《FB Messenger》You have 8 missed calls

Advertisement

Disoras na ng gabi at halos wala ng mga tao sa labas, malakas ang buhos ng ulan na tila ba ay walang humpay ito at hindi na titigil pa, may kasamang kulog at kidlat na parang kulang pa ang malakas na ulan at malalakas na ihip ng hangin

Isang babae ang naglalakad sa gilid ng kalsada na mag-isa lamang, kasama niya lamang ay ang kanyang payong na maliit na tuwing hahanginin ay mukhang mababali na, at ang ilaw na nagmumula sa kanyang cellphone

Habang naglalakad ang babae ay pakiramdam niya ay sinusundan siya ng taong hindi niya kilala at hindi rin alam ang motibo

*Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa kanyang paligid*

Babae: Hello?..., may tao ba diyan?...

*Hindi mapakali ang babae dahil sa kaba at takot na kanyang nadarama*

Nakarinig muli siya ng mga tapak sa sahig na may tubig, naririnig niya ang pagtama ng suwelas ng sapatos sa kongkretong kalsada

Babae: Kung may nasunod man sa akin hindi po nakakatuwa..., please lang po lubayan niyo po ako...

Biglang may natumbang basurahan na malapit lamang sa pinagtatayuan niya at gumawa ng malakas na ingay

*Nagulat ang babae sa ingay na nagmula sa basurahan natumba*

Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang kanyang cellphone sa sahig

*Daliang niyang pinulot ito, at ginamit ang flashlight nito upang ilawan ang natumbang basurahan*

*Nanginginig ang buong katawan niya ay hindi mahawakan ng maayos ang kanyang cellphone*

Babae: L..lu..lumabas ka riyan...

Ang lumabas lamang ay pusang itim na naghahalungkat lamang ng basura upang maghanap ng makakain

Babae: P..pu..pusa lang naman pala...

At biglang may naramdaman siyang matalim na bagay na nakatusok sa likod niya

(Unknown person): Hi po miss...

Babae: Kuya wag po..., please po..., kunin niyo na po gamit ko wag niyo lang po ako patayin...

(Unknown person): HAHAHAHAHAHA!!!..., HAHAHAHAHA!!!...

Advertisement

Takot na takot ang babae pagkat hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari

*Inangat ng lalaki ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo*

(Unknown person): HAHAHAHAHA!!!...

Babae: AHHH-...

Binawian na ng buhay ang babae bago pa man matapos ang kanyang sigaw

Napakaraming tao sa loob ng mall dahil kinabukasan ay pasok na, iba-iba ang pakay ng mga tao doon, mayroong namamasyal, mayroong nabili ng mga rekado na gagamitin para sa mga putaheng iihahanda at ang iba naman ay bibili ng mga regalo para sa kani-kanilang kamag-anak

Nakatayo si Ishy sa gitna ng dagat ng mga tao na tila ba ay nagmamadali dahil marami pa silang gagawin sa araw na iyon

(Inside voice): Nasaan na kaya sila Francel at Lanie...

(Inside voice): Uy..., si Papa tumatawag...

Ishy: Hi tay...

Tatay ni Ishy: Anak..., nasaan ka?...

Ishy: Nasa mall po ako tay..., kayo po?...

Tatay ni Ishy: Pauwi na ako anak nasa expressway na ako..., nanay mo nasaan?

Ishy: Nasa office niya po..., mamayang alas quatro po uuwi na po siya...

Tatay ni Ishy: Ahh sige sige..., excited ka na ba mamaya?...

Ishy: Oo naman po..., gusto ko na po kayo makita..., hahaha!...

Tatay ni Ishy: Meron akong regalo sayo pero sikreto lang kung ano iyon..., hahaha!...

Ishy: Luh..., sige po tay..., hahaha!..., inaasahan ko po iyan...

Tatay ni Ishy: Sige anak..., mag-ingat ka riyan ah..., I love you anak...

Ishy: Sige po..., I love you rin po tay..., bye po...

*At natapos ang tawag sa cellphone*

Matapos ang tawag ng tatay ni Ishy ay tumunog muli ang cellphone ni Ishy

(Inside voice): Natawag si Lanie..., bakit kaya...

Ishy: Oh..., Lanie..., nasaan na kayo?..., malapit na ba kayo?...

Lanie: BHEEEE!!!..., SI FRANCEL!!!...

Ishy: OH?!?!..., BAKIT ANO NANGYARI?!?!...

Lanie: SI FRANCEL!!!..., NAWAWALA...

Ishy: HA?!?!..., ANONG NAWAWALA?!?!...

Lanie: HINDI PA SIYA NAKAKAUWI SA KANILA..., KAHAPON PA DAW SIYA WAL...

Ishy: TINAWAGAN NIYO NA BA?...

Lanie: OO BHEEE!!!..., HINDI SIYA NASAGOT EH..., NAKOOO!!!..., NASAAN NA KAYA YUN?!?!..., ANO NA KAYA NANGYARI SA KANYA?!?!...

Ishy: Lanie huminahon ka..., kalma lang..., mahahanap din natin siya...

Lanie: Sige bhe..., salamat ha...,

Ishy: Mahahanap din natin yun..., wag ka mag-alala

Sa isang eskinita may isang matanda na nagwawalis, at may narinig siyang natunog na bagay

(Matanda): Ano yung tunog na iyon?...

(Matanda): Ayun nanaman..., saan ba nanggagaling iyon?...

(Matanda): Diyan pala nanggagaling yung tunog na iyon

"You have 8 missed calls"

    people are reading<FB Messenger>
      Close message
      Advertisement
      To Be Continued...
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click