《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 53

Advertisement

"Ate Cintia,Erra,alis na po ako"paalam ko kina Erra.Oras na ng off ko kaya nagpaalam na ako sa kanilang umuwi.Saka kailangan ko pa din mag ayos kasi nga a attend pa ako ng party ng birthday boy kong si bato.

Sya nga pala,mabuti na lamang at may dumaang nagtitinda ng bracelets kanina rito sa cafe.Maganda siya kaya bumili ako ng dalawa.Parang couple bracelet iyon kung titignan.Balak kong iyon na lamang ang ibigay ko Kay bato.Wala kasi akong maisip na panregalo sa kaniya.Sabi nga niya,lahat na sa kaniya na.Kahit din ayaw niya ng material na regalo ay bibigyan ko pa rin siya no.Nakakhiya nmn kung pupunta ako roon nang wala manlang dalang regalo.

"Sige,Zyrah mag iingat ka pag uwi"sabi ni ate Cintia.

Tumango lamang ako at nag abang na ng taxi pauwi sa condo.Syempre kailangang magsuot nmn muna ako ng pormal na damit no.Baka mamaya pagkamalan akong tagaserve dun.

Nakasuot lamang kasi ako ng white polo na long sleeve tapos black fitted jeans.

Nang makarating na ako sa condo ay nagpahinga muna ako saglit bago naligo.Pagkatapos ay sinuot ko na yung baby pink off shoulder ko na longsleeve.Tinernuhan ko ito ng white fitted ripped jeans.Sa may bandang tuhod lang nmn ang butas nito.Pagkatapos ay sinuot ko nmn yung pink flat shoes ko.

Naglagay ako ng pulbos at lipgloss saka inilugay lamang ang buhok ko.Maayos nmn ang buhok ko ket nakalugay lamang lalo na at medyo waivy ito at pa spiral sa bandang dulo.

Pagkatapos ay binitbit ko na ang white slingbag ko at lumabas na ng condo.Nilock ko muna ito bago napagdesisyunang umalis ng condominium.

NARITO na ako sa tapat ng malaking gate ng mansyon nina bato.Kahit na nakapunta na ako rito ay di ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda at laki ng mansyon nila.

Nandito pa lamang ako ay naririnig ko na ang malakas na tugtog at ingay ng mga bisita.May pa ilan ilan ring naglalakad palabas ng gate.Base sa postura nila ay mga yayamanin sila.May mga nakadress tapos sa mga lalaki nmn ay tuxedo.

Pumasok na ako sa loob at nakitang may mga tao rin pala rito sa harap ng mansyon nila.Mayroong nag uusap at ang iba nmn ay napapatingin sa gawi ko.Siguro ay nagtataka sila sa suot ko which is ibang iba sa suot nila.

'Dapat bang nagdress rin ako'

"Ate Zy?!"dinig kong sigaw mula sa di kalayuan.Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Tristine na tumatakbo palapit sakin.

"Waaahhh namiss kita ate Zy!"masiglang sabi nito nang makalapit siya sakin.Hinila niya ang braso ko sa niyakap iyon habang malambing na nakatingala sakin.

Cute nmn neto...

"Namiss rin kita Tristine.Kamusta ka na?"tanong ko rito saka nagsquat para magpantay kami.

"Ayos lang po ako ate Zy.Let's go ate and eat na po.Kanina ka pa hinihintay ni Kuya.Bat ngayon ka lang?"makulit na tanong nito

"Kakagaling ko lang kasi sa trabaho ko,Tristine.BTW,nagsimula na ba ang party?"tanong ko nmn

"Yes po,kanikanina lang po.Pero dad said they will be having an announcement later.I don't know po ate but I have wrong feeling bout that announcement. But let's don't mind nalang yun.Let's just go at the backyard and enjoy kuya's birthday party."mahabang litanya niya at walang sabi sabi akong hinila papunta sa may gilid ng mansyon.

