibabang labi ko nang samaan niya agad ako ng tingin.

"Anong sa susunod na araw?!Sya sa susunod na araw ka na rin tumira jan sa apartment!"masungit na sigaw into at paalis na sana nang pigilan ko siya.

"Ahm,tiya.Ganto nalang po.Hahatian ko nalang ho kayo sa sasahurin ko sa sabado.Bawat araw ho na hindi ako makakatulong sa inyo ay babayaran ko na lamang po.Pakiusap po,tiya.Kailangan ko lamang po talaga ng matitirahan."pakikiusap ko

Bahala na kung isakripisyo ko yung sasahurin ko.Ang mahalaga ay may matirahan lamang ako.

"Magkano nmn?"tanong niya

"Ayos na ho ba ang tatlong daan?"tanong ko na agad niya namang ikina-ingos

"Ay naku,hindi pwede.Masyadong mababa.Anim na raan."supladang saad niya kaya napangiwi nmn ako

Advertisement

"Limang daan nalang ho,tiya."pakikiusap ko pa

"Hay,naku!Sige na Sige na!Limang daan ha!Limang araw yun!....Susko,batang to.Para isang daan lamang nmn ang idinagdag."sabi niya at bago umalis ay may pahabol pa siyabg salita kaya napangiwi nalang ako.

Kung hindi ko lamang kailangan ng pera ay hindi ako makikiusap ng ganito.Yan tuloy,mababawasan pa yung magiging budget ko sa isang linggo.Kausapin ko na lamang ang manager ko para ayusin ang schedule ko sa trabaho.

Siguro mga lunes hanggang biyernes ay sa cafe ako.Tapos mula umaga hanggang hapon ng sabado ay doon sa karinderya ni tiya para pagdating ng gabi ay sa cafe ulit ako.Hihingin ko na lamang Kay manager ang linggo para may pahinga nmn ako.

"Hayst,ang daming problema..."sambit ko na lamang at pumasok na sa loob dala ang mga gamit ko.

"Haayyy,welcome back?"sabi ko pa nang makapasok ako sa loob.

Wala pa ring pinagbago ito.Simula nung umalis kami ni Zyrel rito,ganito parin ang ayos nito.Halatang hindi man lang nagalaw.Kung sabagay,wala na rin namang magtitiyagang tumira rito maliban nalang sa katulad ko na kailangang kailangan talaga ng tirahan.

"Hayst,tiis-tiis nalang muna ngayon,Zy.Balang araw,makakaraos ka rin."sambit ko sa sarili ko at mapait na ngumiti.

Nagpalit na muna ako ng damit dahil may duty pa ako sa cafe.Pagkatapos ko nmn magbihis ay nilock ko na ang apartment at umalis na papunta sa cafe.

"*deep sigh* What a miserable life you have,my lilsis.Don't worry,once na napatunayan kong ikaw nga talaga ang matagal na naming hinahanap na kapatid ko,ipinapangako ko na hindi mo na muling mararanasan ito.Take care, Zychelle.Mom,Dad,and I will always love you."sambit ko nalang at umalis na agad roon sakay ng kotse ko nang makita Kong pumasok na siya sa loob ng maliit na apartment.

Nang maihatid ko si Zyrah sa apartment na yun ay dumeretso agad ako sa cafe.Pagpasok ko doon ay naghanap agad ako ng bakanteng upuan.Tumingin ako sa counter at namataang nakatingin rin sakin si Erra ng may pag aaalala.Lumaput ito sa akin at naupo sa katapatan kong upuan.

Nga pala,kung hindi pa nabanggit sa inyo ni Zy ay nililigawan ko na ngayon si Erra.Well,I totally moved on with Zy.Siguro nga hanggang magkaibigan na lamang kami.

"Oh,anong problema?"tanong niya

Malungkot ko siyang tinignan at hinawakan ang mga kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.Namula nmn agad siya sa ginawa Kong yun.

"I feel pity to Zyrah.She doesn't deserve all of this.She's a good girl at alam Kong alam natin pareho yun."malungkot na sabi ko

"Sshhh,wag mo na munang isipin yun.Ang mahalaga tulungan na lamang natin siya.Tulungan natin siyang malagpasan ang problema niya.Sya nga pala,natuloy ba sya sa paglipat dun sa apartment ng tiyahin niya?"tanong niya kaya malungkot lamang akong tumango

"Oh yun nmn pala eh.Wala tayong dapat ikabahala lalot naroon nmn pala ang tiya niya.Maalagaan siya nun"she said but I just shook my head.Hindi niya siguro alam ang ugali ng tiya ni Zy.

"Iba rin ang ugali ng tiya nun.Malakontrabida rin yun eh."sambit ko at napansin kong napangiwi nmn siya

"Ganun?Hayst,ipagdasal na lamang natin na malampasan niya lahat ng pinagdadaanan niya-Oh hayun na si Zyrah.Teka,balik na pala ako sa counter at baka masuta pa ako ni manager."she said kaya tumango na lang ako at bumalik na rin siya sa counter.

Tinignan ko nmn si Zyrah na kakapasok lamang at nang makita niya ako ay nginitian niya lamang ako.Ewan ko pero hanga rin ako sa kaniya.Nagagawa niya pa ring ngumiti kahit naoakarami niya nang problema.

'Hayst,sana mas lalo ka pang magpakatatag,Zy.Alam Kong lahat ng problemang pinagdadaanan ko ay malalampasan mo rin.Sigurado ako diyan.Cheer up,Zy.We,your friends are here beside you if you need help.'sambit ko na lamang habang pinagmamasdan siya papunta sa counter.

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click