《Chasing Rainbows》8: Good old times
Advertisement
“You what?” Tanong nito.
Huminga ako ng malalim. Sobrang lalim na sana mahalata niya naman kahit papaano na frustrated na ako dahil sa mga ginagawa niya. I gripped the zip lock bag tightly bago inilapag sa lap niya.
“Hindi ko tatanggapin 'yang isda mo.” Mariin kong sabi saka nag-cross arms pa. Napangiwi si Connor. Nakita ko rin ang pabalik balik na tingin sa amin ng mga bakla niyang kaibigan pero isinawalang bahala ko 'yon.
“At bakit? Pera ko naman ang ginastos ko diyan so accept it, duh.”
I huffed. “'Yon na nga diba? pera mo 'to. Kaya sa'yo na dapat! The last thing I want is some other fish, third wheeling my fishes.” Sinamaan ko pa ito ng tingin.
“Ayoko.” He crossed his arms, looking superior.
Pusnag gala, sinusubukan yata pasensya ko.
“Connor, kunin mo.”
Umiling ito. “Ayaw ko.”
“Connor!” Pagpupumilit ko ulit.
“Ayaw.” He smirked.
Hinampas ko pa ang balikat niya. “Baks...”
“Ayaw. Ko.”
Pusang gala talaga.
“Connor Joselito Eman—”
“Ay teka nga! Ano ba itey? Bakit ang gulo niyo?” Tili ng isang matabang bakla habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang isang pamaypay na may muka yata ni Jin ng BTS.
“Oo nga, masakit sa tenga bakla.” Singit naman ng isa na ang payat payat at muka talagang babae sa sobrang petite. Kainggit.
“Mabuti pa, pag-usapan niyo 'yan.” Ani naman ng isang medyo matino tingnan maliban na ngalang sa abot balikat nitong buhok.
Kilala ko naman sila kaya lang hindi ko na maalala kung sino sa kanila si ganito, ganyan. Bahala sila.
“Itong bruhakels kasi ayaw tanggapin yung binigay kong fishlalu. Akembang na nga ang nag-pay ng anda eh, tapos tatanggi pa.” Bulong ni Connor at sabay sabay naman na napasinghap ang tatlong bakla. Maliban sa akin na medyo nagulat dahil first time ko marinig na mag gay linggo ang baklang 'to.
Ang weird pala?
“Is that true beshycakes?” Nakangangang tanong ng baklang payat, showing off his braces. Rich kid?
Napakurap ako. “Ha?” Ano daw?
“Beshycakes, dapat tinanggap mo!” Hirit naman ng mahaba ang buhok.
“True! Minsan lang gumastos ang baklang 'to kaya dapat tinanggap mo na. Jusko kahit nga yung babayaran naming two pesos para sa xerox na module, ako pa pinagbayad eh!” Sabi pa ng bakla na ikinatawa ko ng patago. I almost forgot na dapat serious mode ako.
Umismid lang si Connor. “Deal or Deal, 'yan lang ang choices.”
“Kung gusto mo talaga itong isda, ede patirahin mo diyan sa mga kaibigan mong bakla.” Seryoso kong sabi. Nagkatinginan naman ang tatlong beki saka sabay sabay na napatingin kay Connor.
“H-Hindi pwede,” Muling tumikhim si Connor. “Diba, mga bakla? Bawal.” Sabay siko nito sa mga ito. Naghahanap pa ng kakampi.
“A-Ah Oo! No pets allowed sa dorm namin.” Sabi ng mapayat na may braces at tumango naman ang mahaba ang buhok. Sinamaan ko ng tingin yung mataba, nakita ko pa ang tahasan nitong paglunok at paglalangis ng muka niya.
Kung hindi lang ako seryoso ngayon, malamang kanina ko pa tinawanan ang itsura ng baklang 'to.
“H-Hector... magsalita ka.” Bulong ni Connor at napalunok lang yung matabang beki.
“Ahm, no pets allowe—”
“Try harder.” Kunwari galit kong sabi saka hinampas ang desk nito. Napapitlag pa silang lahat sa gulat bago parang naiiyak na napapikit yung Hector na beki.
Advertisement
“'Wag sa akin! Baka gawin ko lang tinola 'yang isdang yan. Noong nagdala nga ng pusa si Connor, ginawa kong siopao eh! 'Wag ako please, 'wag ako!”