Advertisement

I guess dito kami dadaan papunta sa backyard nila.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa venue which is sa backyard nila.

"Wow"bulalas ko nang mapagmasdan ang venue.Napagarbo at napakaraming bisita.Kung titignan ay mas marami ang mga di katandaang lalaki pero may matatanda rin nmn na nakasuot ng tuxedo.Siguro ay ito ang business partners ng mga magulang niya.

"Let's go ate Zy.I'll tell Kuya that you're here na"sabi ni Tristine at hinila na nmn ako kung saan.

Hanggang sa nakarating kami sa isang table at nadatnang nakaupo doon sina Coal,Trevix,Ravin (ex ko),at may isang lalaking di ko kilala.

"You're here wife"sabi ni bato saka tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sakin.

"Ate Zy,I'll go inside muna ah"paalam ni Tristine Tinanguan ko lamang ito saka siya tuluyang umalis.Binalingan ko nmn si bato na ngayon ay kunut noong nakatingin sakin.

"What took you so long?"tila iritadong tanong niya saka pinulupot ang mga braso sa bewang ko.

"Kakagaling ko lang sa trabaho eh"paliwanag ko

"Tss, dapat kasi nag excuse ka nalang muna na di ka papasok"sabi niya

"By,hindi nmn pwede yun.Ang dami ko na ngang absentees eh tapos absent na nmn?"sabi ko nmn kaya napabuntong hininga lamang siya.

"Let's have a sit"sabi niya at iginaya ako paupo dun sa inuupuan niya kanina.

"Tol,uwi na ko ha.May mahalagang sasabihin daw sakin si daddy."biglang saad ni Coal saka tumayo.

"Okay.Thanks for coming"sabi nmn ni bato

"Sige,happy birthday ulit dude"sabi muli ni Coal saka sila nagfistbomb ni bato at pagkatapos ay tuluyan na nga itong umalis.

Naupo na si bato sa inupuan kanina ni Coal at pagkatapis ay hinila nito palapit sa kaniya ang inuupuan ko.Napatili nmn ako ng mahina nang gawin niya yun.

"I missed you so much,wife"sweet na sabi niya at niyakap ako patagilid.

"Sus,eh maghapon lang tayong di nagkita,miss agad?"sabi ko nmn

"Of course."maikiling sabi niya nmn at idinukduok ang mukha niya sa leeg ko.

"Happy birthday nga pala,by"malambing na sabi ko at hinalikan ang ulo niya kaya napaayos siya ng upon at nakangiting tumitig sakin.

"Akala ko nakalimutan mo na"sabi niya kaya pinisil ko lamang ang ilong niya na ikina protesta niya nmn.

"Sya na pala. May ibibigay ako sayo.Akin na kamay mo."sabi ko pero nagtataka niya lang akong tinignan.

"Akin na kamay mo.Bilis!"may halong inis na sabi ko kaya nmn agad niya inilahad ang kamay niya.

Kinuha ko nmn agad ang bracelet na nasa slingbag ko at isinuot iyon sa kaniya.

"What's this?"takang tanong niya

"Bracelet.Di ba obvious?"sabi ko nmn at napairap.Minsan talaga may pagkaboplaks to eh.Tknatanong pa kahit obvious nmn.

"I know.What I mean is,what's this for?"tanong niya

"Regalo ko sayo.O wag ka nang magreklamo.Wala akong pera kaya yan lang nabili ko.Saka meron din ako niyan para parehas tayo.Wag mong huhubarin yan ah."sabi ko saka pinakita sa kaniya yung bracelet na suot ko na kahawig nung sa kaniya.Ang kaibahan lamang ay pambabae yung style nung akin at panglalake nmn sa kanya.

"Couple bracelet?So cute."puri niya at niyakap muli ako

"Thanks wife.I promise I won't take this off.This is the best gift ever"sabi niya

"Sus,di kalang makareklamo eh.Pwede mo namang ibalik sakin kung mukhang cheap"sabi ko nmn pero natawa lamang siya ng mahina.

