《Golden Serenity》11
Advertisement
October na ngayon, super bilis ng panahon and next week foundation na. Kaya busy ang bawat council ng colleges, tumutulong sa mga preparations.
Tuesday ngayon mamayang uwian ay mag meeting kami kung anong booth ang gagawin ng college namin sa foundation week. Dito lang naman kami sa may Engineering Building hindi kami sa main.
Patagal ng patagal ay pahirap ng pahirap ang lessons namin pero buti na lang ay nakaka habol ako at naiintindihan ko ang mga lessons. Sa drawing ayun laging maayos ang gawa ko and maagang nag pa-pass ayaw ko ng mahuli.
Nag comment naman si Sir saakin na maayos at malinis ang gawa ko, pero syempre meron din namang mga correction sa gawa ko. Si Zero at Celeste mostly nagsasama kami kapag weekends para magawa yung mga plates namin, pumupunta sila saamin.
Si Chancellor naman ayun busy ngayon actually last month pa, talagang nag prepare sila ng bongga para sa opening ng foundation next week. Madalang na kami mag kita sa campus pero pag may free time naman siya, nag lunch kami.
Mas naging close na kami at medyo okay narin akong nag oopen sa kanya. Kahit din naman busy siya ay di niya nakakalimutan mag tanong kung kamusta ang araw ko ganun. Hindi rin naman ako tanga tanga na hindi ko alam ang feelings niya, halata naman sa actions niya pero hindi ako assumera.
"Au, ano kamusta kayo ni Chance?" Tanong ni Ree dahil magkakasama kaming lima ngayong lunch. Nandito kami sa may SM, sa may Shakey's to be exact.
"Oo nga Au, lagi na siyang busy ngayon. Kamusta na kayo?" Si Celeste naman ngayon ang nag tanong.
"Okay naman kami, kahit na busy siya nag tetext parin." Wala naman akong iba pang sasabihin.
"Mamaya i-ghost ka niyan Au tatawanan na lang talaga kita. Future thomasian pa din naman yun." Mapangasar talaga tong si Keron, oo nga pala ang napili niyang med school ay sa UST Med.
"Edi i-ghost niya ako, as if titigil ang mundo ko." Lalaki lang siya, I have my dreams.
Natawa na lang siya sa sinabi ko. Hindi naman talaga titigil ang mundo ko sa kanya. Kaya kong mag isa, hindi ko naman siya kailangan.
"Ikaw Keron, kamusta lovelife mo?" May nababalitaan kasi ako tungkol sa kanya.
"Olats, hindi kami match. Thank you next." Babaero talaga tong lalaking to, pero buti na lang kahit ganyan yan matino sa school.
"Makakahanap karin ng katapat mo." Sabi ni Ree sa kanya.
Pagkatapos noon ay kumain nalang kami at nag ikot ikot dito sa may department store baka sakaling may makita at mabili.
Mas naging close kaming lima, si Celeste madali naming nakasundo since halos parehas naman sila ng ugali. Sumasama narin siya samin sa pag bisita sa foundation, pati ang magulang niya ay kilala narin ng mga parents namin.
Masaya ako ngayon sa na experience ko sa college, we really have breakdowns sa school mismo kapag sobrang stress na pero thank God dahil hindi niya kami pinapabayaan.
Advertisement
I became a lot friendly sa mga classmates ko, because I need to keep up with my duty. I'm slowly learning to open my heart again to other people. I'm just really praying na continous na sana, and I won't return to the Aurelie three years ago.
"Au, anong susuotin mo pala this foundation week. May class lang tayo sa calculus kaya uni tayo doon pero pag katapos noon ay pwede na tayong mag civilian."
"Shirts, pants or skirts lang, I have naman sa bahay. How about you?" She's also a fashionista like Ree kaya sa damit ay magkasundo sila.
"Parehas lang din, maiinit din kasi e." Yes super, pero pag umaga medyo lumalamig na dahil ber months na nga.
