《Chasing Rainbows》15: A sudden turn of events

Advertisement

“Pusang gala mali yung sagot ko sa number 15!”

Napangiwi ako habang tinitingnan ang librong naglalaman ng topic sa quiz namin kanina. Sa lahat ng quiniz namin ay yun ang tumatak sa akin, akala ko kasi tama talaga yung sagot ko doon pero wala, mali pala ako.

“Ay weh? May naalala ka pa? Sureness?” Tawa ni Connor na ikinasama ko sa kanya ng tingin.

“Yun na ngalang naalala ko aasarin mo pa ako.” Sumimangot ako saglit pero ngumiti din agad. Today is a good day to be angry, hindi ko hahayaang sirain ng baklang 'to ang araw ko.

Tumayo na ako at nagsimulang magligpit habang kumakanta kanta pa. Hindi nakalampas sa akin ang nagtatakang tingin sa akin ni Connor. Para itong timang na nakataas kilay sa akin.

“Oh bakit? tingin tingin mo diyan?” Biro ko.

Natatawa itong umiling. “Ang creepy mong gaga ka. Nakakasilaw yung ngiti, wagas girl. Saya ata ng gising mo ah?”

I gave Connor a playful slap saka pabebeng tumawa. “Ako lang 'to, ano ka ba. Samahan mo nalang ako.”

Walang nagawa si Connor nang hilain ko siya patayo at palabas ng classroom. Kakatapos lang ng last period namin before lunch kaya libre na ang oras namin.

Last month, nagkaayos na si Connor at Sam. Medyo awkward parin pero nawala din naman nang pinakilala sa amin ni Sam ang jowa niyang mestizo o kung tawagin ni Connor, afam. Sinubukan pa ngang hingin ni Connor, pero syempre hindi pinayagan ni Sam.

At ngayon, naghahanda na ang halos lahat ng department para sa annual sportsfest ng university. Tinapos na muna ang mga quizzes para sa end ng semester bago simulan ang event para walang patong patong na study loads at mga quizzes.

“Ang bango.” Sabay singhot ko sa damit ni Connor. Nandidiri itong lumayo sa akin at pinanlisikan ako ng tingin. “Kasalanan ko bang ikaw yung lumapit sa akin?”

“Ew, correction, ikaw suminghot sa akin!”

Hindi ko ulit ito pinansin at uunahan na sana ito maglakad nang hawakan nito bigla ang likod ng damit ko at hinila ako pabalik sa tabi niya.

“Saan ka ba pupuntang gaga ka?” Anito, nakataas pa ang kilay.

Bumungisgis naman ako. “Kay Timothee.”

“Timothee nanaman? Baks, nakakaumay na yung muka niya ah. 'Di ka ba nauumay?”

Umiling iling ako. “Mas nakakaumay kaya muka mo.” Nag-beautiful eyes pa ako para mas lalo itong maasar at mukang effective naman dahil agad na napangiwi si Connor at pinanlisikan ako ng tingin. Yung singkit niyang mata, nawawala nanaman.

“Walangya ka.” At umirap ito.

Sabay kaming naglakad sa kalakihan ng university. Pagkarating namin sa may open field ay kitang kita namin ang cheering squad na nagpapractice, nakita pa nga namin si Esther kaso bawal siyang kumaway dahil nasa ere siya.

May mga soccer players din na nagwawarm-up at tumatakbo sa oval, pawisan na sila at hindi 'yon nakalampas sa mga estudyanteng nakatambay sa iilang gazebo o sa tabi tabi lang.

“Ayun si Timmy!” Tili ko at hinablot ang buhok ni Connor papunta sa direksyon nina Timothee. Sinubukang mag-complain ni baks pero hindi ko lang ito pinansin at mas lumapit sa kinaroroonan ng baby ko.

“Walangya bakla ka, masakit sa anit!”

I completely ignored him at napag-isipang tumambay sa kalapit na gazebo nina Timothee. Kasama nito sina Gabi at Maxy as usual at para silang stress na stress, nagyakapan pa sila. Ang cute.

