《Chasing Rainbows》4: Guppies
Advertisement
“Eto na hija.”
“Salamat ho.” Nahihiya padin akong nakayuko habang tinitingnan ang bagong plastic na pinaglagyan ng isda ni mister Lee. Pinagsasabihan niya na ngayon ang pamangkin niyang si Theo habang inaaliw sa mga iguana.
“Pasensya na talaga girl sa kapatid ko ah? Hindi kasi tumitingin.”
Kumabog ulit ang dibdib ko at napahigpit ang hawak sa plastic. Magkatabi kami ngayon ni Timothee sa isang maliit na couch kung saan naghihintay ang mga customer. Hindi na ako makahinga dahil amoy na amoy ko ang Victoria's secret nitong pabango.
Pusang gala talaga.
“By the way, Tim ba pangalan ng fish mo? As in Timothee?” Sabay turo nito sa isda kong nasa clear na plastic. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakangiti parin ito sa akin.
Sasabihin ko ba? Hindi niya naman ako kilala diba? Pusang gala nakakahiya naman 'to.
I gulped before nodding. “Y-Yes.”
“Bongga, magkapangalan kami.” He giggled. Tinusok tusok niya din ang plastic. Mukang nag-i-enjoy siyang kinatatakutan siya ng dalawa kong isda. Syempre dahil chansing ako, palihim ko na ding tinititigan ang muka niyang malapit na sa kamay kong nakahawak sa plastic.
Kapag ako hindi nakapag-pigil, muka niya naman ang tutusukin ko!
But... why not?
I gulped again bago dahan dahang hiniwalay ang kanan kong kamat sa plastic. Dahan dahan ko itong tinaas. As in konting push nalang mahahawakan ko na ang muka ni Timothee kaya lang—
“Kuya I'm hungry na.” Theo suddenly popped up in front of us, holding his tummy like a cute little kid he is. Lumayo na si Tim mula sa mga isda ko saka nginitian ang kapatid.
“Okay let's go na, baka ready na ang food.” Maarte itong tumayo saka lumapit sa tito nilang si Mister Lee at nagpaalam. Tumayo nalang din ako para makauwi na.
“Una na kami girl.” Ngumiti pang muli sa akin si Theo at Tim bago sila lumabas at bumalik sa lugawan. Pusang gala kinikilig ako!
“Una na po ako.” Paalam ko kay mister Lee saka lumabas na. Yung mga kinikilig kong ngiti, hindi matanggal tanggal mula sa mga labi ko. For muffin's sake, it's freaking Timothee!
The guy I've been drooling for, for about three years now talked to me and my fishes!
Sinong hindi kikiligin?
Tumigil muna ako sa harap ng restaurant at pasimpleng sumilip sa glass na window para hanapin si Timothee. Nakaupo ito malapit sa counter at pilit pinapa-behave si Theo habang ang mama niya naman ay tawa lang ng tawa.
“Holy muffins!” I shrieked nang mapatingin ito sa direksyon ko. He squinted his chinito eyes at nang maalala ako ay bigla itong ngumiti at kumaway sa akin.
I could literally die right now!
Naaalala niya ako!
• • • •
“Hindi niya ako naaalala.”
Disappointed kong binaba ang kamay kong pursigidong kumakaway kanina pa.
The weekend passed by so fast at monday na ulit. Hindi rin mawala wala sa isip ko ang thought na naaalala ako ni Timothee kaya nag-isip agad ako ng plano para makasalubong siya kahit papa'no.
So I waited for him in the caferteria. Nagpaganda pa naman ako ng very slight. Nanghiram ako ng liptint kay Esther at tsaka naglagay ng maliit na hairclip sa maikli kong buhok para maging cute pero pusang gala lang.
Timothee just boredly glance at me saka ako nilampasan. All smiles pa ako at kunwari nahihiya pang kumaway only to be ignored!
“Oh ano ka ngayon?” Connor is laughing hysterically beside me. Saksi lang naman siya sa kahihiyang dinanas ko nanaman. For the second time, hindi niya nanaman ako nakilala. Kainis.
Advertisement
“Isa pa talaga at isasaksak ko 'tong tinidor sa bunganga mo.” Pagbabanta ko pa. Connor rolled his eyes happily saka pinigilan niya ang tawang nagbabadyang lumabas ulit.
“I'm just happy, baks.”
“Heh, tigilan mo ako!” Tinusok ko ang sausage na nasa plato ko. Thinking that it was Timothee's pp. Kainis siya. Pinaasa niya nanaman ako. Kainis talaga.
“Grabe parang talong ko yung nasaktan.” Lumulunok na sabi ni Connor dahilan kung bat ko siya sinamaan ng tingin.
