《Chasing Rainbows》12: Jealousy is a familiar friend
Advertisement
“Harold ano nanamang pinagsasasabi mo diyan?”
Napakurap ako at saka ko lang namalayan na tapos na pala ang laro at palapit na si Timothee sa amin.
Ang sakit ng dibdib ko, para akong maiiyak ng wala sa oras. Kita ang inis sa muka ni Timothee pero hindi yun enough para makumbinse ako na nagsisinungaling si Harold. I mean, Timothee is gay, and Harold is a guy, if ever na nililigawan nga ni Harold si...
Ang sakit.
“Sorry mamsh! Omg 'di ko keri. Sorry beh ah, echos lang yun!”
Napakurap kurap ako.
“Walang hiya kang bakla ka, pinagtripan mo tong merlat na 'to 'no? Kung sino sino nalang.” Pinitik ni Timothee ang noo ni Harold na napahiyaw at napatawa pa. Natigilan ako.
Pusang gala bakla si Harold?
Bakla siya, kaya pala! Kaya pala ang linis ng kilay niya para sa isang lalaki! I should've known. Bakit hindi ko nahalata? Bakit? Pusang gala talaga.
“Sinetch ba kasi itong girl na 'to? Jolalay mo?” Harold pointed me with his lips habang si Timothee naman ay sinampal ulit yung bakla.
“Frenny nga diba? Kaibigan. Bobo mo girl. Umalis kana nga, nandidilim ang paningin ko sa'yo.” Nagtawanan sila saka nagbeso beso bago ako kinindatan nung Harold at pakembot kembot na umalis. Napanganga ako.
I feel so stupid.
“Girl, ayos ka lang?”
Napaangat ang tingin ko kay Timothee saka nakangangang tumango. “I Think?”
He smiled saka kinuha ang mga gamit niya. Nagsisialisan na din ang mga tao sa loob ng indoor gym at mukang pauwi na. Or magla-lunch na yata.
“Kumain kana?”
Napangiti ako ng bahagya. “Tapsi?”
“Sorry girl, kasabay kong kumain yung mga kaibigan ko. If you want you can join us?” Tumawa pa ito, naging ngiwi ang ngiti ko.
Pahiya, pusang gala, napahiya ako.
Akala ko niyayaya niya ako sa tapsihan eh. Matutuwa na sana ako.
“Ay, hindi na. Niyaya lang kita kasi d-doon kami maglalunch ng mga kaibigan ko.” Pagdadahilan ko nalang.
He smiled at me gently. “Ganern? Osige, una na'ko girl ah? Babush.” He gave me a flying kiss bago ako iniwan doon, sa loob ng walang katao taong court.
A-Amazing?
Ano na ngayon ang gagawin ko? I sighed bago napasimangot at napakamot sa ulo. Hindi ko na maintindihan si Timothee. Hindi ko mabasa ang nga kilos niya para sa akin.
“Sisig tayo.”
“Pusang gala!” Napatalon ako ng wala sa oras nang may sumulpot sa tabi ko. Connor rolled his eyes saka ako sinamaan ng tingin. “Akala ko ba nagtatampo ka?”
“Tampo? Sinong tampo? Drama mo gaga. So ano sisig?”
Napatawa ako saka hinigpitan din ang pagkakayakap sa braso niya. “Akala ko ayaw mo ng sisig dahil mahaba ang pila doon palagi?”
He just shrugged. “Si Esther papilahin natin.”
“Uy gaga, 'wag.” Tawanan lang kami hanggang sa makalabas kami ng gym. Pagkalabas namin ay naaninag ko kaagad si Timothee na naglalakad sa gitna ng field papuntang cafeteria.
I smiled, mag-isa lang kasi siya, wala pang payong. Baka mangitim.
“Baks, may payong ka?” Tanong ko kay Connor, he nodder saka binigay sa akin ang folding niyang payong. Naks, prepared.
“Pwede bang ibigay ko 'to kay Timmy?” Ngiti ko saka sinundot ang bewang niya. His eyebrows furrowed na para bang naiinis nanaman sa akin. Kakabati lang namin tapos galit nanaman siya.
“Gaga kung ibibigay mo 'yan, ede tayong dalawa ang matutusta!”
“Eh, sabi mo tutulungan mo ako kay Timothee? Bilis na, hindi ka naman nangingitim eh.” Pagpupumilit ko pa. Bumuntong hininga siya, minasahe ang ulo saka tumango.
Advertisement
“Ibalik mo rin agad sa akin ah, gaga ka.”
Napatalon ako sa tuwa saka kinuha ang folding niyang payong na bulaklakin pa. Halos takbuhin ko na din ang distansya namin ni Timothee.
“Timothee!” I shouted pero parang hindi niya ako naririnig kaya mas binilisan ko ang paghahabol sa kanya.
