《Golden Serenity》12

Advertisement

Monday ngayon opening ng foundation, may parade, street dance competition per campus at opening ceremony. Nandito kami ngayon sa may San Isidro campus para maki sali sa parade.

Nakasuot lang kami ng maroon dahil yun ang kulay ng college namin. Habang nag lalakad ay naka payong ako kay Zero si Celeste naman ay doon sa isa naming kaklase na babae naka payong.

Masyadong pinaghandaan ng campus namin ang street dance dahil sila ang title holder. Nangunguna sila sunod naman ang department namin, tapos ay ang IE, ECE, EE, ME.

Pagkatapos ng mahaba habang lakaran ay diretso kami sa may gym dahil sa performances ng per campus. Todo support ang bawat campus, maingay sa gym, madaming tao, pero masaya panuorin at maganda ang peformances.

Siyempre ang opening remarks muna mula sa President and iilang deans pagkatapos ay ang competition na. Magaling ang bawat isa at kita mong hindi lang basta basta ang performances.

In the end panalo ang campus namin ang San Isidro campus. Sigawan ang lahat dahil sobrang galing nga naman nila at bongga ang mga props. May iilan kaming kaklase na sumali kaya proud na proud din kami.

Lunch time na kaya pumunta kaming SM kasama sina Ree, Keron at iilan naming kaklase. Kumain kami sa mang inasal, hindi maka paniwala ang iilan kong kaklase na kumakain ako dito.

"Hindi ako maarte sa pagkain guys." Natatawa kong sagot sa kanila. "Akala kasi namin hindi ka kumakain sa mga ganito."

Bumalik rin naman agad kami sa school dahil ngayon din gaganapin yung pre-pageant. Kailangan namin suportahan si Celeste, bumili kami ng balloons at yung horn na malakas.

Pagkabalik ay marami ng tao pero buti na lang at nag save ng upuan ang college namin para saamin dahil susuportahan namin si Celeste. Nandito kami sa malapit sa left side ng stage, kitang kita talaga namin kaya naman na excite din ako.

Hindi rin naman nag tagal ay nag simula na ang pageant, grabe ang gaganda nila, pero iba talaga si Celeste. Rumampa muna sila tapos ay production number, nung lumabas si Celeste ay sigawan kaming lahat.

Natapos na ang production number ay may kumalabit saakin sa gilid at nandun si Chance. May hawak na tubig at pamaypay.

"Bebe ko, inom ka. Wag mong paka sigaw, baka mawalan ka boses. Doon lang ako sa may harap ne. Baka bigla akong kailanganin." Mukhang pagod na pagod na siya pero nagawa parin niya akong bilhan ng tubig.

Hindi nako naka pag salita nung ibigay niya kaya tinext kona lang siya. Masyado na siyang sweet at caring.

'Pahinga pahinga din po doc, masyado na kayong pagod. May tubig kaba? Thank you sa tubig at pamaypay.'

Pagkatext ko noon ay tinago kona ang cellphone ko dahil mag start na ulit silang rumampa, this time naman ay shorts competition.

Advertisement

Lumabas na silang lahat at grabe talaga bagay kay Celeste ang suot niya. Ang ganda pa niyang tignan sa stage. Mukhang na ensayo talaga siya ng mabuti.

Pagkatapos noon ay ang talent portion na, may iilang nakakatawa ang mga talents nila. Si Celeste naman ay kumain, magaling siyang kumanta napasabay niya ang halos buong gym sa kantang pinili niya, pagkatapos ay sumayaw pa siya. Grabe, bilib na bilib din ako dito kay Celeste.

Mabilis natapos ang pre pageant ang awarding ceremony ay bukas pa sa final pageant. Pagakatapos na pagkatapos ay pinuntahan namin si Celeste at nag picture kami may dala din kasing camera si Zero at dala ko rin yung instax ko kaya madami kaming kinuha.

Pagkatapos noon ay nag paalam na kami dahil kailangan pa niyang mag ayos, kami naman apat ay papalabas na sa may gym ng biglang mag ring ang phone ko.