“Isa pang pang-aasar, baka madulas mamaya ang kamay ko at sa ibang hotdog ko 'to matusok.” Sabay sulyap ko sa pants niya. Connor gulped before hiding his uneasiness with a smug look and an eyeroll.
“Whatever.” Sabi nito at nagsimula na ding kumain and I went back sulking.
Gano ba kahina ang memory ni Tim at hindi niya nanaman ako maalala? Is it because my face and style is generic? Oo hindi naman ako ganun kapansin pansin pero unique naman kahit papa'no ang muka ko! Kainis. Or did he purposely ignored me? For what? Wala naman sigurong mali kung mag-hi siya diba?
“Baks, magkano ba memory plus?” Inis kong kinagatan ang hotdog ko, naghihintay sa sagot ni Connor. Dahil kapag ako nainis, bibili na talaga ako ng memory plus.
“Aba malay ko. Do I look like someone na may alam?”
“Tinatanong lang eh, ang daming satsat.” Sabay irap ko dito. Napangiwi laang ito sa akin saka umirap nanaman.
“Magpatulong kana kasi sa akin. Dami mong arte ah. Ako na nga etong nag-ooffer ng help, ikaw pa may ayaw.”
“Yeah right, para mo naring sinabing kamuka ni oli london si jimin.” I rolled my eyes. Automatic naman na kumunot ang noo ni Connor na para bang hindi niya maintindihan ang sinabi ko.
“What? Oily who?”
“Wala kalimutan mo na.” Nagsimula na akong tumayo at magligpit ng gamit. One last class and we're off to go. Yung prof namin sa corporate finance and accounting ay absent kaya halos wala kaming gagawin sa afternoon class namin.
“Oh? Saan kana pupunta?” Tumayo na rin si Connor at naaalarmang niligpit ang mga gamit niya.
“Una na ako, matutulog nalang muna ako sa classroom.”
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nauna nang maglakad pabalik sa building namin. Pusang gala. Nasayang lang ang effort kong mag-cutting ng 15 minutes para lang abangan si Tim. Hindi rin pala ako nakilala.
Pagkarating ko sa classroom ay may kanya kanya paring mundo mga kaklase ko. May ibang nagkikwentuhan, nagkakantahan, at ang iba ay nakatungo at natutulog sa desk— and I'mma do that too.
“Coco, andito kana pala.”
Hinawakan bigla ng kaklase kong babae ang kamay ko kaya napatigil ako at binalingan siya. She's busy jotting down some notes pero mukang may kailangan siya sa akin.
“Ha?”
“Can I borrow your notes? O picture sa marketing na lesson? Kulang kasi ako.” Daisy gave me a small smile revealing her cute double-sided dimples kung may ganyan mang dimple.
I awkwardly laugh habang kinakamot ang batok ko. How can I tell her na hindi ako nakikinig? Hindi ko na din mabilang kung ilang beses akong naubo para lang makaalis sa awkward na sitwasyong ito.
Daisy is the sweetest and smartest person na kilala ko. And telling her that I haven't really been jotting down notes would be disappointing. Ayoko namang ma-disappoint siya sa akin, tsaka nakakahiya din kaya!
“Eto, hindi pa 'yan complete but you can borrow it. Balik mo nalang kapag tapos kana.”
Advertisement
Daisy beamed habang namumulang tinanggap ang notebook na inabot bigla ni Connor. Nakangiwi ko namang tiningnan ang bakla. Pa-knight in shinning armor ang epek. Ang sarap hambalusin ng upuan.
“Uh, t-thank you Connor.” Daisy tucked her hair behind her ear na nagpasindak sa akin. I hysterically put my hands on my chest bago 'di makapaniwalang umiiling iling sa nakatalikod na ngayong si Daisy.
“Muka kang tanga, beh.” Nandidiring tinampal ni Connor ang pisnge ko kaya umayos ako ng tayo at sinamaan siya ng tingin.
Yung mga galawan ni Daisy. Mga galawan ko din 'yan kapag may crush ako eh. Naku 'wag mong sabihin na bet niya si Connor? Aguy 'wag na sa kanya. Nagpipills ang baklang 'yan. Wala nang pag-asa.
“Gaga.” Umiirap akong nilampasan ni Connor at naupo na sa designated seat niya. Naupo nalang din ako sa tabi niya at sinamaan siya ng tingin.
Paasa talaga ang baklang 'to. Pati si Daisy nahulog sa patibong ng chinitong barbie na 'to. I mean yuck, kung titingnan hindi naman gwapo si Connor.
