《Chasing Rainbows》11: Harold
Advertisement
“Omg for real?!”
Pinigilan ko ring tumili dahil sapat na ang tili at panghahampas ni Esther para ilabas ang kilig na nararamdaman ko.
Gusto ko sanang 'wag ipakita na apektado ako pero pusang gala sinusuway ako ng sarili kong labi. Napapangiti ako bigla habang inaalala ang nangyari kagabi na kinwento ko sa kanila ngayon.
“Bakit parang mas kinikilig ako kesa sa'yo?” Hampas ulit sa akin ni Esther kaya napailing ako.
“Oo nga, dinaig mo pa si Coco gaga.” Singit naman ni Connor habang tumatawa.
Kanina pa kami nakatambay sa may gazebo dahil vacant naming tatlo tsaka ilang oras pa bago mag-lunch kaya dito muna kami tumambay. Nakwento ko na rin ang nangyari kagabi sa dinner date kuno namin ni Timothee. At yung nga, mas kinikilig si Esther kesa sa akin.
Natawa ako saglit at saka napasulyap kay Connor na naka-cross legs at panay ang pagtanggal ng petal sa bulaklak na nakuha niya sa isang tabi.
Naalala ko yung binigay niyang t-shirt tapos band aids. Hindi ko parin yun nagagamit. Plano ko din sanang ibigay ang t-shirt kay Esther pero paborito kong color yun eh, tapos sakto lang yung sukat sa akin.
Napaiwas ako bigla ng tingin nang mapalingon sa akin si Connor habang tumatawa parin. Nagkunwari nalang akong nakikitawa kay Esther para less awkward.
“Ay oo nga pala, nabuksan mo ba yung binigay kong paper bag, Coco?”
Napalunok ako. Sabay kaming lumingon ni Esther kay Connor. “H-Ha?”
“What paper bag? May dala ka ba kahapon?” Singit ni Esther na nagpakunot ng noo ni Connor. I tried smiling para iwas tensyon pero nang makita ko ang walang emosyong muka ni Connor, natakot ako bigla.
“Nasa bag ko kasi kaya hindi ko pa nabubuksan.”
“Ah, made sense.” Esther shrugged and I chuckled. Paglingon ko kay Connor ay parang bad trip na ang bakla dahil marahas na ang pagputol nito sa petals ng mga bulaklak. Pusang gala.
“Hoy, sorry na.” Tapik ko dito. Inirapan niya lang ako at umurong palayo sa akin. Wow nagtatampo ba siya?
“Oh gosh, selos si Connor!” Tawa ni Esther na nagpangiwi sa akin. Asa pa siya.
“Hindi ba pwedeng naiinis lang? Selos agad? Gaga ka.” Pagsusungit nito ulit and this time umusog siya palapit kay Esther at hindi na ulit ako pinansin.
“Hoy baks.” Tawag ko dito. Umirap lang ulit ang gaga.
“Nyenye.”
“Pusang gala ang arte mo ah!” Pabiro ko pa siyang sinabunutan kaya mas lumala ang masasamang tingin nito sa akin. I cracked a laugh. Ang cute niya magalit. Nawawala lalo ang mata niya.
“Sorry na kas—”
“Kung ayaw kasi, ibigay nalang sa iba. Maraming tao ang nadadapa sa isang araw. Mas naraming nangangailangan.” He stood up, grabbed his bag at bigla bigla nalang kumikembot na naglakad palayo.
Napatulala kami ni Esther ng wala sa oras. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo.
“What happened to him?” Esther asked, confused. Napakibit balikat nalang din ako.
Advertisement
“Ewan ko dun. Ang sarap niyang batukan ah.”
“Whatever, so back to our topic again. Sure ka bang si Timothee na?” She giggled habang nakapangalumbaba at ngiting ngiti. Napakunot ang noo ko. What does she mean by that?
“Huh?”
“I mean, sure ka bang wala ka nang gusto sa iba? Perhaps your ex crushes?” Dugtong nito na mas nagpataka sa akin. I'm getting this feeling na para bang sinasabi niya na kung may gusto pa ba ako kay Connor?
