《Chasing Rainbows》9: The favor
Advertisement
“Sisig tayo bukas?”
“Ba't naman tayo magiging sisig bukas?” Matamlay kong tanong habang naglalakad kami papuntang dorm. Matamlay niya lang din akong inirapan saka sumulyap sa relo niya.
Pasado alas singko na ng hapon at papalubog na ang araw. Napapalibutan na din ng ginto ang paligid dahil sa papalubong na sinag ng araw. Mas lalo akong inaantok.
“Ang tino mo kausap kahit kailan.”
“Grabe na-drain nanaman ako sa taxation. Gusto kong umiyak.” Biro ko sabay akbay sa kanya. Dahil pareho kaming burnout ay hinayaan niya nalang akong akbayan ko siya kahit na ang tangkad nito.
“Hindi lang ikaw gaga.”
Tumawa ako. “Kargahin mo nga ako, baks!” 'di pa man siya nakakasagot ay sumampa na ako sa likod niya. Muntik pa kaming ma-out balance, buti nalang medyo malakas si Connor kaya hindi kami tuluyang nalaglag. Kahit naman pala butiki 'to, malakas parin pala kahit papa'no.
“Bwisit kang gaga ka! Bumaba ka nga diyan ang bigat mo loka loka!”
“Mamaya na, inaantok ako.” Siniksik ko nalang ang ulo ko sa may leeg ni Connor saka pinikit mga mata ko. Hindi naman talaga ako matutulog sa likod ni Connor. Takot ko lang na ihulog niya ako sa kanal.
“Coco,” Rinig kong tawag nito pero hindi na ako sumagot.
Pusang gala, pakiramdam ko halimaw yung taxation tapos kinuha niya buong lakas ko. Dagdagan pa ng ibang math subject. Parang ang sarap nalang matulog bigla.
Bakit pa kasi ako nag business ad?
“Baks!” Banggit pa nito pero dedma lang.
Anong trip ng baklang 'to?
Hindi ko siya ulit pinansin at pinilit tanggalin ang pagod sa talukap ng mata ko. Ayaw ko pang matulog. Malapit na ngalang kami sa dorm eh tapos makakatulog pa ako?
“Ilaglag kita.”
Napamulat ako ng wala sa oras.
Asa!
Bumuntong hininga ako at pipikit na sana ulit nang bigla ako nitong bitawan kaya napahiyaw ako.
“Pusang gala ba't mo ako binitawan?!” Inis kong bulyaw sa kanya saka pasuray suray na umayos ng tindig. Daig ko pa ang lasing sa sobrang pagod.
“Kailangan eh.” Anito na ikinataas ng kilay ko.
“Ha?”
Umirap lang siya. “Sabi ko, kailangan kasi nandito na tayo sa uuwian mo señorita ano po? Uuwi na ngalang ako.” Nagmamaktol itong tumalikod pero bago pa man siya makaalis ay sumigaw akong muli.
“Ingat sa daan baks, baka ma-rape ka ng aso. Ayokong makita kang nasa kalsada at nakikipag—”
“Coco!” Sita nito pero binelatan ko lang siya. Natatawa akong umiling saka pumasok nalang sa dorm. Cute talaga ni Connor.
Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ay nakarinig ako ng parang kaluskos kaya pinakiramdaman ko ito. Nang tuluyan kong masarado ang pinto ay saka ko narinig ang isang impit na sigaw ni Esther.
“Ouch! Omg, ang sakit!”
“Anong nangyari sa'yo?” Nagtataka kong tanong nang madatnan ko siya sa kama niya. Nakapink na sando at pink na dolphin shorts, may itim na facemask sa muka pero ang nakapagtataka ay amg benda nito sa paa niya.
Advertisement
“Nabinat?” Alanganin nitong tanong kaya napataas ako ng kilay.
“Ba't mo ako tinatanong? Paa ko 'yan?”
“Ano, I mean, kasi kanina tumatakbo ako sa stairs tapos nadapa ako, then a badboy saw me tapos tinawag niya akong panget imbes na tulungan. Sabi niya pa panget na nga daw ako, lampa pa—”
Pinigilan ko siya. “Ba't parang familiar?”
“My point is, injured ako kaya may benda ang foot ko.” Ngiti pa nito. Taas kilay akong tumango saka bumagsak sa kama ko. Holy muffins, ang sarap matulog sa kama ko.
“Aren't you like worried at all?!”