After nag ikot ikot ay nakabili lang sila ng iilang tops at make up. Ako naman ay skin care lang ang binili dahil paubos na yung akin. After noon ay nag decide kami na bumalik na kami ng school dahil mag oras narin, pero bumili muna kami ng milktea sa may mang cha-a para may inumin at umalis na dahil baka ma late pa kami.
Mabilis na dumaan ang afternoon classes namin. 4 o'clock na mamayang 5:30 pa yung meeting namin kaya nag decide muna ako na puntahan si Chance since nag text siya kanina.
Naunang umuwi na sina Zero at iba dahil nga baka gabihin pako, mag commute na lang ako mamaya. Paakyat nako sa may SC office, tinanong kona rin naman si Chance kung pwede ba talaga at pwede naman daw kailangan din nila ng extra hands.
Kumatok nako at binuksan ang pinto, maliit lang ang SC office at nakita kona ang iilan sa officers na gumagawa ng banderitas. Ngumiti naman ako sa kanila, napansin kong wala si Chance nasaan kaya siya.
"Umalis saglit si Pres, bibili daw ng merienda. Hindi pa kasi kami kumakain e. Umupo ka muna daw sandali doon." Mukhang nabasa niya iniisip ko.
"Ah hindi napo, tulungan kona kayo. Kesa naman po sa uupo lang ako." Nakakahiya naman kaya tumulong nako, simple lang naman ang ginagawa nila.
Habang nag didikit ako ay dumating na si Chancellor na may bitbit na plastic mula sa dunkin donuts. Ayos din naman pala tong mag libre ng merienda nila, yayamanin din.
"Anong ginagawa mo diyan? Tayo ka dali. Madumihan kapa, may meeting kapa mamaya." Tumayo lang ako para tulungan siya mag buhat.
"Ano kaba? I'll help. Alangan naman mag hintay ako diyan at tignan lang sila. Beside hindi naman ganon kahirap." Nakatingin na saamin yung mga officers at natatawa.
"Pres, wala ka pala kay bossing Au e tiklop." Pangasar ng VP for Businnes Aff.
"Bossing ko din to e." Natatawa niyang sabi, kinurot ko tuloy siya kaya napa aray siya ng konti.
Kumain na muna kami dahil gutom na gutom na sila. Bumili din ng milktea tong si Chance, hindi nako uminom noon dahil kakainom ko lang kanina. Kaya binigyan niya ako ng tubig.
Advertisement
"Mag commute ka mamaya? Umuwi na si Zero diba?" Tanong niya pagkatapos niyang kumain.
"Oo, pinauna kona baka matagal kami e." Napatango na lang siya.
"Text moko, hatid na kita. Matatapos narin naman kami mamayang 6 dito." Bakit ang aga naman nila matatapos.
"Bakit ang aga? Tapos naba talaga kayo noon."
"Yes boss, kanina pa kaming 7 dito walang tigil kaya kailangan namin ng pahinga muna. Natapos narin naman ang quota namin ngayong araw. Bukas ay ang gym naman ang gagawan ng design." See sobrang busy niya talaga.
"Okay kapa? Baka lagnatin ka niyan sa pagod." Kawawa naman siya kung mangyari yon. "Okay pako, sanay nako sa mga ganito since freshmen year ay tumutulong nako." Sabagay, masyado siyang devoted sa pagtulong sa mga events sa school sabi ng iilang kong kakilala.
After kumain ay balik paper works na siya para sa mga sponsorship, pati mga pinapapirma sa mga heads. Ako naman ay tumulong na ulit sa pagdidikit, kailangan na atang isabit ito bukas e or sa friday ata.
"Aurelie, 5:20 na sige na punta kana kay Pedro. Text kita pag papunta nako mamaya doon." Nagpaalam nako sa mga officers at nag punta na sa EB.
