《Chasing Rainbows》13: The art of denying
Advertisement
Jealousy my ass.
“I'm not jealous, okay? Wala akong pake kung dinitch ako ni Timothee for ate Rini o kung mas close na si Sam kay Connor, wala akong pake.” Diin ko pa. Akmang magsasalita pa si Esther nang dumating na ang isang waitress bitbit bitbit ang inorder namin.
“Your call, Coco.” She sighed in defeat bago nagsimulang kumain. Sumulyap naman ako sa labas ng kainan kung saan nakatalikod mula sa amin si Connor at busy sa telepono.
Lumamig sana ang pagkain niya o kaya madapuan sana ng langaw para sumakit ang tiyan niya.
“Coco, tingin ka sa harap.”
Bigla akong siniko ni Esther sa tagiliran, I gave her a confused and annoyed look pero para lang itong tanga na nguso ng nguso sa tapat namin. Hindi ko alam kung bored nanaman siya o ano pero lumingon nalang din ako.
Pusang gala.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang makita si Ate Rini na kunot-noong nakatingin sa akin, parang kinikilala niya ako o ano. Kaya labag man sa kalooban ko ay itinaas ko ang kamay ko at kumaway sa kanya.
“Coco!” She beamed. Akala ko tatayo siya at lalapit sa amin o kaya naman ay kawayan din sana ako pabalik, you know para lang civil tingnan, but she didn't.
Ate Rini stood up, hindi para lumapit sa amin, pumunta siya sa counter kung saan parang nakikipagtalo si Timothee sa tindera. Natigil lang si Tim nang kalabitin siya ni ate Rini at tinuro ako.
Teka, tinuro ako?!
“Omg he's looking yata for you!” Gatong ni Esther and I can't help but be flustered by the thought. Parang tanga, ba't naman ako hahanapin ni Timothee?
“Bebe girl!”
Ayokong ngumiti. Ayoko.
Nahihiya kong tinaas ang kamay ko at nakangiting kumaway kay Timothee na nakangiti nang nakatingin sa akin.
Akala ko ii-snob niya din ako tulad ng ginawa ni ate Rini pero halos atakihin ako sa puso nang maglakad ito palapit sa direksyon namin, si ate Rini na tuloy ang nakikipag-away doon sa tindera.
“T-Timothee.” I stuttered habang nakangiti sa kanya. Sabing hindi ako ngingiti eh.
“I've been looking all over for you girl. Akala ko nakaalis na kayo.”
Seryoso?!
“Um, hindi pa naman. Bakit sana?” Napasapo ako sa noo ko mentally. Bakit ang formal ko pakinggan? Asan ang confidence na inipon ko? Bakit biglang naglaho?
“Ibabalik ko sana yung payong mo girl, oh.” Inalis niya mula sa balikat niya ang tote bag na dala niya saka naghalungkat mismo sa harapan namin. “Ito, thankie so much ah!”
I blinked thrice. “N-No problem, anytime.” Huminga ako ng malalim bago inilagay yung payong sa bag ko. “Hindi kana sana nag-abala pa na pumunta dito para lang ibalik 'to.” I scoffed. Nahihiya ako syempre.
“Ano? Girl no, plano ko na rin talagang dalhin ditey yung mga friends ko kaya lang ayern.”
Pahiya.
“Ay, eh ano, bakit si ate Rini lang?” Sumulyap ulit ako sa kinaroroonan ni ate Rini na ngayon ay pabalik na sa mesa nila. Napangiti ako. Ang gara niya tingnan kumpara sa akin na tamang tshirt at pants lang.
“Sa sunod nalang yung iba siguro, busy eh. Tsaka enjoy naman kasama yung gaga.” Sabay sulyap nito kay ate Rini na saktong napatingin din sa amin.
“Hi Coco, pakimura yung kuya Trevor mo para sa akin.” She said waving her hand at me na sinuklian ko din ng ngiti.
“Una na ako girl, eat well sa inyo ng frenny mo.”
Natigilan ako nang biglang hinawakan ni Timothee ang balikat ko at tinapik. Yung puso ko biglang sinakop ng kaba habang ramdan na ramdam ko ang init ng palad ni Timothee sa balikat ko. Pusang gala.
Advertisement
Hindi pa ako nakakagalaw nang dumako din ang kamay ni Timothee sa balikat ni Esther at tinapik ito bago siya bumalik sa mesa nila.
Nakatulala padin ako.
