《He's a Student Council President(Soon To Edit)》CHAPTER 20

Advertisement

~♥GORGEOUS♥~

♥♥♥

ZYRAH's POV

Nasa mall kami ngayon ni Rish para bumili ng damit na susuotin ko mamya sa party.Sabado kasi ngayon at ngayon na ang birthday ni Tristine.Hindi rin ako pumasok sa trabaho ko.

Pano ba nmn kasi,kanina nung nagpunta ako sa cafe ay Hindi ako pinagtrabaho ni ate Cintia.Ang sabi pa niya ay maaga daw nagpunta roon si bato sinabi na Hindi raw ako magtatrabaho kaya ayun.Nakakainis nga kasi di manlang sinabi sakin nung batong un.Nanigurado na talaga na pupunta ako sa party ni Tristine.

So ayun nga,busy sa pamimili si Rish sa mga dress dito na nakadisplay.Ang gaganda at mukhang mamahalin.

"Hoy Zyrah,lika dito.Pumili ka kung anong maganda"tawag sakin ni Rish kaya nmn lumapit ako sa kaniya

"Hay naku,wala akong taste sa pagpili ng mga dress Rish"kamot batok kong saad sa kaniya kaya napangiwi siya.

"Hayst,try mo rin kasi magdress minsan no"saad niya saka tinuon muli sa paghahanap ng dress Ang kaniyang sarili.

"Hmm,Rish yung simple lang sana.Ikaw na pumili"saad ko sa kaniya kasi nga si nmn ako marunong sa mga dress na yan.

"What dress do you want?Floral or Korean style?"tanong niya

"Kahit ano basta yung sa tingin mo ay babagay sakin"saad ko sa kaniya kaya napabuntong hininga nmn siya.

"Okay,hahanap ako.Lahat nmn kasi ng dress dito ay natitiyak kong babagay sayo"wika pa niya at saka nagpatuloy sa pagpili ng dress.

"Zyrah,try this"tawag niya sakin habang hawak yung kulay pulang dress na parang binurda ang mga disenyong bulaklak.Ewan ko ba kung anong tawag dun.(see photo below⬇)

(Ito po yung dress ni Zyrah)

"Sigurado ka bang bagay sakin yan?Tignan mo oh Ang ikli"saad ko

"Hayst,ano ka ba.Hindi maikli yan no.Saka above the knee ngalang yan eh.Halika na at isukat mo"saad niya nmn saka ako hinila sa fitting room.

"O dali,isukat mo na.Bilisan mo at mamayay dun nmn tayo sa mga stilettos"tila nagmamadaling wika niya at tinulak tulak pa ako sa loob ng fitting room.

"Oo na oo na.Diyan ka lang ha,bantayan mo lang ako"saad ko sa kaniya.

Ito fitting room dito ay isang makapal na kurtina lang Ang nagsisilbing pnto kaya kelangan talaga ng tagabantay sa labas.

Isinukat ko na yung dress at mabuti nalang ay Hindi ako nahirapan na izipper ang likuran nito.Pagkatapos kong isukat ay kaagad kong tinawag si Rish.

Advertisement

"Rish,pasok ka nga dito.Tignan mo kung bagay"saad ko habang nakatingin sa kabuuan ko sa salamin.

"Gosh,you're freakin' gorgeous Zyrah!Wala pang make up yan ha!"tili niya

"Ayos na sana yung compliment mo eh kaya lang bat may kasama pang mura"ismid kong saad sa kaniya na ikinatawa niya lang.

"Sus,baka nga pag nakita ka na ni pres ay puro mura nalang marinig mo dun,tsk tsk."saad niya saka muling natawa kaya natawa rin ako.

"O sya ,labas na ulit at magbibihis na ako"pagtataboy ko sa kaniya.

Nang matapos akong magbihis ay binitbit ko na yung dress na sinukat ko at lumabas na ng fitting room.

"Tara na at bayaran na natin yan.Pagkatapos ay magtitingin nmn tayo ng pambaba"saad niya saka hinila ako papuntang counter para bayaran itong dress.Mabuti na nga lang at libre itong dress eh.Mabuti nalang at mabait itong si Rish.

"O,tara na"saad niya matapos bayaran yung dress na nakalagay na ngayon sa isang paper bag.

"Tara"saad ko nmn tapos lumabas na kami dun at naghanap ng bilihan ng stiletto daw kuno.

Pagkarating na pagkarating namin sa bilihan ay pinasukat niya agad sakin yung red stiletto na may strap.

"Masyadong mataas yan Rish.Yung med-"

"Anong mataas eh 3 inches lang yan.Sige na sukatin mo na"saad niya

"Ihh,kahit flat shoes nala-"

"Hindi,sukatin mo to.Sige ka magtatampo ako sayo."saad pa niya at nagpout pa ang luka.

"Oo na nga"pagsuko ko saka isinukat yung stiletto.

Nung una ay natumba pa ako kasi Hindi talaga ako sanay pero tinuruan nmn ako ni Rish kung pano ito ihandle.kaya ayun natuto din ako sa wakas.

Pagkatapos namin dun ay naghanao nmn kami ng slingbag at pagkatapos ay kumain naman kami.Grave nga at napagod kami sa pagpapaikot ikot.Magyayaya na sana umuwi si Rish nang may maalala ako.

"Rish,nakalimutan ko pala yung ireregalo ko Kay Tristine.Halika at samahan mo muna ako"saad ko saka siya hinila sa pet shop.Yun lamang ang naisip kong iregalo Kay Tristine dahil bukod sa mura dun ay magaganda at cute pa ang mga pet na tinitinda nila.Kumbaga ay kaya lamang ng budget ko.

