《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 74

Advertisement

(A/N:You can play the song :I Love you,Goodbye by Hindikoalam para mafeel niyo nmn tong chapter na to....So yun nga,hope you like this chapter hihihihi

..Enjoy reading !!!)

Ilang araw pa ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa ulit nabibisita sa bato.Ang sabi ni Rish ay hindi pa rin daw ito nagigising.Sabi rin niya ay hindi pa nakakahanap ng blood donor para sa kaniya.Mahirap raw kasing maghanap lalo na at type O pala ang dugo ni bato.

Gusto ko sanang kahit ako na lamang ang magdonate ngunit ang problema ay type B nmn ako at hindi kami match.

Sa ngayon ay hinihintay ko pa na tawagan ako ni Rish.Ang sabi niya ay aalis daw ngayon sina Tita Sunny(mom ni bato) at siya raw ngayon ang naatasang magbantay.At dahil dun,maaari akong bumisita kay bato habang wala sina tita Sunny.

*krrrriiinnnngggg!*

Kaagad kong kinuha ang cp ko at sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Rish sa screen.

"Hello,Rish."

[Zy,pumunta ka na rito.Umalis na sila tita.]

"Sige,Sige.Papunta na ako."pagkasabi ko nun ay pintay ko na ang tawag at kaagad na nagpalit ng damit.

Nagsuot lamang ako ng Peach striped polo na long sleeve then pinaresan ko ito ng black fitted jeans.Sinuot ko rin ang peach flat shoes ko saka nilagay sa sling bag ko na kulay itim ang lahat ng kailangan kong dalhin including my wallet and cell phone.

Pagbaba ko ay nadatnan ko sa sala si Gio na nakabihis rin at inaayos niya ang kaniyang suot na black polo.Pinaresan niya ito ng black rin na jeans at puting nike shoes.

"San ang punta mo,Gio?"tanong ko

"Ahm....eh..."nag aalangan niyang sabi.

Hmm,mukhang alam ko na kung san ang punta neto...

"May date ba kayo ni Erra?"malokong tanong ko kaya gulat niya akong tinignan na tinawanan ko lamang.

"Oh,tama ako no?"pang aasar ko pa

"Psh,paano mo nalaman?"tanong niya

Advertisement

"Ewan...Halata nmn sa porma mo."sabi ko lamang.Napatango na lamang siya at ako nmn ang kinunutan ng noo nang mapansin niya sigurong nakabihis rin ako.

"Eh,ikaw?San ka nmn?"takang tanong pa niya

"Ah,bibisita lang kay Trevix."sabi ko ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Nakalimutan mo na bang ayaw ng parents niya na makita ka?"tanong pa niya.

And tama kayo ng nabasa.Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari samin ni bato.Mula sa gabing may nagdeliver ng pulang kahon sa condo unit namin hanggang sa oras na itinaboy ako ni tita Sunny.

Sabi pa niya ay napakasama raw ng ugali nito para isisi sa akin ang hindi ko nmn kasalanan.

"Umalis daw si Tita Sunny.Saka hindi ba nabanggit ni Rish sayo na siya ngayon ang nakabantay kay Trevix?"tanong ko

"Oh?Hmm,actually hindi.Hindi nmn kasi yun palakwento sakin at hindi rin nmn ako palatanong sa kaniya."sabi niya kaya tumango na lamang ako.

"So,ihatid nalang muna kita bago ako pumunta sa tagpuan namin ni Erra."sabi niya na mabilis ko namang ikinailing

"Naku huwag na,Gio.Unahin mo si,Erra.Saka pwede nmn akong magcommute nalang eh."sabi ko

"No.I insist kaya tara na."sabi pa niya at wala na akong nagawa pa nang hilahin niya na ako palabas ng bahay.

PAGKARATING ko sa ospital ay dumiretso na agad ako papunta sa kwarto na kinaroroonan ni bato.Pagkarating ko roon ay nakabantay na sa labas si Rish saka ako sinalubong ng yakap.

"Pumasok ka na sa loob,Zy.Ako na rito sa labas.Magbabantay lamang ako saka tatawag nmn si tita Sunny kung pabalik na sila rito kaya Sige na.Pasok na sa loob."sabi pa niya kaya agad ko siyang nginitian.

Napakaswerte ko at naging kaibigan ko siya.

"Salamat,Rish."sabi ko

"Kahit ano para sa best friend ko.Sige na at mabilis ang kamay ng orasan.Pumasok ka na roon nang masulit mo ang ilang oras bago dumating si tita."sabi niya na agad ko namang ikinangiti

Advertisement

"Napakaswerte ko talaga sayo.Sige na,papasok na ako."sabi ko at pumasok na sa loob.