Advertisement

“Ang cute ni Timothee.” Bulong ko saka nag-iwas ng tingin nang mapansin ako ni Gabi. Nakakahiya baka kung anong isipin niya.

“Hindi ba dapat nagpapractice siya para sa volleyball?” Komento ni Connor habang inaayos nito ang buhok niyang sinabunutan ko. Napatango naman ako.

“Oo nga 'no?” Sumulyap ulit ako. “Baka break time?”

Nagkatinginan kami saglit ni Connor bago parehong nagkibit balikat at naki-usyoso sa ginagawa nina Timothee. Matutuwa na sana ako dahil nakita ko nanaman ang pink na pamaypay ni Timothee kaya lang saka ko lang narealize na andoon pala si ate Rini.

Minsan talaga nakakalimutan kong kaibigan siya ni kuya Trevor. Hindi ko din gets kung bakit nagsiselos ako sa kanya?

“Muka kayong tanga.” Rinig kong komento ni ate Rini, napasimangot ako, ang cute kaya!

“By the way, 8pm mamaya ang mini concert sa CAC. Tuloy tayo diba?”

Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Timothee. Nagkatinginan ulit kami ni Connor, ako tinitingnan siya na parang nagtataka kung anong pinag-uusapan nila, siya naman ay nagkibit balikat.

“Pass muna ako, may lakad kami Kean.” Dinig kong sabi naman ni Gabi at kapwa kaming napatakip sa bibig ni Connor.

Wait, so Gabi is dating Kean? Yung soccer player? Wait... I thought he was with a girl?

Dahil hindi pa namin maproseso ay hindi ko narinig ang iilang usapan nila, ang sunod ko nalang na narinig ay pinag-uusapan na nila Timothee ay yung basketball player na Altobelli daw. Hindi na ako nakinig dahil masakit sa puso tsaka masakit sa tenga ang tili ni Timothee.

Umayos na kami ng upo ni Connor at nagkatinginan.

“Anong mini concert pinag-uusapan nila?” Tanong ko dito. Nagkibit balikat ang bakla saka binasa ang ibabang labi.

“Itanong mo kay Esther, siya naman ang may pake sa kung ano ano eh.”

Napatango ako. “Pupunta tayo.”

Dahil sa biglaang anunsyo ko ay sinamaan ako ng tingin ni Connor na para bang tinatantsa kung baliw na ba ako o nasisiraan ng utak— or both.

“Gaga 'to, bibiyahe pa ako baks baka nakakalimutan mo.” At umirap pa ito.

Pusang gala, Oo nga pala.

“Sagot ko pamasahe mo?” Pangungumbinsi ko ngunit sinamaan lamang ako nito lalo ng tingin, napasimangot tuloy ako.

For sure kasi kapag si Esther lang ang kasama ko ay iiwan ako nun mag-isa, sa dami ng kaibigan niya baka hindi niya nga ako maalala. Mabuting kasama si Connor, para instant chaperone.

“Nope, not gonna happen.” Connor crossed his arms saka nag-iwas ng tingin. Pa-hard to get.

“Okay fine, pwede kang makitulog sa amin ni Esther.” Nabuga ako ng hangin, napangiti naman si Connor.

“Sabi mo 'yan ah!”

Napairap ako. “Manipulator ka.”

“Excuse me! Ikaw kaya 'tong may gustong samahan kita, ako pa manipulator? gagang 'to.” At tumawa pa ito, lalo pa't alam niyang dehado ako at panigurado, bugbog sarado nanaman ang katawan ko dahil sa likot nitong matulog.

I sighed. Para kay Timothee.

* * *

“Girl wala akong marinig!”

Tili ni Connor kahit malayo pa kami sa venue. Gusto ko siyang sabunutan ngunit ngumiwi nalang ako at binatukan siya.

Ni-hindi pa nga kami nakakapasok sa mismong venue ay sumisigaw na ito. Hindi ko pa nga naririnig ang tugtog eh. Ang OA.