Pagkarating ko ay saktong pinapalabas pa lang sila ng prof nila, nag hintay na lang ako sa may gilid ng room nila. May iilang bumabati at ngumingiti kaya medyo nahihiya ako.
"Aurelie, halika pasok kana. Hintayin lang natin saglit yung iba palabas narin niyan sila." Umupo na lang ako sa may gitna tabi ni ate Jam, dahil siya mostly ang nakakausap ko.
"Au, may lumalapit naba sayo? Nangugulit ganoon?" Ah para sa mr. and ms. Foundation siguro.
"Wala pa ate, at kapag meron hindi ko rin naman tatanggapin ate." Tumango na lang siya.
Dumating narin ang mga iba kaya nag start na kami, unang pinagusapan ay ang booth.
"Anong gusto niyo?" Tanong ni kuya Peter.
"Dito tayo sa may Student Center diba?" Tumango si kuya Peter. "Why not perya games?" Tanong ni Ate Erica.
Sumangayon naman kami since nauuso nga yan ngayon mga color game, yung balloon pati baril baril. Yan napili namin, mag titinda rin kami ng iilang foods and drink ang 2nd year ang bahala sa foods kami namang 1st year ang sa drinks.
"Anong drinks bebenta niyo Au?" Tanong ni Kuya Peter. "Antayin na lang po namin yung desisyon kung anong bebenta nila Ate Jam para ibagay yung drinks na ibebenta." Tumango na lang siya ay tinuloy amg discussion about sa preparation since madaming kailangan gawin.
Nag text na sakin si Chance na papunta na siya dito, after mga 3 minutes ay may kumatok kaya napatigil saglit si Kuya Peter.
"Chance dude, bakit nandito ka?" Tanong ni Kuya Peter. Ngumuso naman sa direksyon ko si Chance at napangiti ng nang aasar tong si Kuya Peter.
Umupo sa tabi ko si Chance binaba ang bag at nag cp since wala naman siyang magagawa dito. Inaantay lang talaga ako para mahatid, nag tinginan tuloy ang iba saamin kaya ngumiti na lang ako ng konti kahit nangaasar sila.
"Okay Chance dude total nandito ka, tanong lang namin kung approve ba tong booth namin." Nag explain naman si Kuya Peter.
"Maganda wala pa naman akong nababalitaan na may ganyan na plano sa iba, pero okay lang kung may kapareho kayo since dito naman kayo sa EB. Pwede rin naman pumunta ang mga ibang colleges dito kaya okay narin yan, mag promote nalang din kayo sa may Main."
Simpleng sabi ni Chance at bumalik na sa pag cp niya, nakita kong nag lalaro siya ng ML.
"Okay okay, settled na ang para sa booths. Next is nag hahanap ng representative ng CET na ilalaban sa pageant. Kailangan daw ay may representative tayong for screening sa Wednesday. Any suggestions kung sino?" Heto na ang kinakatakutan ko.
"Si Aurelie kaya." tanong nung isa pang 5th year. "Ah no po iba na lang po, madami din naman maganda sa mga kaklase ko po." Tanggi ko agad.
"Okay sige, bukas puntahan namin kayo sa isa sa mga klase niyo at titignan kung sino ang pwede. Pero Au, madami ng professors ang natitipuhan ka para ilaban." Medyo humina yung tono ni Kuya Peter sa bandang dulo.
Napatingin naman si Chance saakin dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya at nag smile na lang ako. I don't know what to say, ayaw ko naman talaga pero yung mga profs kasi. Tignan nalang natin bukas.
Tinuloy na lang ang meeting at natapos na kami bandang 7:30 na kaya umuwi narin kami agad katapos. Lumipat kami dahil nasa Main daw ang kotse ni Chance. Kanina pa siya tahimik, baka pagod.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumipat na sa driver's seat. Habang nasa biyahe ay tahimik din siya, malayo pa ang byahe namin.
