《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 67

Advertisement

Pagkarating ko sa unit namin ni bato ay 10:32 ng gabi.Malayo sa oras ng off ko. Hindi ko alam pero Hindi ako sinundo ni bato. Siguro nakalimutan niya lang.

"By!Nandito na ko! " ssigaw ko saka nagpunta sa kwarto nagbabakasakaling naroon siya pero wala.Pumasok ako sa banyo pero wala. Sa walk-in-closeth, wala rin.Maski sa kitchen ay wala siya.

'Saan nmn Kaya pupunta yun ng ganitong oras? 'tanong ko sa aking isipan.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko saka idinial ang kaniyang numero.

"Ayts, nasan ka ba, by? " nag aalalang tanong ko sa sarili.

Hayst, tawagan ko nalang siguro si Coal at Airish.Baka sakaling alam nila.

Sinubukan kong tawagan si Coal pero tulad ng kay bato ay hindi ko rin matawagan.

Hayst, last na. Si Airish nalang.

"Hello, Rish. " bungad ko

[ Oh, napatawag ka? Anong oras na oh. Bakit gising ka pa? May pasok pa tayo bukas. ]

Mukhang naistorbo ko ang tulog ni Rish dahil sa boses niya.

"Ahm, Rish. Pasensya na kung nabulabog kita ha. Si Trevix kasi... "

[Oh, anong nangyari? ]

"Hindi pa siya umuuwi. Sinubukan ko nmn siyang tawagan pero hindi ko makontak.Pati nga si Coal eh di ko rin matawagan.Nag-aalala na ko Rish. "

[Baka nmn magkasama yung dalawa. Baka nasa bar lang. Itulog mo nalang yan at may pasok pa tayo bukas.Wag ka nang masyadong paranoid dahil magkasama nmn siguro yung dalawang yun. ]

"Tingin mo? "

[Oo.Sige na matulog ka na.Ibaba ko na to ha? Good night. ]

"Sige, salamat at pasensya n arin sa abala. Goo night, Rish. "

[Sus, wala yun. Sige na sige na]

~toootttttt~

"Hayst, magkasama nga siguro yung dalawang yun.Pero bakit di man lang nagpaalam sakin si bato kung san siya pupunta? Hayst, ito na nmn siya eh. Pinag aalala na-"

Advertisement

*door bell rings*

"Oh? Si bato na siguro yun. Humanda siya sakin " bigkas ko saka nilapitan ang pinto at handa na sana siya singhalan nang-

"Good evening po. May delivery lang po para kay Mr. Trevix Montello.Pakipirmahan lang po to, ma'am. " sabi ni Mr. Delivery Boy at iniabot sakin ang isang di kalakihan at kulay pulang kahon.

"Salamat." sabi ko at pinirmahan na ang dapat pirmahan. Matapos nmn yun ay umalis na rin ang delivery boy.

"Ano nmn kaya ang laman nito? " tanong ko saka isinarado na ang pinto.

"Pwede ko nmn sigurong tignan no? " tanong ko pa.

"Hayst, wag na. Baka magalit siya sakin. " sabi ko saka nilapag sa mini table dito sa sala itong kahon.

Papasok na sana ako sa kwarto pero bumalik ulit ako sa sala at sinilip ulit ang kahon.

"Ayts! " sambit ko at nagtungo sa kwarto pero lumabas ulit ako at nagpunta sa sala.Para na nga akong engot dito kakauli uli eh.

'Wala nmn sigurong masama kung sisilipin ko lang yung laman diba? Saka isa pa, wala nmn siya eh. Pramis, sisilipin ko lang'sambit ko sa aking isipan saka naupo sa couch at ngayon ay nasa harap ko na ang pulang kahon.

"Silip lang talaga. " sambit ko at saka dahan dahan na inalis ang tape na nakalagay sa kahon.Nang matanggap ko na ay dahan dahan kong binuksan ito.