Pusang gala, I'm really chasing after him.
“Timothee!” Tawag ko ulit at parang sumabog sa tuwa ang puso ko nang tumigil siya sa paglalakad, nakatalikod parin sa akin. Tumigil muna ako dahil sa hingal. Konti nalang rin naman ang pagitan.
“Bebe gurl?”
Napaangat ako ng tingin, I smiled at Timothee before handing him the folding umbrella, bakas ang gulat sa muka niya nang iabot ko ito. Para siyang napapangiti na 'di makapaniwala.
“Baka kasi kailanganin mo?” I asked unsure. Nakangiting lumingon sa akin si Timothee kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Pusang gala, kinabahan ako sa mga ngiti niya. Baka mahimatay ako bigla.
“You know what?”
Napabaling ulit sa kanya ang atensyon ko nang masalita ito. Nakangiti siyang nakatingin sa payong na binigay ko at nakataas pa ang isang kilay.
“A-Ano?” I nervously fidget the hem of my shirt, patiently waiting for his answer.
“Mas cute ka if you're being confident. Chin up girl, ang mga ganyang beauty 'di dapat tinatago. Ocakes?”
Hinawakan niya pa ang baba ko at iniangat sa ere. 'Di ako makahinga, para akong hinihigop ng mata at ngiti niya. Lalo pa nang kumindat ito saka tumalikod sa akin at naglakad palayo habang binubuksan ang payong.
Napatitig nalang ako sa likod niya.
His hips is swaying gently as if it was done unconsciously. Palinga linga din siya allowing me to get a glimpse of his side profile. His overall built is slim but toned too kaya ang ganda tingnan ng fitted white top niya kapag nasa likod. Bumabakat ang likod niya eh.
“Mas cute ka if you're being confident.”
He called me cute?
Gusto kong tumalon bigla. Gusto kong magpagulong gulong at manuntok ng mga estudyanteng dumadaan sa harapan ko.
Pusang gala cute daw ako kapag confident!
Paanong cute ba? Paanong confident?
Confident naman ako ah! Kasalanan ko bang tumitiklop ako pagdating sa kanya? Napabuntong hininga ako at kinagat ang kamao ko para mapigilang ngumiti ng malawak.
Confidence. Coco. Confidence. Tama konting confidence lang, papasa na ako kay Timothee.
• • • •
“What on earth is she doing?”
“Gaga, mukang wala na sa earth ang utak ng kabute na 'yan. Nasa mars na yata, nauna ulo.”
Rinig na rinig ko ang 'bulungan' nina Connor at Esther pero nanatili lamang akong nakangiti sa mahabang salamin ng jeep na sinakyan namin. Nasa malapit kami sa driver kaya kitang kita ko ang sarili ko sa may pahabang salamin sa itaas lang ng windshield.
Sabi kasi ni Timothee, confidence. Kaya kanina pa ako nakangiti. I'm flashing my cute smile and I'm just being confident. Pero ewan ko ba sa mga kaibigan ko at nawi-weirduhan sa akin.
“Miss, may tinga ka ba?”
Natigilan ako nang magsalita ang lalaking nasa tabi ng driver. I heard my friends laughing pati na ang ibang pasahero na nakarinig.
Pusang gala, nahiya ako bigla.
Muka na ba akong tanga?
Inalis ko ang ngiti ko at napayuko nalang. Pilit tinatago ang muka ko sa maikli kong buhok pero wala rin namang silbi dahil sa ikli ng buhok ko.
Dapat siguro kay Timothee lang ako confident. Oo nga, siya lang naman ini-impress ko eh.
Natahimik na ako at nakayuko lang buong biyahe sa jeep bago kami makarating sa sisig house na pakay namin. Medyo may kalumaan na ito pero best seller pa rin ang sisig nila dito.
Advertisement
Highschool, kapag birthday ko lang yata kami tumatambay doon sa sisigan dahil ayaw na ayaw ni Connor na maghintay sa order namin. Bukod kasi sa laging punuan, maghihintay ka ng mesa para mabakante, maghihintay ka pa ng waitress na mag-aasikaso sa'yo, at maghihintay kapa sa order mo.
And Connor really hates waiting. Tuwing birthay ko nalang siya napipilit dahil regalo niya na daw yun sa akin.
Ang patience niya ay sing liit ng hatdog niya. Echosera ang bakla eh.
“Can we even go home after this?” Higit hiningang bulalas ni Esther as soon as we opened the door of the sisig house.
Lunch time kaya punuan talaga. Kitang kita din ang iilang taong naghihintay sa mga mesa na matapos kumain para maka-pwesto at makakain. Tapos ang iba ay reklamo ng reklamo sa counter.
Honestly, their service isn't a 5 star but their food is more than 5.
Just a little pinch of patience and you'll get bliss after it.