“My gosh, kinabahan naman ako sa patapik sa shoulders ni— what the hell Coco?” Natigilan si Esther dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
Inirapan ko lang ito at kinuha ang tissue sa mesa saka pinunasan ang balikat niyang hinawakan ni Timothee. Naka-sleeveless kasi ang gaga kaya malamang mas naramdaman niya ang init ng palad ni Timothee. I won't let her!
“'Di ka talaga jealous sa lagay na 'to ah?”
I ignored her and continued scrubbing her bare skin hanggang sa bumalik na sa table si Connor at tumili si Esther dahil sa pamumula ng balikat nito. He doesn't look so happy, para pa nga siyang badtrip.
Tumigil na ako sa pagscrub sa balikat ni Esther at sinipat ang baklang nakayuko at parang kada segundo bigla biglang mapapairap at mapapasubo ng pagkain. Huling beses ko siyang nakitang ganyan ay noong inubusan ko siya ng lumpia sa prom. Naubusan yung catering service eh.
“What's his problem?” Bulong ni Esther habang hinihimas ang namumulang balikat, nagkibit balikat lang ako.
“Hoy baks, anong problema?” Pinalo ko pa ang ulo nito para mapatingin siya sa akin. Ang sama pa ng tingin nito sa akin at parang manunuklaw ang singkit niyang mata pero kalaunan ay bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
“Baliw, wala naman.”
“Anong wala naman? Eh halos magsalubong na 'yang trimmed mong kilay eh.” Pangungulit ko pa pero sinamaan nanaman ako nito ng tingin.
“Wala nga, okay? Medj badtrip lang ganern, you don't need to know gaga.”
Mukang wala talaga siyang balak sabihin sa akin kaya bumalik nalang ako sa pagkain. I should bother him some other time, mukang badtrip talaga siya eh. Ayoko naman siyang ma-badtrip lalo dahil sa akin.
Bahala siya.
• • • •
Sabay kaming naglalakad ni Connor pabalik sa classroom namin, wala na si Esther dahil mas nauna siyang umalis kesa sa amin, mas maaga yata ang klase niya.
“Anong sasalihan mo sa Intramurals?” Pagbasag ko sa katahimikan habang pinagmamasdan ang ibang estudyanteng nakatambay sa labas ng kanya kanya nilang classroom.
“Scavenger hunt maybe.” He joked so I glared at him. Yakap niya ngayon ang braso ko pero ang atensyon niya ay nakatutok sa phone niya. Ayos din kausap. Pasalamat siya lowbatt ang cellphone ko ngayon.
“Magtry-out ka kaya sa men's volleyball? You know, para pareho kayo ni Timothee.” Sabay siko ko sa bakla na napatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Tumingin pa muna siya sa taas na parang nag-iisip bago binalik sa akin ang atensyon.
“Ew, I would never.”
“Oy ang sama mo!” I glared at him. Kung maka-ew kasi parang diring diri na makagrupo si Timmy. Hello, honor kaya makalapit kay Timothee! Para sa akin, honor na 'yon.
“Mas masama muka nun! Gaga have you seen his face without make-up? Jusko ah muka siyang ni-rape na bading!”
Sinamaan ko siya lalo ng tingin. “Rape is not a joke, Connor.”
“Coco, my point is...” He sighed. “... He's not even that good looking kung fes lang talaga ang titingnan. Mas maganda ako dun, 'di ba obvious?”
I grimaced saka siya inirapan. Hindi ko alam kung anong nakain ng baklang 'to pero iisa lang ang sigurado; panis na siguro nakain nito.
Panis na ba yung tapsi?
“Ikaw? Anong sports ba sasalihan mo?” Pag-iiba nito ng tanong kaya medyo gumaan na pakiramdam ko.
I bit my lips before looking up, thinking of some sports I might join in. Hindi talaga kasi ako sporty. Siguro may background, pero hindi siya pang competition. Besides, hanggang ngayon parang hindi parin gumagaling ang paa ni Esther.
Advertisement
Baka ako pa ang isabak sa cheerleading. Pusang gala, over her dead body!
“Taga-cheer nalang sa inyo sa gilid.” Tawa ko na ikinatawa din ni Connor.
“Hmm, bet ko 'yan. Cheerleader kita.” Then he winked at me before averting his gaze back to his phone.
I blinked rapdily.
Luh?
May pakindat?
I tried shrugging it off hanggang sa makarating kami ng classroom pero kahit pa maupo na kami at mag-roll call na ang teacher, 'di ko parin maiwasang mapangiti ng walang dahilan habang inaalala ang kindat ng gaga. Pusang gala, ang gwapo eh. Nakakainis!