Isang telang pula ang bumungad sakin. Dala ng kuryusidad ay inalis ko ito at napagtanto kong may nakabalot sa loob nitong tela.Marahan ko iyong inilagay sa table at dahan dahang inalis ang pagkakabalot.

A-anong...

B-Bakit may ganito?

Nakalunok ako ng ilang beses nang makita ang nakabalot sa tela.

Isang baril....

Ngayon lamang ako nakakita nito at ang ipinagtataka ko ay bakit nagpadeliver si bato ng ganito.Hindi kaya-aish! Hindi nmn siguro.

Advertisement

Muli kong tinignan ang pulang kahon at may nkita akong pulang envelope na maliit dun. Nakagat ko pa ang ibabang kabi ko bago iyon kinuha at dahan dahang binuksan. Sa loob nito ay may kulay pula rin na papel pero nnangunot ang noo ko nang wala akong makitang sulat roon.

Ano to lokohan?

Teka... Hindi kaya....

Tumayo ako at saka nagtungo sa kwarto. Binuksan ko ang maliit na drawer doon saka kinuha ang maliit na flash light. Bumalik ako sa sala at naupo ulit doon.Binuksan ko ang flashlight saka itinapat ang ilaw nito sa pulang papel. At doon ay nakita ko kung ano ang nakasulat.

To:MK

Bring this when we got to UG this 12:00 midnight.The BG has a plan and they might kill you during the battle.

ZF

A-ano?

Teka, anong papat-

*door bell rings*

Shit!

Mabilis kong isinilid sa envelope ang sulat at inilagay iyon sa kahon.Ibinalot ko ulit sa tela ang baril at kung pano iyon inilagay sa kahon ay ginaya ko.Kumuha ako ng tape sa drawer at ginaya rin ang pagkakatape kanina ng kahon saka ko iyon inayos sa ibabaw ng center table.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa pinto saka iyon binuksan.

"Saan ka g-"hindi pa ako tapos magsalita ay derederetso na siyang nagtungo sa sala at pabagsak na naupo sa mahabang couch. Tila ay pagod pagod siya.Nakapikit na rin ang mga mata niya at muling rito ay nakikita ko kung gaano kalaki ang paghinga niya.

" By... "tawag ko sa kaniya natapos kong maisara ulit ang pinto.

" Hmmm. "tanging sambit niya lamang.

" Saan ka galing? "tanong ko

" Somewhere "maikling sagot niya.

Ayan na nmn siya sa somewhere niya.Pwede niya namang sabihin sakin kung saan siya nagpunta.Bakit parang pakiramdam ko ay may nililihim siya sakin?

" Somewhere? Saang somewhere nmn yan? "medyo pabalang na sagot ko.

" Why are you still awake? You should be sleeping now. May paso-"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at mabilis na lumapit sa kaniya.

"Wag mo ngang baliwalain ang tanong ko. Saan ka ba kasi nanggaling? " inis na singhal ko

"You don't need to know, wife. " sabi niya na nagpadagdag sa inis ko.

"Panong hindi pwede?! Girlfriend mo ko at natural lamang na magtanong ako! Naman bato eh! Nag aalala ako kung saan ka nanggaling!Nag aalala ako kasi baka kung ano na ang nangy-"hindi ko na natapos ang pagsasalita nang bigla niya akong sigawan.

" ENOUGH!"sigaw niya kasabay ang kaniyang pagtayo.

Bakit parang siya pa ang galit ngayon?

"Bakit ikaw pa yata ang galit? Bakit kasi hindi mo pa ssabihi-" hindi ko na nmn natapos ang sasabihin ko nang maglakad siya patungo sa kwarto kasabay ang mga salitang...

"I'm tired, wife.Let's just talk tomorrow"

Napabuntong hininga na lamang ako saka padarag na naupo sa couch at napatingin sa kahon.

'May tinatago ka sakin, by at hindi ako matatahimik kapag hindi ko nalaman kung ano yun. '

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click