Sino bang nagsabing gwapo ang mga chinito? Kailan pa naging attractive ang singkit na matang nawawala kapag cute siyang tumatawa? Sino ba nagsabing maganda tingnan ang side profile niya dahil sa matangos niyang ilong at defined niyang jawline?
Pusang gala.
Oo na, gwapo na siya. Wala na akong magagawa diyan. Muka niya 'yan eh, ano pang magagawa ko?
“Natomboy kana ba diyan? Kadiri.” Bigla itong lumingon sa akin kaya napaatras ang muka ko. Kanina pa pala ako nakapangalumbaba habang nilalapit ang muka ko sa muka niya para suriin. Nakakahiya.
“Wala may hinahanap lang ako.” I cleared my throat saka kinapa kapa ang desk at ang bag ko para kunwari naghahanap ako. I saw how the corner of his lips rose bago parang automatic na tumaas ang kilay niya.
“Gaga, muka bang nasa muka ko ang hinahanap mong 'yan?”
I scoffed. “Aba malay! Sa laki ba naman ng pores mo baka nakatago na diyan.”
Connor's singkit eyes widen at parang shock na shock dahil sa sinabi ko. Siguro dahil kung may kinaiinggitan man ako sa baklang 'to, yun ay ang clear skin niyang ang sarap tusukin para magka-pores naman kahit papa'no.
“Kaloka, ang sarap mong tirisin!” Hinila ng walangyang bakla ang ilang hibla ng buhok ko na sinuklian ko ng masamang tingin. Kainis.
Hindi ko mabilang kung ilang minuto din na-late ang prof namin. Nang magsimula siyang mag-discuss ay halos wala ding nakikinig sa kanya.
Sino bang magiging interesado sa pakikinig kung kasing bagal ng internet sa dorm ang pagbabasa niya? Tapos every sentence nalang na bibigkasin niya nagtatanong siya ng random student pero hindi naman sasagutin.
I feel bad pero hindi niya rin kami masisi kung hindi kami makinig.
The class ended 2:35 pm. At dahil maaga pa ay tatambay muna kami ni Connor sa dorm ko. Kilala naman siya ng guard dahil minsan na ring dumadalaw si Connor sa amin.
“Ano? Bumili ka ng fish? As in isda?” Kunot-noong reklamo ng bakla na para bang hindi siya pabor sa naging desisyon ko.
“Oo, bakit? Ang cute kaya nila.” Pagmamalaki ko pa. We passed by the architecture building, my eyes automatically roamed but no Timothee was found so I proceeded walking.
“Why did you impulsively bought a fish?” He groaned.
I was offended!
“That wasn't impulsive! Matagal ko ding pinagplanuhan ang pagbili ng isda no.”
“Oh really? Since when did you have an aquarium?” Pagkasabi niya nun ay napalunok ako. Contemplating whether I should tell him, or not?
“Actually, nilagay ko siya sa isang glass bowl?” It was more like a question rather than a statement kaya halos manlaki ang mata ni Connor at tinakbo na ang daan papuntang dorm.
“Gaga sure kang mabubuhay yun?” Dahil sa pagmamadali niya ay naalarma na din tuloy ako. Mamamatay na ba si Coco at Tim? No!
“Saglit baks, kinakabahan ako sa'yo.”
Pagkarating namin sa building ay di na namin binati ang guard at dumiretso na agad sa elevator. Thankfully it opened instantly kaya nakasakay kami agad. Pagakabukas na pagkabukas din ng elevator ay kumaripas ng takbo si Connor papuntang kwarto ko at nagkakakatok.
“May klase pa si Esther, wala siya diyan.” Natataranta kong kinuha ang susi at pinasok sa doorknob. After some turn ay nabuksan ko din yun.
“Asan mga isda mo?” Tinuro ko kaagad ang maliit na dining table namin kung saan naroon ang pabilog na bowl na gawa sa clear glass.
“Kaloka, akala ko na-prito na ni Esther.” Lumuhod ito sa sahig para mapantayan ang mesa kung saan nakapatong ang bowl.
“Grabe ka naman kay Esther.” I chuckled. “Since when did she started liking fish?” Naupo ako sa isa sa mga upuan at tiningnan ang nakangiti muka ng bakla habang tutok na tutok sa mga isda ko.
“May pangalan ba sila? Like Nemo or Dory?”
“They're not clown fish, Connor. It's a guppy fish.”
Umirap lang ang chinito niyang mata sa akin.
“Tim, and Coco. Yun ang pangalan nila.” Sagot ko habang tinatanggal ang sapatos ko pati narin ang medyas. Napatigil si Connor at tiningnan ako na para bang nandidiri siya at hindi makapaniwala na yun talaga ang pinangalan ko.