Whole period ng subject namin ay nakinig ako. After daw ng Intramurals ay may long quiz kami sa corporate finance— madalas pa naman bagsak ang mga estudyante dito kahit pa introduction at basic palang.
After the teacher's dismissal ay humalulipkip agad ako sa desk. Grabe, hindi kinaya ng utak at mata ko ang lessons. Para akong inaantok na.
“Hoy, 'di ka pa uuwi?” Connor slap my arm kaya inangat ko ng konti ang ulo ko at tiningnan siya.
“Luh? May two hours na subject pa tayo tapos uuwi kana?”
“Gaga, nakahithit ka ba? Kakasabi lang diba na wala daw yung adviser sa next sub, buntis daw!” Sabay tawa pa nito. “Akalain mo 'yon, nakaabot pa si mujer sa deadline, jusko akala ko talaga menopause na 'yon eh.”
Ako naman ang sumama ng tingin sa kanya kahit medyo nakakatawa nga. Ang sama kasi talaga ni Connor kay Mrs. Lydia porke't muka daw siyang si miss minchin kahit na ang bait naman ni ma'am. Judger lang talaga si Connor.
“Baka ikaw ang bigyan ng deadline ni ma'am kapag may nakarinig sa'yo gaga.” Saway ko pero humagikhik lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Imbes na bumalik sa pagpikit ay pinagmasdan ko nalang siya.
He's wearing a baby blue shirt this time na naka-tuck in sa isang high-waisted niyang denim pants na medyo maluwag dim, his hair is a little bit disheveled dahil sa hangin kanina sa labas, may konting double chin din na lumalabas dahil sa pagyuko nito.
Nakakainis, ang cute ni Connor.
Amoy na amoy rin mula dito ang pabango niya nang magspray siya sa sarili niya. Amoy baby na panlalaki, he also applied some liptint on his lips at saka pisnge, gamit niya pa ang cellphone niya bilang salamin.
I giggled. He's not just cute, but handsomely beautiful, if that word even exist.
“Cute na ba ako?” He suddenly asked while popping his lips to spread the tint, napakurap naman ako lalo na nang bigla itong lumingon sa akin at mahuli akong nakangiting nakatitig sa kanya.
“M-Muka kang may hotdog sa ilong at pisnge.” Pumikit ako ulit at sinubsob ang muka sa braso. Narinig ko pa ang pagsinghap ng bakla na medyo nagpangiti sa'kin.
“Gaga! Hindi naman diba? Huy seryoso ba? Coco umayos ka kundi malalagot ka sakin kaloka!”
I could only laugh while imagining him asking our classmates kung ayos lang ang cheektint niya. Ayos naman talaga eh, bagay nga sa kanya. Pero syempre 'di ko yun sasabihin. Bahala siyang mag-isip na mukang hotdog ang muka niya.
“Hoy gaga!”
Nakaramdam ako ng marahas na pagkalabit sa braso pero 'di ko 'yon pinansin.
“Isa Coco, sinasabi ko talaga sa'yo, naku!”
Kalabit nanaman.
“Coco sabi!”
“Ano ba?” Sa sobrang inis ay inangat ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.
Hindi ko ngalang iniexpect na nakaluhod siya sa harapan ko at kitang kita ko nanaman sa malapitan ang muka niya. Ang singkit niyang mata, maputing balat na may kakaunting pula dahil sa tint, yung labi niya na medyo dry pero kulay pula din.
H-Hindi ako makahinga.
“Hindi siya mukang hotdog right?” He asked, barely a whisper pero 'di ako makareact bukod sa panlalaki ng mga mata.
He is dangerously close!
“Diba?” He asked again. Napalunok ako nang sandaling dumako ang mata niya sa ibang direksyon, sa baba. Mas nanlaki pa ang mata ko nang makita ng malapitan ang pagtaas baba ng adams apple niya.
Pusang gala!
“Oo nalang.” I immediately look away at sumubsob nalang ulit sa braso ko, nanlalaking matang nakatingin sa desk ng upuan.
Pusang gala lang.
Ano nanaman 'to?
Bakit andito nanaman 'to?
Ganito rin ang naramdaman ko noong gabing sinayaw niya ako sa prom, bago ang tahasang pag-confess ko sa kanya.
Ganito kalapit... ganitong pakiramdam.