Tumawa lamang si Esther saka kami niyaya palapit doon.

Nagsuot lang kami ng simpleng blouse at shorts ni Connor samantalang kumikinang kinang naman ang maikling dress ni Esther na pinatungan lang ng danim jacket. Napapangiwi nalang kami ni Connor, sana all.

Advertisement

“Bakit may pa-concert dito? Pinayagan ba ng university?” Tanong ko kay Esther medyo sumisigaw na dahil narating na namin ang venue. Marami na ang tao at lahat sila ay nakikikanta na sa isang bandang nasa stage.

“Gaga ka ba? Malamang pinayagan sila, sa lakas ba naman ng concert chuchu na 'to.” Sabay batok sa akin ni Connor. Sinamaan ko ito ng tingin, na sinuklian din ng masamang tingin kaya nagsukatan kami.

“Guys can you like chill? This is like ano kasi, concert with a cause? Idk, basta nagbenta lang sila ng ticket or something tapos para sa building ang kikitain nila.” Sagot ni Esther.

Si Connor naman ang napataas ang kilay. “Don't they have donations?”

Oo nga 'no.

Nagkibit-balikat sandali si Esther bago ngumiti. “School spirit!”

Pagkatali nito ay sakto namang umingay lalo ang mga estudyante kasabay ang nakakabinging kumpas ng drum at nakakaindak na rhythm ng bass.

Napailing ako. Wow.

Sa ngayon, tinutugtog ng isang banda ay ang kanta ng IV of Spades na come inside of my heart at lahat ng estudyante ay nakiki-vibe sa kanta. Mas lively ngalang pakinggan dahil babae ang kumakanta at medyo ginawa nilang punk. Ang galing.

“Asan na si Esther?” Sabay yugyog ni Connor sa balikat ko. Saka ko lang napansin na wala na pala ang bruha sa tabi namin.

I knew it!

“Tinangay na ng mga tao, halika na.” Ani ko at saka hinila si Connor para makipagsiksikan sa dagat ng mga tao para hanapin si Timothee.

Pusang gala, sa dami ng pumunta parang mahihirapan akong hanapin si Timothee nito eh.

Kahit pa pinagpapawisan na kami kakahanap ni Connor ay nagsumiksik parin kaming dalawa sa mga tao. May mga tinititigan kami ng matagal sa pag-aakalang si Timothee ito pero hindi naman pala. May nga bumabangga pa sa amin na akala mo naman sa kanila 'tong concert. May nga magjowa pa na nagva-vibes— pusang gali ew.

Napatigil ako nang may makitang pamilyar na pigura. Medyo lumapit ako at tama nga ang hinala ko, si kuya Trevor 'yon, may kasamang babae.

Wait, 'yon yung dinidate ni Gabi diba? What?

Biglang nag-iba yung movie kaya nagsigalawan nanaman ang mga tao at hindi ko na nakita si kuya Trevor kasama ang babae niya, charot.

“Coco, 'di ko na keri. Pwedeng pahinga muna tayo saglit?” Hinawi ni Connor ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya, pawisan na nga siya pero kahit ganun hindi naman siya mukang haggard. Pakiramdam ko haggard na ako.

“Baks, 'wag mong kalimutan na ang pinunta natin dito ay si Timothee.” Reklamo ko at akmang babalik sa paghahanap nang hawiin ulit ni Connor ang braso ko at ipinaharap sa kanya.

“Coco, nahihibang kana hindi mo ba nakikita?”

Napaawang ang labi ko. “Connor, wala akong panahong makipagtalo sa—”

“Walangya Coco, pwede ba for once 'wag ka munang lumandi?!”

Napatigil ako.

Napatigil din si Connor nang ma-realize niyang sinigawan niya ako. Napakurap ako, bumagal ang paghinga ko. Gusto ko siyang sigawan bigla pero hindi ko kaya.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin at saka ko napansin ang pagsisisi sa muka ni Connor. “Coco, hindi 'yon ang ibi—”

“What the hell Connor?” I swallowed the lump in my throat. “Ano bang problema mo?”

