《Chasing Rainbows》10: Tapsi-yo lang ako

Advertisement

“Ocakes na ang lahat. Same place, same time tayo tom, okay? Ang mali-late may punishment from me. Okay dismissed.”

Tahimik lang akong tumango hanggang sa magsimula nang magligpit ang karamihan. Lumapit din ako sa may grandstand at niligpit ang gamit ko.

Grabe 'di ko naman kasi ini-expect na ganito ang practice namin. Ang dumi pa ng damit ko dahil sa katangahan ko kanina. Pusang gala. I even forgot to bring some extra shirt!

Nang magsimulang bumawas ang mga tao ay pasimpleng hinanap ng mata ko si Timothee habang umiinom ako ng tubig. He's on his phone at mukang may katawag.

I can't help but smile and feel giddy habang inaalala ang dinner na in-offer niya sa akin. Is this it? Chance ko na ba 'tong mapalapit kay Timothee?

“Layo ng tingin teh, 'di ko ma-reach.”

Napapitlag ako nang may biglang magsalita at tumabi sa akin. I gave Connor a glare at pabiro pang hinampas ang braso niya gamit ang bottled water na hawak ko. Parang kabute naman ang isang 'to. Sumusulpot nalang bigla.

“Anong ginagawa mo dito? Umalis kana nga.” Biro ko saka tinulak pa siya pero ang gaga inirapan lang ako saka inabutan ng isang paper bag.

Napataas kilay ko. “Oh, ano 'yan?”

“Daming say, tanggapin mo nalang.”

Napairap nalang ako at tinanggap ang binigay niya sa aking paper bag. Bubuksan ko na rin sana nang mapansin kong tumayo na ang bakla at mukang paalis na.

“Aalis kana?” Tanong ko na ikinatango niya.

“Nakakahiya naman kasi sa date niyo diba? Charot, sige una na ako.”

“Ingat.” Habol ko. Wala na akong nagawa nang tuluyan nang umalis ang gaga. So pumunta lang siya dito para iabot 'to? Ang thoughtful niya naman yata.

“Girl, tara na?”

Napatayo ng wala sa oras at napangiti kay Timothee. Nakangiti din ito sa akin kahit pa medyo pawisan na ang muka niya dahil sa practice. I grabbed my things saka nahihiyang tumango sa kanya.

“T-Tara.”

Gabi na rin kaya halos wala nang tao maliban nalang sa mga estudyanteng may night classes. Pagkalabas naman namin ng university ay sumalubong ang dim yellow na ilaw mula sa mga streetlights na nakikipaghalo sa mga ilaw ng buildings at headlights ng sasakyan.

'Di ko rin alam kung bakit hindi ako makalapit kay Timothee.

Kanina pa kami lakad ng lakad pero pusang gala, para kaming nagsosocial distancing habang naglalakad. May limang metrong pagitan siguro. Char. Hindi naman siguro lima pero may pagitan talaga.

“Nakakain kana sa tapsihan malapit dito?” Tanong bigla ni Timothee kaya napailing ako. 'Di talaga ako sure. Tsaka malay ko? Baka Oo? Baka hindi?

I shrugged. Napanguso ito saka may tiningnan sa tabi ko. Na-concious ako bigla kaya tiningnan ko din ang nasa tabi ko. Dinouble check ko pa kasi baka may nilalang siyang nakikita na 'di ko nakikita, pero wala naman akong katabi?

“Chosera amoy baby ka ah.”

“Ay baby!” I freaking covered my mouth so fast dahil sa sigaw ko. It was too sudden! Namalayan ko nalang kasi na nasa tabi ko na si Timothee at narinig ko pa yung pagsinghot niya!

Sinong hindi magugulat?!

Pero shit, sininghot niya ako! Inamoy niya ako! Anong amoy baby eh pawis na pawis na ako? Naka-drugs ba siya?

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay wala akong ibang ginawa kundi huminga ng malalim habang nanlalaki parin ang mata ko sa kanya. He was just laughing na para bang nagi-enjoy pa siya na muntik na akong atakihin sa puso.

I love him but, tangina niya lang.