'Hello Chancellor bakit?' Ano kaya kailangan niya. 'Picture muna tayo bago ka alis please bebe ko, tingin ka sa likod mo dali.' Nasa likuran kona pala tumawag pa.

"Oh picture picture na dali." Natatawa namang nag picture si Zero sa camera niya, si Ree hawak yung phone ni Chance. Habang si Keron ay yung instax. Masyado silang supportive sa lalaking to.

"Oh mga repa pips dito naman sa Inxtax para maayos dali." Ngumiti na lang kami ni Chance, nag wacky, nagulat ako ng bigla niya akong isiksik sa kanya at hinug ng mahigpit.

"Awwwwwwww, ang sweet ni Pres." Asar ng ibang malapit saamin.

"Yuck, pawis pawis Chance mabaho na ikaw." Tinulak ko naman siya, joke lang yung mabaho ang bango niya.

"Aurelie bebe ko totoo ba? Sorry na." Para siyang bata. "Joke lang, o pili kana alin iyo." Sabay abot nung mga pictures.

"Eto yung hug ka cute cute ng bebe ko." Cute nga. "Hawakan mo dali picturan kita." Kinuha ko naman yung phone ko at pinicturan siya.

"Bye na bebe ko, ingat kayo pauwi. See you tomorrow. Bawi ako katapos ng foundation sayo." Pagkatapos ay hinug na niya ako ganun rin kay Ree at naki pag apir naman siya sa kambal.

Hyy Chancellor, I really hope He is guiding us.

Pagkatapos noon ay nagtungo na kami sa sasakyan. Habang nasa sasakyan ay sinend sakin ni Chance yung mga pictures sa phone niya, may iilan akong nagustuhan kaya sinave ko. Pagkatapos ay nag edit ako ng picture namin at nilagay sa story ko sa ig at messenger.

'Congratulations for the success of the foundation Pres!' tas minention ko siya.

Madami agad ang nag react, may mga nag heart react. Shinare din naman ito ni Chance at nilagyan ng caption ng 'salamat bbq

Nakauwi nako sa bahay at nandun sina Mommy at Daddy. I missed them matagal rin silang palabas labas ng bansa dahil sa mga events and projects.

Advertisement

"How's our sunshine?" Sabi ni daddy habang yakap ako. "I'm doing great daddy." Nag smile naman silang dalawa ni momny.

"We know sunshine, I hope his making you happy." Sabi ni Mommy sabay hug din sakin. "He is mom, and I'm continually praying for his happiness also." I am doing that, I always pray for him.

"You can invite him next week to our foundation if you want." I was actually thinking about that. "Yes mom, I'll ask him and hopefully hindi po siya busy." Napapalakpak naman si mommy sa sagot ko.

It's the next day now, opening ng booths sa bawat campuses. Kaya nandito kami ngayon sa may EB para sa booth namin, mag titinda kami ng sago't gulaman, pati shakes. Busy kami lahat para mag prepare, nandito naman mga kaklase ko kaya tulong tulong kami.

May iilan na agad bumili saamin kaya naging busy ako. Ako ang nag kukuha ng orders at nag susukli, habang ang iba kong kaklase ang nag blend, ang boys naman ang bahala sa yelo at yung sago't gulaman.

Sina kuya Peter ang bahala doon sa pa perya ng org namin. Masyado akong abala sa pagbibigay ng orders kaya diko namalayan yung oras. Mag 10 na pala, pinakain ko muna yung iba kong kaklase para salitan kami dito.

Wala naman mga nag oorder muna kaya safe na umupo muna ako, at mag pahinga. Inabutan naman ako ng tubig ni Zero, mukhang pati siya ay pagod narin.

"Kaya pa?" Tanong ko sa kanya. "Kaya naman, masyado lang talagang madami kanina." Truth, mainit kasi kaya madami din bumili.

"Balita ko masarap daw yung shake niyo dito, maganda din daw yung nag titinda. Hi bebe ko." Natawa ako pero inirapan ko siya sa pang aasar niya.