Inangat ko ang muka ko. “Para kang 'du magdodoctor ah? Cold compress would do, Esther. Gagaling 'yan bukas din.” Ani ko saka sumubsob ulit sa kama.
“No! It's something worst kaya!”
“Ha?” I mumbled. Naramdaman ko nalang na tumabi siya sa akin at niyugyog yugyog ako. Pusang gala. Gusto ko nang matulog! Parang awa niyo na.
“You don't understand! May fracture ako. Some of my hard tissues were torn so bad making me incapable of walking. I'm disabled, Coco, can't you see?” Maarte nitong paliwanag habang niyuyugyog parin ako. Pusang gala, ano namang gusto niyang gaiwn ko?
“Oh anong gusto mong gawin ko? Lagayn natin ng vix vaporub?”
Hinampas niya ako. “Coco!”
Humilata ako saka siya tiningnan. Mukang naiinis na sa akin dahil medyo nag-crack yung facemask niya sa may noo. Napatawa tuloy ako.
“Sorry. So ano nga dapat kong gawin?”
Bigla siyang ngumiti. I can sense some favor about to come.
“Can you do me a favor?”
Knew it.
“Nope.” Ngiti ko saka sumubsob ulit sa kama ko. I'm so tired right now.
“Coco, kawawa naman ako oh!”
“Unbelievable, you're really using your injury for a favor?” Bumuntong hininga ako. “Ano ba 'yon?” Tiningnan ko siya.
She bit her lip and fidget with the hem of her tank top. “You know I love cheerleading right? And you know that I can't lose my position in the cheerdance... right?
Pusang gala, mukang alam ko na kung saan papunta 'to.
“No Esther, I'm nowhere near the word flexible! I won't take your place.” Mariin kong sabi. Ngumuso siya. Pusang gala naman eh! Cheerdance 'yon. Noong highschool nga mas gugustuhin kong maging sub ng volleyball kesa mag-cheerdance!
“Hindi ka naman sasabak sa competition. Like ikaw muna substitute ko sa team pansamantala para hindi sila makulangan and you'll be able to teach me the steps too para I can join padin.” Ngumiti pa siya, halatang nagpapacute at pinupush talaga ang idea.
“And how is that?”
Pumalakpak siya. “You'll be me tomorrow since magsisimula palang naman ang. Then if they question you, sabihin mo na na-injure ako so ikaw muna ang sub ko for the mean time. Tell them that you'd teach me the steps too para kapag final rehearsal na, makakasabay parin ako.”
Tumango tango pa siya na parang proud sa sarili. Napatikhim ako. “Planadong planado ah?”
Advertisement
Nanlaki ang mata niya. “H-Hoy! Ba't ko naman sasadyain na ma-injure? Cheerdance is life, baby Coco!”
Tumawa ako. “Okay fine. Seems okay.”
“Yehey!” Sinunggaban niya pa ako ng yakap. Bwisit. “Bukas after class yung training. 6 pm, sa may soccer field. Don't be late okay? Goodluck!”
Patalon itong bumalik sa kama niya na kinailangan ko pang kumurap para tingnan kong injured nga ba siya o hindi.
Pero pusang gala... bukas agad?!
That's okay. As long as I'm not late, I'll be okay.
• • • •
The irony. Wow.
Mangiyak ngiyak ako habang tumatakbo ng napakabilis papuntang field. Pusang gala. Ang sarap ibalibag ng prof namin dahil sa pag-extend niya ng limang minuto. Mabuti sana kung isang liko ko lang, field na.
Habang papalapit sa field ay nakita ko na nga sila. Naka-leggings sila at tshirt, samantalang ako ay nakapants saka tshirt. Nakahilera narin sila at may lalaking nakatalikod at mukang siya ang trainor or something ng grupo. Ewan ko sa kanila.
“Okay so si Magalona yung ab—”
“Ako po! Ako sub ni Magalona!” Hinihingal kong presenta habang nakayuko at nakahawak sa tuhod ko. Pusang gala. Sanay naman akong tumakbo pero nakakapagod parin pala.
“What do you mean na sub?”
Tanong pa nito pero hinabol ko muna talaga ang hininga ko bago sinubukang isagot ang sinabi sa akin ni Esther.
