《Love Me (On - going)》15th
Advertisement
Palawan
Tala's Point of view.
Kinabukasan na nang hapon ako nakarating sa palawan. Si Liam? Mukhang nauna na dahil nang daanan ko siya kanina wala nang tao sa unit niya.
Dahil alam ko naman ang location ng resort ay mabilis akong nakarating doon. Hindi naman ito ang unang beses ko makapunta dito, matagal na ang resort na ito. Binigay lang ito ni Daddy kay Allen dahil hindi na mahandle ni Daddy gayong sa California siya nakabase at nanirahan with my Grandmother.
Isang malakas na tugtog ang bumungad sa akin nang tuluyan marating ang resort. Mukhang madaming tao ngayon dahil Linggo, dagsaan kase ang mga tao dito every saturday and sunday.
"Tala!" agad akong napatingin sa pinanggalingan nun. I saw Venice wearing an one piece swimsuit and short short. Mas lalo tuloy lumitaw ang hubog niyang katawan na siyang pinatitignan ng ibang kalalakihan.
"Hey!" aniya ko at niyakap siya. Gumanti naman siya nang yakap at maya-maya pa ay kinuha niya ang hindi kalakihang shoulder bag na dala ko.
"Ilan dala mong damit?" anang tanong niya.
"Tatlo." maikling sagot ko at sabay kaming pumunta sa hotel ng resort. Ilang taon na din simula nang makapunta ako dito, mas lalong gumanda ang resort. Thanks to my Brother!
"Where's Allen?" biglang tanong ko.
"Oh! He's with Liam. May pinuntahan silang dalawa." mabilis na sagot niya. Mukhang okay lang sa kaniya na magkasama ang dalawa.
"Ayos lang sayo?" aniya ko, napansin ko siyang natigilan at maya-maya pa ay tumango.
"Do you know Liam love Allen, right?" agad kong tanong nang makapasok kami sa hotel room na para sa akin lang. Enough para sa dalawang tao lang ang kama pero malaki, may sariling banyo at mini refrigerator.
"I know that from the very start. Wala naman akong magagawa kung anong meron sila ngayon." malungkot niyang sagot na siyang kinasakit sa akin. So tama nga ang hinala ko? Yung someone na tinutuloy niya kahapon ay si Liam?
Advertisement
"Did Allen know that Liam loves him?" usisa ko pa. Tumango lang si Venice bilang sagot at tahimik na umupo sa kama.
"He knows. Liam confess already about his feelings, they also spend the days here before we get married." pilit siyang ngumingiti habang nagsasalita. Nakikinig lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong reaksyon ko.
"They kissed." biglang lumabas iyon sa bibig ko dahilan para matahimik siya maya-maya pa ay mahinang hikbi na ang narinig ko.
"I know. I saw them before akong umalis ng mansion, saktong pag-alis mo ay yun din ang pag-alis ko papuntang pampanga." aniya pagkatapos ay parang walang nangyari siyang tumayo at nagpunas nang luha. Inayos niya ang buhok na nakatugay at itinali papusod.
"Magpahinga ka muna kase mag-aasikaso pa ako nang mga dayuhan. Dadaanan na lang kita pagkakain na ng hapunan." aniya at hindi na ako inantay magsalita dahil mabilis siyang lumabas. Nakauwang lang labi ko na nakatingin sa mismong pinto na nilabasan ni Venice.
Hindi makapaniwalang umupo ako sa kama at syaka ko na lang napansin na hindi lang pala ako ang tumuloy sa room na ito dahil may isang kulay pink travel bag sa may gilid ng kabinet.
Bigla akong napatingin sa pinto nang marinig kong bumukas ito. Iniluwa nun ay si Liam habang may suot na kulay puting sando habang ang buhok niya ay messy na akala mo hindi nagsuklay.
"What the hell?" anang sabi niya nang makita ako sa loob ng kwarto. Mabilis akong tumayo at tumingin sa kanya.
"Dito ako hinatid ni Venice." maikling paliwanag ko pagkuwan ay mabilis na lumabas ng kwarto. Alam ko naman ayaw niya akong makasama kaya hindi ko na hinintay na pagtabuyan pa niya ako.
Nang makalabas ako sa hotel ay mabilis kung nakita si Venice na kinakausap ng mga kalalakihan.
"Venice, wala na bang available room? Hindi mo sinabi na si Liam pala kasama ko." aniya ko, bigla naman siyang natawa at umiling bago sumagot.
Advertisement
"Pft! Oo nga pala, sorry. Syaka ano, puno na din kase yung mga room kaya wala talaga akong choice kundi isama ka kay Liam." anang sagot niya.
"Ganun." sabi ko na lang at akmang tatalikod ng magsalita siya.
"Gusto mo talagang ilipat kita? Sige hahanapan na lang kita mamaya, tatapusin ko lang ito." mabilis na sabi niya kaya binalik ko ang tingin sa kanya at umiling.
"Hindi, huwag na lang." sagot ko pagkuwan ay naglakad.
Hindi ako bumalik sa loob ng hotel, naglakad lang ako papunta sa gilid nang dagat at umupo sa kalayuan na hindi masyado napupuntahan nang mga tao.
Tahimik lang akong umupo doon at pagkuway kinuha ang earbuds para makinig nang music.
Habang nakikinig ay hindi ko maiwasan mapatingin sa mga taong masayang naliligo kahit maghahating gabi na.
"Hey, miss beautiful." agad kong tinanggal ang nasa kaliwa kong tenga na earbuds at ngumiting nagtatanong sa kalalapit lang na lalaki.
"Bakit ang lungkot mo naman dito?" aniya sabay upo sa tabi ko. Dahil wala ako sa mood magtaray ay hinayaan ko na lang siya beside mukha naman siyang hindi mangangain ng tao.