“Uwi na tayo.” Deklara ko saka tumayo at kinuha ang bag mula sa upuan. Muka namang natauhan si Connor na nakaluhod pa pala sa harapan, he gulped again before heading back to his chair, muntikan pa nga itong matumba, buti nahawakan niya ang upuan sa unahan niya.
Ang lampa talaga.
“T-Tara.” His voice cracked. Ang sarap niya sanang asarin kaya lang kumabog nanaman ang puso ko kaya hinayaan ko nalang. The tension was still there, pusang gala.
Tatalikod na sana ako at maglalakad paalis nang may mapansin ako sa muka niya.
“Muka ka nang kamatis, hindi hotdog. Buong muka mo ba ang nilagyan mo ng liptint? Gaga ka.” I chuckled looking at his reddened face. Mukang bumalik ulit siya sa ulirat dahil inirapan na niya ako saka nag-iwas ng tingin.
“Gaga it's called blush...”
I froze.
“...On.”
Dagdag niya sabay tawa.
Hindi ko na sana papansin 'yon nang makita kong namumula din ang tenga at leeg niya. I gasped.
Is he really... blushing?!
Walang imikan habang naglalakad kami palabas ng classroom, hanggang sa palabas ng building at university.
Tuwing titingnan ko si Connor ay nakatingin lang ito sa malayo o kaya naman busy sa phone niya. Hindi niya rin ako kinakausap. Tinanong ko siya kanina kung gusto niyang dumaan sa jollibee at mag-take out muna ng sundae at peach mango pie pero nagkibit balikat lang ito.
Kaya sa huli, hindi nalang kami dumaan.
“Fine.” I groaned, napatingin naman ito sa akin.
“Ha?”
“Sabi ko, fine.” Sabay buntong hininga ko ulit. “Hindi na mukang hotdog ang muka mo, muka ka nang cute na kamatis. Okay na ba? Papansinin mo na ba ako?” Sabay pamewang ko pa.
Nakita kong nanlaki muna ang mata nito bago biglang natawa. Yung tawang wagas na kinailangan niya pang imasahe ang pagitan ng kilay niya.
“Jusko gaga, so all this time iniisip mo na galit ako dahil sa sinabi mong muka akong hatdog?” Tawa ulit nito pero nagkibit balikat lang ako.
“Wala eh, ambilis mo magtampo.”
“Luh, oy gags 'di kaya! Ikaw mabilis magtampo satin eh. Noong nagpost ako ng panget mong selfie dahil birthday mo, 'di mo ako pinansin buong celebration gaga.” Irap nito, napatawa nalang ako.
“Isang linggo kong hiniling na 'wag kayong magpopost ng pangit kong pic pero anong natanggap ko mula sa'yo? Kinailangan ko pang i-untag sarili ko dun eh sa sobrang pangit.” Biro ko pa na ikinatawa niya nanaman.
I smiled habang nakatingin sa kanyang tumatawa. His smiles would never fail to make me smile too. Masyadong nakakahawa, masyadong maganda.
Napatigil ako nang medyo kumulo yung tiyan ko. Kulo ba? Hindi yata kulo, parang kiliti. Bumagal din ang pagtibok ng puso ko kaya nanlaki bigla ang mata ko.
Oh no.
Oh no no no.
Pusang gala!
Bakit ganito nanaman nararamdaman ko sa kanya? Akala ko friends nalang? Platonic nalang diba?!
“Ang funny talaga nun.” Pabiro pang hinampas ng baklang si Connor ang balikat ko pero 'di na ako nakikisabay. Gusto kong magpanic. Bakit bumabalik nanaman?!
Hindi pwede.
Ew no way.
“Coco? Ayos ka lang baks?” Hinawakan ni Connor ang balikat ko para tumigil kami sa paglalakad, tumigil naman ako at tinitigan siya sa mga mata niya.
“Anyare gaga?” He asked at tinaasan ako ng kilay.
Binuka ko ang labi ko, gusto kong magkunwaring okay lang ako pero 'di ko magawa kaya itinikom ko ulit. Ayokong masira nanaman ang pagkakaibigan namin dahil sa pusang galang feelings na 'to.
“Coco, are you okay?” He asked again and I opened my mouth, ready to roast him para kunwari walang mangyari when we both heard a voice.
“Coco? Connor?”
Sabay kaming napalingon ni Connor sa nagsalita at halos manlaki ang mata namin sa nakita, maliban kay Connor na mukang na-badtrip bigla dahil sa biglaang pag-irap nito.