“A-Ako muna ang kapalit para 'di kayo kulang...” Huminga ulit ako. “Tapos at the same time, ituturo ko kay Esther yung steps. Para sa real competition, siya ang sasa—”
Tumingala ako at halos malaglag muli ang puso ko nang pamilyar na muka ang sumalubong sa akin. Naka-cross arms ito. May pito na nakasabit sa pink nitong tshirt at nakataas pa ang kilay sa akin.
Naputol yata dila ko.
“—sasali...” Patuloy ko saka napaismid at yumuko nalang ulit.
Katahimikan.
Hindi siya umimik. Wala ring umimik mula sa mga babaeng nakahilera. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Timothee ngayon pero kinakabahan ako.
“Late ka.” Anito. Napatingala ulit ako at sinalubong ang titig niya.
“P-Po?”
I was never ready when Timothee suddenly smile at me saka natatawang umiling.
Pusang gala parang biglang nag-slow motion nang gawin niya 'yon. Bakit naman ganun? Bakit may pa-slow motion? Bakit ang gwapo niya at cute at the same time? Bakit legal 'yon?
“50 laps now.”
H-Ha?
“Eh?” Gulat kong bulalas. Ngayon strikto na ang muka niya na para bang hindi na siya nagbibiro. Napalunok nalang ako.
“70 laps!” Sigaw nito at dahil sa takot ay napatakbo nalang ako ng wala sa oras. Lilibutin ko ba ang oval? Seryoso ba 'to? Wala ito sa usapan namin ni Esther eh!
Kahit gusto na akong murahin ng mga paa ko ay pinilit ko paring tumakbo habang sila naman ay todo stretching na.
Hindi ko alam kung matutuwa ako kay Timothee o hindi.
Ang cute niya tingnan ngayon pero at the same time ang sarap niyang ingudngud sa bermuda grass. Sino ba naman ang matinong mag-uutos sa isang babae na tumakbo dahil lang late ito? Pusang gala.
Sa mga bilang ko ay nakaka-walong laps palang ako nang madatnan ko si Connor 'di kalayuan. Naglalakad sa gitna habang kasama ang ilang babae at yung tatlong baklang kaibigan niya. Mukang 'di niya pa ako napansin.
Nakunot pa lalo ang noo ko nang mapagtantong si Daisy ang isa sa mga babae doon. Hala yung letter niya—
“Shit.”
Para akong tangang bigla nalang nadapa nang matapakan ko ang sarili kong sintas. My face landed on the floor. Hindi ko alam ang irereact ko. Ang hapdi ng muka ko pusang gala.
“Omg girl okay ka lang?”
Rinig ko ang tanong ni Timothee pero dahil sa kahihiyan ay mas pinili kong isubsub ang muka ko at itago sa braso ko. I even saw Connor laughing at me from afar na ikinakulo ng balun balunan ko.
Bwisit na bakla.
“Hoy tawag kayo ng tulong! Baka nahinatay na si ate girl.” Sigaw ulit ni Timothee at naramdaman ko ang pagluhod niya sa tabi ko. “Bebe gurl ayos ka lang?”
Ayan nanaman 'yan...
Itinaas ko ang kamay ko at nag-thumbs up. Dahan dahan ko ding inangat ang sarili ko saka pinagpagan ang braso at pants ko na nadumihan.
“Pahinga ka muna.” Inalalayan niya pa akong tumayo. 'Di naman masakit ang paa ko pero grab the chance nalang kasi andito na eh. Si Timothee my lab so sweet.
“Upo ka muna girl. May masakit pa ba sa'yo? Naloka naman ako jusko. 'Di ko naman sinabing mag-circus ka girl. Ang sabi ko takbo lang walang dapaan.”
Napayuko ako. Nahiya ako bigla kainis!
Nakarating kami sa grandstand at pinaupo niya ako doon malapit sa mga bag nila. Ginawa pa yata akong taga-bantay.
“May bandaid ka?” Tanong niya kaya napailing ako.
“Aids meron.” Biro ko. Napatahimik siya. Gusto ko sanang tumawa sa sarili kong joke pero nakakahiya naman sa kanya.
“Funny ka girl?” I was shocked when he suddenly burst into laughter habang pilit pang pinipigilan ang sarili. Napahilot pa siya sa sintido niya. It wasn't even that funny.
Nginitian niya muna ako bago bumuntong hininga.
“Sorry talaga.”
Napangiti ako. “Wala 'yon ano ka ba! Kahit ipa-tumbling mo pa ako sa gitna ng field gagawin ko.”