“I'm so not gonna wait for this.” Bulalas ulit ni Esther at saka lumabas na. Nagkatinginan kami ni Connor, I can see from his eyes na gusto niya na ding magback out pero for some reason, he's not being vocal about it. 'Di tulad ng dati.
“Labas na tayo.” Ako nalang ang nagyaya. Halata pa ang gulat sa muka ni Connor kaya nginitian ko nalang siya.
“Sure ka?” He asked doubtingly and I nodded.
“I'm not that into sisig anymore, pero may alam akong tapsihan?” I said enthusiastically, para makita niyang seryoso akong okay lang sa akin na 'wag dito kumain. But instead of relief, parang bahagya pa siyang nalungkot.
Maybe he missed sisig that much.
“Yeah, tapsi, sure.”
Nag-jeep ulit kaming tatlo pabalik sa university. Pero imbes na sa mismong uni huminto, sa may tapsihan kami tumigil. Unlike the sisig house, medyo kakaunti lang ang tao doon.
Puro kasi nasa McDo o Jollibee at chowking ang mga estudyante sa uni. Malapit lang din kasi sa amin kaya ilang lakaran lang andoon na, but for us na sawa na sa fastfood, mas prefer namin ang mga ganito lang.
“Finally! I can sit!” Ngiti ni Esther saka naupo sa isang plastic na upuan, tumabi naman ako sa kanya habang si Connor ay nasa tapat namin. May cast parin sa paa ni Esther pero tinuturuan ko parin siya ng steps na tinuro sa akin.
Mahirap pero kakayanin.
“So, ito ang tapsihan niyo?” Humagikhik pa ang gaga kaya napatawa nalang din ako.
'Tapsihan niyo' parang gusto ko 'yon.
“Wala manlang aircon, so ano? Pagpapawisan lang tayo at lalangawin habang naghihintay? Omg, so amazing.” Reklamo ni baks habang busy sa cellphone at patuloy sa pagpunas ng bimpo niya sa kanyang noo.
Napasimangot ako. Ang reklamador kahit kailan ng baklang 'to. Pusang gala.
“Alam mo Connor? Lumugar ka.” Tumatawang sabi ni Esther dahilan para mapairap si Connor. Nakitawa nalang ako kahit hindi ko gets. Kukunin ko narin sana ang phone ko at magi-scroll nalang sa instagram nang may matanaw akong pamilyar na payong.
Sure akong nakita ko na 'yon.
“Oo girl, I love your lipstick shade, saan mo 'yan nabili?”
Halos magpantig ang tenga ko nang makita ko si Timothee sa isang mesa, 'di malayo mula sa amin. May kasama siyang isang babae pero medyo natatakpan pa. Nang tumayo si Timothee para mag-order ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita.
“Ate Rini?”
Natigilan si Connor at Esther sa pag-uusap at napatingin sa akin. Nang mukang napansin nilang may iba akong tinitingnan ay lumingon din sila.
There I saw ate Rini sitting at the table where Timothee came from, nakayuko siya at kunot noo as always na nakatutok sa phone niya.
The familiar tugging from my heart resurfaced.
Bakit sila nanaman ang magkasama? When he said lunch with friends, si ate Rini ba? Gaano ba sila ka-close para kumain silang dalawa sa labas na silang dalawa lang?
Para akong hindi makahinga. Naiyukom ko ng mahigpit ang kamao ko at napatayo.
“Uy Connie what happened?” Esther grabbed my wrist, sinubukan niya pa akong paupuin ulit pero nanatili lamang akong nakatayo.
Any minute now, maaaring lumingon sa akin si ate Rini at makikita niya ang masama kong tingin sa kanya. She's been kuya Trevor's friend since I don't know when. Even though I ship kuya Trev with ate Rems, I always thought that ate Rini liked kuya Trevor.
Kaya ba hindi parin sila ni kuya Trevor dahil... gusto niya si Timothee?
Natigilan ako nang biglang tumunog ang phone ni Connor. Halos mabilaukan pa ito mula sa pag-inom ng tubig para lang masagot ang tawag niya.
Before he could even answer the call ay nakita ko na kaagad ang caller, and my heart sinked.
“Hello? Wait, kausapin ko lang 'to mga gaga ah.” Paalam ni Connor, hindi manlang tumingin sa akin bago naglakad palabas.
Tuluyan nalang akong napaupo at inis na tinitigan ang kawawang baso na nasa harapan ko. Gusto ko siyang itapon bigla, ang pumipigil nalang sa akin ay ang kahihiyan ko.
Pinagmasdan kong bumalik si Timothee sa mesa nila ni ate Rini. She even slap Timothee's butt at nagtawanan pa sila. Napatikom ako ng bibig. Ate Rini is so confident, kaya nga ang galing niyang leader. Type ba siya ni Timmy? But he's gay.