“Sam!” I beamed with relief bago patakbong lumapit sa kanya at niyakap siya, sinusubukang kalmahin ang sarili.
“Hello Connor.”
Nakunot ang noo ko na imbes na batiin pabalik ay binati ulit ni Sam si Connor habang yakap yakap parin ako.
“Hope you missed me too.” She chuckled and thats when I pulled away and confusedly glance alternately between Sam and Connor.
“Anong meron?” I asked.
Connor rolled his eyes bago ako tiningnan. “Una na ako Coco.” He turned his back against us but it didn't feed my curiosity.
There's this weird tension between the both of them na hindi ko ma-pin point.
“Nag-away ba kayo?” Buntong hininga ko at tiningnan si Sam na nakangiti lang na nakatitig kay Connor.
“No.”
“Then what happened?” I asked again, lumingon ulit si Connor at sinamaan ng tingin si Sam samantalang bumaling naman sa akin ang atensyon ni Sam.
“I stole Connor's first kiss right after graduation.”
P-Pusang gala.
What....?
• • • •
LAMEEEELDKWNSISSJSJ stay safe (。’▽’。)♡
Advertisement
The Prime Dungeon
John died and was left in the void but a chance encounter gave him the chance to be one of the first four dungeon cores in a fantasy world. Will try to update 3 times a week for now though that is subject to change. Thanks, guys
8 176The War of Cinders - (Broken World)
"This world is as much the end of us, as it is the beginning of something completely new." - Unkown "My dear colleagues, esteemed thaumaturges and students, for over three thousand years we have endured the superstition of religious men, praying to so called gods, and calling us heretics. But today I am proud to tell you no more, because I will prove to all of you that these gods are nothing more than men with too much power!" This opening to a speech of the powerful Magi Suralzar was chiselled into the front gates of the greatest Thaumaturgical University of its time, for they have led to the most horrible and devastating catastrophe in human history.Now almost one-hundred years later the remnants of this world are thrown into another calamity, as the Sibalien Empire, led by Emperor Angus Bloomest the Third, seeks to subjugate each and every other nation for their almighty god. Follow a myriad of distinct individuals: A genderfluid Magi having lost their ambition, a steadfast Palladin who has only corruption on her mind, a lesbian Acolyte with more than a handfull of dirty secrets, a morally questionable Smith teaching a Golem? about life, a speach impaired assassin with out memory, . . .Each one of them has their own desires and motives, as they try to survive in these troubling times. They may have no knowledge of each other but their fates are about to intertwine in an epic world spanning adventure of love, hate, magic and the occasional murder.
8 68A Stone's Throw
Mackenzie Nichols has lost her grandfather Frederick. His sudden passing hits her and her family hard, but the Nichols are sturdy people. One of the few things she can take as a momento is her grandfather's old and strangely obediant cat, Macaroon. As the difficult day ends Mackenzie and her family learn that the funeral home preparing Frederick's body for cremation has been damaged by a burst water main. Though his body and the mortician are fine, he had to be moved to another home. Seemingly disturbed by this, Macaroon suddenly acts erratic and runs into the night. Worried, but not able to look for him, Mackaneize tries to sleep. She is awoken later that night when Macaroon returns home and uses the phone to call someone, talking to them. Surprised and confused Mackenzie follows him with the help of her friend Martin before being thrust into the secret world of her Witch grandfather and his fearsome familiar.
8 125Mystic Vacation~ Wizards of Waverly Place: The Movie
When (Y/N) was invited on the Russo family vacation, she couldn't say no, especially since Max promised it would be the vacation of a lifetime. But when Alex wishes her Mom and Dad never met it was up to the Russos and (Y/N) to help save the day (even if it meant exposing (Y/N) to the Wizard World).Story Cover and Page Breaks Credit: sprousevoid
8 268A Moth's Stories
Pictures have a thousand words.Let us find out for ourselves how many there are. IMAGES DO NOT BELONG TO MEI have recieved permission from the creator, who has allowed me to use their images.
8 98Unstable World
Being trapped in another world could be a dream come true. Being trapped in an unstable world where everything changes from one life to the next is an adventure. Garrett Bates learns the hard way what it means to be a hero, even when one fails over and over and over and over. Garrett Bates was an average high schooler until he died. Now, brought before a strange being, he is told he can try to be a Hero for a new World, but with every death, the World changes. Can Garrett find a way to save a world that's different each time he tries? New Chapters every MWF at 12:05 PM EST. Can also be read here at: https://www.webnovel.com/book/unstable-world_17722995705536205
8 175