《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 71

Advertisement

Nagising ako sa di pamilyar na kwarto.Kulay puting kisame,puting pader,at ako,bakahiga sa puting kama at nakasuot ako ng kulay puting hospital gown.

T-Teka...H-Hospital gown?

Paanong----

"ATE ZYZY!"

"Zyrah,ija.Mabuti at gising ka na."

"Tita Vanessa? Zyrel?"nagtatakang tanong ko nang pumasok dito sa kwartong kinaroroonan ko si Vanessa at Zyrel na halata mong kagagaling lamang sa pag iyak.

"Kamusta ang pakiramdam mo ija?"tanong ni tita Vanessa at nilagay sa my sidetable ang dala niyang basket na may lamang mga prutas.

"Tita,ano pong ginagawa niyo dito saka bakit narito po ako?"tanong ko kay Tita Vanessa.Si Zyrel nmn ay naupo sa gilid ng hospital bed sa may tabi ko habang si tita ay naghila ng silya at itinabi rito sa hospital bed.

"Iha,hindi ko alam ang buong kwento pero tinawagan lamang ako ng kaibigan mo raw yun?Tapos sinabi niyang nandito ka sa hospital.Ilang linggo na nga ang nakalipas eh"sabi niya

"Nag alala nga ako sayo kaya isinama ko itong si Zyrel tapos nang makarating kami dito,ninerbyos agad ako dahil duguan ka.Ang sabi nung mga binatang kalalakihan na naabutan namin,na kasama niyo raw,nabaril ka daw saka yung boyfriend mo?Ano bang nangyari iha?"dugtong niya pa at tila tumigil ang mundo ko sa nabanggit niya.Ang boyfriend ko.

'Oh lord,sana nasa maayos na kalagayan lamang siya.'dasal ko sa aking isipan.Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kaniya.

"Iha!Saan ka pupunta?!"

"Ate Zyzy!"

Hindi ko na pinansin ang mga tawag nina Tita Vanessa at Zyrel.Hinanap ko na agad kung nasaan si Trevix.Kinakabahan ako lalo na at nabanggit ni tita na tulad ko at nabaril rin daw siya..

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto kung nasaan si Bato,huminga muna ako ng malalim na ilang beses kong ginawa.Nanginginig pa ang mga kamay ko nang abutin ko ng dahan-dahan ang seradura ng pinto.

Advertisement

Nang tuluyan ko nang mabyksan ay tumambad sa akin ang napakatahimik na kwarto.Namataan Kong nakaupo sa mahabang couch si Mr.Montello.Si tita nmn,ina ni bato ay nakaupo sa silya na katabi ng hospital bed na hinihigaan ni bato.

Mabilis na tumulo ang nga traydor Kong luha nang masilayan ko ang kaniyang kalagayan.Napapikit ako ng mariin na tila ba hindi kaya ng mga mata ko na makita siya sa ganitong sitwasyon.

"What are you doing here?"napamulat ako nang marinig ang mariin at galit na boses ni tita.

Magsasalita na sana ako nang isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko.Napapikit ako nang maramdaman na parang sumakit ang leeg ko dahil sa malakas na puwersang pagbaling ng ulo.Napakalakas ng sampal niya at kulang nalang ay matanggal na ang ulo ko.

"T-tita..."nangangatal na sambit ko kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ko.Hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa yun.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa anak ko!"sigaw niya na ikinataka ko.

Ako?Parehas kaming biktima rito.

"T-Tita,hindi ko po maintindihan"sabi ko

"Hindi?!Ayan!Tignan mo ang anak ko!Ilang linggo na ang lumpias pero hindi pa rin siya nagigising!Nakaratay siya diyan ng dahil sayo!"sambit niya at mas lalo akong napaiyak nang madiin niyang hawakan ang buhok ko at saka inilapit ako sa mukha ng walang Malay na si bato.

"T-tita!"hiyaw ko nang puwersa niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig.Nang tingalain ko siya ay nakita ko sa mga mata niya ang sakit.Sakit bilang isang ina na makita ang anak na nakaratay sa hospital bed ang walang malay.

"Kasalanan mo lahat ng ito!Kung noon palang ay nakipaghiwalay ka na sa anak ko,hindi siya mapapahamak!Ano?!Heto na ba ang sinasabi mong magandang idudulot sa kaniya imbes na magpakasal sa iba?! Ha?!"sigaw pa niya habang dinuduro ako.Nilingon ko sandali ang ama ni bato pero walang emosyon lamang itong nakatingin sa amin.Tila wala siyang balak makisawsaw sa gulo.

Advertisement

"Tita,hindi ko po ginusto ang nangyari.Pareho po kaming bi-"hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay mabilis nang dumapo ang kamay ni tita sa buhok ko at hinila ako patayo.Masakit man ngunit hindi ako makapagreklamo.

"Hindi mo ginusto?!Pwes,ikaw ngayon ang pumalit sa posisyon niya."mariin niya sabi

"T-tita..."tanging sambit ko lamang habang humihikbi at ang mga kuha ko naman ay patuloy lamang sa pagragasa.

"Umalis ka na."seryosong sabi ni tita kasabay nang pagpunas niya sa kaniyang mga luha.

"Tita,pakiusap.Hayaan niyo po munang-"

"ALIS NA!"sigaw pa niya

Muli kong tinignan ang nakaratay na si bato.Ayokong umalis.Ayoko siyang iwan rito.Hanggat maaari ay gusto Kong ako ang una niyang makita kapag nagising siya.

Kaya lang....

Mukhang hindi ko magagawa iyon.

'I'm sorry,by.Siguro ako nga ang dapat na sisihin rito.Kung hindi sana ako sumunod sayo,sana wala ka riyan.Sana alam kung manlang kung paano mag ingat.Napahamak ka pa tuloy ng dahil sakin.'sambit ko sa aking isipan habang nakatingin sa walang malay niyang katawan.

"I'm sorry, tita...."sambit ko Kay tita at naglakad na patungo sa pinto para sana lumabas na nang napatigil ako sa mga binitawan niyang mga salita.

"Simula ngayon,ayaw na kitang makita.Wag ka nang magpapakita pa sa anak ko.Putulin ko na rin ang kumunikasyon mo sa kaniya."sabi ni tita.

Tuluyan na akong lumabas sa kwartong iyon habang patuloy lamang ako sa paghikbi.Imbes na bumalik sa kwartong kinagisnan ko kanina ay tuluyan na akong lumabas ng ospital.Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao at ibang pasyente na nasasalubong ko.

Lakad lamang ako ng lakad kahit hindi ko na nakikita ang dinaraanan ko.Kung minsan pa ay nababangga na ako ng mga tao.Malabo na rin ang paningin ko dahil napupuno na ng luha ang mga mata ko.

And now I just realized,hindi siguro talaga ako para sa kaniya.Akala ko pa nmn ay maayos na ang lahat pero ito kami ngayon.

'I'm sorry,by.This is all my fault.Kung nag ingat lng sana ako hindi ka mapapahamak. I'm sorry.Mahal na mahal kita.'huling sambit ko sa aking isipan bago ako mawalan ng malay.

_______________________

Nyaks!Short update muna ulit mga men😅😉

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click