Advertisement

"This isn't cheap wife.Actually,you're the first girl who gave me this kind of bracelet."sabi pa niya kaya napangiti na lamang ako.

Kumalas nmn agad ako sa yakapan namin nang maramdaman kong tinatawag ako ng kalikasan.

"Magbabanyo lang ako,by."paalam ko pero pinigilan niya ako sa sinabing:

"I'll go with you"sabi niya pero mabilis lamang akong napailing.

"Huwag na by.Kaya ko na mag isa"sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa loob ng mansyon nila para gumamit ng banyo.

Nang matapos akong magbawas ng tubig sa katawan ko ay naghugas muna ako ng kamay sa sink.Palabas na sana ako nang may biglng pumasok.

"Good evening po tita."bati ko sa ina ni bato.

"Good evening din ija.Ayos lang ba sayo kung mag usap muna tayo saglit?"tanong nito.

"Ay oo nmn po.Ano po bang gusto niyong pag usapan natin?"magalang na tanong ko.

Sinara niya muna ang pinto ng banyo at seryoso akong hinarap.Kaagad nmn akong kinabahan dahil sa awra ni tita.Masyado siyang seryoso ngayon at nararamdaman kong parang may mali sa mangyayari.

"Do you really love my son,ija?"tanong niya

"O-opo.Mahal na mahal ko po si Trevix"kinakabahang sagot ko

"Kung ganun,handa ka bang gawin lahat para sa ikabubuti niya?"tanong pa niya

"O-oo nmn po.Lahat lahat po."sagot ko nmn

"kung ganon,may isang bagay sana akong hihilingin sayo.Pero bago yun,gusto ko munang makuha ang sagot mo kung papayag ka sa anumang hihilingin ko."mas Lalong sumeryoso ang mukha niya at lalo nang sumeryoso rin ang boses niya.Lalo rin nmn lumakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"O-opo.Kahit anong pong hilingin nito,gagawin ko po."kinakabahang sagot ko.Bigla nmn siyang ngumiti.Isang malungkot na ngiti.

"Kung ganun,hinihiling kong hiwalayan mo ang anak ko."

'hiwalayan mo ang anak ko'

'hiwalayan mo ang anak ko'

'hiwalayan mo ang anak ko'

T-Tama ba ang narinig ko?Sinabi niya ba talaga ang mga katagang yun?Kung oo,b-bakit?

"P-po?"nangangatal na ang mga labi ko nang itanong ko iyan

No please.Tell me na Mali ang narinig ko...

"I'm so sorry ija pero kailangan mong hiwalayan ang anak ko,si Trevix.Alam kong mahal mo siya but you need to do this for his own sake."may halong pakikiusap at lungkot sa sabi nito.

"P-Pero bakit p-po?"tanong ko habang ang mga luha ko ay nagsituluan na pababa sa pisngi ko.

"Basta hiwalayan mo ang anak ko ija"sabi niya at di ko na nga napigilan pa ang mapahagulhol

"Tita *sob* please,wag nmn *sob* ganito.Mahal ko po *sob* ang anak niyo-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita muli ito.

"I know ija but you really need to broke up with him.You said you'll do anything for his own good sake right?Now broke up with him.That's the only thing you can do for him,ija.I'm sorry but please,let him go.Sorry for telling you this but look at you,you're nothing but a poor lady.At ayokong maging dahilan ka para masira ang kapakanan ng anak ko."mahabang litanya niya dahilan para halos gumuho ang mundo ko.