Actually mas mauuna mong madadaanan ang subdivision nila Chance kesa saamin, ewan koba bat nag volunteer siya na ihatid ako. Malapit na kami saamin ng bigla siyang magsalita.
"Aurelie, if you really don't want to do it then don't. Always remember that your opinion about this is valid. Hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo sa mga bagay na ayaw mo."
He's right, if I really don't want to huwag kong ipilit. But I want to try also, let's see.
Love, Lara...
Follow me on twitter: 26clairdelune
,
Thoughts?
Sorry for all the typos and wrong grammars.
#GSDecision
Advertisement
Once Human
Kidnapped, infused with an unknown substance and given an orientation on survival statistics and adaptive evolution from a disembodied voice isn't the best way to wake up after a night of drinking. Finding out your dangling in a metal box above, what appears to be, an alien planet that is to be your new home only makes things worse. With no answers, a plethora of mental health issues, that might just give him an edge if they don't get him killed first, and a strong aversion to being told what to do, a hapless human is deposited onto the Planet Evo with a single mission. Survive. Fiction will contain strong language, gore, sexual content and scenes/concepts that may be traumatising. Read at your own risk.
8 82Walking The Jiang Hu
Ip An, an ordinary village boy suddenly gains the chance to enter an immortal sect by his grandfather on his deathbed. However, once he reaches the sect it is revealed that he isn't able to cultivate! Despite this he is unwilling to back down and wishes to simply make his grandfather proud. Soon, he becomes content with just practicing the mortal martial arts with his strangely eccentric, and mysteriously strong teacher. However, one day he offends a senior's nephew and is consequently sent to the frontlines of an inter-continental war that has been occurring for several centuries! Can Ip An, a mere mortal, survive or even thrive amongst countless war-crazed and bloodthirsty cultivators who could squash him like an ant? [participant in the Royal Road Writathon challenge]
8 100Equilibrium
A normal citizen, a normal life, a boring daily routine. every thing goes the same way and that every day. Not accepted in society, developing a hate for all and everything.BUT, a complete new chance , a second chance estimates as you were chosen by God to become a deity yourself. This is the story about such a citizen becoming the deity of Equilibrium. How will he change the worlds? How will he be affected?Well I´ll tell you Hope you can enjoy and please give me suggestions and your opinions this will contain gore, splatter, strong language and maybe sex
8 192Howl of Creation
Wandering through the boundless landsWhere is home?Sitting alone under the night skyWhat is family?He had been running from mighty cultivators, but he didn’t fear death.He had been brawling against demonic beasts over food, yet he had no urge to survive.Although standing on the crowded road of the lively big city, the world seemed empty around him. Even when her tender lips touched his bare chest, his heart still felt heavy.He remembered the old farmer in the village, telling the children to accept their fate, and the young saint on the gory battlefield, commanding his fellow brothers to challenge their own. But what if he didn’t even have a fate?Standing on the snowy mountain summit, he reached out his bloody hand to the stormy sky. Roaring thunder shook the whole world. He felt suffocated by his own, seemingly worthless existence. A bitter smile appeared on his withered face, as he closed his eyes. From somewhere resounded a soft singing voice.Scream! when your heart feels heavyWhen the world seems empty, scream!Series: LATENTBook I: Howl of Creationby Powonyou
8 191The Man Who Got Dragged Into Another World
Luki, who originally was jobless suddenly die. He really excited when he thought he died but God from another world really disappointed him by sending him to another world without his permission! "I don't want to go to another world! I just want to die!" "Because of your impudent behaviour, you have been granted immortality until your task is done!" said God. "GODDAMNIT!" Thus begin his adventure to erase his immortality and rest in piece, if he didn't end up rest in pieces! PS: My first story and my first writing in English because it is not my mother language.
8 128Harry potter one shots (and smut)
I will be writing imagines/one shots and smuts! Enjoy.This book is a LQBTQ friendly area, with some LGBTQ one shots and soon some smuts.
8 192