Halos maiyak na ito.
Napakurap ako. 'Di alam kung tatawa, maaawa, o tatawa talaga. Kaya sa huli natawa nalang ako. Kainis.
“Whatever, basta kapag wala na akong makain sa loob ng isang linggo, itong isda mo ang una kong kakainin.” Pinulot ko mula sa lap niya ang ziplock bag na ikinagulat nilang apat.
“Ay!” Sabay sabay nilang singhap.
“Kala ko yung talong..” Bulong ng mapayat na may brace. Napangiwi nalang ako. Mga green minded pusang gala.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Gutom na ako. Sana naman nasa cafeteria na si Esther.
Hawak ang ziplock bag na may isda ay naglakad nalang ako sa hallway. Paminsan minsan nililibot ko ang paningin ko sa paligid at minsan ibabalik ko sa isda. Napapatingin pa sa akin ang ibang estudyante dahil sa hawak kong isda. Agaw pansin kainis.
“Coco!”
I stopped saka napatalikod. Nakita ko si Connor na hinihingal pa nang makarating sa tapat ko. Hinabol niya ba ako? Malamang.
“Oh? Babawiin mo ulit si Concon?”
Napataas siya ng kilay bago huminga ng malalim saka umubo. “Bitch who?”
“Si Concon!” Tinaas ko pa ang ziplock bag na naglalaman ng isda niya. Napatanga siya. 'Di manlang tinago ang pandidiri niya sa pangalang binigay ko sa isda niya. Bwisit.
“Can't you come up with a more fashionable name?”
Napairap ako. “Conny?”
“That sounds like your first name, Coco.”
Napakunot noo ako. “Iba ang spelling ng Connie ko sa Conny mo!”
“Same thing. Ang pangit pakinggan.” Napanganga ako, medyo offended bwisit. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.
“Joselito nalang—”
“Just name him Connor! Shut up na okay?”
Tawa lang ang sinukli ko sa kanya. Kahit kailan talaga pikon ang baklang 'to. Highschool palang kami palagi na siyang napapaaway dati dahil ang bilis makipag-sabunutan. Buti nga paborito siya ng nga teachers kundi malamang, wala siyang good morale ngayon.
Nakangiti kong pinagmasdan ang ziplock na naglalaman ng orange na medyo golden na isda. “Be patient with me okay?” Ngiti ko dito.
Hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang na nga babae at chinika si Connor. I mentally rolled my eyes saka sila nilampasa. Bahala sila.
“Ay bebe gurl!”
Napatigil ako. Pamilyar ang boses.
“Bebe gurl andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap. Nadala ko pala ang panyo mo, sorry ah? Eto bagong laba 'yan, pina-laundry ko pa ng bongga!”
Nanlaki ang mata ko nang tunambad sa harapan ko ang isang panyong kulay kahel. Napalunok ako at agad na nag-init ang muka ko nang makita ang nakangiting muka nito sa harap ko.
“H-Ha?” I stuttered, hindi ko alam ang gagawin.
“Hakdog? Ibabalik ko lang sana. Ayern, sorry ulit ah? Okay bye!”
Naguguluhan akong napakurap nang makita ko si Timothee at mga kaibigan niya na papalayo na mula sa akin. Nagtatawanan pa sila pero ako nakatayo lang at nag-iinit parin ang muka.
P-Pusang gala.
“Kapal ng muka, panyo ko 'yan gaga ka.”
Napapitlag ako nang akmang hahablutin ni Connor ang panyo. Kainis 'di ko pa nga ma-process ang nangyari tapos eepal nanaman siya!
“Akin na muna! Ang Kj mo. Amoy na amoy ko pa pabango ni Timothee pusang gala!” Napatalon ako sa sobrang tuwa. Anak ng pusa, kinikilig ako bakit ganun? Kainis ka Timothee.
Advertisement
“Ugh, ewan ko sa'yo!” Connor suddenly blurted out before crossing his arms and walking away. Leaving me behind.
Nagkibit-balikat nalang ako saka inamoy amoy ulit ang panyong binigay ni Timothee. Pusang gala. Parang pinaliguan niya ito ng pabango niya eh! Amoy na amoy ko si Timothee dito.
Tsaka... bebe girl daw?
Lord am I gonna die? Pusang gala!