"Hoy Chancellor layas layas, nag papahinga si Aurelie." Pagtaboy ni kuya Peter sa kanya. "Bakit kasi dimo tinulungan kanina yan tuloy napagod baby ko." Pinaypayan niya pa ako.

"Oo na lover boy, mukhang ngayon ka lang makakalibot e. Busy kana ulit mamaya." Pagkatapos ay bumalik na si Kuya Peter doon sa perya station nila.

"Anong gusto mo? Gawan kita mukhang pagod ka din." Tanong ko sa kanya. "Yung avocado beb, yung large na." Tumayo din siya at tumulong. Pagkatapos gawin ay binigay kona sa kanya at umupo na.

"Masarap bebe ko, buti na lang puro ang ginamit niyo." Oo mas okay naman kasi kung pure ang gamit.

Patuloy lang siyang umiinom habang nag cecellphone. Dumating na yung iilan kong kaklase na tapos na kumain daw. Kaya turn na namin, niyaya ko narin tong si Chance na kumain.

Lumipat na kami sa may Main, madaming booths dito. Mga jail, chain, marriage, dare, photo, at ibang pang booths ng mga orgs. Habang nag lalakad kami ay biglang hinila si Zero ng mga taga dare booth dahil naka kulay blue na sapatos siya.

Hinayaan ko lang siyang tangayin dahil kaya naman niya sarili niya, patuloy lang kaming nag lalakad ni Chance ngayon ng biglang may mag Chain saamin.

"Chance and Au, chain booth. Kailangan niyong ma Chain for atleast 1 hour lang dahil kakailangan si Pres mamaya." Busy to wala tong oras para sa ganito. "Sino nag sabing i-chain kami?" Tanong ko.

"Si Reeilla, sa Psych po kasi ang Chain booth." Ree!! Lagot ka talaga sakin mamaya. "Okay sige, paano namin tatanggalin to pagkatapos?" Tanong ko kay ate girl.

"Punta na lang po kayo sa booth namin mamaya." Pagkatapos noon ay umalis na siya.

"Paano ba yan bebe ko stuck ka sakin ng 1 hour." Pangaasar pa niya sakin. "Duh Chancellor kahit walang Chain magkasama tayong kakain." Mahihirapan pa kami nito niyan.

"Hindi muna tayo kakain, libot muna tayo. Mahirapan lang tayo nito." Sabagay kesa naman sa magsubuan kami ng pagkain sa canteen.

Naglibot muna kami sa mga booths, sinamahan kona rin siya dahil trabaho niya yun ang mag inspection kung may kailangan pa per booth or problems.

Habang nag checheck siya ay diko maiwasang i admire siya sa pagiging friendly at malapitin niya. Bagay talaga sa kanya yung pagiging President niya, madami siyang natutulungan.

May iilang nag aalok ng pagkain sa kanya sa mga booths na may pagkain tinitikman niya rin naman ay binibigyan ako kaya kahit papaano ay nakakakain kami.

Nandito kami ngayon sa may Photobooth, nag request sila na mag picture kaming dalawa para ma display daw. Nag picture naman kami, ang cute ng kinalabasan ng picture kaya okay na.

"Bagay na bagay talaga kayo Pres." Comment nung isang member ng org na yun. "Talaga? Pwede naba siya maging first lady ko?" Tumango naman sila at nag thumbs up.

"Paano ba yan pwede kabang maging first lady ko?" Mapanloko niyang tanong sakin habang nag lalakad kami. "Ewan ko sayo." Natatawa na lang din ako sa sinabi nila.

"Nood ka battle of the bands sa Thursday ne? Nood tayong dalawa may sasabihin ako." Ano naman kaya yun, pero tumango na lang din ako dahil balak rin naman namin manuod.

Na anxious tuloy ako kung anong sasabihin niya, sana po ayos lang. Lord, whatever it is let your will be done po.

Love,Lara...

Follow me on twitter: 26clairdelune

Sorry for the typos and grammar errors.

Thoughts?

#GSFoundationweek

    people are reading<Golden Serenity>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click