“Coco? Are you okay?” Esther asked while massaging my knuckles. I took a deep breath bago siya nginitian.
“I'm fine.”
Yeah, I'm fine.
I'm fine kahit na magkasama si ate Rini at Timothee ngayon. I'm fine kahit na lunch with friends daw ang pupuntahan ni Timothee but he's here with only Ate Rini. I'm fine kahit na nakita kong si Sam ang tumawag kay Connor.
Sam won't even reply to my chats ever since she left for college! Tapos ngayon si Connor ang kakausapin niya? At may plano bang sabihin sa akin si Connor na may contact na ulit siya kay Sam?!
Pusang gala. Ginigigil nila ako ngayon.
“You know what, Coco?”
Napatingin ako kay Esther na nagsalita. She's smirking while sipping from her glass of water. I stared at her blankly devoided by any other emotions.
“Jealousy is a familiar friend. You may deny it, you may ignore it, akala mo okay ka, akala mo magiging okay lang Pero once you saw him again with someone else. Boom, babalik nanaman.” She giggled and even gave emphasis on the boom word.
“Whats your point exactly? I'm just disappointed, akala ko—”
She cut me off.
“You see jealousy isn't the problem here, my dear Coco.” She giggled again and I frowned.
“Ano?”
“I know you're jealous and that's normal... but the real questions is,” Inilapit niya ang muka niya sa akin at ngumisi pa ang gaga
“Kanino?”
And that question.
That freaking simple question.
It bothered me the whole night.
• • • •
ANG LAME SO SORRY huhu, stay safe
Advertisement
Dead Tired
A young man stumbles into a deep, lost cavern, he seeks power and prestige, the ability to become someone, anyone, worthy of praise. When he finds an ancient crypt festooned in jewels and precious things he thinks himself the luckiest man alive. And then the lich in that crypt wakes up and kills him. That’s me. I’m the lich. Honestly, I just want to go back to sleep, and there’s no one, no ‘god emperor,’ sect, or uptight martial artist that’s going to stop me. Join the Official Discord to participate in discussions and view the next chapter being written live!
8 687The Patchwork Realms
Athos is a good dog. He likes frisbee, bacon, and his family (SmolFriend, Mom, and Dad). He's not so keen on falling through an interdimensional portal to a fantasy world where floating boxes tell you that you've just been given status as the 'Supreme Exemplar' of your species, a powerful package of abilities that includes human-level intelligence. Sure, being smart is nice but less so when it comes with the need to survive in a land made from bits of different dimensions stitched together like patches in a quilt. A thousand species, a thousand lands, sorcery and super science rubbing elbows, wars and intrigue everywhere...it's exhausting for a good dog who just wants to go home! Note that this is a work in progress with lots of fiddly numbers so I will occasionally need to go back and fix errors, and this might affect events of earlier chapters. I'll try to keep this to a minimum and will post a note whenever it happens. [participant in the Royal Road Writathon challenge]
8 470Dark Shade Chronicle
Sent away from his people to explore a new culture. Being placed into a new environment and lifestyle, will he conform or will he differ? Learning the mysterious art of magic and its power so mighty. Will it consume?This story is very explicit with brutal fights and uncanny death. All comments and criticism are welcomed. Though hopefully constructive if possible. This is my first try at a story. Hope you enjoy! :)
8 169The Legacy { Blackpink × Bangtan } ✔
Four teens who are united by fate are sent back home to Mount Olympus to their legendary Greek god parents.LiskookJirose ~This story is somehow in a way of a dialogue type of fanfic between two or more person.
8 446Aot x reader (book #1)
A single soul who is watching aot. Wake up, wake up, she's in the freaking anime!Also, I might accidentally add a manga spoiler in this fanfic. Not only aot but maybe kny too. So, if you wanna read, go on and enjoy. This is actually my first ever fanfic. 😁😁Attack on titan belongs to Hajime Isayama.Demon Slayer belongs to Koyoharu Gotouge.乃ㄖㄖҜ 1 ✔︎
8 138Sector B
Decha is a genius high-ranking general, called back to Austell from The Outside by the council. Theodore Chen, the director of the Crime Affairs Agency requests for Decha to do some local investigation on the recent threats targeting Austell's most prestigious University, Grandell. The job is easier said than done. Decha has to go to Grandell undercover as a student again, investigate a great number of students and pick out suspicious behavior. The problem is that Grandell has few students from the opposing Sector, the Brackets. Sector B is full of people who are of the lower class. They work as much overtime as possible to make ends meet. Decha's mission entails that Sector B residents are most likely responsible for the threats directed at Grandell. While trying to solve the mystery under the radar, he gets involved with a Bracketer woman who oddly refuses to leave his side.Decha will have to uncover hidden truths. He may even go through a journey of self-discovery and have a deep understanding of how the Sector's flawed system truly works.
8 424