Muli ay nakaramdam na nmn ako ng sakit habang tinitignan ang pinakamamahal Kong lalaki na nakaratay sa hospital ng dahil sakin.Nagtungo ako malapit sa kaniya saka humila ng silya at inupuan iyon.

"By,ilang linggo na ang lumipas,hindi ka pa rin nagigising."sambit ko at hinawakan ang kaniyang kamay.

Muli ay pumatak na nmn ang mga traydor kong luha habang binabalikan ang mga pinag samahan namin.Kung pano kami magkakilala hanggang noong Gabi na iniligtas niya ako.

"Miss na miss na kita,by.Hindi mo ba ko namimiss?Bumangon ka na diyan.Namimiss ko na yung boyfriend ko na napakasungit.Yung boyfriend kong makulit minsan.By,hindi ka pa pagod matulog?Ilang linggo ka nang tulog oh."sambit ko habang umiiyak

"By,sorry pala ha.Kung sana hindi nalang kita sinundan,edi sana hindi ka nakahiga diyan at natutulog.Nag aalala lng naman kasi ako sayo that time eh.Hindi ko nmn inakalang mangyayari ang insidenteng yun."sabi ko pa

"Alam mo,by.Si Gio,may lovelife na rin siya kaya wala ka nang pagseselosan."sabi ko at bahagya pa akong natawa sa huli kong sinabi pero nawala ang saya sa labi ko nang maalala ang sinabi ni tita Sunny.

'Oo nga pala.Dapat hindi ko na sinasabi ang mga bagay na to lalo na at kailangan ko na siyang layuan.'malungkot na sambit ko sa aking isipan na lalong nag udyok sa mga luha ko upang patuloy na umagos.

"Oo nga pala,by.Baka huling bisita ko na sayo to.By,kapag kinasal ka na.Kayo ni Rish.Ako ninang ng anak niyo ha?Ingatan mo yung sarili mo at sana maging masaya kayo ni Rish at ang magiging anak niyo...."sabi ko at bahagyang tumigil sa pagsasalita nang hindi ko na kayanin ang sakit.

Sakit na nagmula mismo sa mga nasabi ko.Masakit pero ito ang dapat.Siguro nga tama si tita Sunny.Mas napapahamak lang siya kapag ako ang kasama niya.Siguro nga puro problema lamang ang dinudulot ko sa kaniya.

"B-By,wag kang mag alala,pupunta nmn ako sa kasal niyo eh.Hindi na ako magpapakabitter pa sa halip ay magiging masaya nalang ako para sayo.Na mapupunta ka sa mabuting tao.Makakasal ka sa kaniya at magkakaroon kayo ng masayng pamilya.By-ay hindi.Dapat pala simula ngayon ay wag na kitang tatawagin sa ganun.....Si Airish,mabuti siyang tao kaya hindi impossible na magustuhan at mahalin mo siya.Mayaman din siya tulad mo kaya siguradong mas magiging maalwan ang buhay mo kapag pinakasalan mo siya.Ako kasi,wala nmn akong maipagmamalaki.Puro problema lang din ang nadudulot ko sayo."sabi ko at pinunasan muna ang mga luha ko saka mapait na ngumiti.

"Bato,kung mayaman rin ba ako tulad mo,papayag ba ang parents mo sa relasyon natin? Hahayaan ba nila tayo?Kung mayaman ba din ako,hindi ka na niya ipapakasal sa iba sa halip ay tayo nalang?.....Pero yun nga Yung problema eh,mahirap lamang ako.Wala akong laban sa parents mo.Ni hindi ko kaya na ipaglaban yung pagmamahalan natin kasi para sa kanila,mas mahalaga ang pera."sabi ko pa

"Paano kung magpayaman ako tapos bawiin nalang ulit kita?....Kaya lang,kapag ginawa ko yun,para na din akong katulad nila na nakadipende sa pera o yaman....Basta ah,maging mabuti kang asawa kay Rish at sana alisin mo na yang kasungitan mo...Sige na,aalis na ko.Baka maabutan pa ako ng parents mo,baka ipatapon ako sa mars nun.Basta, ha,wag mo Kong kakalimutan na imbitahan sa kasal niyo kundi,magtatampo ako sayo........Sige na,aalis na ako...Mahal na mahal kita,bato."sambit ko at tumayo na.

Naglakad na ako papunta sana sa pinto pero agad din ulit akong pumhit at lumapit muli sa kaniya.Binigyan ko siya ng halik sa noo pagkatapos ay isang matagal na halik sa labi bago sinabing....

"I love you.....Good bye....Hanggang sa muli nating pagkikita..."

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click