Habang patuloy sa pagsinghot ay napatigil ako nang may makita akong maliit na embroider ng letra sa may dulo.
“Co...” Basa ko dito. Binuksan ko pa para makita ko kung ano ang buong nakalagay pero halos takasan ako ng dugo sa nabasa.
“Coco...” Basa ko dito.
Pusang gala?
• • •
Hindi ko na alam kung ilang oras ko nang sinisipat si Connor habang maarte itong kumakain at tumatawa sa cellphone niya.
Ilang oras na din akong nag-ooverthink ng mga bagay bagay nang mabasa ko ang palayaw ko na naka-embroidered pa sa kulay kahel niyang panyo.
Maaaring friendly gesture niya lang 'to sa akin? Maaari ring Connor 'to pero ginawa niyang Coco kasi, uhm, wala nang itim na sinulid?
Pusang gala, nakakabaliw pala.
“Alam mo, I will support you na sana kay Timothee but bakit ganyan ka makatitig sa baklang 'yan?” Siko sa akin ni Esther. Sinulyapan ko siya sandali bago kay Connor ulit.
“Sa tingin mo ba may gusto sa akin si Connor?”
Napaubo siya. “Oh gosh, ang lakas ng loob ah. Ang strong. Straight to the point.”
Umirap ako. “Sagutin mo nalang.”
Nag-iwas muna ito ng tingin bago ako tiningnan na parang tinatanong kung seryoso ba ako o hindi. “Are you like serious right now?”
“Muka bang joke time?” Irap ko. Sabay naming pinagmasdan si Connor na maarteng kumakain ng fried chicken at tumatawa sa cellphone niya. Tinitinidor niya pa ang manok. Ang sosyal talaga.
“Uhm, sa pagpilantik palang ng kamay niya at pangri-reject niya sa'yo, baby Coco... ano sa tingin mo ang sagot?”
Napabuntong hininga ako. Totoo nga naman. Pero palayaw ko 'yong nakalagay doon eh? Alangan namang sa ibang Coco eh ako lang ang Cocong kilala niya.
“Gaga.” Biglang bulalas ni Connor kaya napalingon kami sa kanya.
“What?” Esther asked.
“Mga gaga kayo. Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?” Sinamaan niya pa kami ng tingin.
Ako na ang sumagot dahil ako naman talaga ang kanina pa nakatitig sa kanya. “Nakita ko kasing may palayaw ko na nakasulat sa panyo mo,” Simula ko. Napatigil siya saka tinaasan ako ng kilay.
“Pinagsasasabi mo?”
Tinapon ko sa muka nito ang panyo niyang may maliit na cursive na nakaukit sa bandang baba kung saan nakalagay ang nickname ko.
“H-Ha?”
Kinunot ko ang noo ko. Nakakapagduda ah. Bakit ganyan siya umakto? Bakit para siyang kinakabahan?
“May gusto kaba sa akin?” Diretso kong tanong. He stiffened. Naramdaman ko din ang pag-tense ng katabi kong si Esther dahil sa tahasan kong confrontation.
“Well, this is gonna be akward, so ciao bitches!” I couldn't care less when Esther stormed out. Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan si Connor. He look distraught.
“Coco...” Bumuntong hininga siya.
Para siyang problemado. Bigla akong kinabahan bigla. Baka mali ang desisyon kong gawin 'to? Bakit ko nga ba ginawa 'to? Pusang gala anong nangyayari sa akin? Ano naman kung umamin siya?
“Shabu pa beh!”
Napatigil ako. Ano daw?
“Ha?” I blinked thrice. Sampal sa ego pusang gala.
“Coco tawag sa akin ng lola ko kaya 'yan ang nilagay niya sa panyo ko. Mga tao nga naman, ang bilis makalimot.” Anito sabay balik sa pagkain. Napatulala nalang ako.
Pusang gala. Ang assuming ko nga.
Nakwento na pala sa akin ni Connor na Coco din ang palayaw sa kanya ng lola niya noon pero natigil lang dahil ayaw ng mama niya.
Nakakahiya.
Napabuntong hininga nalang din ako saka nagpatuloy sa pagkain. Minsan hindi na healthy ang pagiging assuming ko. Pusang gala nakakamatay.
“Connor.” Tawag ko dito. Tumigil naman siya sa pag-scroll sa cellphone niya saka ako binalingan ng atensyon.