Advertisement

“Girl you should've seen your face!” Tawa ulit nito and this time, nawala na ang gulat ko at kaba. Napangiti nalang ako at nahihiyang umiwas ng tingin. It feels like a dream seeing him laugh this near. Ganito pala ang pakiramdam?

“Kung 'di lang kita gusto eh.” Mahina king bulong na mukang 'di niya narinig dahil tawa parin ito ng tawa.

Napatitig nalang ako sa kanya.

Nawawala nanaman ang singkit niyang mga mata, saka ko lang din napansin ang pink niyang nail polish nang takpan nito ang bibig niya habang tumatawa. The yellow dim light made him look more... breathtaking.

Pusang gala yung puso ko 'di na maawat. Yung ngiti ko wala nang mapaglagyan. Natatakot na ako. Natatakot na akong umasa nanaman tapos mapupunta rin sa wala, natatakot ako na baka umabot sa puntong 'di nalang paghanga maramdaman ko sa kanya.

Nakailang liko yata kami ng kanto at nakailang tawid hanggang sa makarating kami sa tapsihan malapit lang sa likod ng uni. May mga kumakain na dito at mukang crowded pero marami din namang bakanteng upuan.

“Anong gusto mo?” Tanong nito bigla habang nakatayo kaming pareho sa may counter. I gripped my bag saka napaubo, a sly grin plastered on my lips.

Ikaw sana.

“Ikaw sana— char! Uhm, ano, tapsi nalang siguro.” Napakamot ako ng batok. Pusang gala inner joke ko lang dapat yun eh. Bakit ko naman nasabi?

“Bet ko 'yon.” Tawa nito saka kinausap yung ale. “Manang tapsi nalang siguro, dalawa.”

Pagkatapos niyang mag-order ay naupo kami sa may bakanteng table. Chosera may mga waiter naman pala pero gusto niya daw na personal mag-order kasi ayaw niyang mapagod yung mga waiter.

Dagdag cookie points tuloy! Ang gentle-gay niya naman kainis.

“May joke ako.” Bumungisngis ako. Kanina pa kasi naglalaro sa isip ko yung joke ko. Naghahanap lang ako ng tyempo. Baka naman pwede na diba.

“Chosera ka ah, ocakes, ano 'yon?” Tawa nito. Napangiti ako, nilaro ko din ang dulo ng tshirt ko gamit ang kamay ko dahil kinakabahan ako.

“Kung magiging pagkain ako, gusto ko maging tapsi.” Panimula ko. Tumawa siya ng mahina saka nangalumbaba sa harap ko. Pusang gala ang gwapo niya tingnan!

“Oh talaga? Bakit naman?” Nakangiti nitong sambit, nakapangalumbaba parin. I gulped. He look so freaking handsome I'm palpitating!

“K-Kasi ano, uhm, kasi...” I gulped. “Kasi tapsi-yo lang ako?”

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napaubo ako at napatingin sa kanan. Parang gusto ko na biglang matapos ang gabing 'to, nakakahiya! Ang corny ko bwisit.

“Corny mo girl omg!”

Napatingin ako kay Timothee na tawang tawa sa sinabi ko. Halos mamula na din pisnge niya sa kakatawa. Nawawala din yung mata niya tapos kitang kita ko ang adams apple niya sa bawat tawa nito.

Ang gandang view naman. Bawas kahihiyan sa binitawan kong joke.

“Pero taray ah, kinilig ako dun.”

Napaubo ako ng sobrang lakas na kinailangan ko pang uminom mula sa kulay kahel na baso nilang may lamang tubig. Gustong kumawala ng ngiti ko pero gusto kong pigilan.

K-Kinilig siya?

“Tapsi-yo lang ako...” Ulit nito habang nakangiti at nakatingala. Nakatitig lang ako sa kanya. Pakiramdam ko talaga nananaginip parin ako. Seryoso ba 'to? Nagdidinner ako kasama si Timothee?

Halos mabilaukan ulit ako nang lumingon ito sa akin habang nakangiti parin. Nagtama tuloy paningin namin. Umiwas agad ako at uminom ng tubig. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso kapag andito si Timothee eh.

“Tapsi-yo lang ako...”

Napalingon ako sa kanya dahil inulit niya nanaman. My heartbeat tripled when I saw him looking at me with a smile.