"Ano nmn ang ireregalo mo kay Tristine?"tanong ni Rish ng makarating kami sa petshop.

"Hmm,kuneho nlng siguro"saad ko saka nagpunta dun sa may mga cute na kuneho.

Advertisement

Agad nmn naagaw ng pansin ko yung isang puting kuneho na may ribbon pa sa leeg.

"Ahm,miss bilhin ko na po ito"saad ko sa tindera matapos kong tignan ang presyo nito.Hindi ko na sasabihin sa inyo dahil baka sabihin niyong cheap ako.Saka pake niyo ba eh wala akong datong.Hahhahaa.

"Hmm,ang cute niya ha at saka mura pa"kumento ni Rish.

Pinalagay ko na sa kulungan itong kuneho at saka umuwi na kami pagkatapos.Buti na ngalang at may libre na itong carrots eh.

...

Alas sinko y medya na at naisipan kong maligo para nmn maaga akong matapos.7 pm daw kasi yung party ni Tristine.At kung nagtataka kayo kung bakit Gabi na ay dahil ganun oras lamang free ang parents nila.Kaya kaninang umaga lamang pinaayos ang reception para ngayong gabi ganapin ang party.

Hayst,speaking of magulang nga pala nila.Kinakabahan ako kasi makikilala ko ang magulang nila.Pano kung di nila ako magustuhan?Hayst,lakasan mo lang ang loob mo Zyrah.Hwaiting!

Nang matapos akong maligo ay sinuot ko na agad yung binili namin sa mall na dress saka yung stiletto.Pagkasuot ko ay pumunta agad ako dun sa salamin at tinignan ang kabuuan ko.Napangiti na lamang ako dahil tila Hindi ako ang nasa repleksyon ng salamin.Ipinuyod ko na ang buhok ko,yung messy braid lang tapos naglagay ako ng konting liptint saka pulbo.Di nmn kasi ako mahilig magmakeup saka wala nmn ako nun.Pagkatapos ay kinuha ko yung slingbag at lumabas na mula sa kwarto.Naabutan ko nmn na nasa sala Zyrel habang binubutingting yung libro niya.

"Zyrel,aalis na si ate ha.Ilock mo nalang yung pinto o kaya nmn ay dun ka na muna kina tiya.Baka gabihin pa ako ng uwi.Alas sais Y medya na rin kasi eh."bilin ko Kay Zyrel.

"Opo ate.Mag iingat ka po saka wag mo po kalimutan na ipagtake out ako ha,hahaha babye po ate"saad nito saka tumayo mula sa pagkakaupo at niyakap ako.

"Hmm,ikaw rin Zyrel.Yung bilin ni ate ha"ako saka ito hinalikan sa noo.

Bago ako lumabas ay inabot ko muna yung regalo ko kay Tristine.Nilagyan ko ito ng balot na telang kulay pink para Hindi makita ang laman.

*krriiiinnngggg*

Kaagad kong kinuha ang cp ko at ibinaba muna ang kuneho saka sinagot ang tumawag.

"Hell-"

[Where are you now?]

Oh,si bato ba to?Ay oo nga no,nakalimutan kong kinuha niya nga pala no. Ko hihi.

"Nandito pa sa bahay.Paalis palang"

[Shall I fetch you?]

"Ahm,w-wag na bato"

[You sure?]

"Oo Sige na papunta na ko.Bye"

Pinatay ko na agad ang tawag saka deretsong umalis na sa apartment.Nandito na ako ngayon sa tabing kalsada nang may maalala ako.

'San ba yung mansyon nina bato?'

"Hayst,ang shunga mo Zyrah!Dapat nagpasundo ka nalang no.Ay alam ko na.Igoogle map ko nalang"

Kaagad kong kinuha ang cp ko at inopen ito nang may marealize na nmn ako.

"Wala pala akong Google map.Hayst,nakalimutan mo na bang dekeypad ang cp mo Zyrah?Aish,wake up parang t*nga ka"para na akong baliw dito na kinakausap at sinasapok ang sarili ko.

"Miss,sasakay ka ba?"muntik na akong mapatalon sa gulat nang may bigla nalang nagtanong.

Pagtingin ko ay may nakatigil palang jeep at tinatanong ako ng driver.

Ah tama,baka alam niya kung saan ang mansyon nina Bato.

"Manong,sa mansyon po sana ng mga Montello"nagaalangan na saad ko pero nangunot lamang ang noo nito.

"Naku miss,Hindi ka basta basta makakapunta sa mansyon ng mga montello na sakay lamang ng jeep lalo na at kilalang pamilya iyon.Ano sasakay ka pa ba?"saad ni manong driver

"Hindi na po manong"malungkot na saad ko at saka nmn umalis agad ito.

"Hayst,tawaga-"

"As I expected"

Muli na nmn akong nagulat nang may biglang tumigil na kotse sa tapat ko.

"Bato?!"gulat na saad ko

"Shock?"nakangiting saad niya saka bumaba mula sa kotse

"let's go?"saad nito matapos lumapit sakin at saka naglahad ng kamay na agad ko namang tinanggap.

Pinagbuksan niya ako at pinasakay.Pagkatapis ay umikot nmn siya at sumakay na rin.

"By the way...."pabitin na saad niya nang hindi ako tinitignan kaya tinignan ko siya nang nakakunot noo.

"You look gorgeous"pagpapatuloy nito at inistart na ang engine ng kotse.

Ako?Heto,laglag ang panga at nang makabawi ay kaagad na nakaramdam ng kilig.Basa niyo yon?Gorgeous daw ako mga besh!Yiiieee kinikilig ako!

    people are reading<He's a Student Council President(Soon To Edit)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click