“Oh? Sa tingin mo ba magtiktok nalang ako? Tamang throw it back lang ganern.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang out of the world ng mga tanong.
“Anong naging reaksyon ng parents mo nang mag-come out ka?” Tanong ko. Medyo sensitive yung topic pero curios talaga ako.
Never naming napag-usapan 'yan noong highschool eh. May mahanap lang na topic para i-distract ang atensyon mula sa pagkakapahiya ko.
“Why so sudden?” He chuckled. Nagkibit balikat nalang ako.
“Naisip ko lang bigla.”
Tumigil siya sa pagkain. Bumuntong hininga pa saka ako nginitian. “Well, surprisingly, my dad is fine with what I am. My mom on the other hand, she keeps on setting me up with random girls back then. 'Di niya bet. Pero buti nalang napakiusapan siya ni Daddy.”
Napatawa ako. “So mama mo pala talaga yung hindi ka tanggap?”
“Yes. Ang weird diba? Mostly dapat yung tatay ang hindi makakatanggap kapag bakla ang anak nila. But mom's on another level ka-stress!” Tawa nito. Napangiti lang ako.
“At least 'di mo naranasang mabugbog?”
“Coco, baka nakakalimutan mong pumasok ako ng school noon na may malaking latay ng sampal sa pisnge? Kaloka! Nag-foundation na ako nun lahat lahat ah pero nahalata mo parin!”
Pusang gala. Naalala ko ang kapal ng puting foundation noon ni Connor dahil sa isang sampal. Muka siyang hinipan ng pulbo sa sobrang puti ng muka niya!
Sa mama niya pala galing 'yon?
“Baks, sinong hindi makakapansin eh halos puno ng foundation yung buo mong muka pero kitang kita padin ang pamamaga ng kaliwang pisnge mo?”
“Mahapdi kasi kaya ayaw kong lagyan ng napakarami!”
“Oh tingnan mo, kasalanan mo na 'yon.” Natatawang sita ko. Tumawa lang ito saka pabiro akong inirapan.
“Pero at least suportado ka ng papa mo. Naalala ko tuloy noong sumali ka ng pageant. Tapos yung may category na cross dress!” Natatawa kong sabi. Tumango tango naman siya.
“Hala bwisit oo nga! Kaloka baks mas bongga yung gown na binili sa akin ni daddy kesa sa evening gowns ng mga babaeng contestant. Kinabog ko silang lahat.”
“Grabe baks, nawalan yata ako ng boses noon kakatili ng number mo eh.”
“Bwisit ka, pinipigilan ko ngalang ang sarili kong tumawa noon tuwing nakikita kitang nagtatatalon at nagsisisigaw. Para kang mushroom na gumagalaw.”
Tumawa siya ng malakas pero napatigil lang ako.
Baks... daw? I missed hearing that endearment from him.
“Oh ba't ka napatigil?”
Natauhan ako. Kinunot ko nalang ang noo ko saka siya sinamaan ng tingin. “Hindi pa ako mushroom noon kasi mahaba pa ang buhok ko!”
“Yeah, whatever. Mahaba o maikli, mushroom parin kita.” Tumawa pa ito. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang tumatawa habang kumakain.
May kung anong gumaan sa dibdib ko kahit papa'no.
Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya ako.
But,
Are we... back to being bestfriends now?
• • • •
Advertisement
- In Serial47 Chapters
Demons Don't Lie
Algier, average human and recent convict, has committed the gravest sin of all: demon slaying. His fate? To participate in the Culling, a battle-royale style tournament that’s televised live to the world, where all the worst criminals go to die. As with all tournaments, a prize is on the line. If Algier survives, he can have any wish granted by the Marquises, the new rulers of Earth following the demons’ invasion. However, there’s little hope for survival in a tournament designed to have demons do the work of the executioner, especially for a human. Demons are stronger, faster, wiser, and more talented than the average human, and, despite his crime, Algier is no demon hunter. Mentally defeated before the tournament even begins, Algier is torn between becoming another demon’s points and fighting on in his dead mother’s legacy. But should he choose to fight, there is one advantage that Algier has that can tip the odds in his favour: Demons don’t lie, but humans can. How to read this story Demons Don't Lie is written from the perspective of an unreliable (lying) narrator. There are many inconsistencies within the story which are placed there intentionally. It's up to the reader to decide what is the truth and what is the lie. Promotion Full quality cover image
8 147 - In Serial9 Chapters
Flakk & Titanium
A Warhammer 40,000 story of life and romance in the grim darkness of the far future where there is only war. The Catachan 54th "Sky Reapers" have been deployed to the far off world of Zyrantiel, on the infamous "Thunderous Front", to ply their trade of anti-air expertise against the foul Ork. Along with them is a very minor detachment from Forge World Metalica, who have goals of their own. Techpriest Artisan Rileigh of Forge World Metalica comes to meet Sergeant Charr Stag of the Catachan 54th, and declares him her main liaison, leading to a lot more interaction than they might have otherwise had. This interaction between the wildly different cultures of the Adeptus Mechanicus and the Imperial Guard generates a fair amount of friction, but also sparks. Can this fragile love survive the horror, violence, and darkness of the 41st Millennium?