Advertisement

“Bet ko 'yon...” Nakangiti itong umiling iling saka yumuko at naka-pangalumbabang uminom sa baso.

“Ay only child ka lang girl? Swerte mo naman.”

I awkwardly laugh dahil sa sinabi ni Timothee. Dumating na ang order namin at halos paubos na nga eh. Nakwento niya na rin yata ang mga kagagahan niya daw noong elementary tapos ako naman puro tawa at ngiti nalang. Nakwento ko din yung sa pagiging only child ko.

Ikikwento ko rin sana yung nangyari three years ago noong binusted ako ni Connor tapos nakilala ko siya. Pero hindi pa yata right timing.

“Jusko ang hirap kaya magpigil ng inis kapag ang kulit ng bubwit kong kapatid. Girl you don't know the struggles of being the older sibling.” Reklamo ulit nito at tumawa lang ako.

Totoo naman, hindi ko talaga alam ang feeling ng isang panganay. Kahit sa mga kaibigan ko dati, ako ang tinuturing nilang bunso. Connor and Sam used to be my big sisters but now that Esther's around? Pakiramdam ko panganay na ako.

“Legit yung inis kapag kailangang palaging ikaw yung nagpaparaya. Kagigil ng bongga.”

“Okay lang 'yan, cute naman si Theo.” Ngiti ko kaya napangiti nalang din siya.

“True 'yan. Bet ko nga din sanang gawing ka-federasyon si bebe Theo eh. Kaya lang sabi ni papsi na tama na daw na ako lang yung babaeng anak nila, 'pag daw ma-bading pa si Theo, baka ma-bading din daw siya. Ang echosera diba?”

Natawa lang ulit ako.

Ilang oras din yata kaming nag-kwentuhan. Although mostly siya lang naman talaga ang nagkikwento at nakikinig lang ako. Gusto kong isipin na nag-i-enjoy siyang kasama ako pero at the same time, baka kaya lang siya kwento ng kwento kasi ayaw niya ng awkward silence.

Ang awkward ko kasi pagdating sa kanya, pusang gala.

“Kumusta na pala si Tim?”

Tanong nito habang naglalakad kami pabalik na ng dorm. Dumaan din pala kami kanina sa convenience store na nasa tapat lang ng uni. Siya lang ang pumasok dahil tinamad na ako.

Hindi katulad kanina, ngayon ay magkalapit na kami. Konting usog na ngalang madadaplisan ko na braso ni Timothee.

I grinned. “Kumusta ka?” Biro ko pero simaan niya lang ako ng tingin saka tumawa.

“Isda ako girl? Malamang yung isda tinatanong ko. Tim din pinangalan mo dun diba?”

“Ay oo nga pala.” Napakagat labi ako. Shit 'di ko alam kung napapakain ko pa ba sila. Sana naman diba pinapakain sila ni Esther?

“Pansin kong 'di ka pa kasi bumabalik sa shop ni tits, 'di pa ba ubos pagkain ng mga fishes mo?”

Napasulyap ako sa kanya. “H-Ha?”

N-Napapansin niyang hindi pa ako bumabalik? Teka, hinihintay niya ba ako? Hakdog? Ang imagination ko ang wild.

“Ay, ano kasi, I mean minsan kapag, like, you know, bumibisita kami ni Theo sa shop ganern tapos madalas niyang sabihin na 'di ka pa daw bumabalik para sa feeds?” Anito saka tumango tango pa habang nakanguso. I bit my lip again, trying so hard not to smile.

He noticed...

“Ah medyo busy lang kasi ako? Babalik nalang siguro ako next week.”

Tumango tango siya.

“Nagdodorm ka rin pala?”

Napatigil kami sa paglalakad nang mapansing nasa girls dormitory na ako. I sighed saka lumingon ulit sa kanya. “Oo, malayo kasi sa uni yung bahay namin.”

Ngumiti siya. “Girl same, hassle din mag-commute kaya pinili kong mag-dorm, pero syempre mag-isa lang ako. Chosera ng mga boys doon eh, feelingero ampupu kadiri.”

Natawa nalang ako saka yumuko. Goodbye na ba? Pusang gala parang ayokong matapos ang gabing 'to eh. Ang sarap pala kasama ni Timothee.