But the thing is, I never told her about it...
Sasagot na sana ako nang may bigla bigla nalang nagtakip ng mata ko. Hindi na ako sumigaw dahil kilala ko na kung sino 'to, maliban nalang kay Esther na mukang nagulat pa at napatili.
“Omg, who are you?!” Esther screamed tinapunan pa ng mga papel ang taong nagtakip sa mata ko. Kawawa naman. Pinalo ko nalang yung kamay ng nagtakip sa mata ko dahil pinagpapawisan ito. Kadiri.
“Badtrip, bakit ba hindi kayo nagugulat kapag tinatakpan ko mata niyo?” Kuya Trevor complained saka kinuha ang bag ko at naghalungkat ng makakakain. I rolled my eyes.
“Ikaw lang ang kilala naming waterfalls ang kamay kaya 'wag kami.” Biro ko pa. Nang makita niya ang chips ahoy sa bag ko ay ninakaw niya ito at nagsimulang angkinin, as usual. Patay gutom eh.
Hindi ko talaga siya magets actually. Minsan ang desente niya tingnan. Parang isang responsableng estudyante dahil member pa siya ng student affairs pero kapag nakilala mo na, mas magulo pa yata sa unggoy eh.
I wonder how ate Rini and ate Rems handled this guy?
“Excuse me, enlighten me please.” Esther snapped kaya napatingin kami sa kanya.
“Uy chix.” Rinig kong bulong ng gago kong pinsan so I glared at him. Kahit kailan talaga.
“Esther, pinsan ko nga pala, si kuya Trevor. Kuya, si Esther, kaibigan ko.”
“Nice meeting you.” Pinunasan kaagad ni kuya Trevor ang kamay niya bago ito nilahad kay Esther na medyo nandiri pa dahil sa pawisan nitong kamay.
“Err, nice meeting you too.”
After their awkward handshake ay ako na ang nagtanggal ng kamay nila dahil uncomfortable na talaga si Esther, samantalang dedma lang ang manhid kong pinsan. Pusang gala, para na talaga siyang timang.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Medyo iritado kong tanong. Ang layo naman kasi ng building nila mula sa amin tapos sa isang iglap biglang andito siya? Himala yata?
“Naglalaro si Timothee ng volleyball sa gym. Inform lang sana kita.”
Napako ako sa kinauupuan at binalingan siya. “Seryoso?”
Tumango ito at kumain ulit. “Mas true pa sa kaibigan mo.”
“Excuse me!” Esther growled pero hindi ko na sila pinansin at agad na dinampot ang bag ko saka nagtatakbo palayo.
“Oy Connie saan ka pupunta?!” I heard kuya Trevor shouted pero hindi ko na sila pinansin pa at tumakbo lang ng tumakbo.
Advertisement
Practice game ba? Or legit na game? Malapit na din pala kasi yung intrams kaya nagsisimula nang magpractice ang bawat players pati na rin ang cheering squad.
Pero wala pa namang pep rally? Whatever, this would be the first time I'd see Timothee play!
Medyo kinikilig ako, ano kayang itsura nito kapag naglalaro?
The moment I opened the gym, ay saktong nag-whistle yung coach. Akala ko tapos na ang game pero parang sumenyas yata ng sub eh.
“Grabe ang gentle mo naman girl magpunas, na-touch yung bayag ko.”
Boses ni Timothee!
Hinanap kaagad ng mata ko si Timothee at bakita ko siya malapit sa may bangko. Nakatayo siya sa tapat ng isang babae, habang hingal na hingal at pilit pinapapunasan sa babae ang pawis na tumutulo mula sa buhok nitong naka-cute pigtails. Ang cute kasi para siyang may sungay.
“Alam mo, naiinis na ako sayo.”
Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ang babae. Pinupunasan niya si Timothee ngayon at obvious na obvious ang sakit sa paraan ng pagpunas ni Ate Rini sa muka ni Timothee.
Binubully yata baby ko.