'Ganyan ba talaga silang mayayaman?Ang mahalaga lamang sa kanila ay pera at kasikatan?Bakit ba nakpakababa ng tingin nila sa mahihirap tulad ko?Pera lamang nmn ang lamang nila ngunit kung makapagmalaki sila ay sobra.Pareparehas nmn kaming Tao ah.Pareparehas kaming ibabaon sa ilalim ng lupa pagdating ng araw.Ngunit bakit ganyan sila?Ganyan na ba sila kamatapobre at kung makapagyabang sila ay parang napakataas nila?'

"I can't tita.Bigyan mo po ako ng sapat na dahilan para hiwalayan ko si Trevix.Hindi yung ganito.Yung manimaliit niyo ko!"hindi ko na napigilan pa ang mapataas ang boses sa sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

" *deep sigh* If that's what you want.It's already time anyway"sabi niya at saglit na napatingin sa wrist watch niya

"Sumunod ka sakin kung gusto mong malaman ang dahilan pero bago yun,mangako ka muna saking hihiwalayan mo na ang anak ko."sabi niya dahilan para mapakagat ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang muling pag iyak.

"Pangako po."napipilitang sabi ko at agad na pinunas ang tumakas na luha sa mga mata ko.

Lumabas na kami ng banyo at bumalik sa backyard kung saan ang venue.Pagkarating doon ay sakto namang may tumayo sa may stage na gawa lang.Sino?Walang iba kundi ang daddy ni bato.

"Good evening again everyone.Narito na nmn ako sa unahan para sa isang napakahalagang announcement."natahimik ang lahat ng mga bisita nang sabihin iyon ni Mr.Montello.

Samantalang ako nmn ay nakakaramdam na ng matinding kaba sa mangyayari.

"I just want to announce to all of you that my son, Sthone Trevix Montello is already engaged to the Logan's daughter, Ms.Airish Abie Logan.Please come here in front the both of you"at doon,tila tuluyan nang gumuho ang mundo ko sa narinig.

Muling nagbagsakan ang mga traydor kong luha nang marinig ang anunsiyong iyon.

Engaged?

Engaged na si bato Kay Rish?Tama bang narinig ko ang pangalan ng best friend ko and what's worst is siya ang pakakasalan ng boyfriend ko?!

"B-bakit?"umiiyak na saad ko at mas lalo akong napaiyak nang umakyat na sila sa stage.Nakagat ko ang ibabang labi ko para tigilan ang pag iyak pero traydor ito.Lalo na nang makita kong nakahawak si Rish sa braso ni bato.Nakangiti sila at parang masayang masaya.

Anong meron?Bakit parang natutuwa pa sila sa nangyayari?

"So as you can see,they're perfect for each other right?"sabi ni Mr.Montello at kasunod nun ang kantyawan ng mga bisita.

Yeah,they look perfect for each other.Parehas silang gwapo at maganda.Mayaman.Pareho silang anak ng mayayamang pamilya.Siguro nga sampid lang ako sa buhay ni bato.Isa lang akong di hamak na mahirap na umaasa sa kaniya.Siguro nga mas bagay sila ni Rish.Napakababa ko pala kung ganun.

Ayoko na...

I'm nothing to do with this...

Mabilis akong tumakbo paalis sa mansyon nila.Takbo lamang ako ng takbo.Panay rin and walang habas na pagtulo ng mga luha ko.Hindi ko alam kung san ako pupunta.Sobrang ng pakiramdam ko at parang madadapa na ako dahil sa nanghihina na ako.Hindi ko na rin halos makita ang dinaraanan ko dahil sa patuloy na pag iyak ko.

Nanghihina na nga ako pero hindi ko alam kung bakit nakkaya ko pang tumakbo.

Nang mapagod ako ay napaupi nalang ako sa tabing kalsada habang yakap yakap ang mga binti ko.Hindi pa ako nakakatagl sa pwestong yun ay bumuhos nmn ang napakalakas na ulan na tila nakikisabay sa nararamdaman ko.

Kung paano lumakas ng lumakas ang ulan ay ganun din ang pag iyak ko hanggang sa nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib at unti unting nawalan ng malay.

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click