“Hay, ocakes una na ako bebe girl ah?”

Napatingin ako sa kanya. Kumaway na siya sa akin samantalang ako ay nakatitig parin sa kanya. Kailangan na ba talagang magpaalam?

“B-Bye...” Yun nalang ang nasabi ko habang tinitingnan siyang maglakad palayo. I sighed saka napayuko.

Nakakalungkot naman.

Ang saya saya na kanina pero balik nanaman sa realidad ang lahat. Tamang tingin nanaman sa malayo. Baka bukas hindi na 'to mangyari ulit.

Magpa-injure kaya ulit ako?

Baka patayin ako ng tuluyan ni Esther kapag ginawa ko 'yon.

Napabuntong hininga ulit ako bago napapadyak. Saka ko lang napansin na hawak ko pa pala yung paper bag na bigay ni Connor. Nagtataka ko itong tinaas at binuksan.

“Luh?” Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makitang isang manipis na blue t-shirt yun tsaka may iilang band aids. Napakurap lang ako dito.

Pusang gala naman Connor!

I bit my lip saka nanlalaki matang binalik sa paper bag yung tshirt. Huminga din ako ng malalim nang mapagtantong bumibilis yung tibok ng puso ko.

Pusang gala not again!

“Andito ka pa?”

Gulat akong napaangat ng tingin.

“H-Hello?” Sinubukan kong kalmahin yung puso ko habang binibigyan ng ngiti si Timothee. Bumalik siya? I scoffed saka napahigpit ang hawak sa paper bag.

“Ayos ka lang girl?” Nakakunot kilay nitong tanong na sinuklian ko ng mabilis na tango. I am. I am okay.

“Weh? Sureness?”

Pakiramdam ko mas bumilis tibok ng puso ko nang ilapat niya yung kamay niya sa pisnge ko. Pisnge ko! Diba dapat sa noo nagchicheck ng temperature? Bakit naman sa pisnge ko?

“Namumutla ka...”

Huminga ako ng malalim. “U-Uhm, ba't ka nga pala bumalik?”

Mukang naalala niya ulit ang pakay niya dahil napangiti siya saka lumayo na sa akin. Itinaas niya ang isang plastic na galing doon sa convenience store na dinaanan namin.

“Naalala ko kasi yung sugat mo earlier. Binilhan pala kita ng meds kanina para iwas konsenysa ganern. Nakalimutan kong iabot.” Nakangiti niyang paliwanag.

Nanlalaki mata ko itong tinanggap. May band aid, betadine, cottons, at alcohol ito.

Pusang gala?

“T-Thank you...” Di ko na alam ang gagawin ko. Nananakit na din ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Baka mamaya may asthma na pala ako.

“Yun lang talaga pinunta ko hihi, sige una na ako, ulit.” Kumaway siya, kumaway din ako. Akala ko doon na ulit magtatapos yung encounter namin pero nagkamali ako...

“Pakurot ulit ako, ang cute ng pisnge mo eh.” Then he pinched my cheeks.

Siguro kung nasa isang pelikula ako, matagal na akong nahimatay. Yung tiyan ko 'di na magkamayaw sa kakakiliti. Yung puso ko parang sasabog na.

Lumayo na si Timothee saka kumaway at naglakad palayo.

Nakatitig lang ako sa likod niya. Nang mawala siya sa paningin ko ay napatingin ako sa hawak kong plastic bag at paper bag na galing kay Timothee at Connor.

Pareho lang namang band aids 'yan diba? Wala namang meaning kung pumili ako ng isa, diba?

I sighed.

Kinuha ko ang paper bag ni Connor at tinaas ito saka pinagmamasdan. Pusang galang Connor 'to. Ang sarap itapons sa mars.

I bit my lower lip while staring at the blue shirt he gave me with a few things meant to heal my wounds. My wounds...

Hinubad ko muna sandali ang bag ko saka nilagay doon ang paper bag na binigay ni Connor. Pagkabalik ko nito ay tumalikod na ako saka nagsimulang maglakad papasok ng dorm.

Hawak ang binigay na plastic bag sa akin ni Timothee.

as expected, unedited ulit :

    people are reading<Chasing Rainbows>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click