“Ate Rini!” I yelled dahilan para mapatigil silang dalawa at mapalingon sa akin.
“Uy, Connie.” She greeted me with her usual small smile, isang ngiting bihira lang makita dahil usally nakasimangot siya o 'di kaya palaging galit.
“Uy Bebe girl!” Hiyaw naman ni Timothee na nagpangiti sa akin. Hanggang ngayon kinikilig parin ako sa bebe kahit na ang baduy. Basta si Timothee.
“Magkakilala kayo?” Ate Rini asked and I can't help but nod saka naupo sa tabi niya. Nagpatuloy naman siya sa pagpunas ng muka ni Timothee kaya napasimangot ako.
Ako dapat 'yan eh.
“Nagkita kami once nung bumili siya ng fishes sa shop ni tito, right?” Ngumiti pa si Timothee, tumango naman ako. Hindi lang naman yun eh.
“B-Ba't pala ikaw gumagawa niyan, ate?” I couldn't help but ask. Hindi naman sa nagsiselos ako, pero kasi nakakainggit lang.
“Ah eto ba? Loner kasi ang baklang 'to kaya walang kaibigan. Ang attitude kasi ang sar—”
Timothee cut her off with a pinch on her cheeks.
Napaawang ang bibig ko.
“Walang hiya, busy kasi mga bruha kong friends kaya pinagtitiisan ko ang gagang 'to. Punong puno na nga ako eh. 'Pag ako mainis, bubunutin ko 'yang bunny teeths niya.” Pagsusungit pa nito at nagsimula na silang magbangayan ni ate Rini samantalang nakaawang lang ang labi ko.
He pinched her cheeks.
So hindi ako special?
“Ewan ko sa'yo, baka naghihintay na si Maxy. Bahala ka dito.”
Nabalik ako sa ulirat nang tumayo bigla si Ate Rini habang bitbit ang handbag niya, she glared at Timothee bago sa akin binigay ang towel na pinupunas niya kanina sa muka ni Timmy.
Napakurap kurap ako.
“Connie do me a favor and take care of this gay, okay? Una na ako ah.” Anito pero napanganga lang ako.
“Ramdam ko yung favoritism, Rini ouch. Mabasted ka sana ni Maximo.” Tim joked and ate Rini glared at him before strutting her way away. Napalunok ako.
Eto na, ako na...
“Sorry talaga girl ah? Kung ayaw mo, pwede ka namang umalis nala—”
“No! I'm good!” Maagap kong sagot, napataas naman ang kilay nito. “I mean, bored din kasi ako. K-Kaya ayos lang...”
Ngumiti ako, ngumiti din siya bago lumuhod sa harapan ko at yumuko. Napatulala ako. What the hell is he doing?
“Patuyo,” Then he grabbed my wrist and escort it to his hair, telling me to rub it with a towel. Napalunok ako saka dahan dahang pinunasan ang buhok niya.
“Mamaya pala baka walang practice sa cheering squad. May practice kasi kami, ganern.” Anito, tumango lang ako bilang tugon. “Ikaw? May sinalihan kang sports girl?”
“Ako?” I stopped saka napatingin sa kanya. Sumulyap siya saglit sa akin saka tumango.
“Baka yung towel? Malamang ikaw jusko girl ah.” Tawa nito, napatawa nalang din ako. Ang cute niya tumawa.
“Siguro sa mga hindi gaanong mainstream na laro. Patintero ganun, relay.” Nagkibit balikat pa ako. May interes naman ako sa Tennis pero hindi to the point na makikipaglaban ako sa court. Hobby lang siguro.
“Taray naman niyan, halatang pinag-isipan.”
Natawa ako, panigurado kasing sasali si Connor sa relay. Bilis nun tumakbo eh, tinakbuban nga ako ng umamin ako. Char.
“Atleast may extra credit sa physical ed.” Tawa ko nalang.
After kong mapunasan ang buhok niya ay naupo na ito sa tabi ko. Naka-cross legs pa at halatang hinihingal at pagod dahil sa mamula mula nitong muka. Ang singkit talaga.
