《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 56

Advertisement

Isang linggo na ang lumipas at paulit-ulit lamang ang routine ko.Paulit-ulit ko lamang iniiwasan si bato na sa loob ng isang linggo ay patuloy rin akong kinukulit na kausapin ko siya.Pero dahil hindi pa nga ako handang makipag usap sa kaniya ay iniiwasan ko na lamang siya.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako umuuwi sa condo unit ko.Nakakahiya naman kasi na umuwi ako dun lalo na at Kay bato galing iyon.Saka baka mamaya ay malaman pa ng mommy niya na hindi pa rin kami hiwalay.Mamaya eh mageskandalo pa yun no.

Kaya ayun,doon pa rin ako naninirahan sa bahay nila Gio.Ibinili niya rin ako ng mga damit at uniform para daw meron akong magamit.Nakakahiya man ay tinanggap ko na since kailangan ko rin nmn.

Hanggang ngayon rin ay hindi kami nagpapansinan ni Rish.Mahirap,oo,kasi siya lang ang pinkaclose ko sa classroom.Wala na tuloy akong nakakadaldalan.

Saka,nakapagtataka nga rin na parang Hindi ko nakikita si Coal.Simula nung isang linggo ay di ko pa siya nakikita.Naisip ko nga rin minsan kung alam na ba niya yung tungkol sa engagement no Trevix at Rish.

Hayst,naalala ko na nmn tuloy yun....

Lunes pala ngayon at naglalakad-lakad ako rito sa field.Wala kaming klase ngayong umaga dahil may biglaang meeting ang mga teachers.

"Zy!"napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Gio na tumatakbo palapit sa akin.

"Bakit?"nakangiting tanong ko nang tumigil siya sa harapan ko.

"Kani—na pa ki—ta hinaha—nap----"pabitin na saad niya habang hinihingal dala siguro ng pagtakbo niya

"---nandito ka lang pala"pagpapatuloy pa niya at saka matamis na ngumiti.

Bakit?

Bakit hindi nalang si Gio ang minahal ko?

Siguro hindi ako nasasaktan ng ganito.

Gusto niya ako.Bakit hindi ko nalang din siya nagustuhan?Bakit imbes na si bato ay hindi nalang siya?Bakit?

Advertisement

Pero kahit ilang beses ko namang isipin na sana si Gio nalang....

Malabo....

Malabong diktahan ang tadhana upang baguhin ito....

...Hindi rin nmn pwedeng hilingin ko na huwag akong masaktan dahil ang pagmamahal nmn ay kakambal na talaga ng sakit.

Siguro ang magagawa ko na lamang ay lumaban para nang sa ganon ay mabawasan tong sakit at paghihirap na nararanasan ko.

Saka,nandiyan nmn si Gio....

Nandiyan siya para sakin....

Para tulungan ako...

"Hey!"

Napabalik agad ako sa ulirat nang makitang kumakampay ang palad ni Gio sa harap ng mukha ko...

Natulala na nmn pala ako...

Nitong mga nagdaang araw ay palagi na lamang akong natutulala...

Hindi ko nmn kasi mapigilan ang mag isip ng mga problema ko.

"H-ha?"tanong ko sa kaniya ngunit mahina lamang siyang natawa.

"I'm asking you if you wanna go with me."sabi niya kaya saglit nmn akong napaisip.

"Saan ang punta natin?" takang tanong ko

"Magbabawas"simple at maikling sagot niya kaya muli ay nagtataka ko na nmn siyang tinignan

"Magbabawas?"tanong ko

"Babawasan natin yang problema mo.Masyado ka nang natutulala eh."sabi pa niya kaya napatango-tango na lamang ako

'Napansin niya rin pala iyon'

"Napansin mo pala..."mahinang sabi ko na tila nadinig niya rin namn.