“Kadiri. Mas bet ko Connor.” He smiled again. “Connor ang pangalan ng isa, final na.”
Pusang gala. Isda niya?
“So ano? Tim and Connor? Eh ako yung may-ari kaya dapat ako.” Binato ko sa kanya ang isang pares ng medyas ko. Sakto namang tumama ito sa may bibig niya kaya halos masuka na siya habang sinasamaan ako ng tingin.
“Ede Connor and Coco.” Seryoso niyang sabi. Napakurap maman ako ng ilang beses. Seryoso ba siya?
“Ayoko,” Nag-iwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paghubad ng kabila kong sapatos. “Mag-jowa sila kaya dapat Tim for my baby and Coco for me.”
Tumayo ako at iniwan na siya doong nakatalikod. Lumapit ako sa cabinet ko at naghanap ng pambahay o komportableng damit para makapagbihis na. Napalingon muna ako kay Connor at wala naman itong imik. Nag-give up na siguro.
“Pwede namang jowain ni Connor si Coco ah?”
Napatigil ako sa ginagawa ko at napabaling kay Connor. Nakatalikod parin ito sa akin habang nakatitig sa bowl ng isda ko habang pinopoke niya ang salamin. I blinked fast again, still processing the shit he told me.
“Adik, kadiri. Tim and Coco parin for the win.” Tumawa pa ako ng malakas bago lumapit na sa Cr para makapagbihis. Pagkasara na pagkasara ko nang pinto ay narinig kong nagsalita muli si Connor, which made me froze in my spot.
“Mas bagay padin Connor and Coco, diba mga isda?”
And now he's asking sympathy from my guppies? The nerves of this gay!
• • • •
unedited again hehe stay safe xoxo
Advertisement
Grimm Darkfyre -- Darkening Dungeon
Grimm Darkfyre is not a hero. In fact, he's hired to kill those who worship heroes. As a Dark Wizard, for the Wizard's Guild, his job is to annihilate good things. But when he has an opportunity to turn his life into something entirely different, like owning a dungeon, things look a bit better for him. Can he fight against fate, and overcome the obstacles that are trying to hold him back?If you like Dark Villains, Grim Dark Story-lines, Dungeon Core, Kingdom Building, LitRPG stats, and Anime-style combat and world building, then you're going to love Grimm Darkfyre.
8 203Mythron Chronicles
Savo is an accomplished man in the business world and seeks to build his urban empire. At age twenty-four, he has succeeded in creating one of the most prominent brands in the country. Wearied by his daily work and responsibilities, Savo finds asylum in tinkering. His leisure trips and vacations had led him to discover an object which would proceed to redirect his life plans. Transported to another world, left to witness its wonders and horrors, and staying true to his ambition of returning home, Savo traverses the world of Mythron in hopes of returning home. Yet, how is he to do this? It seems that the world is somewhat set on sabotaging his plans yet again.
8 196Apocalyptic Invasion
What will happen if your planet suddenly faces an apocalypse? What will you do when you discover that the Apocalypse is the result of an invasion? Experience Alex's quest for truth by following his journey.
8 202Fracture: Tales of the Broken Lands
Fracture is a place where broken things are sent to become whole. The landscape is a chaotic amalgamation of fragmented worlds smashed together by the Logos. The Broken Lands are a perilous place filled with intrigue and hardship which suffocates the weak and rewards the strong. However, the denizens of Fracture are not left to the mercy of the land and its rulers. Each inhabitant is bestowed with the power of the Logos upon arrival giving them the ability to grow stronger by slaying monsters, fulfilling objectives, and collecting coveted Relics. Jack is a man down on his luck. Five years ago, he woke up in Fracture, a nexus of dying worlds formed by the Logos, with no memory of his past. Chased by the powerful, tormented by his failures, and scarred from loss, Jack has fallen into a downward spiral as he dodges his pursuers who seem to know more about him than he does himself. To hide, he takes up a false identity as Atlas, a freelance relic hunter hiding under the noses of those who hunt him. One day, a routine job takes a turn for the worse and spirals out of control forcing him to face his fears and survive the most dangerous mission of his life. I commissioned the artist, germancreative, for my cover art.
8 147Infinite Swordsman and His Cafe
A man was filling a CYOA that ROB sends to his email. Now he is in the other universe and tries to have a simple life and finish the task that ROB gives him. Try to survive for ten years.
8 79Collection of Imagines (complete)
Imagines about various people. Mainly the C4 friend group.*= personal favouriteshighest rankings:#1: Bobby Mares#2: Oscar Guerra, Crawford Collins© midnightxxmoments All rights reserved
8 57