Tumawa nanaman siya. “After practice,”
Napakunot ang noo ko. “Ha?
“After practice, magpaiwan ka.”
Pusang gala. Ipapatumbling niya talaga ako? Seryoso? Grabe ang heartless niya naman masyado. 'Wag ganun Timothee baby.
“Ha?” Tanong ko ulit pero tumawa lang siya saka inirapan ako at tumalikod.
“Libre kita dinner after practice. 'Wag uuwi agad getsung?” Aniya at naglakad palayo.
Napatigil ako.
Pinipigilan ko ang pagngiti ko at pagpula ng pisnge ko pero pusang gala para siyang utot. 'Di ko mapigilan!
Napangiti ako ng malapad pero agad ding nagsisi nang maramdaman ang hapdi ng galos sa may pisnge ko. Kainis naman eh. Pero atleast...
Dinner daw oh!
• • • •
unedited huhu
Advertisement
- In Serial61 Chapters
Blades and Bonds
I was brought into a world and dragged downwards to the bottom of the food chain. Bottom of the food chain? Haha. How can I be at the bottom, when my class is a cook? DISCLAIMER: I write as a hobby not to become a professional so mistakes are here and there that I try to fix when I get notified. This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
8 109 - In Serial48 Chapters
Kingmaker
It has been fifteen years since Thael left the Wraith Order, one of legend of the Arcadian Empire only spoken in whispers. His self exile is interrupted by his past when he finds one of his fellow Wraiths, Verena, in his home. The Prince of the Arch King has been taken from the capital itself by rebel Wraiths, and they would need the mortal man who made the impossible possible to rescue the Prince before he is sacrificed for the Prophecy of the Black Sun, where it is foretold the spilling of royal blood would allow mortalborn to reach Magehood. For fans of Grimdark Fantasies such as authors John Gwynne, Mark Lawrence and Joe Abercrombie!
8 160 - In Serial24 Chapters
Kate Emerson: Reborn-A LitRPG Apocalypse Adventure
Kate Emerson paralyzed veteran and former war fighter is recruited to take on a new mission, to protect the mining interests of Vision Dynamics. As a mega- international corporation they have the Nano-technology to help her walk again, and once more find her role as the soldier she always wanted to be. Her Nano-effective inlays and War Frame will make her, bigger, stronger and faster than she ever dreamed of being, and being reunited with her oldest friend, Rooker, seems like a Dream come true.But The City of Ur isn't even on the world she expected, the enemy isn't clearly defined, and for some reason there is a voice in her head that's doing its best to help her level up if she is going to survive this strange new world.
8 155 - In Serial9 Chapters
Heroics of an Overlord
The story revolves around a man who often day dreams about being so powerful and able to fix all world problems. One day his dreams become true but not exactly how it was supposed to be, summoned to a strange world and now an overlord who is seen as the root of all evil, Eli will now plan to work in shadows to see if he could still achieve world peace in his new home. Will he really do so or will he fool around? The story will take us in an adventure, suspense, comedy, misunderstanding, action and finally unleash a tale never heard before. A tale of a misunderstood hero who is also a demon lord.
8 97 - In Serial60 Chapters
A Collection of Short Stories: Quiet Girl
When it comes to talking, Cassie finds it to be too much work and opts to just think instead. Plus, with ten guys who never leave her alone, it is just a bit better to stay quiet to leave a good impression. Cassie ventures through her twenties as she tries to live through adulthood while also trying to keep her heart beating every time she sees someone she likes.
8 136 - In Serial13 Chapters
Wings of Freedom [Completed]
A world where martial arts and technology thrive together, lives a youth who lost his home to war. When he was still little, he was picked up by a soldier from the Martial Arts Department right after losing his home. Under him, he learns his fighting style and makes a name for himself as a ""Courier"". He may seem cheerful and social but in reality he never lets anyone close to him. How will his cold stature change when he gets a new roommate? "There is nothing worse in this world than aqcuiring a family again just to lose it again." *Mature due to language, not planning on putting in any gore or explicit sex scenes.* If you like the story, let me know in the comments below. This is my first story so let me know if you think that I'm rushing things too much or going a bit too slow. Also whether i turn enough attention to details or interactions. If you have suggestions or concerns about my story, don't be afraid to PM me or just write a comment down below a chapter. Thank you for reading. (This is going to be a 12 chapter tragedy)
8 70