8 172 - In Serial24 Chapters
Eldritch Blade: Knight With A Thousand Eyes
Achilles drew his father's sword......and gained 1,000 eldritch eyes!When vicious orcs attack his village, weak human Achilles defies them by drawing Virgil, an eldritch sword god from another dimension!Achilles claims a system class and spends his 1,000 eyes to boost his stats and gain special powers.He'll use this unique ability to become an Imperial Knight and kill the Demon Lords who invaded from another dimension, who make monsters stronger than humans.But the world is filled with vicious warriors, mages, and rogues, all fighting to achieve their own ambitious dreams—can Achilles survive long enough to become an Imperial Knight?Watch Achilles evolve in the system with 1,000 eyes!
8 117 - In Serial6 Chapters
My Failed Reincarnation as a Demon’s Prisoner
When Kayn opened his eyes in the empty void, he was met with a familiar voice and the knowledge that he was neither dead nor alive and about to be reincarnated. What he didn't expect was to reappear in the world of the living and immediately get captured by a clan of demons, now living as their prisoner. After a lucky encounter, Kayn stumbles upon a room that could possibly give him what he needs to free himself from their captivity. But, as he soon finds out, escaping from the demon queen herself isn't the easiest of tasks... **DISCLAIMER**This story attempts to be quite comedic (I don't know if I'm doing a great job at it) and will be more comedy heavy at the start than later on. As the situations Kayn finds himself in become more grave, the story will become serious and less comedy oriented. There will always be comedy throughout, but at some point I do plan on shifting the focus. I'd love to hear everyones opinion on whether the comedy should be kept in full, or dialed back a little so the plot can take centre stage more often. Happy reading!
8 107 - In Serial37 Chapters
AROUND THE WORLD IN 80 DAYS (Completed)
Around the World in Eighty Days (French: Le tour du monde en quatre-vingts jours) is a classic adventure novel by the French writer Jules Verne, published in 1873. In the story, Phileas Fogg of London and his newly employed French valet Passepartout attempt to circumnavigate the world in 80 days on a £20,000 wager (the approximate equivalent of £2 million in 2016) set by his friends at the Reform Club. It is one of Verne's most acclaimed works.
8 160 - In Serial34 Chapters
IMMORTAL LOVE | one
[ BOOK ONE of The Immortal Series]Alana has always felt there was something about the dreams she had that were different from normal. That's why she tried so hard to paint them...maybe getting them out there will keep these nightmarish monsters and eerily fairy tale like beings from plaguing her peaceful sleep.How could she have known that these very paintings would be the binding of her ultimate fate and love. In the form of a six-foot-something-glory of a man whose every expression was to glare at everyone and everything that crossed his path.Now thrown in his world, Alana must figure out what happened to make this man so unfeeling and immune to happiness. The devastating look hidden deep in his eyes couldn't just be because he is cold hearted. It's during this process of unravelling pieces of his past that Alana finds out that she has something he needs, something he has been looking for.Alana becomes suddenly determined to give it to him. If it meant relieving him from his pain, she was determined to give him everything. Even if it meant losing her life in the process.All because, she hadn't planned for it, as instantaneous as it was, falling in love with with this man who also happened to be her best friend's boss. Lylas Fury.-----Copyright © 2018 by A. L.Nkobi. All rights Reserved. (No part of this literary work may be reproduced or used without written consent from the author.)
8 92