Umiling iling pa ako sa kanya. Akmang hahawakan niya ulit ako pero umatras ako.

“Baks... sorry.” Hinawakan ni Connor ang kamay ko, bahagya lamang akong umiling.

“Connor would you please... let me go?”

Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero sa mga oras na 'yon, gusto ko na munang lumayo mula sa kanya.

Kita ko ang lungkot sa muka ni Connor pero imbes na bitawan ako ay humigpit ang hawak nito sa may pulso ko.

“Baks sorry.”

Napalunok ulit ako. “Let me go.”

Narinig kong may in-announce ang vocalist ng isang banda pero hindi ko na 'yon naintindihan dahil sa sukatan namin ng tingin ni Connor. He frustratedly roll his eyes bago niluwagan ang hawak sa kamay ko, setting me free.

“Coco—”

Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil nagtatakbo na ako paalis mula doon. Wala akong pake kung nababangga ko ang ibang tao. Wala na akong pake pero gusto ko lang umalis doon.

Nagsitulo na rin ang mga luha ko ng walang dahilan.

Nakakainis, sabi ko 'di na ako maaapektuhan eh! Sabi ko ibabaon ko nalang ang lahat sa limot at magkukunwaring never 'yon nangyari. Pero isang salita lang, bumalik nanaman ang lahat.

Pusang gala naman oh!

Napunta ako sa medyo may kadiliman na lugar, may mga puno din doon pero maninipis lang at malalawak ang pagitan. Rinig ko parin ang musika pero hindi ko na 'yon pinansin.

Napaupo ako at napayakap sa tuhod ko saka nag-iiiyak.

Malandi.

Pusang gala sino bang malandi? Sasampalan ko! Ako malandi? Hindi ba pwedeng makulit lang?

Dahil sa inis ay napapadyak ako at napamura. “Pusang gala kayong lahat!”

Tama, pusang gala silang la—

“Ay talong na gala!”

Napapitlag ako nang may pigurang lumabas mula sa kung saan. Napapitlag din ito sa gulat nang makita ako at dahil sa naging sigaw ko. Napakurap ako.

“Punyeta girl! Papatayin mo ba ako sa takot?! Wait, my goodness, nagpapalpitate pa puso ko. Kaloka.”

Napakurap ako ulit at prinoseso ang itsura ng taong nasa harapan ko, mula sa boses nito hanggang sa unti unti kong makita ang muka nito.

“Timothee?” I bit my lower lip at nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko. Pati puso ko nagpapalpitate.

“Ay?” Anito at dahan dahang lumapit sa kinauupuan ko, nang maaninag ako nito ay huminga ito ng malalim na para bang nabunutan ng tinik sa soob. “Bebe girl? Ginagawa mo ditey? Madilim girl.”

Bahagya kong pinunasan ang luha ko bago siya nginitian at hinigpitan ang yakap sa tuhod ko. “W-Wal—”

“Umiiyak ka nanaman?”

Napakurap ako dahil sa sinabi nito.

Nang mapansin niyang hindi ako nakagalaw ay natatawa itong naupo yumuko, akala ko kung anong gagawin ni Timothee pero nagulat ako nang maupo ito sa tabi ko.

“H-Huh?” 'Yan lang ang lumabas sa bibig ko, sinusubukang iproseso ang sinabi niya.

“Sabi ko, umiiyak ka nanaman girl. 'Di ba napapagod 'yang tearducks mo sa kakaiyak? Kinabog mo si juday.”

Napakurap kurap ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ngayon niya lang naman ako nakitang umiiy—

“Rejected ka nanaman ba ulit?”

Pusang gala.

* * *

WAIT DI AKO PREPARED TIMOTHEE HSHSHSHS

sana nagustuhan niyo yung cameo ni Gabi lol

miss ko na sila hehe, sorry talaga sa late ud ko

anyways, stay safeeeeee always, god bless u all

ps. medyo shiniship ko na si Tim tsaka Coco :3

    people are reading<Chasing Rainbows>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click