Inamoy ko na rin siya and I swear, ang bango niya kahit pa pawisan siya. Ano kayang pabango ang gamit niya?
Nag-whistle ulit ang coach at pinasok si Tim, sub ng isang lalaking parang may gasgas sa tuhod. He glanced at me so I shifted uncomfortably.
“Kaibigan ka ni Tim?” Anito saka naupo sa tabi ko, umurong ako.
“Y-Yep.”
“Harold,” Inilahad niya ang kamay niya sa akin, tiningnan ko lang iyon at tumango saka binaling ang atensyon sa paglalaro ni Timothee sa court.
“I never seen you before? Bago lang na kaibgan?”
Tumango lang ulit ako. Bakit ba kinakausap niya ako? Pusang gala ah.
“Hindi ka pala-salita 'no?”
I sighed, medyo naiinis na ako ah. “Hindi naman sa bastos pero, I don't know you po.”
Napakurap siya, halatang hindi prepared sa sinabi ko. Napairap nalang ako. Bwisit. He started laughing while clutching his stomach, I glared at him.
“I told you, I'm Harold.”
Tumigil siya sa pagtawa at nginisian ako, yung parang nangsiseduce na ngisi. Kadiri. He bit his lower lip too before glancing at Timothee then at me.
“Manliligaw ako ni Timothee...”
P-Pusang gala?
• • • •
sorry sa sobrang late at lame na update (╥﹏╥)
my lazy ass and writer's block won't go huhu
babawi ako next time, stay safe! (。’▽’。)♡
Advertisement
Swallowed Star
Year 2056, in a city in the Yuan Jiang Su Jin area. On top of a ruined, shattered six story residential apartment sits a teenager wearing a combat vest, militaristic trousers, and alloyed battle boots. On his back is a hexagonal shield and equipped is a blood-shadow battle knife. He sits there silently on the edge of the roof. At this time, the sparkling sky was shining and there was a refreshing breath within the air that blew towards him. However, there was only silence within the ruined, deserted city, with an occasional howl that makes your heart skip a beat.
8 441GameWorld: Earth's Apocalypse
Be careful what you wish for. The old saying holds true for many people, but none more so than Jaxson Stratford. An avid video game player and reader of post-apocalypse novels, Jax always wished for the chance to attain power and abilities like the heroes of the stories he read about. Then, he received his wish in the form of The System’s arrival. However the truth of reality in this new System dominated world, is something far worse than he could ever imagine. This story is similiar to many others on the site, but the 'System' is something I've thought about for some time. That being said, it is still being fleshed out, so don't expect the story to be amazing, but rather an entertaining read.
8 218Pursuit of Life
Volume 1: Just an average manufacturer in an advanced world, Delton Cloud had a simple goal. It was to have a relatively normal life with a relatively normal wife and have a relatively normal family. But chosen by Fate, he became possessed. Delton's dreams are now memories of a young man's journey into the wider world in pursuit of a more interesting life. Right behind this man, another one follows this trailblazing path, ignorant of his place in existence, in pursuit of a meaning to life. Delton's worldview continues to change as he struggles to understand his place and his pursuit of a purpose in life. Schedule: Every other day.
8 175Unveiling the Arcane
Sage Fleur finds herself being manipulated to attend a boarding school her senior year of high school leaving her mother practically destitute. At Oak Mountain Preparatory strange things that Sage normally tries to ignore refuse to be unnoticed. When she falls in with the most popular boys at school drama starts but the most unnerving attention comes from the person who wants to make sage theirs forever.This is a reverse harem story with more than one love interest and no need to choose.
8 144World Merge
In a world where our world has merged with a game world, a father and son set off to make a name for themselves in this new world. Plenty of adventures await these two in this new world, Jukaria. Arcs: Prologue: Chapters 1-4 [Arc 1] Training Days: Chapters 5 onward
8 157Drinks For The Soul | Poetry
A poetry collection poured from my soul...Cover credit: @flymetomoonwendy
8 172