"Porke nandito, malungkot agad? Hindi ba pwedeng gusto ko mapag-isa?" natatawang tanong ko syaka tinanggal ang earbuds sa tenga.
"Hindi ka na nag-iisa kase nandito na ako ngayon. Katabi ko pa nga." biro niya kaya natawa ako ng mahina.
"Ang corny mo masyado." aniya ko.
"Oh, I'm Conrad Ramirez." pakilala niya habang inilahad ang kamay sa akin na siyang tinanggap ko naman.
"Krystal Ann." maikling sagot ko pagkuwa'y humiwalay sa pagkakahawak.
"Ang boring dito, ayaw mo bang maglakad-lakad?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.
"Wala akong alam na masyadong puntahan dito." aniya ko at binalik ang tingin sa mga taong patuloy pa rin sa pagligo.
"You want to come with me? May alam ako na tiyak na magugustuhan mo." anyaya niya. Tumango naman ako at tumayo pagkuway sabay kaming naglakad papunta sa puro puno.
Huminto kami sa harap nang hugis hagdanan na mga bato at inalalayan niya akong makaakyat habang siya ay nasa likod na nakasunod sa akin.
Hanggang sa marating namin ang pinakataas ng batuhan, dito kitang-kita mo yung view ng buong resort.
"Paano mo ito nalaman?" aniya ko na nakangiti.
"Ilang buwan na kaming pabalik-balik sa resort na 'to kaya napagpasyahan ko na humanap ng lugar kung saan makikita ko yung buong natawin ng isla." mahabang litanya niya habang ako ay tumatango-tango.
"Taga dito ka ba?" tanong ko.
"Nope. Galing kami sa Quezon city, how about you? Taga dito ka ba?" balik niyang tanong kaya umiling ako.
"Taga California ako, pero may condo unit ako sa Makati. Nag bakasyon lang ako dahil kinasal yung nakatatanda kong kapatid." aniya ko dahilan para mapabungisngis ang katabi ko habang nakatingin sa akin. Umuwang ang labi ko dahil sa way ng pagtawa niya.
"What?" aniya mukhang nahihiwagaan siya sa tingin ko kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"Are you gay?" aniya ko dahilan para mawalan siya ng balanse, mabilis ko siyang hinawakan para sana alalayan pero huli na dahil sabay kaming bumagsak sa dagat. Mabuti na lang yung hindi mabato yung binagsakan naming parehas!
"Ahhh! Help!" mabilis niyang sabi kaya natawa ako ng malakas at ninaksihan siya ng tubig.
"Ang bakla mo naman!" natatawang sabi ko kaya natawa din siya.
"Paano mo nalaman?" takhang tanong niya na may ngiti sa labi.
"The way you laugh kanina." aniya ko akmang magsasalita pa siya nang bigla kaming napatingin sa tumawag sa pangalan ko.
"Krystal?!" it's Allen. Kasama si Venice at ang walang emosyo na si Liam.
Advertisement
- In Serial76 Chapters
Val Verde: Legend of the Supreme Leader
My name is Johnny Rico, and I was born to an island that has rarely seen good times. Between the machinations of Hydra, the greed of Cobra, and the do well intervention of the Justice League, or the Avengers. Val Verde has suffered. I have obtained the coveted title of the Supreme Leader. All of Val Verde is mine to command. Yet I have also inherited every problem that the previous Supreme Leader had neglected. It is as they say, there is no foundation quite like rock bottom.
8 77 - In Serial162 Chapters
The Man Who Killed the First Monster
Jason Park, a man with ambition. At a ripe age of twenty-nine, he took the risk to struck big at the cut-throat world of finance at Wall Street. Like any human in the whole world, money is everything. Yet for him, things didn't happen as he expected. Burnt out and failing another one of his job interviews, he dragged his feet over the sidewalk of New York City. Yet something unexpected happened, a cry for help coming from the dark alley of the city. A city well-known for its two sides of light and dark. He hesitated at first but his morality swayed him. He came to help but what he found only opened a door that he wishes it wouldn't open. He was the first and it wouldn't be the last. From green dollar bills to blue game-like windows. His reliance shifting to the latter. An encounter that will bring forth a New World order. A world hungry for blood, sweat, and tears. Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
8 137 - In Serial12 Chapters
Otherworld?
I'm just a normal girl living in modern world about to go to a camping trip with my friends on my very first summer vacation after entering High School. How did I ended up here...? ***Author's Note: This is just a random story I came up with since I have a bit of spare time. Please be gentle with your comments... lol (>_ Update: June 1, 2018: Hiatus. (TT__TT) I apologize to my readers. After I was sick with a nasty flu for 3 weeks, my life got super busy and won't be able to write anything until maybe the end of June or around mid-July. Update: May 12, 2018 The next chapter of Otherworld will be a little delayed... maybe a lot. I apologize for the wait. I'm currently down with a nasty flu for over a week now but I'm getting better and would be able to continue writting the next chapter. (^_^) Credit goes to Rinmaru Games for the front cover characters***
8 125 - In Serial42 Chapters
Where did it go wrong?
I reincarnated into a world but I had no talent. As I try to navigate my way through life I ended up attracting yanderes...Current Schedule: 7 chapters/week Discord: https://discord.gg/B746MyApVSCopr. 2021 BuriedInWork All Rights Reserved
8 189 - In Serial29 Chapters
Disastrous
Being kidnapped by the trapboys......but these aren't normal trapboysand she isn't a normal girlstart date: march 24th, 2022finished date: may 10th, 2022
8 166 - In Serial12 Chapters
Decs grief
Ant supports Dec through the death of his father.
8 68