"Syempre.So,ano?Game ka?"tanong niya

"May klase pa mamayang hapon diba?Saka baka hindi tayo payagang lumabas ni manong guard"sabi ko nmn

"Yeah but babalik nmn tayo after lunch eh.Saka about manong guard,ako na'ng bahala."sabi niya at saka ako kinindatan kaya napatawa nmn ako.

Sa loob ng isang linggo ay medyo nakikilala ko na rin itong si Gio.

Minsan ay may pagkasiraulo talaga siya kasama.

"Hmm,sige na nga!"masiglang saad ko na ikinangiti niya naman.

Naglakad na kami papunta sa gate ng university.

Hindi niya dala ang kotse niya ngayon kasi pinapatintahan niya raw.Kaya nga kaninang umaga ay nagtaxi lamang kami.

Advertisement

Pagkarating namin sa tapat ng gate ay naabutan namin doon si manong guard na natutulog habang nakaupo sa silya.Nakatingala ito at ang nakakatawa pa ay nakanganga ito.

" *chuckles* oh look at him,seems like he's dreaming and he's imitating Juan tamad---Ah,I have an idea!"sabi ni Gio na parang may naisip siyang kalokohan.

"Manong guard!"tawag niya Kay manong guard na muntik nang mahulog sa kinauupuan dala siguro ng pagkagulat.

'Ha! Tulog pa more'

"Ano iyon ijo?"tanong nito saka tumayo

"The Dean wants to see you."sabi ni Gio kaya agad ko siyang tinignan pero kinindatan niya lamang ako.

'Lam na this.Tsk!'

BTW,bumalik na rin pala ang Dean namin matapos ang mahaba niyang bakasyon.Parang labag pa nga sa loob niya dahil nang makita ko siya kahapon na dumating ay nakasimangot siya.Siguro ay nabitin ang bakasyon.

"Dean?Hala,bakit daw kaya ijo?"natatarantang tanong ni manong guard.

"I don't know but seems like she saw you sleeping....And you better go see her right now coz she might transform into a lion and fire you."pananakot ni Gio kaya lihim nmn akong napatawa...

'Mga kalokohan talaga neto'

"Hala!Wag nmn sana!Ijo,dine muna kayo at akoy sasaglit doon.Pakibantayan muna ng gate."natatarantang saad nito bago patakbong umalis.

Napahagalpak nmn ng tawa si Gio nang makaalis ang guard.Pati ako ay natawa na rin dahil sa mga kalokohan niya.

"Gosh,ang bilis niyang mauto.Ahahhaah!"sabi pa niya at muling natawa

"Kung hindi ka ba nmn kasi siraulo eh ahahaha!"tawa ko rin.Napatigil nmn ako sa pagtawa nang mapansin kong tumigil siya.Binalingan ko siya ng tingin at nakitang nakangiti siay habang nakatitig sakin.

"H-hoy...Anong problema mo?"naiilang na tanong ko saka bahagyang yumuko

"...In just happy seeing you laugh because of me..."sabi pa niya

"You should be happy always,Zy.Set aside your problems and think about something that will make you happy....but I insist doing that.....I'll make you happy everyday,every hour,every second....habang nasa akin ka pa..."sabi niya pero hindi ko na narinig ang huli dahil mahina na ito

"Tara na nga,ang drama no na eh"natatawang ani ko para lang mawala ang pagkailang sa mga sinasabi niya.

"Sus,knilig ka lang siguro"pagbibiro niya pero inilabas ko lamang ang dila ko para asarin siya.

"Kilig mo mukha mo!"sabi ko na ikinatawa niya lang at pagkatapos ay tumakbo na kami palayo sa university.Mahirap na at baka may makakita pa sa amin. Nang makalayo na kami sa university ay sumakay na kami ng taxi patungo sa kung saan man kami pupunta ni Gio.

Siguro nga ay kailangan ko munang libangin ang sarili ko at pansamantala munang kalimutan ang mga problema ko.

Mabuti nalang at may isa pa pala akong kaibigan.May isa pang Tao na masasandalan ko.May isa pang tao na matatakbuhan ko sa mga problema ko.

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click